"UY, tama na iyan." Napalingon ako kay Tantan na nakahawak sa beer na iniinom ko. Nandito kami sa mini-restaurant ni Papa dahil birthday ni Sir Bornasal ang P.E teacher namin at pinayagan niya kaming uminom. "Ano ka ba Tantan wag ka ngang masyadong killjoy." Sabi ko at hinawi ang kaniyang kamay saking beer. "Nagkakaganiyan ka ba dahil sa pagkatalo namin o dahil sa nakita mo kanina?" Aniyang walang kangiti ngiti ang mukha. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Wala. Gusto ko lang uminom." Sabi ko tsaka uminom ulit ng beer. "Parang hindi naman talaga iyan ang dahilan." Ani Tantan. Hindi ko siya pinansin. Oo. Aaminin ko. Nasaktan talaga ako kanina. Na sa sobrang sakit hindi ko mapigilang mamlumo at uminom ngayon. Mabuti na nga lang pinayagan kaming uminom ni Sir Bornasal kahit alam kong baw

