VENICE MARTINEZ's Point Of View SOBRANG sakit ng ulo ko. Daig ko pa ang nakainom ng alak sa sakit nito. Napaupo ako saking kama habang nakahawak saking noo. Hinilot hilot ko iyon. "Hanggang kailan mo balak umupo diyan sa sofa?" Parang biglang naglaho iyong antok at sakit ng aking ulo pagkadinig sa boses na iyon. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong prenteng nakaupo sa kabilang sofa si Jared. Bihis na bihis na siya. "Morning," bati ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako. "Anong oras na?" "7:40 a.m" "Weh, di nga?" 8:30 kaya ang pasok namin at ngayon na ang midterm exam! "Then take a look at the clock, idiot." Yan na naman ang sungit niya. Ang aga aga sinungitan ako. Hmf pasalamat ka tinuruan mo ako kung hindi pipitikin kita sa tainga

