Valeen I wanted to be close to you. "Argh!" Napaungol ako sa inis dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Samuel kanina. "Ano ba kasing gustong mangyari ng lalaking 'yon? Bakit niya ako ginugulo nang ganito?" Himutok ko habang hindi mapakali sa aking higaan. Kung makapagrereklamo lang ang kama, unan at kumot ko ay kanina pa magreklamo sa sobrang likot ko. Gabing-gabi na, pero heto ako dilat na dilat pa rin ang mga mata dahil sa lalaking 'yon. Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari sa akin. Bakit gusto niyang maging close sa akin? Gusto ba niya ako? "Imposible." Ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong. Pero bakit niya ako hinalikan? Wala sa loob na hinawakan ko ang labi ko na nahalikan niya sa pangalawang pagkakataon. Inis kong sinabunutan ang sarili ko dahil sa dal

