MAPAKLA ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Fatima Mae nang maalala ang sinabi niya kay Alejo. Isang kasinungalingang sabihin na masaya siya ngayon. Napakalaking kasinungalingan. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya para patunayan sa ama na karapat-dapat siyang pagtiwalaan sa kompanya. Para dito, hindi sapat ang taglay niyang talino at abilidad ang mas kailangan niyang matutuhan. Para sa kanyang ama, mas importante iyon kaysa sa talino. At ngayon ay naiintindihan na niya kung ano ang pagkakaiba ng dalawang salitang iyon. Kulang sa pagiging tuso si Fatima Mae dahil madalas na puso ang kanyang pinakikinggan. Ang kanyang ama ay malupit at tuso pagdating sa paghawak ng kompanya habang siya ay laging kaakibat ang puso sa lahat ng ginagawa. Kung minsan, kahit natuklasan niyang sinady

