Chapter 3

2106 Words
"nakapag isip kana ba kung san ka mag aaral ng College?" seryosong tanong ni Dad habang kumakain kame ng breakfast. Hindi namin kasabay ngayon si Mommy tsaka yung kambal kaya medyo tahimik ang hapag kainan dahil kaming dalawa lang naman ang kumakain. "Ah yes po Dad" kinontak ko ang pinsan ko na taga Bulacan at sinabing doon ako sa univey kung saan siya nag aaral. Nakaka sawa na rin kase dito sa Manila ayoko ng mga magarbong school dito. "Where?" "Sa M.U po" medyo may kalakihan din naman ang M.U (Morality University) isang sikat na paaralan 'to sa Bulacan. nag search ako about sa school na yan at mataas naman ang ratings nila sa socmed may mga artista din na diyaan nag gradute na mas nakadagdag ng popularity ng school. "You Mean Morality University?" agad naman akong tumango kay Daddy. "ayaw mo ba sa School ng ate at ng kuya mo?" Agad naman akong tumango sa kanya, kagaya nga ng sinabi ko ayaw ko mag aral dito sa Manila. "If that's what you want then it's fine" sabi neto agad naman akong napangiti. Never humindi sa akin si Daddy pag dating sa mga gusto ko pwera na lang siguro sa mga ikakasama ko. "thank you Dad!" "sino kasama mo dun? How about your friends?" agad naman akong napa isip sa mga kaibigan ko matagal ko na kasi silang hindi nakaka usap naging busy kase ang mga yon dahil tinutulungan nila ang parents nila sa mga business nila. Ayan ang gawain nila tuwing summer break, imbis na mag liwaliw o gumala makikita mo ang mga yan sa mga Company or Business nila at nag tratrabaho. ako lang ata 'tong chill lang at tambay sa bahay, gustuhin ko mang tumulong at mag trabaho din gaya nila hindi ako pinapayagan dahil wala daw akong alam. "si Pia po ang kasama ko Dad about my friends naman po di ko pa sila na cocontact" sabi ko dito bago ako kumuha ng isa pang hotdog. "your cousin?" muli akong tumango sa kanya sabay kagat sa hotdog na naka tusok sa tinidor ko. "ok mag iingat kayo don, balita ko siya lang ang nag sstay sa bahay nila wag kayong gagawa ng gulo, understood?" tumango tango ako dito,hindi naman ako mahilig sa gulo eh unless sila ang nauna at di na ako nakatiis. mahaba naman din ang pasensya ko kaya sigurado akong wala akong magagawang gulo. "mauna na ko baka ma late ako at may meeting pako sa mga stockholders" agad akong tumayo at hinalikan si Dad sa pisngi. "ingat po kayo" sabi ko dito bago siya tuluyang maka alis. Napa buntong hininga nalang ako at tinuloy ang aking pag kain. Next Month na ang start ng School Year aayusin ko pa ang schedule ng mga student na employee sa Cafe, mag eempake pako dahil next week aalis na ako. Mag eenroll pa kase kami ni Pia saglit lang naman yon, pero kahit na mas magandang maaga. Muli kong naalala ang mga kaibigan ko i need to talk to them. Huling usap namin ay yung nag break pa kame ni Dave, hindi ko sila kinausap dahil ayokong ma kwento sa kanila yung nangyare 'tsaka ayoko din namang storbohin sila. Agad kong kinuha ang phone ko at inopen ang Messenger at binuksan ang groupchat namin. CHISMERSSS❤️ Sindy Fortaleza - Omygash finally!! Nag seen ka den! -what happen to you?! Alam mo bang panay kami chat sayo pero dimo kame pinapansin!! -nakakainis ka!!! what the heck inaabangan ba nila ako? kaka seen ko lang nag flood agad ng chat ang mga bruha. ni hindi pako nakaka pag backread sa mga pinag usapan nila this past few days Kristal Jane Fernandez -Sindy intindihin mo nalang den si Jus, but Jus pwede mo naman kaming kausapin right? Denisse Vellar -yes! Dapat talaga kinausap niya tayo! -ano pa't naging kaibigan niya tayo! Nicky Hilarde -Dave is our friend too, syempre andito yun sa gc naten! Nag iisip ba kayo? isa pa yan kaya hindi ko sila makausap dahil andito si Dave at kaibigan namin siya ayokong masira ang pag kakaibigan nila. ng dahil lang nag break kame. that's a big NO! hindi ka tanggap tanggap yun labas sila kung ano ang nangyare samin. Napabuntong hininga ulit ako bago ko nag compose ng message ko. Justine Roa Guiverra I'm sorry guys, it's just... I need a peace of mind I'm really sorry Sindy Fortaleza -nick! Dave is not here anymore! He left the group right?! he left? damn mas nadagdagan lang ang tanong sa utak ko. Mas pinalinaw niya lang sa isipan ko na may iba talaga siyang rason kung bakit siya nakipag hiwalay. Nicky Hilarde -I know sis! But Jus didn't know about it right Jus? Justine Roa Guiverra Yeah, but I'm really sorry guys, I'm sorry Nicky Hilarde -see? she doesn't know Denisse Vellar -bakit parang nagtatalo na kayo diyan? HAHAHAHAHAHA Kristal Jane Fernandez -akala mo silang dalawa yung nawalan ng jowa eh noh HAHAHAHA -silang dalawa yung pinaka na apektuhan HAHAHAHAH Nicky Hilarde -parang kayo hindi rin apektado ah! Syempre kaibigan naten yung niloko ano magiging reaksyon naten? Masaya?! Denisse Vellar -at kaibigan din ang nanloko HAHAHAHAHA -ok calm down HAHAHAHA ang puso ang aga aga ang high blood niyo Sindy Fortaleza - nag aalala lang naman kame kay Jus, she's our Friend kahit sana hi o hello lang, pero wala talaga eh. Kristal Jane Fernandez -si Dave din naman wala di ko na din siya ma reach i think he deleted all og his social media accounts Nicky Hilarde -You're right hindi ko na rin siya ma contact kahit iba pang acc ang gamit ko. Denisse Vellar -i thought he block me -do you think he has a reason? Justine Roa Guiverra Magkita na kang tayo sa Mall na miss ko kayo don't worry my treat Nicky Hilarde -talagang dapat mo kaming ilibre - at may utang ka saming kwento! Sindy Fortaleza -chimosa ka lang talaga -aminin mo na Nicky Hilarde -what?! Parang hindi mo rin naman gusto malaman, kunwari kapa. Kristal Jane Fernandez -alam niyo kaka ganyan niyo baka kayo ang mag katukuyan. Denisse Vellar -ayos lang naman samin yon, besides bagay naman kayo eh. -walang kaso samen kung pareho kayong babae Nicky Hilarde -what the?!! Sindy Fortaleza - the hell?!! Nicky Hilarde -me! Mag kakagusto sa kanya? No Freaking way!! Sindy Fortaleza -as if naman na mag kaka gusto ako sa panget na yan! Denisse Vellar -ay sheet nag sabay pa oh -may chemistry -bagay na bagay talaga Kristal Jane Fernandez -#themoreyouhatethemoreyoulove -ayiee guys enough na konting push niyo pa talaga baka mag ka inlaban na kayong dalawa. Napailing iling nalang ako sa mga kalokohan nila, na miss ko ding asarin ang dalawang yan. Palagi kase sila nag tatalo kahit sa maliliit na bagay, kaya inaasar naming apat nila dave, nung andito pa siya. Dave is our friend too, actually one of the girls siya napag kamalan pa nga siyang bakla noon. Pero ng malaman nila ng Girlfriend niyako natigil din agad. Pero kung mangyayare man na sila talaga ang mag ka tuluyan it's ok, wala namang mali don right? Sadyang mapanghusga lang ang mga tao. Sabi nila kasalanan sa taas ang mag mahal ng kapwa mo babae o lalake. Pero lahat naman tayo makasalanan na talaga simulat sapul, tsaka hindi mo naman mapipigilan ang puso mong mag mahal, once na may maramdaman yan towards to one person kabahan kana dahil hindi ganun kadaling pigilan yan. Pag ka kain ko umakyat nako sa kwarto ko para maligo at mag bihis. Sabi ko sa kanila sa Mall na kami mag Lunch at pag ka tapos non mag shoshopping kame. Pag ka tapos kong maligo at magbihis umalis na agad ako ng bahay, chinat ko din sila na papunta na ako. Bago ko tuluyang pumunta sa Mall dumaan muna ko sa Velaroma Cafe para i check sila don, lagi namang sinesend sa akin ni ate Cassy yung Reports and feedbacks tuwing gabi kaya nababasa ko din naman at sobra akong natutuwa sa mga feedbacks lalo na sa social media. Pag ka rating ko ng Mall hinantay ko lang sila sa Main Entrance sa may Parking Lot. Mabagal kumilos ang mga yon kaya medyo natagalan ako sa pag antay sa kanila. Maya maya pa ay isa isa ko na silang nakita na nag lalakad papalapit dito. "omg! Jus sumesexy ka!! Ganyan ba talaga pag iniiwan?" gulat na sabi ni Den short for Denisse habang sinusuri pa ako. "ano kaba Den ganon talaga, mag Jowa kana kase" sabi naman ni Kristal sabay lapit sa akin at niyakap ako. " we miss you sis!" "grabe ka saken Kris ah, porket may Jowa ka, sus mag brebreak din kayo!" "iww bitter na naman si Den! Humarot kana kase" sabi naman ni Sindy dito bago humarap saken. "wahhh Jus! Na miss kita!!" Sabi neto sbaay yakap saken ng mahigpit, pinag titinginan tuloy kame ng mga pumapasok. "plastik" rinig kong bulong ni Nicky "may sinasabi ka?!" "wala, wala sabi ko chupi jan ako naman!" napa iling iling nakang ako sa kanila. Bagay nga talaga sila, parehas silang maingay kung mag sigawan akala mo isang kanto ang layo sa isat isa. "Jus! Na miss ko yung libre mo" naka pout na sabi neto sabay akap din sa aken. "ayan dapat honest kayo!" agad namang naka tikim ng tatlong batok si nicky galing sa tatlo. "aray ah, char lang Jassy I Miss you" nakangiting sabi neto. Nginitian ko nalang din siya. Na miss ko kase yung tawag niya sa akin na Jassy "Pumasok na tayo kanina pa tayo pinag titinginan dito, ang iingay niyo talaga kahit kailan!!" sabi ko sa kanila na agad naman nilang ikinatawa, kinunutan ko naman sila ng noo. "anong nakaka tawa?!" taas kilay na tanong ko sa kanila. "We miss thattttt!!" sabay sabay nilang sabi. Napabuntong hininga nalang ako at napangiti kahit kailan talaga mga loko loko pa din. Pero masaya ako dahil naka sama ko ulit sila sana maulit pa namin ang ganito. Dahil for sure sa pasukan magiging busy na kame isa isa. ****** "you mean hindi ka dito mag aaral?" paniniguradong tanong ni Kris. sinabi ko kase sa kanila na sa Bulacan ako mag cocollege kaya asahan na nilang di ko sila makikita ulit ng matagal. "at bakit naman?" tanong ni Sindy habang nilalantakan yung fries na hawak hawak niya Where here in Mcdo eating our lunch together napagod na sila kaka ikot kaya naisipan na namin mag lunch. "nakakasawa kaseoag mumuka niyo eh" nakangiting sabi ko sa kanila. napawi ang ngiti ko at napaayos ako ng upo ng samaan lang nila ako ng tingin. "i want a new environment" sabi ko. pero mukang di pa sapat yan dahil nakatingin pa rin sila sa akin ng seryoso. "tsk!" i rolled my eyes on them "ayun na yon?" sabay sabay nilang sabi. "Jus naman eh"? paghihimutok na sabi ni Den " we promise each other na gragraduate tayo ng sabay sabay! " " gragraduate pa rin naman tayo ng sabay sabay ah" sabi ko sa kanila "Yes! but hindi tayo sama sama" sabi ni Nick habang deretso lang ang tingin sa akin. " exactly! " sabi ni Den after she snap her finger infront. i know they're mad at me, as long us i want them to be with me I can't. i know their parents will be mad at them at ayokong mangyare sa kanila yon. "ok fine im sorry, I'm sorry for breaking our promise, but my decision is final i hope you can understand that" hindi ko naman sisirain ang promise namin gragraduate pa din naman kami ng sabay sabay diba pero hindi nga lang talaga kami mag kakasama. "as if namang may choice pa kame"nagtatampong sabi ni Kris. "Uuwi ako every week kahit gaano pa ka dami ang mga projects ko para lang makasama kayo"nakangiting sabi ko pampalubag lang ng loob. " tse! "sabi ni Den na ikinanguso ko. "guys its ok susunod tayo! hindi pwedeng masira yung promise natin sa isat isa!" desididong sabi ni Sindy. "What?! No w- di ko natuloy ang sasabihin ko ng batuhin ako ng tissue ni Nicky. Tumingin ako sa kanya at binigyan niya lang ako ng isang napaka tamis na ngiti, tsk sarap niyang ipakain sa langgam. "kame ang mag aadjust for you that's what friend does" nakangiting sabi neto. gusto kong maiyak sa mga sinasabi nila pero ayoko den at the same time dahil aasarin lang nila ako. "expected us on 2nd Semester" sabay sabay na sabi nila. napa hilamos na lang ako sa muka ko at ngumiti, kahit kailan talaga makukulit sila. I'm so Lucky to have them as my Friend
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD