Simula
"MAGKANO sa tinda mong kalabasa, Aurelia?"
Nilingon ko muli ang matandang babae na nagtatanong sa akin, ito ang mayordoma sa mansyon na hindi kalayuan sa aming bahay.
"Kayo naman ho, Nana Ising hindi n'yo na natandaan ang presyo ng aming mga tindang gulay. Gaya pa rin ho ng dati singkwenta pesos ang kilo d'yan sa kalabasa." Sagot ko rito habang nilalagay sa timbangan ang napili n'yang kalabasa at ibang gulay. Suki na namin ang Nana dahil sa sariwa ang gulay na nabibili n'ya sa amin.
"Pag pasensyahan mo na, iha. Tumatanda na ako't nakakalimot na, hindi ko nga alam kung sino ang papalit sa akin sa mansyon pag ako'y nag retiro na." Ikinuwento pa nito na baka mahirapan sila sa paparating na handaan sa mansyon dahil kakaunti na lang ang namamasukan na katulong
"Sigurado naman ho na magaling at kasing bait nyo ang papalit sa inyo roon. Ano ho ba ang mayroon sa mansyon at may handaan?" Tanong ko rito.
"Uuwi ang mga apo ng Don Arkanghel sa isang linggo. Oh, s'ya... ma-una na ako iha at magluluto pa ako." Pagpapaalam nito.
Matagal na akong walang nakikitang apo ng Don na bumibisita rito sa Dalaguete. Madalas ako noon sa mansyon ng mga ito nung bata pa ako dahil nag-di-deliver kami roon ng mga sariwang gulay, nahinto lamang ito dahil lumuwas kami ng manila para roon na manirahan ng aming pamilya. Ngayong nakabalik na kami nalaman namin na naalagaan pa rin ang aming taniman kaya napagpasyahan na magtinda kami sa palengke rito sa bayan.
Mabilis natapos ang maghapong pagtitinda ko. Bakasyon ngayon kaya nakakatulong ako sa mga ganitong bagay. Mabilis ko lang isinara ang aming at na papauwi.
Hindi naman kalayuan ang bahay namin kaya pu-pwede ko itong lakarin, siguro kung hindi ako nagmemeryenda sa isa sa mga karinderyang nararaan ko ay mga bente minutos lang ay makakarating na ako kaagad sa bahay. Hindi na 'ko dadaan muna roon dahil kailangan ko umuwi kaagad para tulungan ang lola ko sa pananahi, isa rin ito sa pinakakaabalahan ko ngayong bakasyon.
Halos mag-da-dalawang buwan na nung umuwi kami rito. Isang linggo kaming naglibot sa bayan, marami ng nagbago sa mga istraktura sa bayan hindi na katulad noon na gawa sa buho ang mga tindahan ang iba ngayon ay naka simento na.
Mabilis ko namang nalaman muli ang mga pasikot-sikot sa lugar dahil ang iba ay naalala ko pa lalo na ang mga paborito kong puntahan nung bata pa ako.
Sa bakuran pa lamang ay sinalubong na ako ng aso naming si Caramel hindi ako tinigilan hanggang sa makapasok ako sa aming bahay. Naabutan ko roon ang mga Tiya at ang Mama ko na nagkukwentuhan. Ang Lola ko naman ay nananahi sa gilid ng sala. Binati ko ito ng isang yakap.
"Andyan ka na pala, Aurelia." Bati sa akin ni mama at gano'n din ang mga tiya kong naroon.
"Oho, maaga ho na nakaubos sa tindahan natin. Nasan ho si Papa, Mama?" Pagtatanong ko.
"Nasa likod ng bahay kasama ng mga Tiyuhin mo roon." Sagot ni Mama.
"Halika rito, iha mag meryenda ka muna." Paanyaya sa akin ni Ate Isabel mula sa kusina. Nginitian ko naman ito at tinanguan. Si Ate Isabel ay isa sa mga pinsang buo ko mula sa angkan ng Mama ko. Ito ang paborito kong pinsan kahit na mas matanda ito sa akin ng limang taon ay nakakasundo ko pa rin ito sa lahat ng bagay.
"Mamaya na, Ate. Magpapalit muna ako ng damit sa itaas." Pagpapaalam ko at pumanhik na sa kwarto ko sa itaas ng bahay.
Hindi naman gaanong kalakihan ang bahay namin. Masasabi ko na tama lang ito sa isang pamilya. Ang mga Tiya ko naman sa mother side ay malapit lang ang bahay sa amin kaya parati silang namamasyal dito para makipagkwentuhan.
Naraanan ko ang kwarto ng kambal kong kapatid na lalaki, Sila Kuya Felix at Kuya Mikael. Mas matanda ang mga ito sa akin ng dalawang taon. Ako ay disi-otso anyos na samantalang sila ay bente anyos na.
Nag-palit lang ako ng damit at pumunta na sa sala. Wala na ang mga Tita ko roon siguro ay mga nagsi-uwian na sila dahil mag a-ala singko na ng hapon. Tumabi ako kay Lola at kinamusta ito, tinanguan lamang ako nito bilang sagot. Madalang na lang magsalita si Lola dahil sa katandaan nito at minsan nga ay nakakalimutan na kami nito. Tinignan ko naman ang tinatahi nitong dress mukhang matatapos na. Hindi ko kayang magtahi ng mga gano'n, mga panyo at basahan lang ang kaya kong gawin.
Binuksan ko ang box na pinagtataguan kong tinatanahi kong kulay puti na panyo kahapon design na lang ang kulang nito at matatapos na pero hindi ko pa alam kung ano ang ilalagay ko kaya binalik ko ito sa lalagayan at tinulungan si Lola na mag-suot ngsinulid sa karayom.
Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para tignan si Ate Isabel nagliligpit na ito ng mga pinagkainan. Napansin naman ako nito kaagad at inaaya para umupo binigyan ako nito ng isang empanada at orange juice.
"Salamat, Ate." Sabi ko at sinimulang tikman ang niluto niyang meryenda.
"Simula bukas ako na muna magtitinda sa palengke, Aurelia." Sabi nito habang naghuhugas ng mga plato.
"Bakit, Ate?" Tanong ko naman dahil kung hindi ako ang magtitinda roon ay wala na akong iba pang pagkakaabalahan. Hindi naman pwede na magtahi lang ako maghapon sa bahay.
"Malapit na ang pasukan nyo hindi ba't mag-co-college ka na kaya kailangan ay mag review ka muna bago magpasukan." Nakalimutan ko nga ang tungkol doon. Mag-e-enrollan na pala rito sa isang linggo at kailangan ko mag review para sa entrance exam. Architecture ang kukunin kong course dahil iyon ang gusto ko.
Tinapos ko na ang pagkain ko at tumulong magligpit sa kusina. Pumanhik na ulit ako sa aking kwarto dahil nalala kong kailangan kong ilabas ang aking mga reviewers upang linisin at makapagsimula na ako bukas.
Puro alikabok na ang mga ito. Ang iba ay kailangan ko nang i-restore dahil sa kalumaan na ng sulat at binigay lamang ito sa akin ng kapatid ni Papa dahil nalaman nitong gusto ko rin na maging Architect.
Siguro ay pupunta na lamang ako sa bayan para ipa-print ang iba ng mga ito. Inilabas ko rin ang laptop ko para gumawa rin ng ilang PowerPoint reviewer buti na lang at nagpakabit na sila ng wifi sa bahay bago kami umuwi.
Mag-a-ala syete na ng matapos kong linisan ang mga reviewer ko. Tinatawag na kami para maghapunan kaya bumaba na ako, kasunuran ko lang pumasok sa dinning area si Kuya Felix. Umupo na kami, nagpasalamat sa pagkain at nagsimula ng kumain.
Marami ang napagusapan habang kumakain kami, naroon na nga ang ilang paalala para sa dadating na pasukan.
"Felix at Mikael, tigilan nyo ang pambabae mag-aral kayo ng mabuti." Pagsasabi ni Papa sa dalawa kong Kuya.
"Pa, alam mo namang good boy ako pag dating d'yan." Nakangiting sagot ni Kuya Felix.
"Anong good boy? Kahapon nga lang nakita kita sa court may kasamang tatlon—." Agad sinubuan ng pagkain ni Kuya Felix si Kuya Mikael para matigil ang pagsasalita nito. Natawa naman kami sa kanilang dalawa.
Sa ibang bagay ay palagi silang magkasundo pero kung ang pambabae na ang pinaguusapan ay naglalaglagan na silang dalawa.
"Tama na 'yan, Boys." Pag-aawat ni Papa sa kanilang dalawa. "Bakit 'di n'yo nalang gayahin itong kapatid nyo naka-focus lang sa pag-aaral walang ginagawang kabalastugan." Pagtuturo pa nito sa akin. Napapa-iling na lang ang mga kapatid ko.
"Eh Papa, iyan naman si Aurelia ay bawal yan mag boyfriend tsaka lagot lang sa'min ang manligaw d'yan." Sabi ni Kuya Mikael.
"Tsaka, Pa, bantay sarado 'yan sa amin sa School." Dagdag pa ni Kuya Felix. Napairap na lang ako sa mga sinabi ng dalawa kong kapatid. Ako binabanatayan? Asa na lang si Papa. Eh, lagi ko nga silang nakikita sa dati naming School na busy sa pambabae.
"Pa'no n'yo nababantayan? Eh, tuwing nakikta ko kayo may nakapalupot sa inyong babae?" Tanong ko sa kanila.
"Basta, binabantayan ka namin." Sabay pa nilang sabi. Tsk, magkambal nga sila.
Pinatigil na kami at nagtuloy na lang sa pagkain.