JMJU College of Arts and Sciences Student Council’s pinned post
What: Acquaintance Party
When: August 28 (Saturday), 5:00 pm-7:00 pm
Theme: Neon
Tickets will be released today @ 4:00 pm. No ticket, no entry. GreenUniversity Rules still apply. Thank you and please be guided.
Like Comment Share
Lea Lee:
Hello po. How about others na may klase ng 4:00 pm? Kelan po kami pwedeng
makakuha ng ticket?
Jiro Fajagutana:
I don’t understand why a need for a ticket is there. We are students of CAS and it is already
understood that we shall attend the party.
Hanna Nebra:
Oo nga. Pwede naman sigurong ID na lang? Hassle!
Irish Vee:
Till what time po kayo open mamaya?
It may be peaceful at the world of social media. But in real life, various violent reactions could be heard from the students’ mouths.
“Bakit neon ang theme?” usisa ng isang estudyante kay Suzy na ngayo’y nakaupo sa front desk
ng kanilang opisina.
Isa lang siya sa maraming estudyante ng Arts and Sciences na nakapila
ngayon para kumuha ng ticket sa Acquaintance Party. Hindi naman sa nagrereklamo siya, pero
parang ganun na nga.
“Kasi gusto ni gov.” Iyan sana ang isasagot ni Suzy. Pero mas pinili na lang niyang manahimik.
Lutang ang isip niya ngayon kaya wala siyang maisip kaagad na ibang pwedeng idahilan.
“Ah, yun na kasi ang napagdesisyunan based na rin sa meeting namin,” sagot ni Hans saka ngumiti. Mabuti na lang, nandyan si Has para sagipin siya.
It was actually more like, yun kasi ang napagdesisyunan based sa meeting ni King with himself.
Desisyon na siya lang ang may gusto. Desisyon kung saan, siya lang ang masaya.
Noon ngang nag-meeting kasama ang caterer, si King at ang caterer lang ang nag-uusap. Kumikislap ang mga
mata niya habang hindi maawat ang kanyang bibig sa pagdiskuso ng mga engrande niyang plano para sa paborito niyang neon-themed acquaintance party.
“Dapat bright colored ang cocktail drinks, ha. Tsaka ganito ang magiging itsura ng backdraft pati na rin ng centerpiece,” sabi niya sa caterer habang pinapakita ang mga litrato na nakuha niya sa pinterest.
Tikom-bibig, parang di nage-exist sina Hans, Suzylette, at Stephanie. Yaong pakiramdam na isinama lang sila doon para may tagapanood.
Inilibot na lang ni Stephanie ang tingin sa kabuoan ng lugar, samantalang nagfacebook na lang si Suzylette. She’s supposed to take down notes about the details, pero nawalan siya ng gana. Kaya na ni King yan. Si Hans lang ang matamang nakikinig habang nakahalumbaba sa lamesa.
Ang iba, lumipad ang kaluluwa sa eskwelahan. Nakikipag-chismisan lang o di naman kaya’y nagtatanungan tungkol sa isang assignment.
“Oy, kasali pa’to sa assignment sa Chem?”
"Hindi na. Pakopya ako sa bio, ha.”
Sige. Kaw na bahala sa quiz bukas. Tabi tayo! Hahaha.”
Ano pa bang maitutulong nila? Their opinion wasn’t needed. Besides, kayang-kaya naman lahat ni King. Kung experience lang ang pag-uusapan, sanay na sanay na si King sa pago-organize ng mga events. Bawat detalye at hakbang ay alam na niya kaya siya na ang bahala.
“Pero di’ba, the previous years may votation muna of the students? Bakit ngayon wala?”
“Oo nga.”
“Sana nagpatawag na lang ng general assembly. Mas maganda kapag mas maraming ideas atsaka majority wins na lang.”
King, who is calmly sitting on the sofa somehow managed to stay stoic even though he feels like something is gonna snap in his head. “Actually, ang Education nga rin, hindi na
nagpapaboto. Okay naman sa mga educ.”
“Aww. Mas maganda yung dati,” komento ng isang estudyante sa likod.
Tumayo siya at tumabi sa kanyang sekretarya. “Kung nakakuha na kayo ng ticket, pwede na kayong umalis. Mahaba ang pila. Baka hindi na tayo matapos dito,” pagtataboy niya.
Tumalikod na rin paalis ang nasabing estudyante at sa di inaasahang pangyayari, nakasalubong
niya si Freedom.
Diretso ang tingin sa dinadaanan, tila ba walang pake sa kung sino ang masagasaan. Kusang napatabi tuloy ang mga nagkukumpulang estudyante. Nakataas na naman ang pa-arko niyang kilay habang mabilis na sumugod sa loob.
“Excuse me. Gusto kong makausap ang governor,”
Lahat ng mata ngayon ay nanonood sa kanila. May ibang nagreklamo dahil sa delay na dulot ng kanyang pagsingit sa pila. Hinahabol nila ang oras dahil kaunting minuto na lang ay magsisimula na ang klase. May iba namang nakatutok sa mangyayaring sagupaan.
Bakit parang galit si Freedom?
Anong kasalanan ni King?
Hala, anong nangyayari? Omg!
Anong gagawin ni Freedom!
Nagising ang natutulog na chismosa sa kanilang katawan.
“Gov, ano to? bakit ngayon lang kayo nag-announce ng date at details ng acquaintance party? Tapos neon pa talaga ang theme? Do you know how hard it is to look for neon clothes?”
“Bakit? Anong problema mo sa neon?” mahinahong sagot ni King kahit na sa totoo lang, tumaas pa nang kaunti ang lebel ng kanyang dugo. Hanggang dulo ng kanyang mga daliri.
What’s wrong with neon? Ganda kaya ng neon. Nagliliwanag ang iba’t-ibang kulay sa gabi. Kaya nga niya paborito ang neon ay dahil sa hilig nya sa mga ilaw. Light and darkness, they contrast. It’s perfection kahit na sabihin pa ng iba na masakit sa mata ang neon.
“Alam mong mahirap maghanap ng neon na damit tapos yun pa ang theme? Tapos five days lang? Gov, we don’t have the luxury of time! Busy rin kami sa school. Ang iba sa amin, 6pm, 8pm pa matatapos ang klase. May requirements pang tatapusin. Mauubos lang
ba time namin sa pagshopping?”
“That’s what you call, time management, miss. Second year ka na, di’ba? Dapat marunong ka non.”
Hindi siya pwedeng magtaas ng boses. Maraming nakatingin.
“Time management my a*s! How do you expect us students to manage our time kung pasulpot-sulpot at impromptu ang announcement? Tapos sa sss lang kayo nag-announce. How about those students na walang access sa internet ngayon? Hindi lahat ng tao mahilig tumambay sa f*******:! Anong silbi ng Bulletin Board?” Huminga siya nang malalim. Ang bigat huminga lalo pa sa haba ng kanyang sinabi. Pero di pa siya tapos.
“Tell me, gov. sige, saan kami hahanap ng neon na susuotin? Kung wala kaming mahanap, ano, di niyo kami papapasukin? Ganun din kung walang ticket. Paano kung makalimutan? Paano kung mawala?”
Wala man lang konsiderasyon! Anong klaseng governor meron sila? Di man lang naisip ang mga factors na nabanggit niya. Eh sa totoo lang, inorganisa naman talaga ang event para sa mga students. Sila dapat ang bida. Kapakanan dapat nila ang iniisip.
No matter what happens, rules are rules.
It’s not our problem anymore. It echoed in her head, like an annoying banging sound that made her blood boil, and her stares burn even more.
Freedom laughed, sarcastically. Nanginig na ang mga kamay niya.
“Woah. Re-require niyo kami tapos di niyo rin kami papapasukin? Pwede namang idetermine ang attendance through other means! Ano pala yung attendance sheet! ID! We paid for that! That is OUR MONEY. Alam niyo bang without OUR MONEY, wala kayong pondo pang acquaintance?”
Habang pinapanood ni Suzy ang mainit na palitan ng litanya nina King at Freedom, hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. May aattend pa kaya sa acquaintance party?
Bumibigat ang dibdib ni King, pero hindi siya magpapatalo. “Dapat naman talaga kayong magbayad para sa acquaintance. What I am saying is that you should attend wearing neon. Simple as that. I don’t understand why we are complicating things.”
Her eyebrow arched. “You don’t understand? Were you even listening to me? Kanina ko pa’to sinasabi, paulit-ulit ba tayo dito? Alam mo, sinasayang mo ang laway ko.”
Marahas siyang tumalikod at nagdadabog na nagmartsa paalis, pero narinig pa niya ang huling sinabi ni
King.
“No proper attire, no Entry. And no attendance, no clearance. Mark my word,” matigas niyang sabi.
Walang makakabali ng mga salita niya. Kapag sinabi ni King, sinabi niya. For him, he’s not a man if he isn’t true to his words. As the reigning council governor of their chaotic college, he must stand firmly and NEVER YIELD.
???
Preshy-chan's note:
Pangalawang beses ko pa lang yata magsulat ng ganitong argument scene pero naha-highblood ako. Kaya next week na lang muna ako magsusulat ng next chap. Huehue. Dadalas-dalasan ko na paga-update ko pero maga-alternate ako between DNS and stapled, arrachi?