Chapter 11

3577 Words
Agad niyang niyakap nang napakahigpit si Jonard na para bang isang dekada na niya iyong hindi nakikita. Muntik pa silang matumba dahil nawalan ng balanse ang binata dahil nakaupo pa ito sa sirang upuan. "Kumusta baby, anong nangyari sa'yo? Anong ginawa nila sa'yo, ng daddy mo? Bakit ganito ang itsura mo? Ang sunod-sunod na tanong niya sa lalaki habang hinimas-himas nito ang mukha. Sa halip na sumagot ay napili ng binatang dampian siya ng halik sa labi at niyakap nang napakahigpit. Dahilan upang manlaki ang mga mata ng dalawang beki sa kanyang likuran. Napaawang pa ang mga bibig ng mga ito at muntikan ng mapasukan ng langaw. "Napakahabang kwento baby, pero hayaan mong iisa-isahin ko sa'yo ang lahat. Sa ngayon, gusto kong malaman mo na miss na miss na kita!" Si Jonard na may butil ng luha na tumagas sa kanyang nga mata. Ginagap nito ang isang palad ni John patungo sa kanyang labi. Napaluha na rin si John. Akala kasi niya, tinalikuran na siya ng binata at isinuko na nito ng ganoon kadali ang kanilang pagmamahalan. Biglang sumagi sa kanyang isip ang sinabi ni Benjie sa sa resort, na hindi dapat pangunahan ng negatibo ang mga bagay na hindi pa man nangyayari. Mali nga nang ito'y kanyang husgahan at isiping iniwan na siya nito sa ere dahil nandito na ulit ito sa kanyang harapan. Banayad na hinaplos ang mga luhang nanulay sa kanyang mga pisngi gamit ang dalawa nitong malalambot na palad. "Naku teh, naniniwala na talaga ako sa kasabihang 'ruler' na lang ang 'straight' sa panahon ngayon!" Ang narinig nilang kumento ni Fred. "Makapasok na nga lang at baka puputaktihin pa ako ng langgam sa sobrang tamis ng paligid!" At binuksan na nito ang pinto at nag-iwan ng, "Tisoy ha, sabihin mo mamaya kung anong shampoong ginamit mo at bakit ganyan na lang kadaling humaba iyang buhok mo!" Natawa na lamang sina John at Jonard sa banat na iyon ni Fred. Saka din lumapit sa kanila si Shawie at nakangiting sinabi na sa loob na lamang ituloy ang kanilang pag-uusap na siya namang sinunod ng dalawa. Naunang pumasok sa kanyang silid si John upang ayusin ang kanyang kama. Pinalitan na muna niya ng punda ang mga unan at nag-spray ng kunting air freshener. Di man kasing ganda ng silid niya ang silid ni Jonard pero sinigurado niyang malinis ito at mabango. Ilang sandali pa'y sumunod na pumasok si Jonard bitbit ang isang maleta. Inilagay lang niya ito sa tabi ng aparador saka sila nito muling nagyakapan at naghalikan na para bang uhaw na uhaw dahil sa pagkasabik sa isa't isa na nauwi sa isang mainit na p********k. Matapos maipalabas ang init ng kanilang katawan ay nagsimula ng magkwento si Jonard sa kung ano ang nangyari matapos silang mahuli ng ama nito na may ginagawa sa mismong silid niya noong gabi ng kanilang unang monthsary. Hindi lang suntok at sampal ang inabot niya rito kundi kaliwa't kanang pang-aalipusta at pagmumura na para bang isa siyang sumpa ng kanilang pamilya. Matapos ng nangyari, sapilitan siyang dinala ng kanyang ama sa kanilang bahay sa Antipolo at doo'y ikinulong ng halos dalawang linggo. Hindi niya magawang makatakas dahil maraming gwardiya ang nakakalat sa buong kabahayan. Pati ang pagpunta niya sa banyo ay may gwardiyang nakabuntot sa kanya. Gusto ng daddy niyang hindi na siya muling makipagkita pa kay John upang hindi siya tuluyang magiging bakla. Naniniwala kasi ang ama niyang naimplwensiyahan lamang siya ni John kaya siya nagiging ganoon. Ngunit iginigiit ni Jonard na mahal na mahal niya si John at wala siyang pakialam kung bakla man ang maging turing sa kanya ng lahat basta ang mahalaga susundin niya kung ano ang dinidikta ng kanyang damdamin. Malaki na siya at nasa hustong gulang na kaya walang sinuman ang pwedeng magmanipula sa sarili niyang buhay. Habang nakakulong siya sa sarili nilang bahay ay patuloy na iginiit ng ama nito ang matagal na nitong pinaplano para sa kanya, ang sumunod sa yapak niyang maging pulitiko. Ngunit patuloy ring iginigiit ni Jonard na wala siyang planong pumasok sa magulo at masalimuot na buhay ng pulitika. Mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga negosyo. Ang kanilang malaking flower farm sa Tagaytay o ang kanilang limampung ekataryang Banana Plantation sa Davao na siyang mariing tinutulan ng kanyang ama. Anito, naroon naman ang dalawang ate niyang kasalukuyang nagmama-manage ng kanilang flower farm. Tungkol naman sa kanilang Banana Plantation, ang Daddy at Mommy niya na ang bahala roon. Samakatuwid wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang sundin kung ano ang gusto ng ama nito para sa kanya. At para matigil na ang kanilang bangayan ay sinabi na lamang niyang bigyan siya ng sapat na panahon para makapag-isip. At nakakita naman ng kunting liwanag ang matanda na maari pang makumbinse niya ang anak sa kagustuhan nito at dahil doon unti-unti na niya itong niluluwagan. Napansin naman iyon ni Jonard kung kaya't nakikisabay siya sa agos. Kailangan niyang kunin ang buong tiwala ng kanyang ama para maisagawa niya ang planong tumakas at muling makita ang pinakamamahal niyang si John. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay may iba pang binabalak ang ama niya na mas lalong hindi niya nagustuhan. Isang gabi isinama siya ng kanyang Daddy sa birthday party ng anak ng kumpare nitong kasalukuyang MMDA Chairman upang umano'y sisimulan siyang ipakilala sa mga kaibigan niyang pulitiko at iyon ang unang exposure niya sa mundo ng politics. Sa kalagitnaan ng party, ipinakilala sa kanya ng kanyang ama ang nag-iisang anak na babae ng kumpare nito, si Lesly. Di maitatangging may gandang di matatawaran itong taglay na pwedeng maihahanay sa mga nagagandahang artista ngayon at mga beauty queen ng bansa. May bilugan itong mga mata, matangos ang ilong at malulusog na labi. Mahaba ang buhok na nakapurontong sa panahong iyon. Napakasopistikada lang ng dating nito. Sa katunayan, matagal na niyang kilala si Lesly. Lagi itong present sa birthday niya noong bata pa siya. At maging ganoon din siya sa kanya. Noong huli sila nitong magkita ay sampung taon pa lamang sila noon. Bago ito dalhin sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. "Nice meeting you, Les!" Si Jonard habang ginagap ang isang palad ng babae patungo sa kanyang mga labi at dinampian iyon ng halik. "Me too, Jonard. You grow like a fine young man right now. Ang huli kong natatandaan sa'yo was that, inagaw mo sa akin iyong laruan kong barbie!" Natatawang sabi ni Lesly sa kanya. Pinamulahan naman si Jonard. Sa dami ba namang pwedeng maalala iyon pa? Ang mang-agaw ng laruan at barbie pa talaga. "Really, did I do that?!" Ang kunwa'y tanong niya. Natawa rin at niyaya na niya ang dalaga na sumayaw sandali at doo'y itinuloy ang kanilang pag-uusap. Matapos ng gabing iyon , hindi na binalak pa ni Jonard na muling makipagkita kay Lesly. Oo maganda ito at desente. Walang sinumang lalaki ang hindi mahuhulog dito. Maski siya na isang alanganin ay humanga sa dalaga pero hanggang doon lang iyon. Batid niyang may gusto sa kanya ang kababata niya pero alam niya sa sarili na hindi siya ang tamang lalaki para sa kanya. Si John lang ang mahal niya at tanging makapagpaligaya sa kanya. Bandang alas singko ng hapon, habang nanonood siya ng isang documentary sa isang cable channel ay nagulat siya nang biglang inabot sa kanya ng ama niya ang susi ng kanyang kotse. Lihim niyang ikinatuwa iyon dahil unti-unti na niyang nakukuha ang tiwala ng kanyang ama ngunit kaagad din namang napalis ang tuwa niya nang malaman ang tunay na mithiin ng kanyang ama, ang ireto siya kay Lesly, ang anak ng MMDA chairman. "Dad, isang napakalaking kahibangan ang ipagduldulan mo ako sa taong hindi ko naman mahal!" Protesta niya. "At ano ang gusto mo, hahayaan na lang kitang tuluyang maging bakla? Hindi ba isang kahibangan ang pumatol sa kapwa mo lalaki?" Tumaas ang boses ng ama niya. "Dad ganito na ako e, tanggap ko na iyon. Kung hindi n'yo man ako matanggap, sana hayaan n'yo na lamang ako sa kung anoman ang gusto kong gawin sa buhay tutal buhay ko naman 'to!" " Shut up! Paghinayaan kong maging ganyan ka, para na ring hinayaan kong laitin ng ibang tao ang pamilya natin. Kilala ang pamilya natin, sa negosyo at lalo na sa pulitika, sa tingin mo hindi pagpi-piyestahan ng medya 'pag nalaman nilang ganyan ka?" "Mas iniintindi niyo pa kung ano ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa akin na anak ninyo. Siguro iniisip ninyo na madudungisan ko ang pangalan n'yo dahil sa pagkataong meron ako. Dad, kailanman hindi ko ginusto na maging ganito ako. Sana andoon kayo noong aking kabataan na gumabay sa akin nang saganun may pag-asa pa sigurong maituwid ko ang pagkatao ko. Kailangan ko noon ng isang ama na mapagtanungan at makapagbigay linaw sa aking mga kuryusidad pero nasaan kayo, mas inuuna pa ninyo ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa akin na anak nyo!" Naluluhang panunumbat niya sa ama. Nakipagtaasan na rin siya ng boses. "It's not about of what happened in the past. It's all about the present and I know know that there still chances na mabago ka. Lesly is a big help. She's beautiful and intelligent. Alam kong magugustuhan mo rin siya in the long run!" Hindi na niya ikinagulat pa ang sinabi ng Daddy niya dahil matagal na niyang alam ang mga plano nito para sa kanya. "Hindi ko siya gusto. At wala sa hinagap kong pilitin ang sarili kong gustuhin siya para lang mapagtakpan ang singaw na meron ako!" Matigas ang pagkakasabi niyang iyon na mas lalong ikinagalit ng kanyang ama. "I think, we're all done, Jonard. Wala kang ibang gawin kundi sundin ang gusto ko. Kailangan mo si Lesly bago ka sumabak sa pulitika!" "E kung sa ayaw ko!" "Well, malalaman mo kung paano ako magalit. Mawawala ang lahat ng meron ka pag hindi mo sinunod ang gusto ko. For now, fix yourself. Lesly is getting ready now for your first exclusive date" Iyon lang ay nagmamadali ng umalis ang Daddy niya para sa isang social gathering na dadaluhan. Siya nama'y nagsimula ng mag-ayos ng sarili. Kahit pa labag sa kalooban na gawin iyon ay wala siyang ibang choice kundi sundin ang utos ng ama. Hindi sa takot siya sa banta nito ngunit kinakailangan niyang makakuha ng tiyempo para makaalis na sa puder nito. Naging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ni Lesly kahit pa pinakitaan niya ito ng kagaspangan. Sinadya niyang hindi mag-ayos ng sarili. Pinapahaba niya ang bigote at balbas para magmukha siyang drug addict. Sa tuwing may date sila ay nagsusuot siya ng isang old fashioned na damit at ang pinakamasaklap, ginawa niyang hindi magsipilyo o gumamit ng mouthwash para tuluyang ma turned-off sa kanya ang babae. Ngunit para namang hindi umipekto iyon sa kanya, bagkus mas lalo pa yatang na inlove sa kanya ang loka-loka. Weird. Sinong mag-akala na ang sopistikadang babaeng katulad niya ay nasisimukmurang makipagdate sa tulad niyang parang kalalabas mula sa piitan. Mukha yatang hindi niya mapapasuko si Lesly. Kaya kinakailangan na niyang gawin ang matagal na binabalak, ang lumayas. Bitbit niya ang malita habang patungo sa bahay nina John. Iyon na lang kasi ang alam niyang lugar na pwede niyang puntahan. Isa pa miss na niya ang kanyang baby. Ngunit wala ang binata noong ito ay puntahan niya. Ayon sa pinagtanungan niyang kapitbahay, maaga daw itong sumalis kasama nina Fred at Shawie. Kung saan iyon, hindi niya alam. Kaya ang ginawa niya ay umupo sa isang umuugang bangko sa may pintuan ng bahay at hintayin ang pag-uwi ng kanyang mahal. "Paano kung totohanin ng Daddy mo ang banta niya sa'yo?" Ang nag-aalalang tanong ni John kay Jonard. "Ayos lang sa akin iyon. Wala akong pakialam kung tanggalan man niya ako ng karapatan na maging bahagi ng pamilya namin. Ang mahalaga sa akin, ay ikaw, ayokong mawalay ka sa akin dahil ikamamatay ko iyon!" Ang madamdaming tugon sa kanya ng binata sabay halik sa noo niya. Nag-aalala man sa kalagayan ng binata ngunit masaya na rin si John dahil makakasama na niya sa iisang bubong ang lalaking mahal niya. Isa pa mabuti na rin iyon dahil mapapanatag ang loob niya na hindi maagaw sa kanya ng Lesly na iyon si Jonard. Habang naghahanap ng trabaho si Jonard ay pansamantala na muna siyang makikipisan kina Shawie. Ayos lang naman daw iyon ayon sa beki basta kaya niyang pagtiisan ang madungis nilang lugar dahil nga nasa iskwater ito. Wala namang problema iyon ayon kay Jonard ang mahalaga ay may matutuluyan siya at makakasama pa niya lagi si John. Mukhang tinutuo nga ng ama ni Jonard ang banta nito sa kanya pag sinuway niya ang gusto nito. Isang araw habang magwi-withdraw sana siya ng pera sa bangko ay nalaman na lamang niya na pinasarado na pala ng ama niya ang joint accounts niya. Mabuti na lamang ay may sarili siyang ipon gamit ang sarili niyang account kaya kahit papaano may magagamit siya sa pang-araw-araw niyang gastusin at sa paghahanap niya ng mapapasukan. Pati sa paghahanap niya ng trabaho ay mukhang minamalas yata siya. Ni isa man sa kanyang inaaplayan ay walang tumatanggap sa kanya, kesyu over-qualified siya o di naman kaya'y walang bakante. Parang nakakapraning lang, bakit pa ito naglagay ng ads sa mga pahayagan gayung wala na naman palang bakante. May isa rin siyang inaplayang kumpanya sa Makati at laking tuwa niya nang matapos ng kanyang interview sa araw na iyon ay pinapabalik siya kinabukasan at mukhang tanggap na siya ngunit laking pagkadismaya niya ng sinabi nung manager na may nakakuha na pala ng posisyong iyon ng bumalik siya kinabukasan. Gustuhin man niyang magmura sa matinding galit ngunit hindi rin niya nagawa dahil alam niya kung sino ang may pakana ng lahat kung bakit hindi siya makuhang tanggapin ng lahat ng kumpanyang inaaaplayan niya. Naalala niyang maraming konekayon ang ama niya sa mundo ng negosyo at kayang-kaya siya nitong i-blacklist dahil sa maimpluwensiya iyong tao. Pagdating ni John ng bahay ay agad niyang tinungo sa kanyang silid ang laundry basket na kung saan nakalagay ang tambak niyang mga labahan. Ngunit wala na itong laman. Wala na rin ang bedsheet, kumot at ang mga punda. Nang magtungo siya sa likod bahay, laking gulat niyang maratnan si Jonard na walang pang-itaas at pawisan habang nakikipagbuno sa mga labada. "Ano iyang ginagawa mo?" Ang sigaw niya habang papalapit sa binata. "Naglalaba" Ang sagot din naman ni Jonard na para bang nagpapa-pogi points sa kanya. "Alam ko, pero sino bang nag-utos sa'yo na gawin iyan?" Agad din siyang umupo sa maliit na bangko at inagaw mula sa mga kamay ni Jonard ang kinukusot nitong bedsheet. Napatigil naman siya nang mapansin ang namumula at puno sa sugat na kamay ng binata. "Tignan mo iyang kamay mo, puro na sugat!" "Sa dami ba naman ng nilabhan ko paano hindi iyan masusugatan" Napansin naman ni John ang mga damit niya na pinatutuyo na sa sampayan. Siya dapat ang maglalaba noon. Naunahan lamang siya ni Jonard. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa ginawa nito. Dahil alam niyang hindi sanay ang binata sa mga gawaing bahay. Kahit nakatira na sila sa iisang bubong, intinuturing niya pa rin itong bisita at hindi niya ito hinahayaang gawin ang mga gawaing bahay katulad na lamang ng paglalaba sa mga damit niya. "Wala din naman kasi akong ibang ginagawa dito kaya imbes na tumunganga, naglaba na lang ako atleast may pampalipas oras" "O siya, pero huwag mo na 'tong uulitin ha, baka mamaya isipin mong inaalila ka na namin dito!" "Hindi ah, gusto ko lang pagsilbihan ang baby ko!" Sabay pisil nito sa kanyang likuran."...pero may kapalit iyon!" Nakangiting aso. "Pilyo ka talaga!" Natatawang bulalas ni John sabay pahid ng bula sa mukha ng binata. Di rin naman nagpatalo si Jonard at mas madami pang bula ang ipinahid nito sa kanya. Hayun, mistula silang mga batang paslit na nagsasalitan ng pagpapahid ng bula sa kani-kanilang mga katawan. At nauwi sa isang masuyong halikan. "Kumusta iyong lakad mo kanina?" Tanong ni John sa binata habang naghahapunan ng silang dalawa lang. Bumuntong-hininga muna ang lalaki bago sumagot. Pilit pinapanatag ang sarili. "Wala pa rin, e. Akala ko nga matatanggap na ako dahil pinababalik nila ako kanina sa tanggapan nila ngunit para lang pala sabihing may nakakuha na ng posisyong inaaplayan ko!" "Hindi kaya tinotoo na ng daddy mo ang banta niya sa'yo? Marahil wala akong alam sa kung ano pa ang kaya niyang gawin pero hindi kaya sinimulan na niyang himayin ang mga galamay niya para pigain ka?" "Yan nga rin ang nasaisip ko, Bhe!" "Paano yan ngayon?" "Sisikapin kong tumayo sa sarili kong mga paa. Kakayanin kong lahat ng 'to huwag ka lamang mawalay sa akin" Isang pilit na ngiti ang sumilay sa mga labi ni John. Kahit paano pumalakpak ang tainga niya sa sinabing iyon ng binata. Ngunit naroon pa rin sa kanya ang pangamba para kay Jonard. Alam niyang nahihirapan na ito sa bagong buhay na kinasasadalakan nito. Alam niyang pinagtitiisan na lamang nito ang tumira sa isang bahay na nakatirik sa iskwater. Ang kumain ng tuyo at galunggong sa umaga. Ang manakayan sa pampasaherong jeep sa tuwing may pupuntahan. Nagtitiis sa init, mabahong usok at pakikipagsiksikan para lamang makasakay, taliwas sa nakagisnan nitong maayos na buhay. Alam niyang paubos narin ang pera nitong naitabi. Paano na lang pag naubos na nang tuluyan iyon? Anong pwedeng maitulong ng kagaya niyang nag-aaral pa lamang na tanging sa scholarship umaasa at sa paekstra-ekstra sa flowershop para may pantustos sa kanyang pansariling pangangailangan? "Alam kong nag-aalala ka na sa akin, bhe ngunit ayos lang naman ako. Kaya ko pa dahil andiyan ka naman. Minulat ako sa mga nangyari sa akin ngayon kung gaano kahalaga ang buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon sa pera mo makikita ang tunay na kasiyahan. Kundi sa piling ng taong tapat na nagmamagal sa'yo. Ngayon ko naiintindihan kung gaano kahirap ang kumita ng isang kusing na para sa akin dati para lang iyong pinupulot sa kung saan. Hindi ko pa man hinihingi ay kusa na iyong naglalanding sa aking mga kamay. Idol nga kita e, dahil kahit sa hirap ng buhay mo ay nagawa mong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatarabaho. Nakaya mong pumunta ng school kahit walang ni isang sentimo sa bulsa at tanging mga pangarap lang sa buhay ang dala-dala. Kaya mahal na mahal kita, Tisoy!" Sabay hawak sa palad niya. Hindi naman niya napansing nag-unahan na sa pagbagsak ang mga luha niya sa mata. Sinong mag-akalang na ang mayamang tulad ni Jonard ay iniidolo siya sa kanyang ipinakitang pagpupursige. Na ang tulad niyang nasa langit ay kusang loob na bumaba sa lupa upang silay magkadaupang-palad at bigkisin ng kanilang wagas na pagmamahalan. Talagang naniniwala na si John na wala ngang pinipiling estado ang pagmamahalan. At dahil doon nangangako siyang hinding-hindi iiwan ang mahal niya. Sabay nilang susuungin ang hirap ng buhay at alam nilang mapagtagumpayan nila iyon dahil inspirasyon nila ang isa't- isa. Isang araw masayang ibinalita ni Jonard kay John na may natanggap siyang offer na maging model sa isang men's undergarments. Nagtaka man ngunit kanya ding naisip na minsan nga palang nagkaroon ng exposure ang binata sa national tv noong sumali siya sa blind audition ng THE VOICE at nagqualified kaya lang hindi itinuloy dahil iba naman talaga ang pakay nito. Dahil siguro doon, may isang talent manager ang nakapansin sa kanyang angking kapogian kaya ayun nakatanggap ito ng offer. "Ito na 'yong hinihintay ko, bhe. Sabi ko na nga ba, may-awa rin sa atin ng Diyos!" Bulalas ni Jonard habang yakap siya nito. "Masaya ako para sa'yo baby. Sana tuloy-tuloy na at hindi magawang impluwensiyahan ng Daddy mo kung sino mang iyang taong nag-offer sa'yo niyan!" Ang nagagalak ding wika ni John. "Pulitika at business lang ang hawak ni Daddy. Wala na iyong galamay sa mundo ng modelling!" Nagkangitian sila. Excited na nagtungo si Jonard sa nasabing address ng modelling agency upang makipagkita sa magiging handler niya at nang mapag-usapan ang tungkol sa kontrata at schedule ng photoshoot. Nasa ikalimang palapag iyon. Agad siyang pumasok nang makarating siya at doo'y magiliw siyang tinanggap ng isang baklang nagngangalang Fritz at nagpakilalang magiging handler niya. Matapos makipagkamay, sinimulan na nitong i-discuss sa kanya ang schedule ng photoshoot at ang magiging bayad. Mukhang pabor naman iyon sa kanya kaya wala siyang naging problema. Alas dos ng hapon sisimulan siyang kunan ng mga litrato kaya hindi na siya pinauwi ni Fritz. Sabay na sila nitong nag-lunch sa isang malapit na mamahaling restaurant at libre iyon. Pumayag naman siya. Nagsisimula na ang photoshoot, una siyang kinunan na walang pang-itaas na damit at jeans lang sa baba hanggang sa tuluyan na niyang ibinuyangyang ang kanyang katawan na tanging brief lang ang naiwang pantakip sa kanyang kasilanan. Medyo alangan man dahil may mangilan-ngilang ding mga taong nakamasid sa pictorial pero nilakasan na lamang niya ang kanyang loob dahil desperado na siyang kumita ng pera. Isa pa may maipagmamalaki naman siya na alam niyang nagsisimula nang painitin ang mga bading na nakapalibot sa kanya. Natatakam. "Excellent job, Jonard!" Bungad sa kanya ni Fritz matapos lumabas sa dressing room. Suot na muli nito ang kanyang damit kanina. "...as a beginner, you exceeded my expectation!" "Salamat, Fritz" Ang simpleng tugon niya habang tinitingnan ang mga kuha niya sa kamera. Napapangiti siya. Unang beses niyang makita ang sarili niyang ganoon. "Talagang hindi nagkamali ang amega ko na i-recommend sa akin" Kumunot naman ang noo ni Jonard sa narinig niya. "Ibig sabihin hindi talaga ikaw ang kumuha sa akin na magiging model?" "Exactly, but it's all worth. You have what it takes!" "Sino naman iyong nag-recommend sa akin?" "Makikilala mo rin siya later, actually she's on her way right now" Nagtataka man pero naging curious na rin ang binata sa taong iyon na tumulong sa kanyang magkaroon ng raket sa pagmo-model. Gustuhin man niyang umuwi na pero matiyaga niyang hinintay ang taong iyon para personal na makilala at pasalamatan. Ilang sandali pa'y dumating na nga iyong taong hinihintay niya. "Lesly?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD