"VENICE, may gagawin ba kayo ng mga kaibigan mo bukas?" Isang umagang tanong sa akin ni Tita Tina habang nagbebreakfast. Napaisip ako. Wala naman kaming napagkasunduang gawin maliban na lang sa paggagala sa kung saang-saang mall nina Nicole para magwindow shopping. Wala rin namang gagawin ang mga boys na kasama namin. In short team bahay kaming lahat ngayong vacation. Umiling ako. "Wala naman po, Tita." Sagot ko. Malapad na ngumiti si Tita Tina na para bang masaya siyang walang kaming gagawin bukas. "So, pwede mo ba silang isama bukas aalis kasi tayo." Nakangiting tugon ni Tita Tina. "Lahat po sila, Tita? Sure po kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Yup! Lahat ng mga kaibigan mo." Tumango na lang ako bilang sagot. Baka naman magpipicnic kami sa tabing dagat o something. Knowing Tit

