Gamit ang towel na naroon sa kaniyang noo ay bahagya ko iyong ibinaba sa dalawang mata ni Brent, para lang hindi niya maabutan ng tingin kung papaanong namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Umimpis ang labi ko upang itago rin ang nagbabadyang ngiti— lintik na 'yan, ang bilis kiligin. Nakakahiya ka, Lala. Sa loob ng dalawang buwan, inakala kong wala ng epekto sa akin si Brent. Akala ko ay okay na ako, pero ngayon na nandito siya't kasama ko, nahahawakan ko, para akong sasabog sa sobrang saya. "Nag-order ako ng pagkain sa baba. Kumain ka muna bago matulog para makainom ka rin ng gamot," dere-deretso kong pahayag. "Para bukas na bukas din ay pwede na tayong umalis." "Sasama ka sa akin pabalik?" anang Brent habang nananatiling nasa mata nito iyong basang towel, nakahawak na rin siya sa isan

