PUMIKIT na si Mariolle. Damang-dama pa niya ang panlalambot ng katawan. Inisip niyang matulog na lang at bukas ay mawawala na iyon. Napapangiwi pa siya lalo at tila nalalasahan pa ang gatas na pikit-matang ininom niya. Ora mismong tumalikod sina Alicia at pagkapinid ng pinto ay tinakbo niya ang sariling banyo. Isinuka niya ang gatas na ininom niya. Inaasahan na niyang mangyayari iyon. Buhat nang tumigil siya sa pag-inom ng gatas noong isang taon ay naging mahina na ang sikmura niya sa lasang iyon. At ngayon nga, kahit na sa palagay niya ay naiduwal na niyang lahat ang gatas na ininom ay parang bumabaligtad pa rin ang sikmura niya. Nanlalata tuloy siya nang bumalik sa kama. Pakiramdam niya, pati hapunang kinain niya ay inilabas ng katawan niya. Bago tuluyang nag

