Chapter 40

1493 Words

Sa gabing iyon ay tahimik si Tanya. Nasa hapag kami at kumakain habang kasama si Nanay Risa ngunit kanina pa siyang walang imik. Paminsan-minsan ko siyang nililingon, nag-aalala. Gusto ko sanang magtanong at mang-usisa, kaya lang ay baka ayaw niyang pag-usapan iyon, lalo at kaharap nito ang kaniyang ina ngayon. Hindi pa maiwasan na magbaba ako ng tingin sa leeg ni Tanya, nasa kaliwa niya ako kung kaya ay kitang-kita ko ang kulay pula roon— parang kinagat at pinanggigilan ng isang bampira. Kahit pagtakpan niya iyon gamit ang kaniyang buhok, wala na ring silbi dahil kanina ko pa iyon nakita. Simula no'ng bumalik siya, tila hinahapo, wala sa ayos at doon ko na-realize na baka totoo ngang asawa niya ang lalaking iyon. Paano siya nagkaroon ng asawa? Nang ganoong biglaan? Wala man lang pasab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD