UNANG beses ko itong makalabas ng Pilipinas. Sari saring kaba at excitement ang aking nararamdaman. Unang beses kong sumakay ng eroplano at hindi ko alam na ikinasaya ko ba iyon o hindi dahil sa pagsuka ko. Nahiya pa nga ako noon dahil katabi ko lang naman si Tantan na walang ginawa kung hindi ang mag-alala sa akin. At ngayong nasa Thailand na kami para akong manok na hindi matae dahil sa sobrang kasiyahan. "Oh my gosh! Oh my gosh! Pakisampal ng ako Tantan." Sabi ko kay tantan habang nagchecheck in kami sa hotel. "Why would I?" Tanong niya pabalik. Natatawa. "Baka kasi nananaginip lang ako." Sabi ko pa. Hindi pa rin makapaniwala. "I rather prefer a kiss than slapping your pretty face." Aniya at namalayan ko nalang ang pagdampi ng mainit niyang labi sa pisngi ko. Napahawak tuloy ako s

