Chapter 4

1842 Words
"so sure ka na na dito ka mag aaral?" tanong ng pinsan kong si Pia habang nag aayos ng sarili niya. Kakarating ko lang dito sa Bulacan kahapon at balak na naming mag enroll ngayon. Sabi ko kase sa kanya mas maganda ng maaga para chill nalang kame sa mga susunod na araw. "Yup! Bakit ayaw mo ba?" "hindi naman sa ayaw ko pero matanong ko lang bakit ayaw mo sa manila? Andon na ang magagandang school" Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya hindi naman sa ayaw ko don. gusto ko lang din talagang lumayo pansamantala. "boring don, besides maganda din naman sa MU di ko naman kailangan ng magandang school dun pa rin tayo sa maganda ang turo" "sabagay may point ka naman, so makaka kain na pala ulit ako ng lutong bahay! Mygashhh sawang sawa nako sa mga fast food chain!" Inirapan ko naman siya ba't kase hindi siya mag aral mag luto na kwento niya nga 'yon sa aken na nag papa deliver lang siya ng pagkain pag dinner. pag lunch naman lumalabas daw siya para kumain, sa breakfast cereal at milk lang daw ang kinakain niya. Edi ang ending ubos ang allowance niya hindi pa ganun ka healthy ang kinakain niya. "nakatadhana na talaga sigurong mag stay ka dito para sa aken" dugtong pa neto. Mukang mali ang desisyon kong dito mag stay sa kanila. baka gawin niya akong kasambahay. Napa buntong hininga na lang ako ayos lang naman sa akin na mag luto walang kaso yon saken. Besides ako ang dapat mahiya kase ako ang nakikitira dito. "bilisan mo naman mag ayos! Ang tagal mo talaga kumilos!" kanina pa kase siya nag aayos ng sarili niya. mag eenroll lang naman kame pero kung makaayos siya akala mo rarampa "alam mo maganda kana tara na!" sabi ko dito sabay hatak sa kanya paalis ng bahay. May pa sabi sabi pa siya na dapat maaga kame umalis dahil madami ang tao tapos siya itong mabagal kumilos. Pag ka dating namin ng MU andaming tao, as usual mahaba ang pila. Eto kasing si Pia kung di sana siya nag ayos pa edi sana nasa gitna na kame ng pila ngayon. "Sumingit na lang kaya tayo?, kilala ko yun oh" sabi niya sabay turo dun sa babaeng nasa unahan na ng pila. "wag na! Unfair para sa iba yon" sabi ko dito, ayoko ng ganon nakakahiya. "ay shala mabait sisingit lang eh" naka pout na sabi neto, agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran niya. "aray naman cous!" kasalanan niya naman to kung bakit kami na late. "ikaw kase kung kanina pa tayo umalis edi sana nasa unahan na rin tayo" Inirapan naman niya ako "oo na kasalanan ko na, eh baka kasi mamaya makita ko yung crush ko" Pinanlakihan ko naman siya ng mata antanda niya na para mag ka crush pa! "what?! Antanda tanda mo na, hindi na uso yan" sabi ko sa kanya na tinawanan niya lang. "alam mo ang bitter mo" naka pout na sabi neto "ganyan ba ang nagiging epekto pag iniwan ng walang dahilan?" natigilan naman ako sa sinabi niya. Ba't naman napunta sa aken ang pinag uusapan namin?, tiningnan ko siya ng masama tska ko siya inirapan. medyo ouch "Joke lang cous baka mamaya 'di moko ipagluto ng pag kain" so talagang gagawin niya akong tagaluto niya? Napa iling iling nalang ako tsaka nag lakad, umaabante na kase yung pila. Mahaba ang pila pero medyo mabilis ang usad dahil mabilis silang mag asikaso. yung iba kasi na nasa registrar minsan kaya humahaba ang pila dahil nag kwekwentuhan sila habang inaasikaso yung mga studyante. Lumipas ang ilang minuto ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Hindi ako na dudumi or what ah, naiihi lang ako. "Cous? Nasan ang c.r dito?" tanong ko sa kanya, kase siya ang may alam. dito kaya siya nag aral ng senior high. Pag ka dating ko sa comfort room ginawa ko na ang dapat kong gawin. Hindi ko na kase talaga mapigilan kanina tsaka baka mag ka sakit pako ng wala sa oras. Pag ka labas ko ng c.r naglakad na ulit ako pabalik sa pila. Habang nag lalakad ako panay lang ang tingin ko sa paligid in fairness parang nag aral lang din ako sa manila parang mas ok pa nga to kaysa sa mga sikat na school doon. Sa sobrang pag ka mangha ko sa kapaligiran diko namalayan na may mababanga na pala akong tao. "Ouch!" daing ko at napaupo dahil sa pag kaka bangga ko sa taong nasa harap ko. "are you ok Ms.?" base sa boses niya lalake siya, agad ko namang nakita ang kamay niya sa harap ko. Hindi nako nag alinlangang abutin yon, dahan dahan niya akong tinulungan upang makatayo pero medyo napasama ata ang bagsak ko kase ang sakit ng paa ko. Gosh! kahit kailan talaga ang clumsy at ang sensitive ko. Tiningnan ko naman ang paa ko at medyo namumula nga ito. "ayos ka lang ba Ms.? Gusto mo dalin na kita sa clinic?" agad ko naman tiningnan yung lalaking tumulong sa akin. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko siya, he looks familiar. "nag kita na ba tayo before?" wala sa sariling nasabi ko ang nasa isip ko. "a-ahh h-hindi pa naman baket?" umiling iling nalang ako, baka kamuka niya lang. Pero parang nakita ko na talaga siya eh hindi ko lang matandaan kung saan at kailan. "tulungan na kita, saan ka ba?" agad ko namang iniling iling ang ulo ko at bumitaw sa pag kaka kapit niya. "ah hindi na salamat na lang" sabi ko dito tskaa dali daling umalis at pilit iniinda ang sakit ng paa ko. Baka kase mamaya tanungin pako ni Pia kung anong nangyare saken kaya mas mabuting hindi niya na malaman pa. "antagal mo naman" pag rereklamo neto pag ka rating ko sa pila. Medyo malayo layo pa rin kame. "ah medyo marami lang tao" pag dadahilan ko, kinunutan niya naman ako ng noo na tila hindi naniniwala. "madami ng- " ah Ms kanina ko pa kayo hinahanap, ako yung nag offer sa inyo last week sabi ko sa office na kayo dumeretso" napakunot naman ako ng noo. Anong ginagawa ng lalaking to dito, sinundan niya ba ako? Tsaka ano yung sinasabi niyang offer?, last week? Eh kadarating ko nga lang dito kahapon. "ahh oo nga pala sorry hinahanap ka rin kase namin kanina pa hindi ka naman namin makita. i forgot to ask for your number kaya di rin kita ma contact kaya pumila na lang kame" sabi ni Pia sabay kurot saken. "aray naman!" daing ko dito. Agad naman niya akong binulungan. "makisabay ka nalang, gusto mo ba talagang masunog dito sa arawan?" "ano ba- " let's go" sabi nung lalake tsaka eto tumalikod at nag lakad. Agad namang sumunod si Pia sa kanya. "T-teka yung pila naten!" sigaw ko dito bago ko sumunod sa kanila. Pag ka rating namin sa loob ng office ng registrar, nag tinginan naman agad samin ang mga tao sa loob. "ah upo muna kayo" sabi neto sa amin. Agad naman kaming umupo ni Pia. Tumingin naman agad siya sa akin na tila nag tataka. "anong nang yare sayo? Bat iika ika ka?" taas kilay na tanong neto. "ah k-kase ang sakit na ng paa ko tagal kaya nating nakatayo dun" pag dadahilan ko dito, tiningnan naman niya ako ng mariin na ikina iwas ko ng tingin. "here" pag ka balik nung lalake agad niya akong inabutan ng icebag. "eto rin pala yung forms paki fill up nalang ako ng bahala" Agad ko namang kinuha ang ice bag sa kanya tskaa yung form. "aanhin ko to?" tanong ko dito sabay angat nung ice bag. "nakita ko kasing namumula yung paa mo kanina, again im sorry" agad naman akong umiling iling dito. "it's ok kasalanan ko din naman" di kase ako tumitingin sa dinaraanan ko kaya ako nabangga sa kanya. "pag na tapos niyo ibigay niyo na lang sa kanya" sabay turo niya dun sa lalakeng kasing edaran lang din namin. "He's my cousin and also the son of the owner of this school" sabi neto. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya ibig sabihin big time pala 'tong lalaking to. "okiee ako na lang mag bibigay, salamat pala Jaybie" tumingin naman ako kay Pia, kilala niya pala tong lalaking to hindi niya man lang sinabi sa akin. Tinanguan lang siya ni Jaybie bago siya tuluyang umalis, humarap naman agad sa akin si Pia. "Mygash! Bakit napansin ka ka agad ni Jaybie! Alam mo bang snobber yon" sabi neto sa akin habang naka pout. "Btw yung pinsan niyang yun yung crush ko oh" sabi neto habang nginunguso yung pinsan ni jaybie na nakatutok lang sa computer. "He's Patrick, Patrick Mora" nakangiting sabi ni Pia, napangiwi naman ako sa kanya. Bakit parang hindi lang crush ang nararamdaman kong na fefeel niya dito sa lalaking to. "btw anong nangyare sa inyo kanina ni jaybie?" "ahh nabangga ko lang siya di kase ako nakatingin sa dinaraanan ko kaaya ayun" wala ng saysay pag nag sinungaling pako sa kanya kase kukulitin at kukulitin niya lang ako para lang malaman niya ang nangyare. "here tapos ko na fill up an yan hintayin nalang kita sa labas" sabi ko sa kanya tsaka dahan dahang tumayo. Pag ka labas ko naupo lang ulit ako dun sa may waiting area sa labas at muling inisip si Jaybie. I know i see him somewhere hindi ko lang talaga mabuo sa utak ko kung saan at paano. "Let's go!" gulat akong tumingin kay Pia, akala ko matatagalan pa siya sa loob. pag ka uwi namin sa bahay chineck niya agad yung paa ko. "antanga mo naman!" tsk clumsy lang ako pero di ako tanga mag ka iba yon! tsaka hindi rin naman ako mababanga dun sa lalaking yun kung umiwas siya. hindi naman siguro siya bulag para hindi ako makita. Kumuha ulit siya ng ice bag at idinikit to sa paa ko. "uso kasi tumingin sa daan" pag sesermon nito sa akin. "wag ka muna kumilos ngayon mag order na lang tayo ng kakainin" sabi nito habang nilalagyan na ng bandage yung paa ko. "kaya ko mag luto kung nag aalala ka sa paa ko pwes hindi naman paa ang ginagamit sa pag luluto" mataray ma sabi ko sa kanya. Hindi naman ako lumpo tsaka mild lang naman yung sprain ko at hindi ganun kalala. "hay ewan ko sayo! basta mag oorder ako for our dinner and its final" napailing iling na lang ako dahil wala na akong choice. pag gusto niya gusto niya at hindi pwedeng hindi niya magawa yung gusto niya. ang spoiled kaya niyan ni Pia halos lahat ng gusto niya noong bata siya ay ibinibigay sa kanya nila tita. kahit hanggang ngayon naman siguro spoiled pa rin siya, nagawa niya ngang mag stay dito habang ang mga magulang at ang kuya niya ay nasa states. "Hoy mag papahinga ka at hindi ka kikilos ngayon naiintindihan mo ba?!" napabuntong hininga na lang ako bago tumango. "yes Mommy" nakangiting sabi ko dito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD