Kinaumagahan ay nagising ako sa ganap na alas singko. Hindi naman na bago dahil ganitong oras na nagigising ang katawang lupa ko. Nakakapanibago lang na sa pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Brent ang mabubungaran ko. Magkatabi kami sa kama at nakatulugan ko na lang ang pag-aalaga sa kaniya kagabi. Marahan kong kinapa ang noo ni Brent, medyo mainit-init pa. Sana nga ay maging okay na siya at gumaling. Tangkang tatayo na ako nang maramdaman ang bigat sa parteng baywang ko. Nagbaba ako ng tingin doon at nakita ang mahaba niyang kamay na nakayakap sa akin. Wala na rin halos espasyo sa gitna naming dalawa. Suminghap ako sa hangin. Unti-unti kong ibinalik ang atensyon sa mukha ni Brent. Bukod sa bagong ahit niyang balbas at bigote, wala namang nagbago sa kaniya. Bagkus ay ganoon pa rin, gwa

