“KUNG iyan lang ang sasabihin mo, sana’y hindi na naaksaya ang panahon ko,” matabang na sabi ng papa ni Fatima Mae. Napakagat-labi si Fatima Mae. Natuwa pa mandin siya na binigyan siya ng pagkakataon ng kanyang papa na makausap ito. Kahit alam niyang galit ang ama, ayaw naman niyang mag-alala ito kung nasaan siya kaya tumawag siya para ipaalam na mabuti ang kanyang kalagayan. Pero bago pa man niya masabi kung nasaan siya ay nagsalita na ito. Mas interesado itong malaman kung nagbago na ba ang isip niya at handa nang magpakasal kay Anthony. Nang sabihin niyang hindi nagbago ang kanyang pasya, kulang na lang ay tapusin nito ang tawag. “Papa, please. Huwag ninyong gamiting kondisyon sa akin ang pagpapakasal kay Anthony,” pakiusap niya. “Fatima Mae, huwag kang tanga. Hindi ba’t kaya kita i

