SIMULA noong si Ate Isabel na ang nagtitinda sa palengke ay ginugol ko ang sarili ko sa pag re-review ng mga kailangan kong aralin. Iginawa pa ako nila Kuya ng kubo sa likod ng bahay para hindi raw ako magulo habang nagre-review ako.
Noong nakaraang sabado ay nagpunta sa amin si Nana Ising para sabihin na sa amin sila kukuha ng gulay para sa darating na handaan sa sabado.
Sa huwebes na pala darating ang mga apo ng Don... sa pagkakaalam ko ay limang apo ang darating.
Kaliwa't kanang usapan ito sa aming bayan kahit nga minsan ay naririnig kong pinaguusapan din ito nila Mama.
Malaki rin ang pagtataka ng mga taga rito tungkol sa mga anak at apo ng Don dahil marami naman itong pera pero kahit isang beses raw sa loob ng labing limang taon na ay hindi ng mga itong nagawang umuwi... gayo'n pang ito ang probinsyang kinalakihan ng nila at ng kanilang Lolo.
"Aurelia, nagre-review ka pa ba?" Tanong sa akin ni Mama. Sumilip ito sa kubo at tinatanong.
"Hindi na po, Ma. Nagpapahingin lang po ako rito. Bakit po?" Nasa kubo pa ako, mas masarap kasing magpahangin dito kesa sa veranda ng kuwarto ko.
Magtatanghalian na pala kami kaya ako nito tinawag. Niligpit ko lang ang mga gamit ko at sumunod na papunta sa bahay. Mabilis lang natapos ang pagtatanghalian namin. Hindi kami kumpleto dahil nasa palengke si Ate Isabel.
HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako noong nahiga ako sa may sala. Nagising lang ako dahil sa kaingayan ng dalawa kong kapatid. Nag-aagawan ito sa huling donut na nasa lamesa. Ang tatanda na nila pero parang isip bata pa rin.
Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa sofa at pumunta sa kanila para agawin ang pinag-aawayan nilang donut. Mabilis kong itong kinain.
"Oppss! Sorry, ubos na." Nakangisi kong sabi sa mga ito habang pumupunta sa lalababo para mag hugas ng kamay.
"Susumbong ko kayo kay Papa, sige." Pananakot ko sa mga ito dahil pagharap ko ay nakita kong akma nila akong kakaltukan. Bigla naman tinalikuran ako ng mga ito at umalis ng inis. Tinawanan ko lang ang mga ito at sinundan. Ngayon ko lang napansin na naka suot sila ng jersey.
"Saang baranggay kayo dadayo, mga Kuya kong pogi?" Tanong ko na nakangiti dahil nakasimangot pa rin ang mga ito at nagtatalo na sana raw ay nag-hati na lang sila sa donut para hindi ko ito nakain.
"Sa kabilang barangay." Sagot ni Kuya Felix.
"Sa Poblacion? Sama ako!" Sabi ko.
"Hindi." Sabay pa nilang sinabi.
"Hindi ka pwedeng sumama, Denice. Basketball iyon, puro lalaki kaya hindi pwede." Pagsasabi ni Kuya Mikael, tinawag pa ako sa second name ko.
"Alam ko ro'n kayo pupunta at alam ko rin na hindi lang puro lalaki ang naroon. Magpapalit lang ako, sasama ako, ha." Dali-dali akong pumunta sa k'warto ko para magbihis na. Nagsuot lang ako fitted maong short at oversized na white t-shirt. Nagpartner din ako ng white sneakers. Hindi naman basa ang mga daan ngayon dahil hindi tag-ulan kaya pwede ako magsuot ng ganitong kulay ng sapatos.
Nang bumaba ako ay nakita kong papaalis na sila. Sabay naman ang biglang pagpasok ni Papa.
"Pa, sila Kuya ayaw akong i-sama!" Sigaw ko galing sa hagdan habang bumaba. Bigla naman napatigil ang mga Kuya ko at nagkakamot na humarap sa akin. Alam na nilang kapag si Papa ang pinag-sumbungan ko ay wala silang palag.
"Hindi ba nagre-review ka pa?" Biglang sabi ni Kuya Felix habang papalapit ako sa kanila.
"Ah, o-oo! Tama! Hindi ka pwede sumama samin kasi nagrereview ka pa." Pa-sunod pang sabi ni Kuya Mikaelna parang na alala ito.
"Tapos na ako, Papa."
"Oh, tapos na pala itong kapatid n'yo, isama n'yo na." Sabi ni Papa habang umuupo sa sofa para manood ng T.V. Ako naman ay patango-tango sa harap nito na parang mabait na anak.
"Pero, Pa maraming lala—." Pinigilan ko na sa pagsasalita si Kuya Felix dahil alam ko naman na ang sasabihin n'ya.
"Siguro ay mambabae lang kayo roon at hindi magba-basketball kaya ayaw n'yo akong isama, ano?" Kailangan ko nang ilabas ang huli kong alas para pumayag silang isama ako.
"Sige na i-sama n'yo na. Para makapag unwind muna ang kapatid n'yo dahil bukas ay magta-take 'yan ng entrance exam." Pagkakausap ni Papa sa dalawa kong kapatid. Wala namang nagawa ang mga ito kundi i-sama na lang ako. Pangiti-ngiti naman ako habang pumupunta kami sa mga motor nila.
Nagtatalo pa sila kung kanino ako papasakayin kaya napag-desisyonan na lang nila na sa papunta ay kay Kuya Felix ako sasakay at sa pauwi ay kay Kuya Mikael. Tinulungan akong sumakay nitong sa likod ng motor dahil mataas ito at hindi ko kayang mag-isa. Sinuotan pa ako nito ng helmet.
"Bakit wala kayong helmet?" Ako lang kasi ang mayroon. Nagkibit balikat lamang ang nga ito sa akin. Yumakap naman ako kay Kuya Felix ng sinimulan na paandarin ang motor. Pinauna namin si Kuya Mikael bago kami.
MABILIS kaming nakarating sa kabilang barangay dahil binilisan mag maneho ng mga Kuya ko. Pagkarating namin doon ay nakitang kong maraming tao lalo na ang mga babae. Mukhang mayroong pa-liga dito dahil tatlong magkakaibang jersey ang nakikita ko.
Hindi ko napansin na andito na pala sa harap namin ang mga ka-team ng mga Kuya ko. Nagpa-park pa lang kami at hindi pa ako nakakababa.
"Swabe, Pare. Sino 'yang kasama mo na chix, Felix. Pakilala mo naman kami."
"f**k off, Drei." Matalim na tinignan ni Kuya Felix ang tinawag niyang Drei.
Mabuti at napansin ni Kuya Mikael hindi pa ako nakakaba kaya tinulungan ako nito. Tinulungan ako nitong tanggalin ang helmet ko kahit sinabi kong kaya ko na. Bigla namang nagsibulungan ang iba sa mga ka-team mates ng mga Kuya ko. Alam kong kilala ako ng iba sa mga ito dahil minsan ay napunta na sila sa amin noon.
"Kapatid pala, Pare."
"Oo nga, patigilin n'yoavvn si Andrei baka wala pa man ang laro umuwi na s'yang luhaan."
Mabilis naman nilang nasabihan itong sinabihan at nanghingi ng sorry sa akin. Nauna na ang mga itong pumasok kasunod lang kami ng mga Kuya ko.
"Sa dami n'yong babae pati ako napagkakamalan isa mga 'yon." Sabi ko sa mga Kuya ko. Hindi naman sumagot ang mga ito.
Pinaupo ako ni Kuya Mikael sa isang mono block malapit sa bench nila naglagay din ito ng isa pang upuan para sa bag nilang dalawa. Pinaalalahan lang ako nitong huwag aalis sa upan ko.
Nakita ko namang pabalik mula sa labas ng court si Kuya Felix may dala itong isang supot at inabot sa akin. Mayroon doon na popcorn, tatlong chichirya na paborito ko at drinks. Pinalalahan din ako nitong wag aalis. Pinatawag na sila ng coach nila kaya iniwan na nila ako.
Mukhang kilala sila Kuya rito dahil halos kalahati ng mga babae rito ay sinisigaw ang pangalan nila. Ang iba nga ay masama ang tingin sa akin nung pumasok pa lang kami. Hindi ko naman ipagkakaila na mayroong hitsura ang mga Kuya ko.
Nagsalita na ang Anouncer na magsisimula na. Ang team ng mga kuya ko at team ng Barangay Panas ang unang maglalaban.
Maganda ang naging simula ng laban. Minsan ay may nagkakainitan pero napagaayos din agad. Ang kabilang team ay mukhang may matatanda na at mas matangkad ang mag ito kaysa sa team mates ng mag Kuya ko. Pero kahit na matatangkad sila ay lamang pa rin ng dalawangpu't isang puntos ang mga Kuya ko. Siguradong panalo na sila kung hindi sila magpapabaya.
Natapos na ang laban, gaya nga ng iniisip ko ang team mate ng mga Kuya ko ang nanalo sa unang round. Masaya ang team nila lalo na ang Coach nila dahil sa pinakitang performance ni Kuya Felix. Siya kasi ang pinaka maraming na i-shoot.
Lumapit ang mga ito sa akin ibinigay ko sa mga ito ang tuwalya nila at energy drinks. Tatayo sana ako para ibigay ang upuan ko kay Kuya Mikael pero pinigilan ako nito. Kumuha s'ya ng extra chair at inilagay sa tabi ko. Nanghingi sa'kin ng pagkain ang mga ito nakangiti ko namang sinabi na wala na. Sa tagal ng laro at intense ay hindi ko napigilang ubusin lahat.
Tumingin ako sa relo ko nakita kong 5:26 na pala 6:40 pa ang umpisa ulit ng laban ng basketball kaya may mahigit isang oras pa sila para magpahinga.