HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Daig ko pa ang nastartruck ng sobra. Si Jibbson Ramirez? Ang kababata ko na matalik ko ring kaibigan may gusto sa akin? I can't believe it! "May, okay ka lang?" Takang tanong ni Nic habang kumakain siya ng burger. "Ha?" Taka kong tanong at napalingon sa gawi niya. Linunok niya iyong kaniyang pagkain bago nagsalita. "Kanina ka pa namin tinatanong pero nakatulala ka lang diyan at para bang ang lalim ng iniisip mo. Tell me nga, binubully ka ba ng mga taga class A?" Mabilis akong umiling. Alam ko maraming ayaw sa akin ng mga taga class A pero hindi naman ganoon katindi na nagagawa nila akong bullyhin. "Eh, anong problema mo para mapatulala ka diyan? Hindi mo pa nagagalaw iyong egg sandwich mo." Nginuso niya iyong hawak-hawak kong pagkain na

