Chapter 6

3218 Words
"sigurado ka bang hindi tayo naliligaw?" tanong ko sa dito. kanina pa kase namin hinahanap yung magiging room namin akala ko pa naman kabisado niya na ang school nato kaya hindi kami mahihirapan. "cous sumusunod lang ako dito sa binigay na map" sabi neto habang seryosong nakatingin sa mapa, napa iling iling nalang ako bago ito kinuha sa kanya. "ako na! Akala ko pa naman alam mo na dahil dito ka rin naman mag aral before!" tiningnan ko ng maigi ang mapa at hinanap doon kung nasan kami ngayon ng makita ko na ay tsaka ko hinanap kung san kame dapat pumunta. "excuse me! Mag ka iba ng building yon!!" pag dadahilan neto inirapan ko nalang siya at nag simulang mag lakad. Maya maya pa ay nakarating na kami sa room namin agad naman akong nakahinga ng maluwag. Isa ito sa ayaw ko sa malalaking school ang pag hahanap ng magiging room sa first day nakakapagod kaya. Pag ka upo namin nagtatakang tiningnan ko ang magiging classmate namin ang weird kasi ng tingin nila sa amin parang pinag chichismisan pa nila kame. sabagay ganto din naman kaming mag kakaibigan before pag may bagong muka kaming nakita sa school. "cous?, wala ka bang classmate before na magiging classmate naten?" tanong ko dito. "actually meron naman kaya lang diko sila close they're bishh" wow so totoo nga ang sinasabi ng iba na madaming ganun dito. We're college students sana naman wala ng away away na maganap matatanda na kame para don. "wala kang naging friends?" tanong ko rito. for sure meron siyang kaibigan imposibleng wala, sa ingay niyang yan? wala siyang magiging kaibigan. "duh! Cous of course meron!" sabi neto sabay irap sa akin. "anong tingin mo saken? Introvert?" i told you, meron. "mamaya andito na rin yon papakilala kita" "so you mean classmate din naten siya?" tumango tango naman siya. "yupp!!" "buti may nakipag kaibigan sayo" natatawang sabi ko dito, sinamaan niya naman ako ng tingin. "joke lang" "omygad!! Pia!!" napatingin naman kami sa babaeng sumigaw na sa tingin ko ay ang sinasabi ni Pia na kaibigan niya. "mygashhh! ilang buwan lang tayong di nag kita parang mas gumaganda ka!" sabi ng kaibigan niya habang papalapit sa amin. luh! what a liar napa ismid na lang ako sa sinabi ng kaibigan niya ano kayang pinakain niya dito. "kalma Yanna ako lang to!, by the way this is my cousin Justine" agad siyang bumaling sa akin at nilahad ang kanyang kamay "hi I'm Yanna Rolan it's nice to finally meet you" napakunot ako sa sinabi niya para kasing kilal niya na ako. "na kwekwento ka kasi sakin minsan ni Pia before" nakangiting sabi niya. Nginitian ko nalang din siya.. "it's nice to meet you too" "Good Morning class" sabi ng prof namin habang naglalakad papasok. Agad naman umupo si Yanna sa tabi ni Pia. "Good Morning ma'am" sabay sabay naming sabi. "So I'm Anna Aquino, you can call me Ms. Or Ma'am Anna/Aquino it's up to you guys ang gusto ko lang ay nirerespeto ako bilang isang teacher" Mukang mabait ang magiging adviser namin, sana lahat sila mabait. "For now dahil hindi ko pa kayo kilala please introduce yourself in front and tell us something about you "Hi everyone My name is Lawrence Tolentino, I'm a varsity player, Im good at any sports" sabi niya na may pakindat pa. Kung yung ibang babae kinilig kami ni pia hindi. Nakakadiri. Sumunod naman ay yung isang babae na katabi nung lawrence kanina. "Hi My name is Monique Laine Valdez, I love reading and writing, its nice to meet you all" sabi nya. Nagpakilala pa ang iba naming classmate pero onti lang ang natandaan ko dahil hindi rin naman ako matandain pag dating sa name. "Hi I'm Yanna Rolan, I hate troubles but kung susubukan niyo ko why not" napa woahhhh naman lahat ng classmate namin sa sinabi niya. "gashh! Yanii! Di ka pa rin nag babago kunwari ka pang ayaw mo ng gulo eh ikaw tong mahilig sa gulo" sabi ni Pia dito ng makaupo na siya. "Go bish ikaw na mamaya kana dumakdak" "Hi My name is Sophia Rein Guiverra, i don't have talents and i thank you " sabi nya napanganga naman ako sa sinabi niya. Talagang pinanindigan niya yung sinabi niya samin ni Yanna kanina habang may nag papakilala sa harap "Hi I'm Justine Roa Guiverra, I'm not Beautiful but i have this" nakangiting sabi ko habang tinuturo ang aking sintido. "Hmm interesting ang pag papakilala ng ating tatlong huling contestant, para lang kayo sumali sa isang pageant" nakangiting sabi ni Ma'am. "dahil first day pa lang naman ngayon ibibigay ko ang araw na 'to sa inyo para makilala niyo pa ang isat isa" agad naman nag hiyawan ang mga classmate ko, hindi pa rin talaga mawawala sa college ang saya ng bawat isa pag sinasabi ng mga prof na walang gagawin or free day. Palabas na sana si Ma'am ng biglang may pumasok na studyante. "Mr. Moralde, you're late" Wait, Moralde? you mean si Jaybie? Agad ko namang sinilip ang nasa awang ng pinto at tama nga ako so classmate din namin siya? i see, kaya pala nasabi niya sa kambal na classmate niya kame. I thought sinabi niya lang yun para mabilis maintindihan ng kambal. "ok i understand, sure no problem basta sa susunod ayaw ko na ng late" "yes Ma'am, thank you" Pag ka pasok naman ni Jaybie ay nag bulungan na naman ang mga classmate ko, ang iba sa kanila ay kinikilig pa. what the hell? ano high school student lang? Agad namang tumayo ang isa sa mga classmate ko at hinarangan si Jaybie. "H-hi! Can i invite you to have a lunch t-together?" pag papa kyut na sabi neto. Binaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana ayokong maka kita ng mga ganyan ang cringe kaya. hindi ako bitter ah! nag sasabi lang ako ng totoo yung boses din kase ni Paula ipit na ipit. alam niyo yung nga pabebeng babae, ayun parang ganun siya. malapit sa bintana ang pwesto ko kaya payapa akong nakakatingin sa labas. nasa third floor kame kaya kitang kita ko ang mga studyanteng naglalakad sa may field siguro ay maaga din silang dinismiss ng prof nila kaya nakakapag liwaliw pa sila. "hmm. Im busy" rinig kong sabi ni Jaybie pero di nako nag abalang tumingin sa kanila. "y-you can seat beside me since wala ng pwe- "hey!" kunot noong tumingin ako sa kanya. "palit tayo, diyan ako" tinaasan ko naman siya ng kilay, at sino naman siya para paalisin ako dito sa pwesto ko? "pumayag kana cous ang panget mong katabi eh" sinamaan ko namang ng tingin si Pia bago ko siya irapan, muli kong binalik ang tingin ko kay Jaybie " she offered you a seat, bakit hindi ka nalang don?" nakangiting sabi ko dito. Agad naman niyang nilapit ang muka niya sa akin para bumulong geez bakit kailangan niya pang ilapit ang muka niya, this is so awkward. "i can't breath when I'm surrounded by people, that's why gusto ko ng malapit sa bintana" bulong neto sa akin na ikinataas ng balahibo ko. "please" napabuntong hininga ako at tinulak ang muka niya papalayo sa akin. "o-ok f-fine, fine you can have my seat" nakangiting sabi ko atsaka ko tumayo para sana pumunta sa pwesto nila Paula pero mukang ayoko nalang pala, parang gigilitan na nila ko sa leeg dahil sa tingin nila. "a-ah J-jab?" tawag ko dito kunot noo naman siyang tumingin sa akin. "ano tawag mo saken?" sabi neto. Don't tell me natawag ko siya sa pangalang ginawa ng utak ko para sa kanya. "M-masyado kasing mahaba ang Jaybie, kaya Jab nalang ah" nakangiting sabi ko dito. Muli akong tumingin sa pwesto nila Paula, muntik pa ko mapatalon sa gulat ng magsalubong ang mata namin. she's scary para kasi siyang mangangain na lang bigla. "a-ah Jab? K-kase gusto ko katabi si Pia, b-baka pwedeng siya na lang palipatin mo" naka pout na sabi ko sabay turo dun sa guy na katabi ni Yanna "nakaka touch ka naman cous! Don't worry about me alam ko namang nag aalala ka lang, si Jaybie lang naman 'tong katabi ko di naman mangangain yan" tumingin ako kay Pia at pinanlakihan siya ng mata, humanda ka talaga sakin mamaya pag 'di ka pa tumigil. Actually ok lang naman sakin kahit hindi ko katabi si Pia pero kase ayun nalang ang maganda kong maidadahilan sa kanya dahil mukang mamamatay talaga ako ng maaga pag kala Paula ako tumabi. "sure wait" agad naman siyang tumayo at lumapit dun sa lalalaki madali lang naman pala siyang kausap. "alam mo ang slow mo" inis na sabi ko dito, nagtataka naman niya akong tiningnan. "Ha ano bang meron?" napasampal nalang ako sa noo ko. "ok na paurungin mo nalang sila para makaupo kana" nginitian ko naman si jab tsaka ko nag thank you. "hoy! Anong meron? Ba't ako naging slow?" inirapan ko lang siya at 'di pinansin. "sis! Slow talaga yan masanay kana" buti pa si Yanna na gets yung nangyayare. "ah hindi niyo talaga sasabihin saken?!" "Hinde!" sabay na sabi namin ni Yanna. "i hate you both!!" Napailing iling nalang ako, tumingin naman ako dito sa katabi ko na nakatingin lang sa bintana, totoo kaya yung sinabi niyang 'di siya makahinga pag napapalibutan siya ng tao? Or gawa gawa niya lang yon para mapaalis ako. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumingin sa akin. "what?" tanong neto ngumiti nalang ako at umiling iling. he's the person who help me nung nag enroll kame, at di ko talaga maiwasang hindi tumingin sa kanya. kahit sino naman mapapatingin sa kanya, his looks can attract everyone. he's handsome pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya baka iba pa ang isipin niya. "cous! Dalian mo nagugutom nako!" pagmamadali ni Pia sa akin lumabas ng classroom. lunch time na kase at mukang gutom na gutom na naman siya parang di siya kumain kanina kung mag madali papuntang cafeteria. Andami kasing alaga sa tiyan kaya palaging gutom 'di naman tumataba. "cous hindi aalis ang Canteen Ikalma mo yang mga alaga mo sa tiyan" pinag titinginan na kame ng tao dahil sa lakas niyang mag salita. para lang siyang sila Sindy at Nicky sa sobrang ingay. speaking of them desidido na talaga sila sa pag punta dito sa 2nd semester akala ko pa naman hindi sila papayagan nila tito pero nagkamali ako. "cous! Hindi lang pagkain ang habol ko baka wala tayong maupuan" umiling iling nalang ako at sumunod na sa kanila. Pag dating namin sa Canteen totoo nga ang sinabi ni Pia dahil halos wala na kaming makitang table na available. ganto ba talaga dito every lunch? "sabi sayo cous eh!" naka pout na sabi neto. "sorry" naka peace na sabi ko sa kanila. Hindi ko naman kasi akalain na sabay sabay ang lunch ng studyante Malamang lunch yan mag isip ka nga gamitin mo naman ang utak mo. Gashhh bat ba laging may side comment ang utak ko baliw na ba 'ko? "Let's just order our food nalang then dun tayo sa may field." suggest ni Yanna na agad namang hindi sinang ayunan ni Pia. "Maiinit dun Yanii!!" reklamo niya dito. "may mga table dun, tsaka nasa ilalim naman yun ng puno" "Eh pano pag wala na den? Sayang effort naten nakakapagod" Agad naman akong sumingit sa kanila dahil hindi kame makakakain kung mag tatalo lang sila "sa Room nalang tayo" sabi ko sa kanila sabay hatak sa kanila papunta sa may counter. "Ang boring sa Room" naka pout na sabi ni Yanna. "we don't have a choice, may alam pa ba kayong place? 2 hours naman ang vacant naten" sabi ko sa kanila. Nag punta kasi kanina yung prof sana namin after lunch, then kinuha lang yung list ng names namin at sinabing wala siya mamaya. "anong oorderin niyo?" tanong ni Yanna sa amin habang nag titingin sa naka display sa taas. "kung ano nalang sayo ganun nalang din sa akin" di naman ako mapili sa pagkain. "Sure ka sa sinabi mo cous? Eh kung mag order din yan pang limang tao" "wow kaysa naman sayo na pang isang linggo na yung inoorder" Napailing iling nalang ako, feeling ko pag sila kasama ko lagi akong napapailing. Pag ka kuha namin ng order namin muli kaming tumingin sa paligid at baka may ma tyempuhan kaming available na table pero wala talaga. "Roa" muntik ko ng mabitawan yung dala ko ng biglang may kumalabit sa akin. "J-jab"napahawak ako sa dibdib ko ng dahil sa gulat. "Sorry nagulat ba kita?" inirapan ko lang siya, hindi pa ba halata?. "ay hindi no, gulat na gulat lang" lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya na naman ako sa balikat. "dun na kayo sa table namin dalawa lang naman kami dun" pag aaya niya sa amin. "Jaybie Hulog ka ng langit! Thank you" tuwang tuwa na sabi ni Yanna. "Thank you Jaybie!" sabi ni Pia, habang nag mamadaling pumunta sa table nila jaybie. "Ayaw mo ba?" "ahh hinde, eto na nga eh" dali dali naman akong nag lakad papunta sa table nila na hindi kalayuan. wala na rin naman akong choice kundi ang sumama dahil nauna na ang dalawa sa table nila "bakit iniwan niyo kong dalawa!" sabi ko sa dalawa na nagsisimula ng kumain. Tumingin naman ako sa lalaking nasa harap nila. "Hi" nakangiting sabi nito. "h-hi" nahihiyang sabi ko dahil hindi ko naman siya kilala. "ah Pat Si Justine nga pala" pag papakilala sa akin ni Yanna. "Jus, si Patrick" So siya yung pinsan ni Jaybie. Hindi ko siya napansin agad dahil nung una kong kita sa kanya ay may salamin siya at naka bagsak ang buhok niya para siyang nerd na gwapo. "Jaybie Thank you talaga!" pagpapasalamat ulit ni Yanna. "You're welcome!" "Bro? Siya yung sinasabi mo?" sabi ni Pat Habang nginunguso ako, nagtatakang tiningnan ko naman silang dalawa. Pinag uusapan ba nila ko? "let's eat!" pag iiba ng usapan ni jaybie Feeling ko kilala niya talaga ko, but who is he?!! Ipinag sa walang bahala ko nalang muna kung sino siya at sinimulang kumain. "Jaybie Pwede mag tanong?" "Nag tatanong kana" muntik nakong mabilaukan dahil sa pamimilosopo niya kay Yanna. "Yanna, ayusin kase ang tanong" natatawang sabi ng pinsan kong kanina pa kumakain. Pag ka ubos nila ng fries ko aba nag order ulit sila ganyan sila kagutom "Jaybie ikaw ah marunong ka naman palang mag biro" pang aasar dito ni Yanna "of course i am" nakangiting sabi niya dito, bat ba lagi akong napapatitig sa kanya pag ngumingiti siya bigla namang hinampas ni Yanna si Pia at may binulong dito. "Jaybie Crush ka daw niya!" turo nito kay Yanna sabay kagat sa hawak niyang Hamburger Agad namang nakatikim ng panibagong hampas si Pia galing kay Yanna "taena ka talaga!, si Patrick nga na matagal mo ng crush diko sinasabi eh!!" Pft. Agad akong natawa sa kanilang dalawa, tumingin ako kay Pia na namumula ang pinsngi habang nakatingin kay Pat. "oppps sorry" naka ngising sabi ni yanna "bro ampogi talaga ng angkan naten, biruin mo di na naten kailangan mag hanap kase sila na yung naghahabol saten" rinig kong bulong ni Pat kay Jaybie "i know!" Medyo may kakapalan din pala ng muka ang dalawang 'to pero totoo naman kasi talagang gwapo sila kaya madaming babae ang nagkakandarapa sa kanila hindi ko itatangi 'yon, pero hindi ako isa sa mga babaeng yan. Yes! Ma aatract ako sa Face, figures, talents, pero ma iinlove ako sa ugali. "jaybie eto na nga yung tanong ko, why did you invite us here" "dahil wala kayong ma pwestuhan" simpleng sagot niya rito. Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila habang kumakain, dahil nahihiya akong makisingit sa pinag uusapan nila. Tsaka hindi ako sanay na makipag kwentuhan habang kumakain lalo na kung hindi ko kilala. "madami kaming nakatayo dun kanina, but why us?" tumingin naman ako kay Yanna, sa tanong niyang yan alam kong may gusto pa siya malaman. "dahil.... Classmate ko kayo" "ahhhh yun lang?" "nako Yanna wag ka ng umasa na sasabihin ni Jaybie na dahil gusto ka niya kasama!, pag pasensyahan mo na 'to jaybie ah hindi kase nakapag pa check up eh" Binatukan naman agad ni Yanna si Pia dahil sa sinabi neto. "aray Yanni!! Nakakailan kana ah!" "tapos naba kayo kumain?" tanong ko sa dalawa kanina pa kase sila kain ng kain di ba sumasakit tyan nila? "san kaba pupunta cous?" oh diba sumagot agad. isa pa 'tong si patrick di ko akalain na malakas din siyang kumain wala sa itsura. "Mag ccr" sabi ko sa kanila, agad naman akong tumayo. "sama ko, tara den Jaybie! Hayaan mo si Pia diyan sa Crush niya!!" "mamaya ka talaga saken" namumulang sabi ni pia, nailing iling nalang ako. Ang kyut kase ng friendship nila nakaka miss din pala yung apat. Siguro kung andito mga yun mag kakasundo sila. "wait! B-bakit kasama ako?" sabi ni Jaybie, agad namang binitawan ni Yanna yung kamay niya. "hehehe inasar ko lang si Pia, sige na balik kana don, baka mamatay yun sa kilig" nailing iling nalang si Jaybie bago bumalik sa table nila. "you're funny" sabi ko dito habang hindi siya nililingon. "funny lang?" "masaya din kasama" "ay ayun lang wala ng iba?" nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "mag pinsan nga kayo, may pag ka slow ka den" natawa naman ako sinabi niya, of course alam ko kung ano ang tinutukoy niya. "gorgeous, pretty, cute, beautiful, ayan ok na ba?" natatawang tanong ko dito. "ayan sabi ko na mas maayos pag iisip mo kaysa kay Pia" napailing iling nalang ako. Pag dating namin ng washroom ginawa na namin ang dapat naming gawin. Hindi rin kami nag tagal agad dahil wala na naman kaming dapat pang ayusin sa sarili namin dahil maganda na kame. "antagal niyo ah!" sabi ni Pia sa amin pag ka balik namin "nasan na yung dalawa?" tanong ko rito. "nauna na sa room" "ang boring mo daw kasi kasama kaya iniwan ka" natatawang sabi ni Yanna. "ano hindi ka pa rin tapos kumain? Baka gusto mo munang tumigil? May bukas pa" "excuse me? Sinasama nila ko pero inantay ko kayo dito dahil baka mag ka salungat tayo" "edi dapat tinext mo nalang ako" "di ko dala phone ko cous" "ay nako wag mo nga iwan phone baka mamaya may emergency na mangyare" ang hilig niya talaga iwanan cellphone niya. Last time iniwan niya yung phone niya sa bahay, tumawag si tita hindi niya na sagot ayun nag alala sila tita sa kanya kaya sakin tumawag. "awww nakaka touch ka talaga cous don't worry bukas dadalin ko na, nakalimutan ko kasi kanina kakamadali mo" Bakit ako ang sinisisi niya eh siya itong mabagal kumilos "tara na Jus, ang boring dito iwan na natin yang si Pia" sabi ni Yanna sabay hatak sa akin palabas. "Hoy! Teka!" rinig naming sigaw ni Pia natawa nalang kaming dalawa ni Yanna sa kanya. "Kain ng kain hindi naman tumataba" naiiling na sabi ni Yanna "Hoy! Kayong dalawa humanda kayo saken pag naabutan ko kayo" sigaw ulit neto. nagkatinginan naman kami ni Yanna mukang parehas kami ng nabubuong plano sa isip. "Run!" sabay naming sigaw "Hoy!! Mga bwiset kayo!!" Habang tumatakbo kami tumingin kami sa likod at nakita namin siyang ansama ng tingin sa amin habang nag lalakad. "we're dead" sabay na sabi namin ni Yanna
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD