Alas singko pa lang ay gising na ako dahil sa sabay-sabay na tilaok ng manok. Iyon na yata ang naging alarm clock ko, maging ang body clock ko ay gumigising na sa ganoong oras— nasanay na. Dalawang buwan na ang nakalipas. Sa nagdaang mga araw ay nakasanayan ko na ang buhay probinsya. Maaga akong nagigising para mag-almusal at maligo. Pagkataos no'n ay magpapakain ng mga alagang manok at baboy. Magwawalis naman sa loob at labas ng lupain nina Tanya, saka iipunin ang mga natuyong dahon ng mga puno at susunugin iyon. Paminsan-minsan ay mag-aani ng mga tanim, katulad ng talong, upo at kamote. Bago rin sumikat ang araw ay naghahanda na kaming magbilad ng inaning palay sa gilid ng kalsada. Hahakutin naman iyon kapag hapon, o 'di kaya kapag may paparating na ulan para hindi mabasa. Kapag kay

