PAKIRAMDAM ni Mariolle ay kapipikit pa lang niya nang gisingin siya ni Manong Gil. Kahit naman wala siyang nararamdamang gagawan siya nang masama ng matanda ay hindi rin naman siya napanatag. Ibinigay sa kanya ni Manong Gil ang maliit na kama nito at ang matanda ang nagtiyagang matulog sa sahig. Pero hindi dahilan iyon para agad siyang igupo ng antok. Nang nakahiga na siya ay saka siya parang lalo pang nabalisa. Parang hindi niya mapaniwalaan ang mga nangyari sa kanya ng nagdaang ilang oras. Walang-wala sa hinagap niyang mapupunta siya sa barkong ito. nang sumampa siya kanina—o mas tamang sabihing kagabi sa sarili niyang kama ay inisip niyang walang magiging malaking pagbabago sa buhay niya. But things changed when she drank that milk. Tumigas ang any

