Kapag galit ka talaga ay hindi mo inaasahan iyong mga desisyong gagawin mo. Magugulat ka na lang na nagawa mo na pala. Katulad ngayon, lulan ng bus ay natulala ako sa kawalan. "Ano bang nangyari?" tanong din ni Mama mula sa kabilang linya. Ngayon ko lang siya tinawagan kung kailan na-realize ko ang lahat. Nakigamit ako ng cellphone kay Tanya, may load naman siya at mabuti talaga ay kabisado ko ang number ng kapatid ko. "Mahabang kwento, Ma. Hindi naman po siguro ako magtatagal doon. Pahupain ko lang iyong nararamdaman ko. Basta po, kapag hinanap niya ako riyan sa bahay, sabihin niyo na lang na wala po ako," mahabang habilin ko. "Ikaw na bata ka..." Malakas na bumuntonghininga si Mama. "Siya sige, ano pa bang magagawa ko at nariyan ka na? Mag-ingat ka riyan. Siguraduhin mo lang na kumai

