Sa kagustuhan kong makaiwas, dali-dali kong tinalikuran ang lalaki. Abot hanggang langit ang pagtibok ng puso ko, walang pasisidlan at halos mabingi ako. "Hoy, bayad mo!" habol na sigaw sa akin ng tindera na kaagad kong ikinatigil. Napahinto ako sa tangkang pagtakbo. Nilingon ko ang tindera habang humuhugot na rin ng pera sa wallet, saka ko naman dahan-dahan na inilinga ang paningin sa kaninang pwesto ng lalaki. Ngunit laking gulat ko rin nang mapansing wala na ito roon, parang bula at bigla na lamang naglaho. Sa pag-aaligaga ko pa ay nahulog ang wallet ko, nagkalat ang ilang barya sa mabuhanging kalsada. Mabilis ko iyong pinulot. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang isa-isang pinupulot ang mga barya. Sa likuran at gilid ko naman ay ramdam ko ang mapanuring mga tingin. Hindi rin naka

