Gumising akong maaga para maghanda ng aming breakfast dahil wala namang ibang gagawa nun kundi ako lang.
Pag kaluto ko ng pagkain umakyat nako para gisingin si pia.
Late na naman siyang natulog kagabi kaya di na naman siya nagising ng maaga. kaya minsan anong oras na siyang nakaka pag asikaso, ang ending late din kame sa class
"Pia!" katok ko sa pintuan "Pia!" sigaw ko.
Ang hirap talagang gisingin netong babaeng to ehh. 'di naman naka lock yung pintuan niya kaya pumasok na ko.
"hey pia, wake up anong oras na ohh malalate nanaman tayo." sabi ko sabay tapik sa kanya.
"hmm 5 minutes" sabi nya habang feel na feel niya pa yung pag yakap sa unan niya.
"anong 5 minutes babangon ka diyan oh bubuhusan kita ng malamig na tubig."sabi ko.
Seryoso ako dun
"fine eto na babangon na" agad naman siyang bumangon at nanatiling naka upo. Good mabilis naman pala siyang kausap.
nadala na siguro siya last time dahil binuhusan ko talaga siya ng tubig.
"mamaya mo na ayusin yan kain muna tayo" sabi ko rito na agad naman niyang ikinatuwa. Basta pagkain talaga ang topic lagi siyang ganado.
Pag ka tapos naming kumain nag ayos na kami para pumasok. Ganyan lang naman ang routine namin tuwing umaga lalo na kung may pasok.
Pag weekends naman nag jojogging kami every morning.
Pag tapos ko mag ayos ay bumaba na ko as usual ako na naman ang mag hihintay para sa kanya Isang beses lang ata siyang nag hantay para sa akin.
Habang hinahantay ko siya inopen ko muna ang f*******: ko. Agad na bumungad sa akin yung Post ng apat nung 1st day nila, ni like ko lang ito at nag comment ng i miss y'all bago ko buksan ang notification ko.
kumunot naman ang noo ko ng makita ko kung sino yung mga nag friend request sakin.
Jan Patrick Mora
Confirm Remove
Yanna Rolan
Confirm Remove
Jaybie Duke Moralde
Confirm Remove
he has a second name also huh.
Inaccept ko naman silang tatlo dahil kilala ko na naman sila maya maya pa ay nakita ko ng pababa si Pia kaya agad na akong tumayo para kunin yung susi malapit sa pinto.
"oh" sabi ko sabay hagis ng susi kay Pia.
"what I'm gonna do with this?" nag tatakang tanong niya wag niyang sabihin na nakalimutan niya na usapan namin.
"alternate tayo sa pag drive diba? So ikaw naman" nakangiting sabi ko dito bago ko lumabas.
Pagdating namin sa school wala pang masyadong tao napaaga siguro kame masyado pero mabuti na to kaysa sa late.
Pagpasok namin tuloy tuloy lang kami hanggang sa maka upo na kami sa seat namin.
"aga mo ah" gulat na sabi ni Yanna kay Pia
"maganda talagang kasama mo pinsan mo para lagi kang maaga"
"takot ako eh buhusan ba naman daw ako ng tubig pag di pa ako bumangon, tsaka baka hindi nako ipag luto niyan" natawa ako sa sinabi niya.
dapat lang na matakot siya dahil gagawin ko talaga ulit yun pag di siya bumangon agad.
i have my word
" dapat lang sayo yun no pahirapan ka pa naman kung gisingin, by the way marunong ka magluto?" agad naman akong tumango sa kanya.
"abay talagang blessing ka kay Pia, maka pag overtime nga minsan sa bahay niyo"
"nako huwag na mauubos stock ng ref namin sayo"
"ay hindi paba ubos sayo?"
Ayan na naman sila sa pag tatalo nila kung sino ang mag matakaw, eh parehas lang naman sila.
Habang hinahantay yung iba naming classmate at yung prof nag kwentuhan nalang muna kami wala namang kaming assignment or activities na gagawin.
"hey!" natigil naman kami sa pag kwekwentuhan ng sumingit si Paula sa amin buti nalang natatandaan ko pa ang pangalan niya.
"what do you want? " nag tatakang tanong ko kasi sa pag kaka alam ko hindi naman namin siya close.
baka makikipag kaibigan?
pero yung tingin niya nung nakaraan mukang malabong magyari yun.
" 'di na kami mag tatagal" sabi naman ni andy, kinunutan mo naman siya ng noo.
"we're just clarifying some things to the three of you lalo na sayo" sabi niya sabay turo sa aken. What are they talking about?
"Stay away from Jaybie!" sabi ni Paula habang naka tingin sakin ng masama ayan na naman yang tingin niya, wala naman akong maalalang ginawa sa kanya na masama.
"and who are you to tell us what we need to do?" kalmadong sabi ni Yanna.
"this is bad" bulong saken ni Pia
"anong binubulong bulong mo diyan!" agad namang umiling iling si Pia.
"wala ang ganda niyo ka ko" nakangiting sabi nito sabay kurot sa akin habang may sinasabi.
"What" bukang bibig na sabi ko, Hindi ko makuha ang sinasabi niya.
Tinuro niya naman si Yanna na kalmado at seryosong naka tingin kay Paula oh shems! I get it.
"oh hindi mo na pala ko kilala ngayon" nakangising sabi ni Paula. "sa pag kaka tanda ko your one of us before, not until you met that stupid friend of yours"
tatayo na sana ako para harapin siya ng hawakan ni Pia yung kamay ko.
"stop it" sabi niya ng walang kahit anong tunog ang lumalabas sa bibig niya.
Tumingin naman ako sa mga classmate naming nakatingin na pala sa amin. we're making a scene! this is what i hate the most.
kaya ayoko ng gulo eh for sure pag chichismisan na naman kami ng mga yan.
napabuntong hininga na kang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
"yun na yon?" mapang asar na tanong ni Andy.
"girl sa tingin mo may gagawin siya eh tingin pa nga lang natin baka tumakbo pa siya sa Mommy niya" natatawang sabi ni shiela.
Huminga ako ng malalim at pumikit, i don't want to make troubles, i also hate troubles kaya hanggat maari ako nalang ang uunawa para sa kanila.
We're College students hindi na kami high school para makipag talo pa sa mga gantong klase ng studyante.
" Yanna! Sayang ka, napunta ka sa mga stupid mong kaibigan"
Tumingin naman ako kay Yanna at nakita ko siyang ngumisi. " Your the one who's stupid here Paula, do you think Jaybie will like you?" nakangising tanong ni Yanna.
agad naman itong tumayo at tiningnan si Paula muna ulo hanggang paa. "sa ex niya pa lang wala ka ng laban, kaya wag kana umasa... b*tch"
Susugurin na sana siya ni Paula ng may pumagitna sa kanilang dalawa.
"Stop it!" agad na hinawakan ni Pia yung kamay ni Yanna at pinakalma ito. " Yanna Please? Stay calm"
"what's happening here?" napatingin naman kaming lahat sa pinto ng biglang pumasok sila Jaybie at ang pinsan niya.
"anong nangyayari dto?" tanong nya ulit ng makalapit siya sa amin
"Jaybie sila ang nanguna pinag chichismisan nila kame" muntik ko na akong matawa sa sinabi ni Paula, wow ah kami pa talaga? tanga na lang ang maniniwala sa palusot niya.
Tiningnan ko naman si paula at nakangisi sya. Tumahimik nalang kami at hinayaan si Jaybie kung kanino siya maniniwala.
"they can't do that, they're not troublemaker like you"
Napa woahhh naman kaming lahat sa sinabi ni Jaybie tumingin naman ako may Paula na ang sama na naman ng tingin sakin.
Teka bakit ba parang sa akin lang siya galit na galit wala naman akong maisip na maaring nagawa ko para magalit siya.
"tama na yan, go back to your seats kung ayaw niyong mag stay sa detention hanggang lunch" sabi ni Patrick
Agad naman silang nag sisunuran at bumalik sa seat nila habang kami inayos nalang ang upo.
"are you ok" tanong ko kay Yanna ngumiti naman siya at tumango, naalala ko kase yung nasabi sakin ni Pia na muntik niya ng mapatay sa bugbog yung lalaking nambastos sa kanya dati, kaya hanggat maari iniiwas niya si yanna sa gulo kasi ayaw niyang maulit yon.
Naalala ko rin yung kwento sakin ni Pia before kung pano sila naging mag kaibigan, dati pala siyang binubully ni Yanna, but Pia save her once kaya nag bago pakitungo ni Yanna sakanya, ng maging mag kaibigan sila wala ng masyadong nambubully sa kanya dahil hindi sila makalaban kay Yanna.
Alam niyo kung hindi niya lang sinabi na babae si Yanna iisipin kong lalake siya, isipin niyo parang yung sa mga w*****d story lang, dati silang mag ka away pero sila yung mag kakatuluyan.
Napa iling iling nalang ako sa naisip ko, maya maya pa ay pumasok na yung Prof namin.
Nakinig lang kami sa prof namin, si pia naman ayun at kausap si patrick habang si Yanna ay tahimik lang din na nakikinig. Talande talaga ng pinsan ko pati ba naman dito. Nagulat naman ako nung kinalabit ako ni jab.
" want some"sabi nya sabay pakita ng brownies, nag tataka naman ako kung bakit niya ako inaalok pero tinanggap ko na ren dahil mukang masarap.
" thanks " sabi ko
" ma'am excuse me po. 'Di ba may rules tayo na bawal kumain pag hindi pa time? "tanong ni paula.
" yes why? " sabi naman nung prof.
" nakita ko po may kinakain si justine look ma'am"sabi ni paula sabay turo sakin. s**t lagot ako neto.
Sakto naman tumingin si ma'am ng mabilisan kong nginuya ang laman ng bibig ko.
"Ms. Guiverra ayun sa rules kung sino man ang kumakain sa klase ko ay ma dedetention ng isang oras. Pwede ka ng pumunta do'n ngayon." sabi ni prof. Tumingin naman ako kay paula at naka ngisi lang siya.
"ma'am excuse me po pero masakit daw po kasi yung tiyan niya kaya kumain siya" sabi ni jab. Tumingin naman agad ako sa kanya nginitian niya lang ako
"Mr. Moralde I'm sorry but iyon ang nakalagay sa rules. Ms. Guiverra you can go now." sabi nung prof.
"she doesn't feel good ma'am i think she needs to go to the clinic instead" pag pipilit pa rin ni Jaybie dito.
"is that so?, ok then you can go to the clinic" sabi ni Ma'am agad naman akong tumingin kay jaybie.
I thanked him without a sound coming out from my mouth
Nagtataka namang tumingin sakin yung dalawa "later" mahinang sabi ko, alam na nila ang ibig sabihin niyan kaya hindi nako nag tagal pa at nakakahiya na dahil lahat dila nakatingin sa akin.
Muli akong sunulyap kala Paula at ayan na naman ang pamatay nilang tingin sa akin, hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy nasa paglalakad.
Pag ka labas ko pumunta na lang din ako ng clinic kahit wala naman talagang masakit sa akin, kaysa naman sa detention pa ako mapunta, ayokong mag karoon ng records mygadd self! Second day of school pa lang.
bakit ba kase nag pahuli ako na kumakain ako, your so stupid self!
kasalanan to ni Jaybie eh kundi niya ako inalok edi sana nasa room pako at payapang nakikinig sa professor naming nag dididscuss sa harap.
isa pa tong si Paula nakita niya din namang kumakain si Jaybie pero ako lang ang sinumbong niya.
Now I get it, she likes Jaybie that's why she wants me to stay away from him pero anong magagawa ko kung siya mismo Yung lumalalapit sa akin?
Konti na lang talaga masasampolan ko yang si Paula, mabait akong tao pero kung ganyan lang din naman pala itratrato niya saken baka hindi na ako makapag pigil.
Ang sarap niyang ipakain sa pating!