INTIMACY COUNTS:
Five Hundred Seventy
***
Drake is on the bed looking af the ceiling. same position as always. A living statue na hindi kailangang gumalaw ng kahit kaunti.
His eyes gazed sa pintuan ng bathroom, uneasy. Drake decided to face the other side para makatulog siya at hindi siya makatingin sa pintuan ng bathroom.
Why am I so excited to see her out of the bathroom? I should go to sleep. I have to sleep bago siya makalabas ng bathroom.
Drake fakingly closes his eyes as he hears the door opens and closed. A few seconds, naramdaman niyang humiga na si Maia sa kama, also facing the other side of the wall.
"Tulog ka na?" tankong ni Maia habang nililibot ang tingin sa pader na may mga paintings.
Drake looks at the wall, blinking.
Bakit naman gusto niyang malaman kung tulog na ako o hindi? May sasabihin ba siya? May problema ba?
But Drake didn't answer Maia.
"Salamat sa pagbili ng pads sa'kin kanina, nakalimutan ko yatang sabihin 'yun sa'yo," saad ni Maia.
Still, Drake did not answer. Still blinking, looking at the wall.
Yeah, no problem.
"Malamang inis ka sa'kin kanina kasi nautusan kita, ako lang yata ang gumawa noon sa'yo," Maia said sadly.
Drake moves his eyes, frowning.
Now she's starting to feel guilty?
"I swear, if ever na may gusto kang ipagawa sa'kin, I'll do- everything you'll ask," said Maia while smiling at herself still looking at the painting.
Sumimangot si Drake habang sarado ang mga mata niya,
Everything I ask, huh?
Drake tries to open his eyes but it was halfway.
I'm sleepy.
"That was dumb to say but I do owe you one," dagdag pang sabi ni Maia.
But for Drake, her voice sounds like echoing in his mind. His eyes are closed as he sleep.
Maia turns around to see if Drake's awake or asleep, pero nakatalikod ang lalaki sa kaniya.
Tulog na siguro siya, sabagay mukhang napagod siya sa pangahoy nila kanina.
Bumalik si Maia sa dating pwesto, looking and facing at the side of the wall.
Biglang kumidlat ng malakas kaya napatili si Maia, sabay taklob ng kumot sa buong katawan niya.
"What's- wrong?" mahinang tanong ni Drake.
Nanlaki ang mga mata ni Maia, she keeps on hiding behind the big sheet.
I'm scared of thunder ganoon din sa lightning. Feeling ko na parang ako ang tatamaan ng kidlat anytime na magpa-flash ang lights nito kasabay ang malakas nitong dagundong. Usually, 'pag alam kong may thunderstorm, nagkukulong ako sa kwarto ko since hindi ko halos marinig ang kulog at kidlat at masiyadong kulob ang buong kwarto ko. But now, I feel like I'm in the open area at anytime tatamaan ako.
Dumikit si Drake ng kaunti kay Maia, agad naman nag-react and babae,
"What are you doing?!" nagpa-panic nitong tanong kay Drake.
Nanliit ang mga mata ni Drake looking at Maia na nakatago sa malaking kumot.
"Mayroon akong singsing na silver, gusto kitang tabihan para dalawa tayong matamaan ng kidlat," seryosong sagot ni Drake while lifting his hand up pero wala naman siyang suot na singsing.
"Ha?!" bulalas ni Maia sabay usog papalayo kay Drake. Muling kumidlat sa labas, tumili muli si Maia mas lalong nagtago sa kumot.
Drake moves closer kay Maia, he grabs the sheet off as he hugs Maia. His arm wrapped around her waist, tapos nilusot ni Drake ang isang braso niya sa may leeg para ipitin ito ng ulo ng Maia at mayakap niya ang balikat nito.
Nanlalaki ang mga mata ni Maia,
He hugs me. Nahalata niya bang natatakot ako sa kidlat? His body covered my whole body, never thought na ganito nga kalapad ang katawan niya compared to mine. His body's also warm, I feel so secured and safe.
Maia holds Drake's arm as she closes her eyes to sleep.
"Thank you," bulong niyang sambit habang nakatalikod siya kay Drake who's hugging her from behind.
Sarado ang mga mata ni Drake habang ang mukha niya nakatutok sa mga buhok ni Maia.
Her hair smells so great, her body is so slim they're so fit right in my hands. I know this will be the last moment dahil sigurado akong hindi na niya ako papayagan pang matulog kasama siya tomorrow, might as well enjoy this with the fullest. But- I'm so sleepy.
They both closes their eyes, feeling each other's warm. Napangunot si Drake ng noo.
My heart beats faster. I wonder if this is a sign of something na kinakatakutan ko. I like Maia, that I can't deny. Takot ko na lang na pagkatapos nito, tratuhin namin ang isa't isa like a real strangers. Though there's part of me na ayaw kong mangyari 'yun, pero hindi iyon imposibleng mangyari. For now, I have to make sure she's safe.
Drake smirking at himself,
Kung isa man sa'min matamaan ng kidlat at least dalawa kaming mamamatay.
***
Drake opens his eyes, nilibot ang tingin sa paligid, napalingon din siya sa tabi jiya but Maia's not there.
Ang aga niya yatang nagising ngayon?
Nakaupo si Maia sa isa sa mga duyan malapit sa baybay-dagat. Nakatanaw sa malayo.
I should thank Drake mamaya. He secured me last night hanggang sa makatulog ako, I never felt so safe like that. Niyayakap din ako ni Oliver dati but Drake's arms are way different. Bakit kaya?
Maia touches her chest to feel her heartbeat.
Do I like Drake na hindi ko ba namamalayan?
Naramdaman ni Maia na may isang taong lumapit sa kaniya kaya naman napalingon siya dito,
"Drake, good morning!" bati ni Maia habang nakangiti but it wasn't Drake. Agad na natanggal ang ngiti sa labi ni Maia.
"Good morning din sa'yo," bati sa kaniya pabalik ni Travis na nakangiti din sa kaniya.
Umiwas agad ng tingin si Maia, "Ikaw pala, Travis," mahinang sabi ni Maia habang pinagpatuloy ang pagtanaw sa malayo.
"Ang aga mo dito, ah?" pansin na tanong ni Travis.
"Napa-aga kasi gising ko," sagot naman agad ni Maia.
Bakit parang feel ko hindi ako comfortable?
"Kaya pala," simpleng sagot ni Travis. "Mukhang nagkakasundo naman kayo ng partner mo, kumusta kayong dalawa?" pag-usisa ni Travis kay Maia.
"Ayos naman kaming dalawa, hindi mahirap pakisamahan si Drake though pabigat ako sa kaniya," pag-oopen namang sagot ni Maia.
"Buti ka pa," Travis sadly said.
Napalingon naman agad si Maia sa sinabi ni Travis, "What do you mean?" tanong niya.
"Nahihirapan akong makisama kay Jamaica, hindi ko alam kung anong problema niya," malungkot na pagshe-share ni Travis. "Ilan lang ang points na nagawa namin, this time, mukhang mas mahirap ang buhay naming dalawa," pagpatuloy na pagshare ni Travis.
"Baka naman may problema isa sa inyong dalawa na hindi niyo sinasabi sa isa't isa?" tanong ni Maia para bigyan sila ng clue upang bigyang solution ang problema ni Travis.
"Wala namang sinasabi si Jamaica kung anong problema niya, eh. Kaya wala akong idea," sagot agad ni Travis.
"Si Drake, napapansin niya ang mga bagay na ayaw ko and I can tell na iniiwasan niya 'yung mga bagay na hindi ko magugustuhan or hindi ako magiging comfortable. Siguro Travis, observe her a little more. Pag-aralan mo 'yung mga bagay na gusto at ayaw niya," advice ni Maia.
"Ginagawa ko naman 'yan, eh. Siya lang talaga ang hindi ko maintindihan!" inis na sagot ni Travis.
Napalingon naman si Maia kay Travis na may halong pagtataka at takot sa lalaki,
Eh, ba't ka galit?
"Eh- pag-usapan niyo 'yang dalawa, mag-partner kayo sa islang 'to, mas better kung pag-usapan niyong mabuti kung ano 'yung problema," mahina at mahinahong sagot ni Maia.
***
Drake opens the front door, nakita niya agad sa baybay-dagat si Maia kausap si Travis. Isasara niya sanang muli ang pinto nang tumawag sa kaniya ang babae na kapit-bahay lang din nila.
"Drake? Ikaw si Drake, 'diba?" tanong ni Jamaica. She's shy and slim, maliit itong babae and she's teary.
"And you are?" patay-malisya niyang tanong sa babae.
"Jamaica," she answers kahit pilit lamang ang ngiti niya.
"Any problem?" unintentionally na tinanong niya sa babae, habang ang mata niya nakamasid kay Maia.
"Ahm... My partner's my problem," mahinang sagot ni Jamaica.
Napangunot ng noo si Drake, finally stares back af Jamaica na halatang mugto ang mga mata nito.
"Yeah?" curious na tanong ni Drake.
"Mababa ang points namin last month, kaya ngayon, we're totally broke," pag-oopen ni Jamaica, nagsimulang tumulo mga luha niya.
"That means, hindi kayo nag-gain ng points? But why? Alam niyo naman sigurong nakasalalay sa points niyo ang buhay niyo rito," sabi ni Drake while looking at Jamaica sincerely.
"I know. Pero kasi-" nag-aalinlangang sagot ni Jamaica, "Hindi ko kayang makipag-flirt kay Travis," yumakap si Jamaica kay Drake sa beywang nito at umiyak.
"Hey.." mahinang saway ni Drake kay Jamaica habang nakamasid kay Maia pero hinigpitan ni Jamaica ang pagyakap sa kaniya.
"Please, pwede bang makipag-palit ng partner sa'yo? Gagawin ko lahat ng gusto mo, I swear," desperadang mangiyak-ngiyak na sabi ni Jamaica. "Marunong akong maglaba, magluto, mag-massage, ahm... marunong din ako sa mga bagay-bagay, just- please... Ako na lang partner mo," patuloy pa nitong pagmamaka-awa kay Drake.
"But-" Drake answers, naputol dahil sa mahigpit na yakap sa kaniya ni Jamaica.
"Parang awa mo na," Jamaica pleases, "I'll do everything you want me to do, promise. You can make me a slave or whatever, basta makipag-palit lang ako," desperadang iyak niya kay Drake.
Maia looks at Travis, "Nagawa mo na ba siyang kausapin?" tanong niya sa lalaki.
"Ayaw naman niya akong kausapin. Lagi siyang galit o kaya nahihiya. Tapos, lagi kaming nag-aaway," sagot naman ni Travis.
Bumaling ang ulo ni Maia to check the door ng kanilang cabin,
Baka gising na si Drake, wala pa pala siyang almusal.
But she sees Jamaica hugging Drake.
Travis put his hand on Maia's shoulder at sabay hinawakan ang mga kamay niya, "Paano ko ba magagawang kausapin sh Jamaica, turuan mo 'ko," Travis asked.
Maia look at Travis hands,
Akala ko mutual na kami ng feelings, kakayakap niya lang sa'kin kagabi, ngayon, may iba namang yumayakap sa kaniya. Hindi man lang niya pinaalis papalayo. Parehas lang sila ni Oliver, babaero.
Ngumiti si Maia kay Travis then she holds Travis hands. "Subukan mo siyang kausapin ng mahinahon, bigyan mo siya ng space, ipaalala mo sa kaniya lahat ng mga rules na dapat niujng gawin to live, baka umabot kayo dito ng one year, gusto niyo ba 'yun?" nakangiti niyang advice sa lalaki.
"Buti ka pa understandable person, sana ikaw na lang naging partner ko," unsecured na sambit ni Travis, "Swerte ng partner mo sa'yo," dagdag niya pa.
Natawa naman si Maia sa sinabi ni Travis, "Hehe, ang totoo niyan, ako ang swerte sa kaniya," sagot niya.
Drake stare back at the seashore. He saw Maia and Travis holding each other's hands. Napangunot ang noo niya sa nakita,
Sakit sa mata.
He gently pushes Jamaica away.
Nakuha niya pang tumawa at ngumiti sa baboy na 'yun, nakikipag-holding hands pa siya. Akala mo kung sinong conservative, ayaw magpahawak sa'kin ng kahit hibla ng buhok niya, bawal. Tapos ngayon, nakikipag-flirt siya sa baboy na 'yun.
Masamang tumingin si Drake kay Jamaica, "Hindi ako papayag," cold niyang sagot sa babae. Nanlaki at napanganga si Jamaica sa narinig.
"What?" mahinang tanong ni Jamaica.
"Pa-prangkahin na kita," Mas lalong tumalim ang tingin ni Drake kay Jamaica, "Mapili ka sa lalaki, gusto mo gwapo ang maka-partner mo. Dahil mataba 'yang naging partner mo, ayaw mong gampanan ang role mo bilang partner niya sa islang 'to," harsh niyang sabi kay Jamaica. "Wala akong pakialam kung paano kayo mabubuhay sa islang 'to, kung mamatay din kayo sa gutom, I don't care. Hindi ako makikipag-palit ng partner, okay? Maia's mine, wala na dapat ibang mang-aakin sa kaniya kundi ako," cold nitong dagdag na sabi kay Jamaica sabay pasok niya sa cabin at sinarado ang pinto.
Jamaica stunned there looking at the door. Para siyang tinusukan ng maraming kutsilyo at bihuhusan ng malamig na tubig, kasama na rin ng isang drum bg katotohanan sa mga sinabi ni Drake sa kaniya.
Agad na binawi ni Maia ang mga kamay niya from Travis. Tumayo siya at ngumiti ng matamis sa lalaki.
"Aasahan ko ang pag-improve ng relationship niyo, ha?" masaya niyang sambit kay Travis. "Hindi pa ako nakapag-almusal, eh, kaya mauuna ako," pagpapaalam niya kay Travis.
"Sige, sana makausap kita ulit," nakangiti ring sagot sa kaniya nh Travis.
Ngumiti na lamang si Maia then she walk away.
Hope not.
Nakita niyang tumakbo papalayo si Jamaica,
Tapos na 'yung yakapan nila?
Mabilis na narating ni Maia ang pinto at pumasok sa loob. She saw Drake na nakaupo na sa sofa at nagkakape habang nagbabasa ng libro.
"Good morning," bati ni Maia.
"Morning," simpleng sagot ni Drake.
Dumiretso si Maia sa kusina para magtimpla ng sarili niyang kape.
He's quiet. Ano na naman kayang tumatakbo sa utak niya? Malamang masaya siyang may nakayakap siyang babae habang nakatalikod ako. Babaero.
Nakangunot ang mga noo ni Drake while looking at every words in his book,
Pero ni isa yata sa mga salitang 'to, hindi ko maintindihan. Masiyadong harsh ang mga sinabi ko ky Jamaica, sana lang okay siya. Am I being jealous?
Humigop ng kape si Drake,
She have crappy taste sa mga lalaki, sa hutsura kong 'to kapalit-palit na ba sa isang matabang lalaki? Unbelievable. Women sure are complicated.
Umupo si Maia sa couch dala ang tasa ng kape. Palihim na nagmasid si Drake kay Maia,
Sabagay, mukha namang hindi maarte si Maia sa pagpili ng lalaki. Her s*x appeal is quite amusing too. Madali niyang mapaibig ang lalaki sa simpleng mga bagay na gawin niya. Nagkakagusto na ba ako?
Drake touches his chin, rubbing it. Then he touches his ear.
Sana lang hindi ako nagba-blush sa harap ni Maia. Sa ngayon siguro, hindi ko na muna siya papansinin.
Maia looks at Drake na busy sa binabasa nito while holding and rubbing his chin.
I feel something awkward between us. Dahil ba sa nangyari kagabi? Unti-unti nanpalang tumutubo ang balbas niya. May lahi ba siyang foreign? It's stubble kind of beard.
Maia huffs a smile,
Nagmumukha na siyang unggoy.
Humigop si Maia ng kape para hindi mapansin ni Drake ang pagngisi niya. Pero busy si Drake na mag-focus sa binabasa niya para 'di pansinin si Maia.
I can't just focus here, naalala ko 'yung kagabi.
Napatingin si Drake kay Maia, nahuli niyang nakatingin ito sa kaniya, agad na umiwas ng tingin si Maia.
So she secretly checking me out.
Drake sighs then stands up. Nilapag niya ang librong hawak niya, at inubos ang kape. Saka tahimik na umalis ng sala si Drake at pumasok sa kwarto then to the bathroom to take a bath.
Nagtataka naman si Maia habang nakatingin sa kape,
Ba't ang tahimik niya ngayon? May nagawa ba akong 'di niya ginusto? Wait-
Nanlaki ang mga mata ni Maia,
Hindi kaya, nireregla din siya?
Hihigop muli ng kape si Maia nang may kumatok sa pinto nila,
"Wait lang," saad ni Maia then she stands up.
Sino naman kaya 'yun? Franklyn?
Maia opens the door, si Jeff na nakangiti sa kaniya.
"Good morning, misis!" bati sa kaniya ni Jeff.
"Good morning!" balik na bati rin ni Maia,
Nahilig na yata silang tawagin akong misis. Hindi naman talaga kami mag-asawa!
"Birthday ko ngayon, gusto ko kayong i-invite sa bahay para sa konting salu-salo saka sa konting inuman," nakangiting inform nito kay Maia.
Maia looks surprised as she smiled widely, "Happy birthday! Ilan taon ka na niyan?" sagot ni Maia, still holding the door open.
"Ahm... 36?" sagot ni Jeff.
"Matanda ka na." pabirong sambit ni Maia at tumawa silang dalawa.
"Kaya nga, naisip kong mag-asawa at magka-anak na. Life is short, baka 'di ko mamalayang matanda na ako," nakangiting saad ni Jeff.
"Tama ka d'yan, kuya." sang-ayon ni Maia.
"Aasahan namin ang pagdating niyo sa bahay mamayang gabi," ani ni Jeff sabay wave nito sa kaniya to walk away slowly.
"Sige!" masayang sagot ni Maia. Sinarado agad ni Maia ang pinto pagkaalis ni Jeff. Bumalik siya sa sofa at pinagpatuloy ang pag-inom niya ng kape.
Inuman na naman? Noong last time, nalasing ng todo si Drake, nalaman kong may affair sila ni Karina, ngayon kay Jamaica naman? Balak niya bang ika-relasyon lahat ng babae dito?
Inubos niya ang kape,
Nagseselos ba ako?
Kinuha ni Maia ang baso niya at pati na rin ang baso ni Drake sa coffee table at nilagay ang mga iyon sa lababo, saka siya pumasok sa kwarto para buksan ang maleta niya para maghanap ng damit.
Kailangan ko bang magsuot ng daring? Magsuot ba ako ng pang-sexy para mapansin niya ako, para 'di na siya mambabae? Ano kayang isusuot ko mamaya?
Bumukas ang pinto sa bathroom, napalingon agad si Maia. They both shared their surprised stare.
Drake's on his boxer, he's topless. Namumula na ang mga mukha ni Maia.
"What are you doing here?!" bulalas ni Drake.
"Ah- ahm.. K-Kumukuha ako ng damit!" bulalas din ni Maia.
Ngumunot ang noo ni Drake as he walks closer in their closet at kumuha ng maisusuot niya.
"Akala ko ba wala munang papasok ng kwarto kapag maliligo ang isa sa'tin?" pagpapa-alala ni Drake habang kumukuha ng damit.
Tumalikod agad si Maia paharap sa maleta niya.
"N-nakalimutan ko, eh. Pasensya na," nanginginig na sagot ni Maia.
Naka-boxer lang siya! Makasalanang mga mata ba't sa ibang parte yata ako tumingin kanina. Sana lang 'di niya 'yon napansin. Nakakainis 'yung abs niya, nakaka-agaw pansin!
"Naughty," mahinang sambit ni Drake sabay sarado ng closet.
Sumimangot si Maia dahil narinig niya ang sinabi ni Drake.
Maka-naughty, wagas!
"Tapos ka na ba magbihis?" tanong ni Maia na patuloy pa ring nakatalikod kay Drake at nakatingin sa maleta.
"No," sagot agad ni Drake.
"Oo nga pala, pumunta si Jeff dito, birthday niya daw ngayon. Inaanyaya niya tayo sa bahay nila," pag-inform ni Maia.
"Ganoon ba?" mabilis na sagot ni Drake.
"Pupunta ka?" mahinang tanong ni Maia. Nagpapamatyag pa rin kung tapos na ba si Drake magbihis.
"Sure," sagot naman ni Drake. "Ikaw?" balik na tanong ni Drake sa kaniya.
"Mas close kayo ni Jeff, ewan ko kung mag-eenjoy ako doon," nahihiyang sagot ni Maia while looking at the suitcase sadly.
"So, ako lang pupunta doon?" said Drake.
Dahan-dahang lumingon si Maia to check kung tapos na bang magbihis si Drake, luckily, tapos na nga itong mabihis. Nakaupo ito sa kama habang pinupunasan niya ang sariling buhok ng tuwalya.
Agad na sinara ni Maia ang maleta at binalik sa ilalim ng kama at umupo din sa kama.
Napaisip si Maia sa tinanong ni Drake sa kaniya,
Kung siya lang mag-isang pupunta doon, malamang maglalasing na naman siya ng todo. I wonder kung nandoon din sina Jamaica at Karina.
Nanlaki ang mga mata ni Maia.
Jamaica at Karina. Malamang pupunta sila. Nakikita ko na yata sa imagination ko ang pagakbay ni Drake sa dalawang babaeng 'yon while laughing out loud. Hindi ako papayag.
"Pupunta rin ako," sagot ni Maia, smiling.
"Okay," simpleng sagot ni Drake, lumabas ito agad ng kwarto.
Naiwan si Maia sa kwarto, nakatingin sa saradong pinto.
Galit ba siya dahil pupunta ako sa birthday party ni Jeff? Bakit naman? Dahil 'di siya makapambabae doon?
Napahawak si Maia sa dibdib niya,
Nasasaktan na naman ako sa mga iniisip ko ngayon. Nakakainis! Babaero.
Dumiretso si Drake sa kusina para magluto,
Masyado ba akong dumidistansya? Para saan? Sa maling akala? Sa pagseselos ko ba? Holding hands lang naman 'yon, why I felt like it was a big deal? Kumapara sa ginawa namin ni Karina na hindi pa niya alam. Am I being unfair?
Pinagpatuloy ni Drake ang pag-asikaso sa pagluluto while his eyebrows frowning.
I want to know kung anong nararamdaman niya sa'kin. Are we mutual?
Drake sighs, I admit, I like her. There's still things I want to explore with her, the experiences of having a real relationship. 'Yung hindi lang friends with benefits, but a real relationship. O baka ako lang ang nagkakagusto sa kaniya? Kung ganoon man, talo ako.
***
Around 6:30 PM,
Nasa kwarto pa rin si Maia, holding a pants and a fitted shirt.
Mas okay nang ganito, simple but sexy.
Bagong paligo siya at nagpapalit siya ng damit.
Magdamag niya akong 'di pinapansin. Ano bang mayroon? Ano bang nagawa ko? Paano na 'yung pagpapataas ng points? Ganoon ba siya kakati mambabae?
Natapos si Maia magbihis, then she wears a light makeup. Lumabas siya hg kwarto, Drake stares at her.
"Ang tagal mo," reklamo ni Drake while his eyes glued into her.
"Sorry na, natagalan ako sa pagpili ng masusuot," nakangiting sagot ni Maia, lumapit siya kay Drake na nakatingin pa rin sa kaniya.
"Maia..." mahinang tawag ni Drake.
Their eyes met. Biglang naramdaman ni Maia ang kaba sa mga tingin ni Drake.
"Drake?" tawag din ni Maia, nagtataka.
"Nothing," sagot agad ni Drake sabay talikod sa babae para i-open ang pinto.
Gusto kong sabihing gusto ko siya. But the rejection scares me. Mas kinakabahan ako with Maia unlike to those women before. Mukha yatang natamaan ako kay Maia, talo talaga ako nito. This is so bad.
Nauna nang lumabas ng bahay si Maia, sumunod si Drake saka niya sinarado ang pinto. Napahinto si Maia pagkakita kay Karina na nasa gilid, mukhang may hinihintay.
Naunang lumakad si Maia, 'di pinansin si Karina.
"Pupunta ka Drake sa party?" tanong ni Karina.
Napahinto si Maia, Hindi niya ako pinansin but Drake?
"Yeah," sagot agad ni Drake. "Ba't ka nandito?" tanong pagkatapos ni Drake.
"Naghihintay sa'yo," pilosopong sagot ni Karina.
Inis na lumingon si Maia sa dalawa.
"Joke lang, naghihintay ako kay Jason," sabay bawi ni Karina then she smacks Drake's arm habang tumatawa. "Anyway, may sasabihin pala ako sa'yo," Karina seriously said.
"Ano?" sagot agad ni Drake.
Karina pulls Drake down para maabot niya ang lalaki. Nag-tiptoe siya dahil sa taas nito, slowly reaching Drake's lips.
Nanlalaki ang mga mata ni Drake looking at Karina in his deadly look.
What am I doing?! Stop her!
Drake grabs Karina's waist at hinigpitan niya uto. Nag-react naman agad si Karina sa sakit.
Karina stops, lumihis siya sa tainga ni Drake at bumulong, "Maia's so jealous, I'm sure she loves you," bulong ni Karina sabay bungisngis sa mukha ni Drake. Binitawan niya si Drake at gumilid muli.
Too late for Drake to notice, pero wala na sa unahan si Maia. Narinig niyang tumawa ng kaunti si Karina.
"Looks like she's gone," nakangisi niyang sambit kay Drake.
Masamang tumingin si Drake kay Karina, "Tigilan mo na ako," mahinang sabi ni Drake then he walks away from Karina.
I have to explain. Nauna na ba siya sa party? Nakita niya ba lahat? Damn you, Karina! Sinadya mong ipakita lahat kay Maia, kung pwede nga lang na 'wag na niyang malaman 'yung ginawa namin ni Karina sa bahay nila. Wala man nangyari sa'min, pero magiging iba 'yon sa pagkakaintindi niya. I don't want that to happen.
Narating ni Drake ang bahay ni Jeff. The door's open kaya pumasok siya. Jeff saw him.
"Drake!" tawag sa kaniya, kumaway si Jeff sa kaniya at lumapit sa kaniya while offering him the beer.
Napatingin si Drake sa beer, Saan kaya galing ang mga beer na 'to? I'm sure wala namang tinda ng beer sa islang 'to. Hindi kaya, preparation din 'to ni Shaira?
"Inom muna," ayat ni Jeff.
"Pass muna ako," pag-reject ni Drake.
"Sige na, 'tol. Birthday ko naman, eh," pamimilit ni Jeff still offering him the beer.
Kinuha ni Drake ang beer, agad siyang inakbayan ni Jeff, He's drunk already? Kailan ba nag-start ang party?
Drake drinks the beer, ngumiwi siya aa konting pait nito.
"Where's Maia?" tanong niya kay Jeff.
"Ah... Kasama niya si Hannah, nanghingi siya sa'kin ng tatlong beer," sagot naman ni Jeff.
"Binigyan mo?" medyo malakas na tanong ni Drake.
Ang alam ko, hindi siya umiinom. Hindi nga ba?
"Well, she's kinda looked like upset kaya binigyan ko," sagot naman ni Jeff sabay inom sa hawak nitong beer.
Drake looks around to find Maia. She saw everything. Malamang.
"Where is she?" tanong niya kay Jeff.
"After you finish your drink," condition na sagot ni Jeff sa kaniya.
"Sabihin mo na lang," inis na sabat ni Drake.
"Drink," pamimilit ni Jeff.
Inis na inubos ni Drake ang isang bote ng beer, he even burp a little, his eyes become flashy so sudden.
"Happy?" sarcastic na saad ni Drake habang binibigay niya ang empty bottle kay Jeff.
Kinuha ni Jeff ang bote, "Super," sagot naman niya, "Nasa likod siya, kasama si Hannah," sabay inform niya kay Drake, kahit medyo nahilo ng kaunti, lumakad agad si Drake papunta sa likod-bahay nina Jeff.
He opens the door, he saw Travis hugging Maia. He frowns in curiousity.
Maia loves me, my ass, Karina.
Wala sa katinuang lumapit si Drake kina Travis at Maia. He grabs Travis's arm papaalis sa pagkakayakap nito kay Maia. He was about to punch Travis nang makita niya si Maia na umiiyak. He stuns hanggang sa sinuntok siya mismo ni Travis.
Tumumba si Drake. Nilapitan pa siya ni Travis but Maia stops him.
"Iwanan mo muna kami," request ni Maia kay Travis.
Travis huffs angrily then he walks out. Naiwan sa likod-bahay sina Drake at Maia. Diretsong inimom ni Maia ang isang bote ng beer, Drake just stay on the ground, sitting, speechless.
Binitawan ni Maia ang bote nang maubos niya ito.
"Aaah... ganito pala pakiramdam ng mga lasing," ani ni Maia.
"Maia..." tawag ni Drake.
"Drake..." Maia drunkly calls him, tumingin sa kaniya. Her eyes are real flashy at halatang lasing na 'to. She's drinks the second bottle na hawak niya.
Agad na tumayo si Drake, inagaw ang beer sa kamay ni Maia. Maia punches his chest in annoyance, "Ano bang problema mo, ha?! Kanina mo pa ako 'di pinapansin! Bakit? Inis ka na ba sa'kin kasi... D-'di ka makapambabae, huh?!" bulalas ni Maia.
Nanliit ang mga mata ni Drake, "Babae? Pinagsasabi mo?!" nagtatakang tanong ni Drake.
"Akala mo ba- hindi ko alam na... may namamagitan sa inyong dalawa ni Karina?!" Maia exclaimed teary.
"Maia-" mahinang saad ni Drake.
"You even denied! The moment I asked you," mangiyak-ngiyak na sabat ni Maia. "Ano bang importante sa s*x, Drake? Let me ask you. Ganoon ba kaimportante sa inyong mga lalake ang ganoong bagay?! Porque- hindi ko kayang ibigay, hahanapin niyo agad sa iba?! For what? For satisfaction?! For fun?" hinanaing ni Maia as she drinks the other bottle of beer bukod sa inagaw ni Drake.
"It's not like that-" sinubukang magsalita ni Drake, pero sumabat pa rin si Maia.
"Eh, ano ba dapat? Ipaintindi niyo sa'kin," sabat ni Maia.
Umiwas ng tingin si Drak, he looks at the beer na hawak niya at ininom niya iyon at inubos.
"Speechless? That's right. Hindi mo mapaliwanag sa'kin. Kasi wala naman ako para sa'yo. Isa lang akong pabigat na partner sa islang 'to na hindi mo maasahan, and I'm sorry for that!," Maia said.
"Kung 'yan ang tumatakbo sa utak mo, fine," mahinang sagot ni Drake. "I don't have any arguments with you at all. We both failed knowing each other. I failed you, you failed me. And that- disappoint me. Let's just end here. Bahala na kung magtagal tayo ng isang taon," Drake walks out. Nakayuko siyang lumakad papaalis ng bahay ni Jeff, nagmamadali. Paglabas niya ng bahay, he blinks repeatedly to stop the urge of tears but his tears just fall.
Napa-upo lang si Maia sa damuhan, drinking her beer. Her tears are nonstop flowing. Lumapit si Hannah kay Maia.
"I saw Drake, mukhang umuwi na," pansin ni Hannah. "May problema ba?" tanong nito.
Sumandal si Maia ng ulo kay Hannah, crying.
"Mahalaga ba sa lalaki ang makipagtalik, Hannah?" tanong ni Maia.
"Hinihingi ba 'yon sa'yo ni Drake?" curious na tanong ni Hannah.
"Hindi, pero mukhang nagawa niya sa iba," sagot naman ni Maia, pinupunas ang luha niya.
"Well, Maia... Minsan ang mga lalaki, dinadaan nila sa ganoong bagay sa babaeng mahal na mahal nila," pangunang sagot ni Hannah. "Malalaman mo namang katawan lang habol sa'yo kapag binabalewala ka na at wala silang pakialam sa'yo," dagdag pang saad ni Hannah.
"Pero hindi naman kami ni Drake, ayoko namang isuko sa lalaking 'yon ang lahat. Lalo na sa hindi siguradong lalaking tulad niya," lasing na sambit ni Maia.
"Ilang beses na ba siyang nang-ayat sa'yo?" tanong ni Hannah.
"Wala," sagot ni Maia.
"Pinipilit ka ba niya?" tanong ni Hannah.
"Hindi," agad na sagot ni Maia.
"So, walang nangyari sa inyo?" usisa ni Hannah.
"Wala," sagot naman ni Maia.
"Swerte mo at ganoong lalaki si Drake. I'm sure naman na walang nangyari sa kanila ni Karina except sa making out," pag-oopen ni Hannah.
"Making out?" lasing na tanong ni Maia while resting her head on Hannah's shoulder.
"Halikan, ganoon," prangkang sagot ni Hannah.
"Paano mo naman nasabi 'yan, Hannah? Alam kong may nangyari sa kanila," pamimilit ni Maia.
"Kasi sa palagay ko, hindi 'yon magagawa ni Drake. Ikaw nga 'di niya magalaw na wala naman kayong relasyon, si Karina pa kaya?" sagot ni Hannah.
"Oo nga, noh?" nahihilong sagot ni Maia.
"Lasing ka na," sambit ni Hannah sabay alalay kay Maia patayo. "Iuwi na kita," offer nito.
"Sige," sang-ayon naman ni Maia, "Inaantok na 'ko, eh." dagdag niya pa.
Natawa si Hannah sa sinagot sa kaniya ni Maia, "At kung pwede, pagusapan niyong dalawa ang problema niyo, okay? Mahirap nagtatago ng hinain sa isa't isa," advice ni Hannah.
"Ganiyan din advice ko kay Travis," sabat ni Maia.
Guide ni Hannah si Maia, walking slowly papaalis ng backyard, papunta sa cabin nina Maia at Drake.
"Eh, problemahin mo muna problema niyo ni Drake bago ka sana nag-advice kina Travis," natutuwang sambit ni Hannah. "Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ni Drake kanina, you should say sorry to him," mahinang advice ni Hannah kay Maia.
"Okay," nakangising sagot ni Maia sa kaniya.
"Whatever that means," taas-kilay niyang sambit kay Maia.
Narating nina Hannah at Maia ang cabin. Hannah opens the door. Madilim na ang bahay nang pumasok sila.
Malamang pinatay ni Drake ang ilaw, sa isip ni Hannah.
"Iwan na kita dito sa salas, ha?" paalam ni Hannah sabay alalay niya kay Maia sa sofa pahiga.