Part 8 - Run To You

1768 Words

“ANO ANG akala mo sa sarili mo, Fatima Mae? Na saksakan ka ng ganda?” galit na sabi ng kanyang ama nang ipatawag siya sa opisina kinabukasan. “Tumawag sa akin si Ramon. Mahigit isang linggo na raw na hindi makausap nang matino ang anak niya. Walang ibang ginagawa si Anthony kundi magpakalunod sa alak. Tinanggihan mo raw ang kasal na alok ng unico hijo niya.”       “Totoo iyon, Papa.”       “At parang gusto mo pang magmalaki sa akin sa sagot mong iyan?”       Napalunok si Fatima Mae. “Papa, gusto ko lang maging tapat sa sarili ko. Hindi ko mahal si Anthony. Hindi ko magagawang magpakasal sa kanya.”       “That’s bullshit!” Binayo ng ama ang mesa. “Nakalimutan mo na bang may dugong-Intsik ka? At tayong mga Intsik, hindi uso sa atin ang pag-ibig na sinasabi mo. Nagpapakasal tayo for conve

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD