"Baby, may I?"
Paanas iyon ngunit batid niya kung ano ang ibig ipahiwatig ni Jonard. Isang pagtango na sinabayan ng mahinang ungol ang naging tugon niya at dahil doon tumihaya ulit siya sa kama at si Jonard na muli ang pumaibabaw sa kanya. Minsan na rin niyang naranasan iyon. Alam niya ang sakit na maaring idudulot niyon sa kanya. Pero mahal niya ang binata at nagmamahalan sila kaya walang dahilan upang tumanggi siya.
Isang masuyong halik ang iginawad sa kanya ni Jonard habang sinimulan siyang pasukin nito sa kanyang likuran. Kasabay ng tuluyang pagkapasok nito ay siya namang pagbukas ng gate sa labas at pumasok ang sasakyan ng isang hindi inaasahang bisita.
"Ahhhh!" Ang hiyaw ni John habang nagsimula nang umulos si Jonard. Medyo may kalakihan ang kargada nito kaya napakapit siya sa batok nito na nakadagdag libog sa binata.
"Baby, ahhh!" Hiyaw niya na may kasamang pag-ungol nang makaramdam siya ng kiliti sa kanyang tumbon na naging hudyat upang mas lalo pa nitong bilisan ang Pa-arangkada.
"I Love you, baby!" Nanginginig ang boses ni Jonard nang banggitin iyon dahil sa matinding libog na nararamdaman.
"I love you more, baby!" Si John na napakapit na sa headboard ng kama. Napuno ng kanilang mga ungol at halinghing ang apat na sulok ng kwarto at biglang,
"Damn, what do you think you're doing?"
Isang malakas na sigaw ang kanilang narinig na nagmumula sa pintuan. Sabay silang napalingon doon habang nakabaon pa ang sandata nito sa kanya. Kapwa sila nanlamig.
Napabalikwas sila at halos mag-agawan na sa kumot para matakpan ang kanilang hubad katawan. Siya ang nakaagaw ng kumot habang si Jonard nama'y mabilis na dinampot ang unan upang ipantakip sa kanyang harapan.
Dahan-dahang lumapit sa kanila ang may edad ng lalaking naka-business suit. Kahit nanginginig na sa takot at matinding hiya ay nagawa pang pagmasdan ito ni John. Matangkad ito at may matikas na pangangatawan. Bagama't halatang may edad na ngunit litaw pa rin ang guwapo nitong mukha na mukhang pamilyar sa kanya.
"Dad!" Nanginginig na sambit ni Jonard sa lalaki.
At tama nga ang nasaisip ni John. Ama ni Jonard ang ngayo'y nasa kanilang harapan. Galit na galit na nakatitig sa kanilang dalawa na para bang lalamunin na sila nito nang buo o kung sakali mang may hawak lang itong baril baka pinagbabaril na sila.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng lalaki at dumapo iyon sa nguso ni Jonard. Duguan ito na napahandusay sa sahig.
Kaagad din namang nilapitan ni John ang binata upang saklolohan. Napansin naman niyang binalingan siya ng napakatalim na tingin ng ama ni Jonard kaya naging mistulang tambol ang kanyang dibdib lalo pa't unti-unti itong lumapit sa kanya.
Agad din namang iniharang ni Jonard ang katawan niya kay John upang maprotektahan siya kung sakali mang magawang saktan ito ng kanyang ama.
"Dad please, huwag n'yo na siyang idamay. Ako na lang, nakikiusap ako!" Pakiusap ni Jonard sa ama nito.
"Anong pumasok sa kukuti mo at nagdala ka ng bakla sa pamamahay ko and my goodness, Jonard, I don't even think na gagawa kayo ng kahalayan dito. Pumapatol ka na sa kapwa mo?"
"Huwag na huwag mo siyang matawag na bakla, dad dahil may pangalan siya. He's John, my boyfriend and I love him!" Walang kagatol-gatol na pahayag ni Jonard sa kanyang ama.
Hindi man lang ito nakitaan ng takot na aminin kung ano siya sa buhay nito. At doon niya napatunayan na kahit anong mangyari, tutuparin ng binata ang ipinangako nito na paninindigan siya kahit sa harap ng mismong pamilya nito.
Ang kanina'y takot na nadarama ni John ay biglang napalis at napalitan ng kasiyahan. Gusto sana niyang sumabat upang patotohanan dito na sila'y nagmamahalan ngunit pinigil siya ni Jonard.
Nakuha naman niya ang ibig nito para hindi na lumaki pa ang galit ng ama sa kanila kaya minabuti na lamang niyang manahimik. Ayaw din naman niyang umalis kahit pa kanina pa siya ipinagtabuyan ng ama ni Jonard para maipakita niya sa binata, na tulad niya, lumalaban din siya at hinding-hindi niya ito iiwan kahit na anoman ang mangyari.
"Umalis ka na, huwag mong hintayin na ako na mismo ang kumaladkad sa'yo palabas!"
Ma-otoridad na sigaw ng lalaki sa kanya. Ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa lalaki na para bang ipinapadama niyang hindi siya natatakot. Gusto niyang damayan si Jonard.
"Umalis ka na lang, baby ko. Ako na ang bahalang umayos sa gusot na ito!" Ang pakiusap sa kanya ni Jonard.
"Pero nag-aalala ako sa'yo, baby. Di kita iiwan sa ganitong kalagayan" Ang tugon naman ni John, hinawakan pa niya ito sa kamay upang madama na labis ang kanyang pag-aalala.
"Anak pa rin ako ni Daddy at kahit anong galit niyan alam kong hindi niya ako pupuruhan. Ikaw ang inaalala ko, hindi ko alam kung anong maaring gawin niya sayo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa'yo kaya umalis kana muna, kita na lang tayo sa susunod!"
Nangungusap ang mga mata ni Jonard na nakatitig sa kanya. Kahit labag sa kalooban niya ang iwanan ang kanyang mahal ay tumalima na lamang siya dahil ito na mismo ang nakiusap sa kanya.
Agad niyang dinampot ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig at mabilis niya iyong isinuot. Bago siya umalis nagawa pa niyang magpaalam kay Jonard maging sa ama nito na noo'y hindi na ma-drawing ang mukha sa sobrang galit.
Nagmagandang loob naman si Mang Gardo, asawa ni Manang Laura na ihatid siya sa pauwi dahil bihira na ang taxi na pumapasok sa loob ng subdivision kapag ganoong palalim na ang gabi.
Tahimik lang siya sa loob ng kotse. Hindi naman kasi nagawang magtanong ni Mang Gardo sa kanya kung anong nangyari. Isa pa nakatuon lamang ang kanyang isip kay Jonard, kung ano na ang nangyari rito matapos niya itong iwan.
Ano kaya ang sinapit nito sa kamay ng daddy niya matapos silang mahuli nitong may kalaswaang ginagawa sa mismong bahay pa man din nila?
Pagdating niya sa kanilang bahay ay agad na siyang dumeretso sa kanyang silid. Ibinagsak niya ang kanyang nanginginig pa ring katawan. Nandoon pa rin kasi iyong takot niya sa nangyari kanina lang.
Hindi siya makatulog. May ilang ulit na siyang patingin-tingin sa kanyang celphone, nagbabakasakaling magte-text sa kanya si Jonard upang ipaalam kung ano na ang nangyari ngunit wala pa rin. Hindi rin niya ito makontak ng sinubukan niya itong tawagan dahil naka-off ang celphone nito.
Pilit niyang pinapakalma ang sarili at inisip na lamang na masyado pang sariwa ang lahat at baka bukas ay magte-text din ito sa kanya.
Isa, dalawa, tatlo hanggang sa umabot na ng isang linggo matapos ang nangyari ay wala pa rin silang komunikasyon ni Jonard. Gaya noong una patay pa rin ang celphone nito at hindi na rin ito nag-o-online sa f*******:.
Doon na siya tuluyang binalot ng takot at pangamba na baka may masama ng nangyari sa binata o hindi naman kaya pinagbawalan na sila nitong magkita.
Sino ba namang magulang ang masisiyahan kapag makita ang nilang lalaki na may ikinakamang lalaki rin? Lalo na at isang kilalang politiko at businessman ang mga magulang nito kaya malaking kahihiyan iyon para sa kanilang magkaroon ng anak na alanganin.
Sa tuwing matapos ang klase ni John sa hapon ay excited siyang magtungo sa may sakayan ng jeep malapit sa university na pinapasukan niya dahil umaasa siyang naroon si Jonard para sunduin siya at para sabihing maayos na ang lahat ngunit lagi na lamang siyang bigo. Laglag ang balikat niyang mag-aantay na lamang ng jeep pauwi sa kanila.
Unti-unti na siyang gapiin ng kalungkutan at pangungulila sa binata. Hindi na niya naiiwasang mapaiyak kapag nag-iisa lamang siya. Paano, masyado na niyang nami-miss si Jonard.
Buti sana kung nagawa nitong maipaalam sa kanya ang kalagayan nito para kahit papaano di siya gaanong mag-aalala nang husto.
Kung tama nga ang kutob niyang pinagbabawalan na ito ng kanyang ama makipagkita sa kanya, sana man lang magawa siya nitong tawagan o kahit text man lang para naman mapanatag ang loob niya.
Minsan pa nga gusto na niya itong puntahan sa bahay nila para bisitahin pero isang exclusive subdivision nga pala ang tinititirhan nito at hindi basta-basta nagpapasok ng kung sino-sino ang gwardiya roon kaya paniguradong hindi siya papapasukin.
Sa kabila ng bigat ng kanyang kalooban, pinagsusumikapan pa rin niyang hindi maaapektuhan ang kanyang pag-aaral. Kahit pa napupuna ng kanyang mga professor ang minsang pagiging tulala niya sa klase. Pati na rin sa flowershop.
Ibang iba ang John ngayon kaysa sa dating bibo at palangiti sa mga kustomer. Bagay na napupuna nina Fred at Shawie sa kanya. Masama lang daw ang kanyang pakiramdam, ang tanging tugon niya sa tuwing tinatanong siya ng mga ito kung ano ang nangyayari sa kanya. Pati na rin si Benjie na regular nilang kustomer sa flowershop na naging kaibigan na din nila ay nakapuna na rin sa pagiging matamlay niya, iyon bang nandoon nga ang katawan niya pero wala naman doon ang kanyang isip.
"May LQ yata itong si Tisoy!" Si Benjie nang minsang napasyal ito sa shop kasama ang partner nitong si Melvin upang kunin ang serbisyo nila na siyang magde-decorate sa venue ng kasal ng pinsan niya na gaganapin sa kanilang resort sa Zambales.
"Paano magkaka-LQ yan, Sir e di pa nga 'yan nagkaka-jowa!"
Si Fred ang sumagot habang nagpapa-charming kay Melvin. Hindi pa kasi nito alam ang tunay na pagkatao ng mga iyon.
"Ganoon ba? Sa gwapo mong 'yan, Tisoy ay wala pa talaga? Kala ko pa naman sandosenang mga babae na ang napaiyak mo. Pero huwag kang mag-aalala pagdating natin sa Zambales may mga irereto ako sa'yo!"
Napangiti na lamang si John sa sinabing iyon ni Benjie. Kung alam lang sana nitong hindi naman sa babae siya nagkakagusto. At kung pwede lang sana niyang sabihin na si Jonard ang dahilan kung bakit siya naging ganoon.
Ngayon lang niya naisip na mahirap pala ang umibig sa kapareho ng kasarian dahil wala kang mapagsasabihan sa panahong magkakaproblema ka. Wala kang mapahingahan ng loob. Para kang mababaliw. Kung tutuusin, andiyan naman sina Fred at Shawie na katulad lang din niya, pero hirap pa rin siyang ipagtapat sa mga iyon ang tunay na siya.
Bukas na ang alis nila patungong Zambales. Sembreak na kasi kaya makakasama siya. Pero hindi naman siya nakaramdam ng excitement taliwas sa nararamdaman ni Fred na para bang hindi na yata makatulog sa sobrang galak.
Anito, baka doon na raw siya makakatagpo ng forever.
Meron ba talaga noon? E kung sila nga ni Jonard, kay bago-bago pa pero mukhang nagpi-fade na.
Habang nasa loob na sila ng van na siyang sinakyan nila papuntang Zambales ay tahimik lamang siya habang nakikinig sa mga banat ni Fred. Hindi niya nagawang sumabat. Kahit pa si Benjie na mismo ang bumibiro sa kanya. Pati si Melvin ay nakisali na rin ngunit wala talaga siya sa tamang huwisyo para makipagbiruan.
"Tisoy, may problema ka ba? May isang linggo na rin kasing nagkakaganyan ka. Hindi ka naman kasi dating ganyan!" Si Shawie na napansin ang panay na kada-dial niya sa numero ni Jonard.
"Wala naman po, Ate Shawie. Naisip ko lang si Mama, malapit na naman kasi ang undas. Limang taon na rin kasing hindi na ako nakakadalaw sa puntod niya!" Ang pagdadahilan niya pero totoo rin naman iyon na matagal na niyang namimis ang mama niya at ang puntod nito pero mas higit na inaalala niya si Jonard.
Parang kay lupit naman ng tadhana. Matapos pinatikim sa kanya ang panandaliang ligaya ay binawi rin naman agad ito sa kanya.
Sa isang linggong mahigit na hindi nagpaparamdam si Jonard ay nagsisimula na siyang magtampo rito at nagkaroon ng sama ng loob. Mahal niya ang binata at malaki ang tiwala niya pero tao lang din siya at hindi siya bato upang hindi makaramdam ng hinanakit. Bakit hindi man lang nito nagawan ng paraan para bisitahin siya. Si Jonard lang naman kasi ang may kakayahang gawin iyon.
Dahil sa mahaba pa ang biyahe ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya at nagising na lamang sa pagyugyog sa kanya ni Fred nang sila'y dumating na sa resort nina Benjie na kung saan gaganapin ang kasal ng pinsan nito.
Pupungas-pungas pa siya habang sinimulang kargahin ang malalaking karton na pinaglagyan ng mga preskong bulaklak na gagawing pandekorasyon sa kasal.
JP AND B LAKE RESORT AND RESTO iyon ang pangalan ng resort na pinuntahan nila. Bigla namang napalis ang lungkot niya nang masilayan ang angking ganda ng resort na nasa gilid lang ng lawa. Iyon na yata ang pinakamagandang lugar na napuntahan niya sa buong buhay niya. Sa presko ng hangin at sa ganda ng buong paligid tiyak makakarelaks kang talaga.
Sa bandang kanan nama'y naroon ang isang burol at sa tuktok nito nakatayo ang isang napakagandang bahay. Iyon na siguro ang tinutukoy ni Benjie na resthouse nila noong nasa kalagitnaan pa sila ng biyahe.
"Sir, sobrang ganda po ng resort ninyo, grabe!"
Sa wakas bumalik na rin ang sigla sa boses ni John dahil sa mala-paraisong tanawin na tumambad sa kanyang paningin.
"Maganda ba? Salamat ah" Simpleng tugon naman ni Benjie na nagpatiuna sa paglakad para ituro sa kanila kung saan ilalagay iyong mga bulaklak na dala nila.
"Opo ang ganda po. Ang yaman nyo pala"
"Hindi naman Tisoy, dalawa kaming may-ari nitong resort at nagpapatakbo nito!"
"Si Sir Melvin po ba?"
Umiling. "Tito ko, pinsan ng Tatay ko na siyang ama ng ikakasal ng pinsan kong babae bukas. Siya kasi ang nakabili sa share ng kaibigan kong si Cedrik na ngayo'y nasa America na naninirahan"
Kumain na muna sila at namahinga nang kaunti bago nila pinalamutian ang buong venue ng kasal.
Alas nuebe na ng gabi nang smatapos sila. Naglakad-lakad naman si John sa gilid ng lawa upang mas lalo pang mapagmasdan ang buong lawak ng paligid. Pinupuno niya ng preskong hangin ang kanyang baga. Huli siyang makalanghap ng sariwang hangin ay noong nasa probinsiya pa siya.
Tanaw niya sa may di kalayuan sina Fred at Shawie na kasalukuyang naliligo sa infinity pool kasama ng ibang mga guests ng resort. Lumapit pa siya sa mga kaibigan.
Niyakag naman siya ng mga ito na lumusong na rin ngunit nang kanyang sinubukang ilubog ang isa niyang paa sa tubig ay sobrang nalamigan siya kaya hindi siya tumuloy. Sinabuyan tuloy siya ni Fred ng tubig mula sa pool at pasigaw na sinabihang may lahing kambing siya dahil sa takot siyang mabasa.
Kaya ang ginawa niya, tumakbo siya palayo sa lugar na iyon at pumasok na lamang sa resthouse nina Benjie upang makapagpahinga.
Kahit gaano pa kaganda ng lugar, hindi niya iyon gaanong naa-appreciate dahil tanging nasa isip niya si Jonard. Para na siyang mababaliw sa kaiisip sa binata. Miss na miss na kasi niya ito. Ngunit naroon ang tampo niya at hinanakit dahil hindi man lang nito nagawang magparmdam. Laging nakapatay pa ang celphone nito kaya hindi niya ito makontak. Minsan sumasagi na sa isip niyang hindi marunong manindigan ang binata. Saan na ba iyong sinasasabi niyang ipaglalaban siya nito kahit ano pa man ang mangyayari.
Nang makapasok na siya sa loob ng resthouse, nahagip naman ng paningin niya ang isang lalaking nakatayo sa may sala. May hawak itong kopeta ng alak. Unti-unti nitong tinutungga ang laman noon habang tinitigan ang isang malaking larawang naka-frame na nakasabit sa dingding. Si Benjie iyon at biglang may udyok sa kanyang isip na ito ay lapitan.
"Eheemm!" Pagtikhim niya na para bang may bumara sa kanyang lalamunan upang makuha ang atensiyon ng lalaki.
Agad din naman itong lumingon sa kanya at may tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
"Medyo nilalamig po akong maligo, Sir kaya naisipan ko na lamang mag-ikot-ikot!" pahayag niya kay Benjie na noo'y nakatitig muli sa larawan at napatitig na rin siya. Larawan iyon ng isang lalaki. Napakaguwapo nito sa kabuuan.
"Siya po ba iyong sinasabi ninyong Cedrick na kasosyo n'yo dati sa negosyo?"
"Siya si Jun. Ang tunay na may-ari nitong resort at ng resthouse. Matalik ko siyang kaibigan Tisoy mula noong highschool pa lamang kami" imporma ni Benjie sa kanya.
"Nasaan po siya ngayon?"
Nakita niya ang biglang paglamlam ng mga nito na para bang may isang malungkot na nakaraan na muli nitong naalala.
"Wa-wala na siya, limang taon na ang nakararaan. Siya iyong pinaghahandugan ko ng mga bulaklak na lagi kong binibili sa inyo!"
"Mukhang napakahalaga po niya sa buhay ninyo, ano po?"
"Oo Tisoy, hindi lang kasi siya basta isang kaibigan lang....!" Napabuntong-hininga. "...siya iyong taong una kong minahal ng husto ng higit pa sa kaibigan. At magpahanggang ngayon ay andito pa rin siya sa puso ko kahit na si Melvin na ang bagong tinitibok nito!" Tinuro niya ang kanyang dibdib.
Nagulat naman si John sa narinig niyang sinabi sa kanya ng lalaki. Hindi niya inakalang sa kabila ng kaguwapuhan at kakisigan nito ay pareho lang pala sila nito ng pagkatao.
Nagpatuloy si Benjie sa pagsasalita. Mukhang natamaan na kasi ito sa iniinom na alak.
"Pero namatay siyang nanatiling lihim ang pag-ibig ko sa kanya. Saka ko na lang din nalaman na lihim din pala niya akong minahal noong pumanaw na siya. Nalaman ko iyon sa iniwan niyang sulat para sa akin. Doon ko natutunan na kapag nagmahal ka dapat mo iyong ipagtapat sa taong mahal mo. Oo man o hindi ang magiging sagot niya basta ang mahalaga nasabi mo sa kanya. Huwag mong pangunahan kung anoman ang susunod na mangyayari. Kung mahal mo ang isang tao, dapat magtiwala ka sa kanya. Dapat ninyo iyong ipaglaban na dalawa. Ngunit kung sakali mang may isa sa inyong mahirapan iyong gawin dahil sa dagok ng pagkakataon, dapat may isa sa inyo ang dapat na magsusumikap na ipaglaban iyon. Kaya nga may saklay para sa taong napilay para kahit papaano may makakaagapay sa kanyang paglalakad. Ganoon din sa buhay pag-ibig, kung ang isa ay pinanghihinaan ng loob, dapat ang isa ay magiging masigasig na palakasin muli ang loob ng isa!"
Hindi niya alam, pero parang siya ang pinatatamaan ni Benjie sa huling mga sinabi nito. Ngunit coinincidents lang naman iyon dahil wala namang alam ang lalaki sa kung ano ang pinagdadaanan niya, dala marahil iyon sa kanyang mga naging karanasan sa nakaraan.
Doon naisip ni John na dapat iyon ang gagawin niya. Wala siyang alam sa kung ano ang nangyari kay Jonard ngayon kaya dapat magtiwala siya. Dapat niyang alisin sa isip niya ang mga maling sapantaha niya at sama ng loob sa binata.
Paano kung sa mga oras na hindi ito nagparamdam sa kanya ay mga mabigat itong dahilan na hirap itong ipaalam sa kanya? Dapat na muna niyang alamin iyon bago niya husgahan ang binata.
Sa pag-ibig, tiwala ang siyang dapat mong panghahawakan. Hindi mo dapat pangunahan ang mga bagay na hindi pa man nangyayari.
Kapag makabalik na sila ng Manila, plano niyang gawing puntahan si Jonard sa bahay nito. Gagawin niya lahat ng paraan para makapasok doon upang malaman kung ano na ang kalagayan nito at kung bakit hindi na ito nagpapakita sa kanya.
Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Malaking bagay kasi para sa kanya ang mga sinabi ni Benjie upang maliwanagan ang kanyang kaisipan.
Inaya naman siya ng lalaki na magtungo sa bar ng resort para uminom. Tumalima naman siya. Hindi pa kasi niya naranasan ang pumasok sa isang bar. Doon pinatikim sa kanya ang isang alak na hindi niya alam kung ano pangalan basta masarap ang hagod nito sa lalamunan dahil sa manamis-namis nitong lasa ngunit naramdaman niyang madali siya nitong tinamaan.
Nagsimula ng umikot ang paningin ni John dahil sa ininum nito kung kaya't nagpaalam na siya kay Benjie para magpahinga na. Pumayag naman ang lalaki at inalok pa nga nito na siya ay ihatid sa guestroom baka raw hindi niya kakayanin ang maglakad dahil nga sa tama ng alak. Mukang napasobra kasi ang inom niya.
Nakayuko siya habang naglalakad sa pasilyo at paminsan-minsa'y ipinipikit niya ang kanyang mga mata dahil umiikot na ang kanyang paningin at nagsimula ng magsulputan ang parang alitaptap kanyang paligid. Dahil doon hindi niya napansin ang lalaking makakasalubong niya sa kanyang dinadaanan na mukhang abala sa pakikipag-usap sa celphone. Sa di sinasadyang pagkakataon, nabunggo iyon ni John at tumilapon ang hawak nitong celphone at siya nama'y natumba sa sahig.
Narinig niya ang paanas na mura nito kaya't kahit nahihilo, pilit pa rin niyang tumayo upang pulutin ang celphone at maibaot ito sa may-ari.
"S-sorry po Sir, hindi ko po sinasadya!"
Biglang nawala ang pagkalasing niya nang makitang nakatitig lang sa kanya ang lalaki habang iniabot niya ang celphone nito. Tantiya niya nasa 40's na ito pero bakas pa rin ang gandang lalaki nito kahit pa nagsimula ng gumuhit ang gitla nito sa noo at pagsibol ng mga puting buhok sa ulo. Kinakabahan siya lalot pa't titig na titig ito sa kanya na para bang sinusuri nito ang kanyang pagkatao.
Ewan ba niya ngunit nagawa niya ring makipagtitigan rito hindi dahil sa naa-attrack siya sa may edad ng kaharap niya ngunit parang ang gaan lang ng loob niya sa lalaki.
Nasa ganoon silang ayos nang biglang dumating si Benjie. Nakita pala nito ang pangyayari dahil lihim niyang sinundan ang binata sa pag-aalalang baka may mangyari kay John dahil nga sa lasing ito, at tama nga ang iniisip niya.
Sa labis na pag-aalala na baka makagalitan ng lalaki ang binata ay daglian siyang lumapit upang siya na ang makahingi ng despensa dahil siya pa naman ang nag-aya kay John na mag-bar kaya ito ay nalasing.
"Tito, are you okey?" Narinig niyang tanong ni Benjie doon sa may edad ng lalaki. Magkakilala pala ang mga ito dahil sa pagtawag nitong Tito.
Tumango lang ang lalaki. "By the way this is John one of our guest and a friend of mine!" Pagpapatuloy ni Benjie na siyang ikinagulat niya ngunit kanya din namang naisip na kaya nito nagawang ipakilalang bilang guest ay upang hindi siya kagalitan ng lalaki.
"And John, this is Mr. Hernan Morales, my uncle at isa sa may-ari nitong resort na ama ng pinsan kong ikakasal bukas!"
"Glad to see you, Sir. And I am very sorry for what happened, it's my fault!"
Pinaninindigan na lamang ng binata na umaktong propesyunal. Inilahad niya ang isang palad upang ito'y kamayan. Tinanggap din naman iyon ng may edad ng lalaki. Ngumiti din ito sa kanya. " It's okey. It was also my fault then!" Sabi pa nito.
Matapos nilang magkamayan ay tinungo na muli ng binata ang guest roonm. Habang si Benjie ay sinamahan iyong si Mr. Morales sa bar. Ibinagsak niya ang katawan sa napakalambot ng kama. Ewan sa kanya, pero laging bumabalik sa kanyang isip ang Tito ni Benjie na nakabungguan niya kanina. Parang ang gaan lang ng pakiramdam niya sa lalaki. Ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Mas inaalala niya si Jonard. Hindi na siya makapaghihintay pa na ito'y kanyang puntahan sa bahay nito.
Sa kabilang banda, masinsinang nag-uusap sina Benjie at ang tiyuhin nitong si Hernan. Kasalakuyan silang nasa tabi ng lawa, nagpapahangin.
"Kumusta ang pagpunta ninyo ng Mindanao, Tito?" Si Benjie. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki at ang biglaang paglungkot ng mga mata nito.
"Bigo akong mahanap ang mag-ina ko doon, Ben. Napakalawak ng Davao. Hindi naman na ganoon ka popular ang apelyido nila kaya hirap ako at ng team na sila'y mahagilap!"
"Baka naman nakapag-asawa na ulit iyon kaya nagbago na ang apelyido"
"Yan nga rin ang isa sa mga naisip ko. Kung nagkaganoon man, hindi ko rin naman siya masisi kung hindi na niya ako nahintay dahil nasaktan ko siya nang husto. Ang gusto ko na lang mangyari ay muling makita ang anak kong si Harvey para naman makabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya!"
Kinabukasan, maagang tumulak pabalik ng Manila ang grupo nina John. Tapos na kasi ang serbisyo nila. Nag- bus na lamang sila dahil hindi sila maihahatid ni Benjie dahil abala ito sa kasal ng pinsan.
Nagulat naman siya nang matanaw ang isang lalaking nakaupo sa bangkong nasa gilid lamang ng pintuan ng kanilang bahay. Isinandal nito ang ulo sa dingding. Nakapikit. Namumula ang mga pisngi. Medyo tinubuan na ito ng bigote at balbas. At sa tabi nito ay naroon nakakalat ang limang lata ng beer. Nakakaawa ang itsura nito na para bang isang taong gala na walang mauwian.
"Jonard!" Sigaw niya nang makilala iyong lalaki.
Agad niyang binitawan ang dalang bag at patakbong tinungo ang binata. Wala na siyang pakialam kung nakatingin man kanya sina Fred at Shawie. Ang mahalaga ay muling mayakap niya ang binata dahil na miss na niya ito nang husto. Hindi na niya inisip pa na maaring mabuking ang pagkatao niya ang mahalaga ay muli niyang makapiling ang mahal niya.