VENICE MARTINEZ's Point Of View WALA na talaga akong nagawa. Ako na talaga ang lalaban. Bantulot akong lumabas ng office ni Ma’am Pelayo matapos ko siyang makausap. Akala ko papayagan niya akong magback out pero hindi siya pumayag na hindi ako ang lalaban sa Instramurals. Naabutan kong hinihintay ako sa labas nina Nicole, Jessica, Jibbson at Francis. Napasimangot ako pagkakita sa kanilang apat. "Oh anyare sa iyo?" Sabi ni Jess. Nakangiti. Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ikaw! Bakit mo naman ako nirecommend? Alam mo namang wala akong kaexpe-experience sa mga beauty pageant na ganiyan. Baka pagtawanan lang ako roon." Naiiyak kong sabi. Lumapit si Nicole sa akin at hinagod ang likod ko ng paulit-ulit. "Okay lang iyan, May. Irerecommend ka ba ni Jess kung hind

