“BOSING, hindi muna ako sasamang magbiyahe.” Kumunot ang noo ni William. “Bakit, Leo?” “Mamamahinga muna ako, Bosing. Ilang buwan na akong palaging nasa laot. Maalat na pati pawis ko.” Tumikwas ang sulok ng labi niya bago bumaling sa kusinero “Gil, pagod na raw itong bata mo. Hindi na magbibiyahe.” “Aba, mahirap pilitin ang ayaw nang magtrabaho. Kung ayaw na niyang kumita, di, bahala siya.” Dumukot siya ng pera. “O, ayan ang pera mo sa biyaheng ito. Walang sisihan, ha? Kapag nakakita ako ng kapalit sa iyo, kahit gusto mong sumama sa biyahe hindi na puwede.” “Bosing, hayaan mo na iyan. Baka magbago pa ng isip. Bakasyon na bakasyon na, eh,” sabad ng isa pang tauhan niya. Si Caloy. “Sige, Bosing! Aalis

