MADALING araw pa lang ay umalis na kaagad ako sa hotel. Hindi ko na mas gustong makita yung lalakeng nakatalik ko mahirap na baka sa iba pa ulit mauwi ‘yon. Paika ika akong naglakad palabas dahil sobrang sakit ng p********e ko. Bakit walang nagsabi sa akin na may kapalit din pala yung sarap na naramdaman ko kagabi!
Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng condo ko. Mariin na lang akong napapikit ng maramdamang kumirot ang aking ari! Paulit ulit din tuloy bumalik sa isipan ko ang mainit na pangyayari kagabi. Ang bawat haplos niya, ulos. At ang malaki, mahaba niyang ari—stop! What the hell, Cattalina!?
Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Umagang umaga kung ano anong pinagiisip ko.
Makikita ko pa kaya siya?
Naiiling na kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ‘yon. Napangiwi ako ng makita ang mga missed call ni Daisy. Paniguradong nababaliw na iyon. Naging mabilis lang ang byahe dahil umaga pa lang, nakarating kaagad ako sa condo.
Nilagay ko ang passcode sa pintuan. Kusa naman ‘yong bumukas dahil tama ang nailagay ko. Pumasok ako sa loob at basta na lang nilapag sa sahig ang dala kong bag. Naupo ako sa sofa at sinandal ang aking likod.
“Bakit ngayon ka lang nauwi?”
Napahawak ako sa aking dibdib ng marinig ang boses ni Daisy. Nilingon ko siya, may hawak itong baso habang nakatingin sa akin.
“Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat,” naiinis kong wika sa kanya at napapikit dahil sa hangover.
Sa kalaunan ay tumayo ako at paika ikang pumunta sa kanya.
“Pahingi nga n’yan,” asik ko at basta na lang hinablot ang hawak nitong baso at ininom ang laman no‘n.
Nabuga ko ang iniinom ko ng malasahan ‘yon. “What the—” bahagya kong sinilip ang baso at tinignan siya. “—bakit ganito lasa ng iniinom mo. Ano ba ‘to?” naiinis kong tanong sa kanya.
Nagkibit balikat siya. “Tea,” tipid niyang tugon.
Kumunot ang noo ko. “Tea!? But it’s taste like a alcohol—”
“Teaquila,” pagputol nito sa sinabi ko.
Inirapan ko siya at padaskol na binigay ang baso sa kanya. Bumalik ako sa sofa at naupo roon.
“Ano ba nangyari sa ‘yo, ha? Bakit paika-ika ka naglalakad,” tanong nito.
“My coochie meow meow is hurts,” tipid kong tugon.
Nakita kong natigilan siya at napanganga pa. “Masakit bilat mo?”
I glared at her. “Yes and cut that b-bilat word! It’s weird.”
Napahalakhak siya sa sinabi ko at natigilan din. Nanlalaking matang lumapit siya sa akin at naupo sa aking tabi. Para siyang naging chismosa sa lagay niya.
“Don’t tell me you had s*x last night! Hindi kana virgin!?”
“Low down your voice, Daisy. Someone might hear your voice.”
Tinawanan niya ako at biglang naging seryoso ang mukha. “Pero totoo ba talaga? You’re not virgin anymore?” bulong niya sa akin.
“Oo nga. I’m sore down there, okay?” tugon ko sa kanya.
Impit siyang napatili at nanatiling nakatingin sa kanya. Tuwang tuwa pa siya sa nalaman niya kulang na lang magkaroon ng bituin sa mata nito sa sobrang saya.
“Spill the tea, sis! Anong nangyari? Is it huge? Steamy ba ang. . . s*x niyo?” ngisi ngisi niyang tanong sa akin.
Huminga ako ng malalim at malawak na ngumiti sa kanya.
“All of the above!”
We both squealed.
Nauwi sa halakhakan ang nangyari sa amin. Mukha kaming maharot sa inasta naming dalawa.
“Gwapo? Anong hitsura?” masaya niyang tanong. Umusog siya sa tabi ko at nilapat pa ng konti ang mukha sa akin.
Inirapan ko ito. “Sa akin na ‘yon, ‘no. Baka mamaya makaiepal ka pa agawin mo pa sa akin ‘yon.” tugon ko at humalukipkip. “No to share!”
Umismid siya at mahinang binangga ang aking braso. “Yabang mo, ah! Tandaan mo init lang ng katawan ‘yan baka mamaya mahulog loob mo doon sa nakasex mo. Ibang usapan na iyan.”
Hindi ko na lang siya pinansin at pinikit ko ang aking mata. Pagod ako ayaw ko munang makipagtalo sa kanya. Tumakbo na naman sa aking isipan ang nangyari sa aming dalawa ni Levin. Namula ang pisngi ko ng maalala ang foreplay scene sa loob ng kotse nito. That was hot!
Nabalik lang ako sa aking katinuan ng maramdamang may hinagis si Daisy at sapol no’n ang puson ko!
“Ouch! You f*****g b***h. That’s hurts, ah!”
Malamig ‘yon kaya bumaba ang tingin ko para tignan kung ano ‘yon. Ice pack?
“Anong gagawin ko rito?” tanong ko at hinawakan ‘yon.
“Ilagay mo sa bilat mo ng hindi ‘yan lalong mamaga,” tipid nitong tugon at binuksan ang TV.
Napangiwi ako at binalik sa kanya ‘yon. OA naman ng mamaga niya!
“Thanks but no thanks,” tumayo ako at pumunta sa kwarto para maligo.
Binuksan ang ang gripo sa bathtub, balak ko magbabad doon. Hinayaan ko lang na buksan ‘yon hanggang sa mapuno ng tubig. Pumunta ako sa walk in closet at doon kumuha ng damit. Nilapag ko ito sa kama at nagsimula na akong mag-hubad. Nang matanggal ko na ang lahat ng saplot ko sa katawan ay naglakad na ako papuntang banyo at nilublob ang sarili ko sa bathtub.
Napasinghap ako ng yumakap sa akinh katawan ang maligamgam na temperatura ng tubig. It’s relaxing and calming. Naglagay din ako ng bath bomb at bubbles, ‘yon ang nagsisilbing takip sa hubad kong katawan.
Kumunot ang noo ko ng may nakita akong nali sa acrylic nail ko habang nagkukuskos ng balat. Napapikit ako at pinigilan ang sariling huwag tumili sa inis. May nakita akong maliit na crack at hinding hindi ko ‘yon nagugustuhan! Paniguradong sa tuwing isusuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ay sasabit siya!
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Hindi pwedeng masira ang mood ko. Inhale, exhale. Sinong hindi maiinis kung makita mo ang kuko mo na may crack sa gilid? S’yempre ako! I can’t lived without acrylic nail! Feeling ko hindi ako kompleto kapag wala akong ganoon.
“WHERE are you going, Catt?” tanong ni Daisy ng makalabas ako sa aking kwarto.
“Mag-papalit ako ng acrylic nail,” tugon ko habang nagsusuklay ng buhok.
Kumunot ang noo nito at lumapit sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kuko ko at hinahanap ang mali roon.
“Wala namang mali sa kuko mo,” sinuri niya ng mabuti ang aking kuko.
Umirap ako at padabog na binagsak ang suklay sa lamesa. Tinaas ko ang daliri kong may diperensya sa kuko!
“Here! May crack sa gilid!” naiistress kong usal.
“Ayan ba?”
Tumango ako. “Oo!”
Tinawanan niya ako kaya matalim ko siyang tinignan. It’s not funny!
“Nang-gagago ka ba? Eh, sobrang liit lang nung crack!” tugon nito at tinuro pa ang problema sa kuko.
Inirapan ko siya. “Nope. Kahit na may crack parin siya.”
Tinawanan niya lang ako at naupo sa upuan.
“Hintayin mo ‘ko at sasama ako. Gusto ko na rin palitan yung acrylic nail ko.”
Humalukikip ako at naupo sa sofa. “E’di magbihis kana. Ayaw ko ng maghintay ng matagal iiwan talaga kita, bahala ka d’yan.”
“Okay na ‘to,” tugon niya.
Tinignan ko ang sout nito. Naka floral dress siya. Habang ako ay nakasquare pants at black tube, papatungan ko na lang siya ng maong na jacket.
“Okay.”
Naglagay ako ng lipstick sa labi at nilugay ko ang aking short-wavy hair pagkatapos ay dinampot ang belt bag.
“Tara na,” pag-aya ko sa kanya.
Tumayo na siya at nauna ng lumabas sa akin. Dumaan muna ako sa salamin para tignan ang kabuuhan ko. Kumunot ang noo ko ng makita kong wala ang kwintas na sout ko. Wala akong maalala na hinubad ko ‘yon, ah Pumunta ako sa banyo baka nalapag ko ‘yon sa lababo pero wala.
Nagsimula na ‘kong ma-bwisit!
Lumabas ako sa kwarto at pinuntahan si Daisy na busy kakakalikot sa cellphone.
“Daisy!”
“Ay kabayo ka—bakit ka ba nangsisigaw!” singhal din nito sa akin.
“Nawawala yung kwintas ko!”
Tumawa ito. “Ano bang kwintas? Yung mamahalin?”
Umiling ako at napaupo sa upuan habang hinihilot ang aking sintido.
“Anong kwintas ba?” tanong ulit nito sa akin.
“Bala yung pendant na may diamond sa gitna,” tugon ko.
“Bala? As in bullet?”
Tumango ako. “Yes.”
“Sa lahat ng alahas mo ‘yan lang ang hindi ko pa nakikita. Hindi ko nga alam na may ganoon kang kwintas, eh,” tugon niya
Hindi pwedeng mawala ‘yon. Nauna akong lumabas sa kanya dahil alam kong mas mabagal siyang kumilos kaysa sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo habang naglalakad. “Hindi puwedeng mawala ‘yon, Daisy.”
Nakakainis! Hindi ko alam pero mayroon sa aking parte na napakahalaga no’n sa akin kaya siguro nagkakaganito ako ng malaman kong nawawala ‘yon.
“Is this what you looking for?”
Humarap ako sa likod para tignan kung sino ang nagsalita. Anong ginagawa nito rito? Siya yung lalakeng nakatalik ko kagabi! Si Levin! Napako ang tingin ko sa hawak nito… nasakanya ang kwintas ko! Paano napunta sa kanya ‘yon?!
“Akin na nga ‘yan!” Akmang kukunin ko sa kanya ang kwintas nang experto niya itong iniwas sa akin. Matalim ko itong tinignan. “Ano ba! That's mine. Give me that necklace!”
Tinawanan niya lang ako. “Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko, Cattalina.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Hindi ko alam kung anong tinanong mo sa akin! Kaya ibigay mo na ang kwintas ko!”
“Where did you get this necklace?” seryoso niyang tanong.
Nang maabot ko ang kwintas ay mabilis ko ‘yon hinablot at mahigpit na hinawakan.
“Sino ka ba para sabihin ko sa ‘yo kung saan ko ‘to nakuha,” asik ko.
“Gusto ko lang—”
“Stop! Umalis kana sa harapan ko!” I shouted.
Ningitian niya ako at tinuro ang katabing unit ko. “Excuse me? I lived here.”
Ano!
“Tara na, Cattalina—oh, kakilala mo?” kunot noong tanong ni Daisy at napangiti rin.
“Hindi!”
“Yes.”
Nababaliw na ba siya? Hinawakan ko ang kamay ni Daisy at hinila papunta sa elevator.
“Tara na!”
“Wait! Wait! Sino ba ‘yon?” pagpigil nito sa akin.
“Wala!”
Pilya itong ngumiti sa akin. “Ikaw, ah! Boyfriend mo ‘no?”
My eyes widened. “What!? No way!”
Humalukipkip siya. “E’di kung hindi mo siya boyfriend. Sino siya?”
“Siya yung naka-s*x ko kagabi,” mahina kong tugon at nilingon siya. “Happy?”
Nanlaki ang mata nito. “Ang swerte mo, girl! Ang gwapo naman pala ang nakauna sa ‘yo.”
Inirapan ko ito at naunang lumabas sa elevator. Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse ko.
“Muhka talaga siyang malaki! Parang gusto kong makipag-s*x sa kanya—”
Nilingon ko ito at dinuro. “You b***h, Daisy. Don’t you dare,” inis kong tugon.
Tinawanan niya lang ako at may binubulong pang kung ano. Is just weird because I act like this! Like i’m his girlfriend! I'm still annoyed because he stole my necklace! What the hell!? Huminga ako ng malalim at nagsout ng seatbelt pagkatapos ay pinaandar ang kotse papuntang mall.