STAPLED I

567 Words
"Suzy, kamusta ang foods?" tanong ni King Castanares, ang governor ng College of Arts & Sciences Student Council. Nakaupo siya sa pinakadulo ng wooden rectangular table, at nasa gilid naman niya ang kanyang vice governor na si Hans, secretary na si Suzy, treasurer at auditor, at ang limang board members. "Okay na." Bumaba ang tingin ni Suzy sa kanyang student council notebook, kung saan nakalista ang lahat ng minutes ng meeting at transactions. Ang totoo, last last week pa nila kinausap ang caterer, pagkatapos ng kanilang meeting kung saan nga ay hindi niya napigilan ang pagdadabog. Eh papaano ba naman, sinong baduy ang magpapatheme ng neon para sa party? Pinapacheck lang ng gobernador ang lahat para makasiguradong walang magiging problema at para kung meron man, ay masosolusyunan pa nang maaga-aga. "Kagaya ng sabi mo, buttered chicken, cordon bleu, at beef steak ang main course. O..." Kumunot ang noo niya pero pinilit niya pa ring basahin ang handwriting niyang parang kinahig ng manok. "...orange and pineapple juice ang drinks. Mani at glowing candies ang pica-pica," dagdag pa niya saka iniangat ang tingin. "Hmm." Ngumisi naman nang kaunti si King. Lunes ngayon. Ngayong darating na sabado ay acquaintance party na nila! Itinuon naman niya ang tingin sa gitna bago nagwika, "Magpost na kayo ng announcement about sa acquaintance natin." Pagkaalis ng tingin sa kanya ni King ay kaagad na ngumiwi si Suzy. Wala na. Tuloy na tuloy na talaga. "Sige, gov. Pero wala na tayong bondpapers pamprint ng ididikit sa bulletin board at sa-Pinutol siya ni King. "Wag na. May mga f*******: naman sila di'ba? Sa page mo na lang i-post. Sayang sa papel. Atsaka, tinatamad na ako mag-process ng papel sa OSAD." "Ah, sige, gov." Alas-tres na pala ng hapon ayon sa kanyang relo. "Sige. Adjourned na tayo," anunsyo niya sa mga kasama. + + + Isang estudyanteng nagso-scroll sa kanyang f*******: ang nakabasa ng announcement ng kanilang council. Heto na naman. Kailangan na naman niyang um-attend ng isang boring na party. Sa dalawang taon niya bilang isang kolehiyala, pagkain lang ang exciting sa Acquiantance party. "Oy," tawag niya sa kaklase na nagba-browse ng youtube sa laptop. "Freedom!" bahagya niyang nilakasan ang boses, nagbabakasakaling mapansin. Pero hindi pa rin kumibo ang kausap. Tuloy pa rin ito sa pagkanta habang nakatutok ang mga mata nito sa screen hanggang sa napabirit na ito. "Guide to the sky!" Hindi na niya nakanta ang susunod na lyrics dahil bigla siyang naubo. "Shh! Hinaan mo nga ang boses mo," Tinakpan niya ang bibig ng kanyang palad. "Sorry, na-carried away lang," sagot niya nang may garagal na boses. Kumunot ang kanyang noo. Ano ba yan. Ni hindi pa nga pinakatodo ang kanyang pagbirit, paos na siya kaagad. Nilagok niya ang kulay itim na softdrinks sa kanyang tumbler. Pumikit siya at dinama ang kaunting hapdi sa lalamunan, at lamig sa tiyan. "Ah. Coke is the best. Gusto mo?" Reyna made a face. "Nagdala ka na naman ng softdrinks. Sana mahuli ka ng guard." Freedom smiled mischievously. "Hmm. Kung mahuhuli," she said, wiggling her arched thin eyebrows. "Ewan ko sa'yo, pasaway," she replied but Freedom just laughed. "Acquaintance natin sa sabado." Ipinasa ni Reyna ang kanyang cellphone kay Freedom. Dito na nag-iba ang timpla ng mukha niya. Nag-init ang kanyang batok. May apoy sa kanyang loob na kailangang sumabog. +++ A/N: After one year, sa wakas may chapter I na rin 'tong story na 'to. Hahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD