HINDI ko napansin kanina na mayroon din palang perya rito. Nag-aya sila Kuya na lumabas kaya nakita ko ito. Bibili lang sana kami ng pagkain at babalik na sa loob ng court pero sabi ko ay gusto kong sumakay ng ferris wheel. Hindi naman sobrang sikip ng pila kaya nakasakay agad ako.
Sila Kuya ay doon nakasakay sa anchors away. Hindi nila ako sinamahan dahil daw boring ang ferris wheel. Hinayaan ko na lang ang mga ito. Magkikita na lang kami sa loob ng court sa may puwesto ng team nila.
Paunti-unti nang tumataas ang sinasakyan ko kaya mas gumaganda rin ang nakikita ko. Palubog na ang araw kaya kulay orange na ang kalangitan. Napakasayang panoorin nitong lumubog. Hindi mawala ang ngiti ko hanggang sa bumaba ako.
Sa sobrang saya ko ay hindi ko na namalayan na bumangga ako sa isang babae. Natapunan ito ng chocolate sa damit niya. Agad naman akong humingi ng pasensya at kinuha ang panyo ko para tulunagn ito. Tutulungan ko na sana itong punasan kaya lang tinabig nito ang kamay ko.
"You ruined my dress! Did you know how much it is, ha?!" Dinuduro-duro niya pa ako habang sinasabi iyon.
"I'm sorry. Babayaran ko na lang." Sabi ko para matapos na dahil pinagtitinginan na kami ng tao sa paligid.
"What? Babayaran mo? Baka mahimatay ka na lang sa presyo nito pag sinabi ko." Nagmamataas na sabi nito.
"Babe, what's going on?" Bigla namang may dumating na lalaki na isa rin atang basketball player dahil nakasuot iyo ng jersey.
"This b***h!" Tinuro pa ako nito. "She ruined my dress and my mood!" Pagsususumbong nito sa boyfriend niya. Nagsisimula na akong mainis dahil sa kaartehan niya ayoko lang sumabog dahil may laban pa ang mga Kuya ko at ayoko silang mag-alala.
"Miss, bakit mo naman kasi tinapunan itong girlfriend ko?" Naiinis na tanong ng lalaki sa akin.
"Hindi ko tinapunan. Natapunan. Ibig sabihin hindi ko sinasadya." Sagot ko rito.
"Tignan mo, Babe. Sumasagot pa, eh siya na nga ang may kasalanan." Sabi ng 'maarteng babae' sa boyfriend niya.
"Paano akong hindi sasagot, eh tinatanong ako niyang boyfriend mo." Konting-konti na lang talaga ay lalabas na ang taga Maynila kong ugali.
"How much ba iyang pinagmamayabang mong dress?" Tanong ko sa babae.
"Kahit sabihin ko man ay hindi mo kayang bayaran." Sagot nito.
"Okay, if don't want to say. I'll just leave." Tinalikuran ko na ito at akmang aalis na ng bigla akong sinabuyan ng chocolate nung boyfriend nung maarteng babae.
"Huwag mong tatalikuran ang girlfriend ko pag kinakausap ka." Sabi nito. Ramdam kong nang gigilid na ang luha ko dahil sa ginawa niya.
"Iyan, yan ang bagay sayo." Sabi pa ng girlfriend nito habang tumatawa.
"Ano iiyak ka na?" Ganon din ang boyfriend nito pinagtatawanan na ako.
Nagulat na lang ako ng biglang napunta sa lupa iyong lalaki. Si Kuya Felix pala sinuntok ito. Si Kuya Mikael ay hinubad ang Jersey shirt niya at itinakip sa harapan ko dahil bumabakat na ang b*a ko sa ilalim. Naghiyawan naman ang mga babae sa ginawa nito.
Nakita kong sumuntok na rin si Kuya Mikael ng isa. Inangat ito ni Kuya Felix na parang ang gaan-gaan lang. Hindi ko silang magawang pigilan dahil gulat pa rin ako sa mga pangyayari.
"Balita ko ikaw daw ang nagbuhos sa chocolate sa kapatid ko." Sabi ni Kuya Felix.
"Bakit sa lahat ng babae rito, eh yung kapatid ko ang napili mong galawin, ha?" Tanong pa nito hindi naman makasagot ang lalaki. Ang babae naman ay pilit pinabibitaw ang Kuya ko sa boyfriend niya.
"Bitawan mo nga yung boyfriend ko! Akala mo kung sino ka. Bakit hindi mo muna tanungin yung kapatid mo kung sino ang nauna!" Sigaw nito.
"Bakit, ano ba ginawa ng kapatid ko sa boyfriend mo? Hindi ba wala? Kayong dalawa ang nag-aaway dapat ay hindi s'ya sumabat." Madilim na sabi ni Kuya Felix sa babae. "At sino ka rin ba sa tingin mo para awayin ang kapatid ko?" Dugtong pa nito.
Hindi naman nakaimik ang babae. Nakita ko namang may dala-dalang isang galon ng chocolate si Kuya Mikael, kaya pala nawala ito sa tabi ko ay naghanap noon.
Binuksan n'ya ito at ibinuhos sa dalawa. Dahil sa ginawa ng Kuya ko ay tuluyan ng umiyak ang babae inalo naman itong ng boyfriend niya.
"Tatandaan niyo bago n'yo mapaiyak ang kapatid namin dadaan muna kayo sa amin." Sabi ni Kuya Mikael.
"Isusumbong ko kayo sa Dad ko!" Sigaw ng babae sa amin.
"Kahit sino pa iyang ponsyopilato mong Daddy ay wala akong pakealam. Sabihin mo pa hindi kami natatakot." Si Kuya Mikael.
Iniwan na namin ang mga iyon at pumunta sa likod ng court dahil may C.R. daw doon. Binigay sakin ni Kuya Mikael yung jacket niyang baon. Masyadong malaki sa akin ito pero okay na kaysa sa wala. Nanghingi naman ako ng sorry sa mga Kuya pero tango lang ang natanggap kong sagot.
Bumalik na kami sa loob ng court dahil magsisimula na ulit ang laban ng basketball. Napansin ko namang may bagong dating na player ang kabilang team. Napansin ko ito kaagad dahil hindi ko ito nakita kanina at ito ang pinakamatangkad sa kanilang team. Uno ang nakalagay sa likod ng jersey nito. Hindi ko naman na nakita ang nakaaway na lalaki ng mga Kuya ko kanina.
Nawala ang tingin ko rito ng biglang nag anounce na magsisimula na ulit ang laban. Nagsipuntahan na ang dalawang team sa gitna. Magkatapat si Kuya Felix at iyong Uno. Parehas silang matangkad.
Nang hinagis ang bola ay nakuha agad ito noong Uno at naka three points ka agad. Kinuha ko ang cellphone ko para i-video ang laban na ito. Para na rin may patunay na naglaro ang mga Kuya ko at hindi nambabae.
Tuloy-tuloy lang ang laban, halos pantay lang ang laban may lamang lang ng kaunti ang kalaban. Sa pag vi-video ko ng laban hindi ko maiwasan na itapat doon sa Uno ang camera. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nahihipnotismo mo ako ng malamig na aura niya.
Mamaya-maya pa ay nakita kong nagkakainitan na ang dalawang team. Napapansin ko rin na tnaguusap na ang mga ito habang naglalaro. Nang tumingin ako sa camera ay nakita kong kinindatan ako noong Uno. Nakita ata iyon ni Kuya Mikael dahil bigla nito itong sinuntok. Pero parang wala langkay Uno ang suntok dahil nakangisi pa rin ito.
Mabilis namang tumakbo si Kuya Felix papunta roon para awatin ito. Kinausap lang ito ng sandali ni Kuya Felix at pinapunta na sa gawi ko.
"Bwisit! Kala mo kung sinong magaling." Rinig kong paghihimutok ng Kuya ko habang papalapit sa akin.
"Bakit mo sinuntok?" Tanong ko rito.
"Napakayabang, eh. Tapos kikindat-kindat pa sayo na akala mo napuwing." Inis na sagot nito.
"Napakainitin ng ulo mo, Kuya. Syempre ginawa n'ya iyon para inisin ka lalo at mawala ka sa focus." Ako.
Binalik ko ang tingin ko sa laro. Mas lamang na ngayon ang team namin kaysa kanina na naroon si Uno. Mas nakakagalaw na sila ng maayos.
Nang matatapos na ang laro ay nakita kong pinapasok ng kabilang Couch iyong si Uno. Muntik nitong mahabol ang score namin buti na lang ay kinulang sila sa oras. 68-59 ang scores lamang kami ng 9 points. Kami ang nanalo.
Mvp si Kuya Felix. May natanggap silang money price, trophy at medal. Nag picture picture lang kami kahit mukha pa rin inis si Kuya Mikael.
Bitbit ko ang trophy dahil hindi naman ito kasya sa bag nila. Tutulungan na sana akong sumakay ni Kuya Felix sa motor ni Kuya Mikael ng biglang may mabilis na kotse ang dumaan sa gilid namin na muntik magpa-buwal sa amin.
Huminto naman ito ng ilang distansya lang ang layo sa amin at ibinaba ang salamin ng kaniyang sasakyan at kumindat sa akin. Dahil alam kong inis na inis si Kuya Mikael dito kanina pa kumuha ako ng bato at nagpatulong sumakay sa motor.
"Habulin mo, Kuya." Sabi ko kay Kuya Mikael. Sinimulan naman nitong sundin. Sumigaw sa amin si Kuya Felix na huwag na pero hindi kami nakinig.
Nang nakalapit na kami rito ay pinukpok ko ng bato ang ilaw sa likod ng sasakyan niya. Bigla naman itong huminto ata bumaba. Tumingin ng madalim sa akin. Nginitaan ko naman ito.
"Bakit hindi mo na magawang ngumisi?" Tanong ko rito. Bigla namang dumating si Kuya Felix sa tabi namin at binawal na kami. Hindi ko inalis ang eye contact namin hanggang s'ya na ang unang bumitaw. Gumuhit naman ang ngiti sa labi nang makita kong nainis siya.