VENICE MARTINEZ's Point Of View "OKAY, ganito ang magiging sistema. Unang rarampa ang girls pagsumignal na ako ng go. Then, sasayaw sila ng kaunti, iyong tinuro ko kanina at ang huli noon uupo sila na nakaside view wearing their captivating smile. Pagnakaupo na lahat ng girls iyon na ang signal para pumasok naman ang mga boys. Iikot sila sa inyo girls at sasayaw rin sila. After namang sumayaw ng boys tatayo kayong lahat girls at iikot sa inyong escorts then magpopost kayo at start na ng pagpapakilala isa isa. Is that clear?" Malakas ang boses na sabi ng baklang nagtuturo samin. Tumango kaming lahat. "I need an answer. Hindi kayo pipi para hindi sumagot." Maarte niyang sabi. "Okay!" Sabay sabay naming sagot na halos dumagundong na sa loob nitong gym ng school namin. "No

