JESSICA MARIE ALCANTARA’s Point of View HI, I’m Jessica Marie Alcantara. Matalik na kaibigan nina Maymay at Nicole mula grade seven. Isa lang masasabi ko tungkol sa aking sarili iyon ay isa akong 'Dyosa'. Yes, dyosa ng kagandahan. Dahil salong salo ko lahat ng ganda na ibinato ng ating Amang nasa langit. Pero sabi nga nila, kahit anong ganda mo wala din namang kwenta kung iyong lalaking gusto mo hindi ka naman gusto. Psst, secret lang natin ito. Simula nang makilala ko kasi si Jibbson nagkagusto na ako sa kaniya. Gwapo siya, masipag at hindi nga siya gaanong matalino pero makikita mo namang pursigido siya. Hindi siya mahirap magustuhan kaya sobrang taka ko talaga kung bakit dinedeadma lang siya ni Venice. Don't get me wrong, hindi naman ako naiinis kay Venice o ano. Ang akin l

