Part 5 - Accidental Meeting

1473 Words
DUMIIN ang pagkakapikit ng mga mata ni Fatima Mae. Talaga bang narinig niya ang salitang iyon o pinaglalaruan lang siya ng imahinasyon? Pagod siya dahil hindi bakasyon ang dalawang linggong inilagi niya sa Amerika.       Nang dumating siya ay hinarap agad niya ang dapat gawin. At parang wala iyong katapusan. Pabalik-balik siya sa LA, San Francisco, at San Diego para sa isang maselang imbestigasyon. She was exhausted, mentally, and physically. Sa maikling oras bago matulog, minsan ay nag-iisip siya kung tama nga bang ganoon ang ginagawa niya.       At kapag ganoon ay naiisip niya si Alejo at ang pinakahuling pagkakataong nagkausap sila maraming taon na ang nakalilipas.       “So, lahat ng dadaanan ng papa mo, doon ka rin? Let me guess, commerce din ang kukunin mong course.”       “Siguro nga. Ganoon si Papa. Saka sabi niya, the best ang La Salle pagdating sa business courses.”       “Pero paano ka? Iyon ba ang gusto mo? Gusto mo ring maging negosyante?”       “Hindi ko iniisip kung ano ang talagang gusto ko. Kung ano ang gusto ni Papa para sa akin, iyon na rin ang ginugusto ko. Saka may point naman siya. Nag-iisa lang akong anak. Sa akin din niya ipapasa ang mga negosyo niya pagdating ng araw. I might as well master the business as early as this time.”       “Mabait kang anak.”       “Ano iyan, insulto?”       “No. Hindi naman sa ganoon. Kung iba lang kasi, ipipilit nila ang talagang gusto nila para sa sarili. Pero ikaw, mas gusto mong maging masunurin.”       “Yes. Pero tama rin naman si Papa sa mga punto niya kaya okay lang sa akin na sumunod ako.”       “You know, Ting, that’s good. Kaya lang mahirap iyong makasanayan mo na lang ang sunod nang sunod palagi sa gusto ng papa mo. Baka mawalan ka na ng sarili mong paninindigan.”       Napatitig si Fatima Mae kay Alejo. He sounded like a man, a real man.       Ilang sandaling seryoso rin ang naging tingin ni Alejo sa kanya bago ngumiti. “Hindi kita ibinubuyo na magrebelde, ha? Let’s say nasanay na kasi akong makipagdebate kaya hindi ako madaling mag-give in sa gusto ng iba. I always think about my views and fight for them. Just a piece of advice, Ting. Kapag may isang bagay na gusto mong gawin, gaano man kaganda ang punto ng ibang tao, ipaglaban mo ang desisyon mo. Lalo na kung kaligayahan mo ang nakasalalay.”       Kumunot na ang kanyang noo. “What do you mean?”       “Are you sure gusto mo ring pasukin ang business? Baka ibang trabaho ang gusto mong abutin? Maging doktor o abogado kaya? Kasi iyong kukunin mong kurso, it will be the foundation of your future and happiness. Can you picture yourself a happy businesswoman fifteen years from now? O baka naman mas pinapangarap mong maging isang espesyalistang doktor?”       Napatanga si Fatima Mae. Somehow, he was right.       “Follow your heart, Ting,” ani Alejo.       Ilang taon na nga ba ang lumipas mula noong graduation nila? Parang napakatagal na. Pero kapag naaalala niya ang usapan nila, parang kahapon lang nito iyon sinabi.       Alejo was her secret crush and fantasy. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Fatima Mae ay ganoon pa rin ang damdamin niya para sa lalaki. At hanggang ngayon, ni wala siyang lakas ng loob—kahit sa imahinasyon lang—na payagan ang sarili na kunwari ay sila ni Alejo ang mag-sweethearts noon.       She was never the gorgeous type. She was the nerd. Negatibo man at masaklap ang dating ng salitang iyon ay wala siyang magagawa. That was what she was. Sa lahat yata ng naging high school students, siya lang ang hindi man lang naranasang pag-ukulan ng paghanga ng kahit sino mula sa opposite s*x. Huwag na iyong maligawan, sana man lang ay may nagka-crush sa kanya.       But it never happened. Hindi alam ni Fatima Mae kung dapat sisihin ang pagiging bookworm niya kaya nerd ang naging image noon. Nabura man iyon dahil sa mahusay niyang pakikisama sa mga kaklase, siguro ay hindi na nakalimutan ng iba ang unang impresyon sa kanya. Hanggang sa maka-graduate ay walang nagparamdam sa kanya na babae rin siyang kaibig-ibig.       But Fatima Mae knew she was a normal woman. She had a heart for love and romance. At hanggang ngayon, walang ibang kilala ang puso niya na object of her desire and fantasy kundi si Alejo.       And that made her believe how normal she was. Isa si Alejo sa campus crushes noong high school. He was cute, palaging mukhang mabango kahit na nga ba pinagpapawisan dahil sa paglalaro ng sepak takraw. At dahil ang court ng sepak takraw ay nasa U-ground na classroom nila ang tinutumbok, palagi niyang nakikita si Alejo kapag naglalaro ito.       Sa mga pagkakataong iyon, maligayang-maligaya siya. Hati ang female population. Mayroong nagpupunta sa gym para si Lemuel naman ang panoorin habang naglalaro ng basketball. Kahit may ibang mga babaeng kaya lang tumatanga sa paglalaro ni Alejo ng sepak ay dahil sa kagustuhang magpapansin, siya naman ang may pinakamalakas ang loob na ibalandra ang sarili sa panonood. Siya kasi ang in charge sa sports column ng school paper. Akala ng lahat, nanonood siya para sa article na isusulat.       Hindi makakalimutan ni Fatima Mae ang pagngiti sa kanya ni Alejo tuwing napapagawi ito sa kinatatayuan niya. And she would always smile back. Bilib na bilib siya sa binata, hindi nawawala ang konsentrasyon sa laro kahit na minsan ay nagiging wild ang reaksiyon ng mga nanonood. Si Alejo ang pinakamagaling na player sa larong iyon. Naging miyembro pa nga ng team na napabilang sa Palarong Pambansa.       Minsan ay nawalan ng balanse si Alejo dahil sa pagsisikap na masipa ang bola ng sepak para ipakabila sa net. Hindi nito naiwasan ang isang bato at tumama ang ulo doon. Naghiyawan ang mga tao. Natigil ang laro at ito ang pinagtuunan ng pansin.       Nakahinga nang maluwag ang lahat nang mayamaya lang ay nakatayo na nang maayos si Alejo na maayos daw ang pakiramdam sa kabila ng pagdurugo ng sulok ng isang kilay. Gusto nitong magpatuloy sa paglalaro pero ang coach na ang nagdesisyong papuntahin ito sa doktor. At tama naman si Alejo. Maayos ito, ayon mismo sa doktor, maliban na nga lang sa sugat na tinamo. Nag-iwan iyon ng peklat sa bandang kilay.       The game was very physical. Tuwing natatapos ang laro ay naliligo sa pawis ang mga nasa loob ng court. Pero ni minsan, hindi nalukot ang ilong ni Fatima Mae dahil sa paglapit sa kanya ni Alejo.       Basta naroon siya, binabati siya ni Alejo pagkatapos ng laro. Siya naman, bilang palusot, kunwari ay magtatanong ng technical terms tungkol sa laro. And he always smelled good. Kabaligtaran ng mga leksiyon sa Health na ang mga kagaya nilang adolescent na grabe kung pawisan ay posibleng magkaroon ng masamang amoy. Iba si Alejo. Kung gaano kalinis ang hitsura ay ganoon din ang amoy. Malinis. Presko.       Alejo Sampana. Next to her name, iyon ang nasa bandang unahan ng listahan ng mga pangalang mananatili sa kanyang alaala. She had never overcome her crush for him. Nasaan na kaya ito?       She was Fatima Mae Tiongco. But in her high school years, she almost forgot her own name. Hindi na niya matandaan kung sino ang nagbansag sa kanyang “Ting-ting” na kalaunan ay naging “Ting.” Pati mga guro ay “Ting” na rin ang tawag sa kanya. Pero sa lahat ng tumawag sa palayaw na iyon ay parang namumukod-tangi ang paraan ni Alejo. Laging nasa boses nito ang pagkaaliw tuwing binibigkas ang kanyang palayaw.       “Follow your heart, Ting...” Isa iyon sa mga sinabi ni Alejo noong huli silang magkausap. Tama nga ito na kung magkikita man siguro sila sa susunod ay baka reunion na ng batch.       Pero kailan nga kaya ang reunion? Si Alejo ang class president. Dapat ay ito ang unang gumawa ng hakbang para mabigyang katuparan ang reunion.       Where are you now, Alejo? tanong niya sa isip.       “Ting?”       Napadilat si Fatima Mae. Mas malakas ang pagbigkas ng katagang iyon at malakas ang pakiramdam niyang siya ang pinatutungkulan. Ngayong narinig niya sa bibig ng iba ang pangalang iyon ay biglang kumabog ang kanyang dibdib. Malakas na malakas ang kutob niya, kilala siya ng tumawag sa kanya.       Pero sino?       “Ting, is that you?”       Bigla ang pagbaling ni Fatima Mae sa katabi. The haggard-looking man was leaning towards her. Mababasa sa mga mata ang kagustuhang tama ang hinihinala.       Alam ni Fatima Mae na kilala niya ang lalaki. Gusto lang niyang makasiguro. At habang nakukumpirma ang hinala ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Mula sa mga mata ay lumipat ang tingin niya sa kilay ng katabi. Ang malabong peklat sa isang dulo ang nagkumpirma sa hinala ng isip.       “Ting,” tawag uli ng lalaki sa kanya.       “Alejo,” mahinang sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD