This is the best day of my life, nakangiting sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang aking sarili sa harap ng salamin.
Sobrang saya ko ngayong araw dahil finally mabubuksan ko na ang ka una unahang coffee shop ko dito sa bansa.
This is my dream, at a very young age i manage to open a business without any help of my parents.
Actually they didn't know about it, i want to make it secret with them.
Gusto ko maging successful muna ang business ko bago nila malaman. If you will ask me how i manage to open a business well sadyang nag tyaga lang ako mag ipon.
Bata pako ng simulan ko ng mag ipon, sabi kase ng ninong ko, Mommy likes coffee so much that's why i said to him when im old enough i want to build a coffee shop for my Mom. Ginulo niya lang ang buhok ko non at nginitian.
i hope she will like this if ever na malaman niyang akin 'to. gusto ko lang naman na mag ka ayos na kami at maging proud siya sa akin.
si Ninong din pala ang tumulong saken mapatayo ang coffee shop ko he helps me find people who i can trust.
Bata pa rin naman ako at 'di pako sanay masyado sa pag papatakbo ng ganyan ng business.
Tumingin ako sa relo ko at muling binalik ang tingin sa salamin.
"You can do it Justine I'm so proud of you" sabi ko sa sarili ko bago ko tuluyang umalis bahay.
Matagumpay akong nakarating sa lugar kung san nakatayo ang coffee shop ko ng 'di nalalaman ng pamilya ko.
Kahit ang mga kapatid ko ay hindi ko sinabihan about dito, but sooner or later alam kong malalaman din nila 'to.
mala detective ang galawan ng dalawang yun kaya lahat ng gusto nilang alamin ay nalalaman nila.
Hindi na ako mag tataka dahil ang hilig nilang manood ng mga may kinalaman sa detective. isa na diyan ang Detective Conan.
Naalala ko nung 18 birthday nila niregaluhan ko pa sila non ng libro ng Sherlock Holmes na ikanatuwa nila.
"Your here" nakangiting bati sakin ni ninong pag ka baba ko ng sasakyan. agad naman akong nag mano sa kanya.
talagang inabangan niya pa ako dito sa labas para lang salubungin ako.
"Yes ninong thank you so much hindi mangyayare ang lahat ng 'to kung wala kayo"
If he's not here i think hanggang ngayon nangangarap pa rin ako hindi ko kase alam kung pano ko uumpisahan kaya nanghingi ako ng tulong sa kanya.
siya na lang kasi ang kilala kong makakatulong sa akin at wala ng iba pa.
Lagi namang wala si Daddy tsaka nahihiya din ako kay Dad ayoko maka abala sa kanila.
pero iba ang inabala ko apaka galing mo talaga justine!.
"ikaw talagang bata ka your Ninong is so proud of you" nakangiting sabi neto "alam kong sobrang proud din siya sayo" bulong neto na hindi ko narinig
"May sinasabi pa po ba kayo?" tanong ko dito para kasing biglang lumungkot ang itsura niya.
"ah nothing, tara na sa loob lets meet your people" pag aanyaya niya sa akin papasok sa loob.
Grand opening ngayon marami din ang nag punta at bumili ng coffee namin dahil may 50% discount.
Maayos din naman ang mga nakuha ni Ninong na employee, ang iba sa kanila ay kapwa ko studyante at dahil hindi pa naman nag sstart ang school year full time ang oras nila dito.
Pero kailangan kong ayusin ang schedule nila once na mag start na ang school year.
Ang Manager naman na kinuha ni Ninong ay si Ate Cassy nagulat pa nga ako ng mag ka kilala sila, si ate Cassy ay anak ni Manang Fei na matagal ng nag tratrabaho sa amin bilang kasambahay.
Mapag kakatiwalaan ko naman sila that's why im happy dahil siya ang naisipan kuhain ni Ninong.
hindi rin ako nag tagal sa shop dahil ayokong abutin ng dilim pero ang malas lang dahil nag karoon pa ng traffic dahil may na aksidente kaya halos madilim na rin ng makauwi ako.
Pag kauwi ko, tinanong agad nila ko kung saan ako nang galing at gabi na ako naka uwi. Kahit ayokong magsinungaling sa kanila ginawa ko, ayoko din naman kasing malaman nila na sa akin ang bagong bukas na Coffee shop sa Central.
Habang kumakain kami ng dinner si Kuya at Ate lang ang nag uusap silang dalawa lang kasi talaga ang maingay na kahit nag bubulungan lang ay maririnig at maririnig mo parin ang mga sinasabi nila.
"Nakita mo ba yung bagong bukas na Coffee shop diyan sa Central?" tanong nito kay ate.
natigilan ako sa pag subo ng pagkain dahil sa sinabi ni kuya.
"Ahh oo, you should try it ulan! Mas masarap ang coffee nila kaysa sa mga mamahaling Restaurant" napangiti naman ako ng palihim sa sinabi ni Ate.
So she's there kanina? But i didn't see her, siguro ay nasa loob kame noon at pinag uusapan ang mga susunod na mangyayare sa Coffee shop.
"sus kunwari kapa alam kong kaya ka lang naman bumili doon dahil sa 50% discount nila ang kuripot mo talaga" natawa naman ako ng palihim sa sinabi ni kuya. totoo naman kase na kuripot talaga si ate mahilig siyang bumili ng mga pag kain pag may discount o may voucher siya.
naiintindihan ko naman siya dahil ganun din ako minsan pero pag gustong gusto ko talaga ang isang bagay hindi ko na iniintindi yung presyo.
"eh bakit totoo naman ang sinabi ko noh!"
"what's the name of that Coffee shop?" nagulat ako ng biglang mag tanong si Mom. Medyo kinabahan ako dahil nag tanong siya.
"Veroma Cafe, You should try it Mom their coffee is great, tiyak na magugustuhan mo yon" nakangiti at proud na proud na sabi ni ate.
napailing iling na lang ako mukang delikado ako sa kanilang dalawa ng kambal. kailangan kong i doble ang pag iingat ko.
"ok then."
Tumingin naman ako kay Dad na kanina pa walang imik nag away na naman kaya sila.
Nag paalam na ko agad sa kanila pag ka tapos kumain para umakyat sa kwarto ko at mag linis ng katawan. Habang naliligo ako hindi ko mapigilan mag isip tungkol sa mga susunod na mangyayare sa cafe ko.
Andami namumuong what ifs sa isipan ko na, what if hindi maging successful what will i do?, what if hindi ko kaya?.
Pero dahil ginusto ko to wala akong ibang dapat gawin kundi maging Positive sa sarili ko na kaya ko. Kung kaya ng iba, alam kong kaya ko rin.
Pag ka labas ko ng Bathroom nagulat ako ng makita ko si ate sa kwarto ko.
ano na naman kayang ginagawa niya dito kakaayos ko lang ng mga gamit ko wag niyang sabihing mang gugulo na naman siya.
"what are you doing here?" kinakabahang tanong ko may namumuong reason sa isip ko kung bakit siya nandito pero ayoko munang sabihin yun dahil baka ibang rason naman talaga ang ipinunta niya dito.
"Bawal na bang pumasok sa kwarto mo?" nakangising sabi neto, agad naman siyang tumayo at lumapit sa akin.
"nagtatanong lang ako kakaayos ko lang kasi ng mga GINULO niyo" diniinan ko talaga yung word na 'ginulo' para naman next time na pupunta sila ay hindi na ma ulit.
pero mukang malabo yun dahil kahit san mag punta ang kambal ma gulo sila lalo na pag mag ka sama
"eto naman para namang hindi ka pa sanay sa amin" naka ngusong sabi nito.
inirapan ko na lang siya habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
"I'm so Proud of you Lil Sis!" sabi nito ng maka lapit sa akin at ni yakap ako ng mahigpit
"t-teka nga ano bang sinasabi mo, h-hindi ako makahinga!" pag kukunwaring kong wala akong alam sa sinasabi niya.
sabi na eh malalaman at malalaman talaga nila agad for sure alam na rin ni Kuya dahil siya ang nag bukas ng topic kanina.
hindi talaga ako magaling mag tago ng sikreto pero sana naman hindi muna malaman nila Mommy at Daddy.
"wag kana mag sinungaling Jus, i know ikaw ang may ari ng bagong bukas na Coffee shop sa Central" napakamot naman ako sa ulo ko.
"t-teka nga hindi kita ma intindihan paan-
" wag mo ng itago Lil sis buko kana eh, basta proud si ate sayo ok! Don't worry your secret is safe with me"nakangiting sabi neto, sabay gulo sa buhok kong kaka ayos ko lang.
"If your asking me how did i know, well sinundan lang naman kita kanina kakaiba kase ang aura mo akala ko may ka date ka HAHAHA syempre kailangan makilatis ko muna siya bago mo siya sagutin" Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Isa lang ang masasabi ko Jus, you did an amazing job! You did well! We're so proud of you. Always remember Me and Maki are always here for you!" bigla namang may namuong luha sa mg mata ko, agad ko naman itong pinunasan at niyakap siya.
"t-thank you Ate,please don't tell it to kuya" sabi ko dito habang patuloy pa rin sa pag iyak.
nag ba-bakasakali lang naman ako, malay niyo wala talagang alam si Kuya.
"No need Bunso, i already know" sabay kaming napatingin ni ate sa may pinto.
Agad naman siyang lumapit sa amin, "grabe tagal niyong mag dramahan" agad naman siyang naka tanggap ng kutos kay Ate.
"Aray ko naman kierra!" naka pout na sabi neto habang kinakamot ang ulo niya.
"ang chismosa mo talaga!"
"excuse me alam ko din from the start, nakita ko siya kanina don sa shop kausap si Tito Kyle" so he's there also.
"mga stalker!" naka pout na sabi ko sa kanila na ikinatawa lang nila.
" I'm so proud oy you too Bunso, i know Mom will be happy if she's here" siniko naman agad siya ni Ate. tinaasan ko naman sila ng kilay i didn't get what he said.
"ah i- i mean matutuwa kako si Mommy pag andito siya eh kaso wala siya kaya hindi siya matutuwa heheheh" kamot ulong sabi niya. "Basta bunso proud kame sayo ok!" sabi neto sabay gulo sa buhok ko
"t-teka nga kanina niyo pa ginugulo yung buhok ko eh ang hirap hirap pa naman ako mag suklay tapos guguluhin lang nila.
" Group hug"sigaw ni ate kinulong naman agad nila ako sa mga bisig nila.
"h-hindi ako maka hinga" sabi ko habang hinahampas yung braso nilang naka pulupot sa akin.
Tinawanan lang nila ako at mas lalo pang hinigpitan ang pag kaka yakap sa akin
"MGA SIRAULO PAPATAYIN NIYO BA AKO!!" sigaw ko pero hindi pa rin talaga sila bumitiw sa pag kakayakap sa akin.
napailing iling nalang ako sa loob ko ng may malaking ngiti sa labi.