Part 9 - New Home?

1441 Words

"KAIN lang nang kain, hija. Huwag kang mahihiya." Halos hindi magkandatuto si Mrs. Flocer Sampana sa pag-eestima kay Fatima Mae. Tuwang-tuwa naman siya sa mainit na pagtanggap ng ginang. Kahit totoong nakadarama siya ng hiya kanina, dahil sa sincerity nito ay napalagay na rin ang kanyang loob. "Salamat po, Tita." Ngumiti ang ginang. "Nagkakape ka ba pagkatapos ng hapunan? Magpapahanda ako sa katulong. Binawalan ako ng doktor ko na magkape bago matulog pero 'yang si Alejo, ugali nang magkape pagkatapos kumain. Kulang yata diyan ang anim na tasa maghapon, pero mabuti na rin iyon. Kaysa naman bote na naman ng alak ang hinaharap." "Mama, huwag n'yo naman akong siraan sa bisita," kunwari ay nagtatampong sabi ni Alejo. "Hay, naku! Paninira bang magsabi ng totoo? Tutal ay magbabakasyon ka ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD