Chapter 12

3648 Words
"A-anong ibig sabihin nito?" Pabulong iyon sabay hawak ng marahan nito sa braso. "Just wanted to help you, Jonard" Pabulong na tugon naman ng babae. "Help?" Sa halip na sagutin ay deretso itong nagtungo sa kinaroroonan ni Fritz at nakipagbeso. Pagkatapos, bumaling din naman agad ito sa kanya at nagyayang mag-dinner. Nagpaunlak din naman agad ang binata. "As I've said, gusto lang kitang tulungan. Alam kong kinuha nang lahat sa'yo ni Tito. Walang natira sa iyo. Im sorry for the words, wala ka ng ipinagkaiba sa manok ngayon, nangangalahig para may makain!" Prangkahang wika ni Lesly sa kanya habang sila'y kumakain sa isang restaurant. Hindi naman naiwasang manliit ni Jonard sa sarili subalit wala siyang dahilan para umalma sapagkat totoo rin naman ang sinabi ng babae. "Do you really care of helping me or baka kasabwat ka lang sa plano ni Daddy para kumbinsihin akong pumayag na sa gusto niyang mangyari?" "Definitely, no. Walang ganoon, Jonard! Lahat ng ito ay kagustuhan ko. Labas dito si Tito. Hindi ka iba sa akin. Magkaibigan tayo. Magkababata. It's my decision to help!" Hinawakan siya nito sa isang palad. Tinitigan niya iyon saka hinawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng dalaga. "Okey. Salamat" Simpleng wika ni Jonard. Maliban sa pagmomodel, inalok ni Lesly si Jonard na maging bahagi ng kanyang advertising business bilang manager. Mukhang ayos din naman iyon kaya walang pag-aalangang tinanggap iyon ni Jonard. Magandang simula iyon para sa kanya. Walang mapagsidlan ang tuwa ni John sa magandang ibinalita sa kanya ni Jonard na bukod sa pagiging partime model nito ay may nakuha na ring posisyon ito sa isang advertising company. Proud na proud siya sa nakitang pagpupursige ng binata na ngayo'y nagbunga nang maganda. Sa kabila ng pagtakwil sa kanya ng sarili niyang pamilya ay nagawa nitong bumangon at tumayong muli sa pamamagitan ng sarili nitong mga paa. Sa bawat tagumpay, hindi maikakailang mayroon itong kapalit na siyang susubok sa tibay ng kanilang pagmamahalan. Simula nang magkaroon ng break si Jonard sa pagmomodel ay naging sunod-sunod na ang mga offers nitong magpose sa iba't ibang magazine. May iba pa ring gustong kumuha sa kanya na maging commercial model ngunit tumanggi na muna siya dahil part time lang naman para sa kanya ang pagmomodel. Priority pa rin kasi niya ang trabahong ibinigay sa kanya ni Lesly. Kasabay nang muling pag-angat ni Jonard ay ang unti-unti namang paglubog ng relasyom nila ni John. Bagay na ikinatatakot ng huli. Wala na kasing oras ang binata para sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya, unti-unti nang nawawala ang sweetness ni Jonard. Lagi na itong busy sa trabaho at late na kung umuwi sa gabi. Nahihiya rin naman kasi siyang magtanong at baka sabihin nitong masyado naman yata siyang pakialamero. Hindi na rin nila nagagawa ang pamamasyal sa park at kumain ng mga paborito nilang street foods bilang simpleng bonding nila. Madalas na kasing umuuwing pagod si Jonard. Minsan rin ay madaling araw na ito nakakauwi May pagkakataon din na habang nakahiga na sila sa kama ay biglang may tatawag kay Jonard at ilang sandali lang bigla na itong magpaalam na umalis. Pakiramdam tuloy ni John ay napag-iiwanan na siya. Hindi niya alam pero nasasaktan na siya sa mga nangyayaring pagbabago. Pilit niyang ikinikintal sa kanyang isip na nagsusumikap lang ang binata na kagaya niya, may pangarap din itong gustong marating na hindi humihingi ng ano mang tulong sa mga magulang. Ngunit bakit tila iba ang pakiramdam niya? Mukhang nagkakaroon na ng gap ang relasyon nila ng binata. Hanggang sa isang araw naratnan na lamang niyang nag-iimpake si Jonard ng mga gamit. "Saan ka pupunta?" Ang tanong niya sa abalang si Jonard. "Sorry, baby kung hindi ko agad naipalam ito sa'yo. Ngayon na pala ako lilipat sa condong nakuha ko!" Nagulat siya sa kanyang narinig. Condo? Tama ba ang narinig niya? Sa pagkakaalam niya, napakamahal ang kumuha ng isang condo unit. Isang buwan pa lang naman kasing nakapagtrabaho ang lalaki kaya natitiyak niyang wala pa itong naiipon lalo na at may hinuhulugan pa itong sasakyan. "Aalis ka na rito?" Nag-cracked ang boses niya. "Siyempre isasama kita. Magsasama na tayo" Gusto man niyang pigilan at sabihing huwag na lamang umalis sa bahay nina Shawie ngunit naisip niyang hindi nga pala ito sanay na manirahan sa ganitong uri ng pamayanan. Masikip, mabaho at maingay. Hindi man niya narinig na nagreklamo ito sa ngunit sa tulad nitong nasanay sa marangyang buhay alam niyang hindi rin ito magtatagal sa ganitong uri ng kumunidad. Kung siya nga na mulat sa kahirapan ay nangangarap na balang araw makaahon din sa lusak na kinasasadlakan,si Jonard pa kaya na simula't sapul namulat na ito sa masaganang buhay. "H-hindi ko pwedeng iwan sina Fred at Ate Shawie!" Ang nasabi lang niya. Hinarap naman siya ni Jonard, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Naiintindihan ko at hindi na kita pipilitin pero dapat dalawin mo ako roon nang madalas. Partner na kita baby, pag-aari ko'y pag-aari mo na rin. Alam kong nawawalan na ako ng oras sa iyo pero hinihingi ko ang iyong pag-unawa. Ang lahat ng pagsisikap ko'y para sa ating dalawa, para sa ating kinabukasan" Dinampian siya nito ng halik sa labi. Iyon lang ay nagpaalam na binata. Hinatid naman niya ito hanggang sa eskinita. Saka lang siya bumalik ng bahay nang hindi na abot ng kanyang mga paningin ang kotseng minamaneho ng binata. Hindi niya maiwasang maluha. Na-miss lang niya ang mga panahong kasa-kasama niya si Jonard. Kasamang matulog at gumising sa umaga. Sabay na kumain ng agahan at pinagtitiisan ang kakarampot na pagkaing nakahain. Isang payak na pamumuhay ngunit puno ng pagmamahalan. Mula nang lumipat ng tirahan si Jonard ay mas lalong naging mailap para sa kanila ang pagkakataong sila'y magkita. Kung dati nagagawa pa siya nitong dalawin ng dalawang beses sa isang linggo, ngayon, tuluyan na itong hindi nagagawa. Mukhang dinaig pa nito sa pagiging busy ang sikat na artista gayung wala naman ito sa showbusiness. Lagi naman itong tumatawag sa kanya sa celphone pero iba pa rin iyong personal sila nitong magkita. Sobrang miss na niya ang mga yakap at halik nito. Ilang panagako na rin ang napako ni Jonard na sabay sila nitong mag-dinner dahil panay ang overtime nito sa trabaho. Ganunpaman, sinisikap pa ring intindihin iyon ni John. Mahal niya si Jonard. Kailangan niyang panatilihin ang tiwala niya rito. Samo't saring mga agam-agam na ang pumapasok sa kanyang isip pero tanging pinanghahawakan niya ang sinabi nitong mahal na mahal siya ng lalaki at ang lahat ng ginagawa nito ay para sa kinabukasan nilang dalawa. Lahat ng pagsusumikap ni Jonard ay hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang dalawa ni John. Mataas ang pangarap niya para sa kanilang dalawa. Hindi na niya pinangarap na muling maging bahagi pa ng kanilang pamilya dahil sapat na para sa kanya ang binata. Naroon pa rin naman ang hangarin niya na makuha ang pamamahala ng kanilang negosyo pero sa ngayon kailangan na muna niyang ihanda ang kanyang sarili at magkaroon ng sapat na pundasyon para doon. Laking pasalamat niya kay John na sa kabila ng pagkukulang niya rito ay nagawa pa rin siya nitong unawaain. Minamadaling tapusin ni Jonard ang mga nakatambak na trabaho sa kanyang opisina dahil may usapan sila ni John na kumain sa labas. Ilang pangako na rin ang ang hindi niya natupad sa nobyo kaya sa pagkakataong ito ay kailangan na niyang bumawi. Malapit na sa takdang oras na napag-usapan nila ang pagkikita nila kaya kahit may mga dokumento pa na kailangan niyang i-review ay itinabi na lamang niya iyon at babalikan na lamang niya iyon bukas. "Mukhang nagmamadali ka yata?" Narinig niyang tanong ni Lesly habang inililigpit niya ang mga nakakalat na folder sa ibabaw ng kanyang mesa. "I have an appointment kasi an hour from now" Ang tugon din naman niya. "Appointment, for what?" "Its personal Lesly, I have to go!" At nagpatiuna na siya sa paglakad. Hindi na niya sinabing magkikita sila ni John upang hindi na siya uusisain pa ng dalaga. "Hey wait, kala ko ba magdi-dinner tayo ngayon. I already made a reservation" Sigaw ng babae na hindi niya namalayang sumunod pala sa kanya patungong elevator. Natigilan naman si Jonard. Bigla niyang naalalang sa gabi din pala na iyon napagkasunduan nila ni Lesly na sabay na kumain sa labas. Ngunit mas pipiliin niya si John. Hindi na niya kayang bibiguin pa ito. Alam niyang labis na itong nagtitimpi sa kanya. "Next time na lang Lesly, patawad pero kailangan ko ng umalis!" At pumasok na siya sa kabubukas lang na elevator at naiwan sa labas ang nayayamot na babae. Hindi lingid sa kaalaman ni Lesly na may kinahuhumalingang iba ang binata at sa mismong kapareho pa nito ng kasarian. Nalaman niya ang lahat ng iyon mula mismo sa mga magulang ng binata. Ang mga magulang din mismo ng huli ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong para sa kanilang anak. Ngunit kahit hindi man lumapit ang mga ito sa kanya ay gagawin niya pa rin ang sa tingin niyang nararapat. Noon pa mang kabataan nila ay may pagtingin na siya kay Jonard. Hindi nga lang niya naipursige dahil sa dinala siya sa Amerika ng mga magulang niya upang doon mag-aral. At ngayong nakabalik na siya, gagawin niya ang lahat mapaibig lang ang binata. Wala sa bokabularyo niya ang salitang kabiguan. Noon pa man, what Lesly wants, Lesly gets. At hinding-hindi siya makapapayag na sa bakla ang kababagsakan ni Jonard. No way! Over her dead body. Alam niyang malakas ang laban niya dahil isa siyang babae. Subalit sa loob ng dalawang buwang pagpaparamdam niya sa binata ay mukhang tigang pa rin. Hindi man niya lantarang sinabi ang pagmamahal niya rito pero ipinapakita niya naman iyon sa kilos at gawi niya. Mukhang mauungusan na siya nang tuluyan ng kanyang karibal pag hindi pa siya kumilos. Kaya proceed to plan B, iyan ang naalala niyang sabi ni Frits sa kanya. Abot langit ang ngiti sa labi ni John nang sinundo siya ni Jonard sa flowershop para mag-dinner sa labas bagay na hindi na niya inasahan sa pag-aakalang muli na naman siya nitong bibiguin. Ngunit narito ngayon si Jonard sa kanyang harapan. Saksi sina Fred at Shawi na hindi lang iyon isang panaginip kundi isang katotohanan na matagal din niyang inasam na magkatotoo. "Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin!" Kunyaring nayayamot na sabi ni John nang kasalukuyan na silang nagbibiyahe patungo sa lugar na kanilang pupuntahan. "Pwede ba 'yon, sa dami ng atraso ko sa'yo e, kailangan ko ng bumawi!' Si Jonard na nagawa pang pisilin ang kanyang hita sa kalagitnaan ng pagmamaneho nito. "Buti naman alam mo" Ganoon ang takbo ng kanilang usapan hanggang sa makarating sila sa restaurant. Habang sila'y masayang kumakain ay may mga matang nakamasid sa kanilang nagngingitngit sa galit sa may di-kalayuan. Matapos nilang kumain ay niyakag pa siya ni Jonard na mag-bar na muna, pumayag naman siya dahil Sabado naman kinabukasan at wala siyang pasok. Nasa kasagsagan sila ng pag-inum ng alak nang lumapit sa kanila ang isang napakagandang babae. Mukhang kakilala iyon ni Jonard dahil sa walang kiyeme itong lumambitin sa leeg nito nang makalapit ito sa kanilang mesa. "Bakit hindi mo sinabing dito rin pala ang punta mo at nang na sana tayong magtungo rito" Malanding tinuran ng babae na ikinainis niya. Para yatang wala itong pakialam sa mga taong naroon na makakakita sa ginagawang paglingkis nito sa leeg ng lalaki na daig pa ang isang sawa. "Wala rin naman kasi sa plano!" Ang naisagot lang ni Jonard sabay hawi sa mga bisig ng babae sa kanyang leeg. "Siya nga pala, John this is Lesly my boss, and Lesly thisis John my partner" Napa-OMG naman sa kilig si John sa deretsahang pag-amin ni Jonard na siya'y partner nito sa harap mismo ng babaeng boss niya bagay na hindi niya talaga inaasahan. Tanggap naman kasi niya sakali mang mag-deny ito tungkol sa totoong estado nila sapagkat alam niyang hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nilang aminin ang tunay na sila dahil iilan lamang ang nakakaintindi ng lalaki sa lalaking relasyon "Oww!" Ang tanging naibulalas ng babae. Sandali lang itong nagulat at nagawa na nitong ngumiti. Isang ngiti na para bang nakakaloko na bahagya pa nitong itinaas ang isang kilay. Inilahad naman ni John ang isa niyang palad at tinanggap naman iyon ni Lesly. Ngunit may parang kakaibang nararamdaman siya doon sa babae. Hindi niya alam pero parang iyong pakiramdam na kapag ang babaeng ito ay mag-swimming sa dagat, pwede na itong hindi gumamit ng salbabida dahil tiyak na lulutang ito dahil sa kaplastikan. Di naman nagtagal si Lesly at nagpaalam na itong magtungo sa VIP room dahil naghihintay na sa kanya ang mga kaibigan niya. "See you honey!" Ang huling sinabi nito kay Jonard bago umalis at may pahabol pa itong smack sa labi ng binata. Sandaling uminit ang tainga ni John sa ginawa ni Lesly sa boyfriend niya. Ngunit kanya ding naisip na sa kagaya nitong liberated, wala iyong ibang kahulugan. Para lang iyong pagmamano ng mga bata sa nakatatanda. Habang patuloy sa paglikwad ang panahon, patuloy rin sa paggawa ng paraan si Lesly para mabaling ang atensiyon ni Jonard sa kanya. Ngunit sadyang mailap talaga ang binata. Halos maghubad na siya sa harapan nito para lang mapansin ngunit wala iyong epekto. Alam niya ang pagkatao ng binata. Hindi iyon kagaya ng mga natural na lalaki na kaunting himas niya lang kaagad ng nabubuhay ang libido nito. Ganunpaman tanggap niya iyon. Nakahanda siyang gawin ang lahat mapasakanya lang ang binata. Naniniwala parin siyang sa kabila ng kalambutan ng puso nito, may tsansa pang ito'y magbago. Hindi lang naman si Jonard ang kilala niyang may ganoong sitwasyon. Sa US marami ang ganoon, mga lalaking pumapatol din sa kapareho nila. Iyong mga tinatawag na mahilig lang mag-explore ngunit sa kalaunan mananaig pa rin sa kung ano ang dapat. Tiwala siyang darating din ang panahong maisip ni Jonard na kailangan na nitong makabuo ng isang pamilya. Lalo na ng anak na tanging sa babae niya makakamit. Ngunit naiinip na si Lesly. Hindi na siya makapaghihintay na darating ang oras na iyon. Kailangan na niyang gumawa ng hakbang. Hindi na niya masisikmurang isipin na ang lalaking mahal niya ay may kinalolokohang lalaki rin. Maagang umalis si Jonard ng opisina para paunalakan ang imbitasyon ng kanyang mga magulang. Nagdaos kasi ng party ang mga iyon dahil pormal ng nakapaghain ang mga ito ng certificate of candidacy para sa darating na halalan. Ang kanyang ama ay muling magpapahalal bilang gobernador ng kanilang lalawigan at ang kanyang ina nama'y mayor sa kanilang lungsod. Ayaw niya sanang dumalo dahil sa hidwaan nilang mag-ama ngunit ang ama niya na rin mismo ang nagsabi na iba ang pakay nito sa kanya at hindi tungkol sa pulitika. Isa pa na miss na rin daw siya ng mga ito. Kailangan nilang mabuo muli bilang pamilya at nang hindi masira ang imahe nila sa mata ng publiko. Hayun, hanggang sa ngayon, iyon pa rin pala ang lagi nilang naiisip. Ang maging perpekto sa harap ng iba. Plastik talaga! Ang nasaisip niya. Ayaw na sana niyang tumuloy subalit natuon ang isip niya sa sinabi ng daddy niya na iba ang pakay nito sa kanya. At malalaman lamang niya iyon kapag magawa niyang makipagkita rito. "Mom kumusta na po kayo. I miss you so much!" Maluha-luha siyang yumakap sa medyo may edad ng babae. Hindi niya maitatwa na sa kabila ng pagkukulang nito ng panahon bilang ina ay hindi kailanman nawala ang pagmamahal niya rito. Yumakap din sa kanya ang Mommy niya at pati na rin ang kanyang Daddy na siyang labis niyang ikinagulat. Parang kelan lang kasi, galit na galit ito sa kanya. Inalipusta ang kanyang pagkatao at nagawa pa siya nitong pagkaitan ng kalayaan. "Thanks, dahil sa wakas nagawa n'yo na rin akong yakapin Dad..." Sabi pa niya habang silang magkayakap. "...But I am not here for a drama. Ang malaman kung ano ang sasabihin mo sa akin ang talagang pakay ko!" Nakita niyang nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Tumango sa isa't- isa. "Ibibigay na namin ng Mommy mo ang matagal mo ng hinihingi" Ang Daddy niya. "It seems you're really not into politics kaya I decided na ipagkakatiwala ko na sa iyo ang kumpanya natin. Ang Mercado Banana Plantation sa Davao" Namilog ang mga mata niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Kilalang tigasin ang ama niya lalo na sa pagbibitiw ng mga desisyon. Kung ano ang gusto nito ang siyang laging masusunod. "Tama ba ang narinig ko Dad?" Tinitigan niya nang deretso ang matanda na para bang sinusuri kung gaano ito katotoo sa sinasabi. "Yes, anak. I realised na hindi naman nakakabuti kung ipagpilitin namin ang isang bagay na ayaw mo. And beside malaki ka na. Matalino. Kaya nararapat lang na ibigay namin sa'yo ang sa tingin mong tama at gusto mong gawin para sa sarili mo. Patawad sa mga pagkukulang namin noon ng Mommy mo. Lumaki kang walang magulang sa tabi na susubaybay sa iyo kaya hindi namin nagawang malaman kung anong uri ng landas na ang tinatahak ng aming bunso" Nag-cracked ang boses ng ama niya. Mukhang hindi ito sana'y sa isang madramang tagpo tulad ng ganito. Napahinto ito sa pagsasalita. "Ayos na sana iyong usapan e, bakit biglang napunta sa pagiging ganito ko. Kailanman hindi ko ginustong magkaroon ng ganitong pagkatao. Walang sinong may gusto nito. Kung kayo, hindi ninyo ninais na maging ganito ako, mas lalo naman ako. Late ko nang malaman na sa katulad ko ako nagkakagusto kaya huwag n'yong sisihin ang mga sarili ninyo. Walang kinalaman ang laging wala n'yo noong bata pa ako sa tabi ko kung anumang pagkataong meron ako ngayon!" Matigas niyang saad ngunit hindi niya napigilan ang mga luhang nanulay sa kanyang mga pisngi. Ramdam niya kasing hindi pa siya tuluyang nauunawaan ng kanyang mga magulang. "Iyon nga e, sa iyo na rin mismo nanggaling na late mo lang nalaman na ganyan ka anak o pwede ring may identity crisis ka kaya hindi mo pa talaga lubusang tiyak kung ano ba ang tunay na makapagpapaligaya sa'yo at dahil diyan naniniwala kami ng Daddy mo na may posibilidad pa na magbago ka" Ang Mommy niya ang nagsalita na ikinadismaya niya. Inakala kasi niyang mauunawaan siya nito sapagkat sa kanya siya nanggaling ngunit mukhang taliwas ito sa kanyang inaasahan.  "Ngunit paano? Ganito na ho ako. Hindi naman po ako basta nalasing na pwedeng itulog at pagkagising ko kinabukasan nahimasmasan na ako!" "Si Lesly, mahal ka niya. Alam kong siya ang makakatulong sa'yo para maituwid ang pagkatao mo!" Si Daddy niya ang sumagot. Hindi na niya iyon ikinagulat pa dahil noon pa man inirereto na siya nito doon sa babae. "Granting na maging ganap man akong lalaking muli pero hindi pa rin maaari ang gusto n'yong mangyari dahil hindi ko siya mahal. Iba ang gusto ko, si John ang mahal ko!" Ang kanina'y malumanay na pag-uusap ay nauwi na sa paanas na pagtatalo. "Sabihin nating mahal mo nga siya, nagmamahalan kayo pero sa tingin mo ba sapat na iyon na maging batayan para matugunan mo ang pangangailangan mo bilang tao?" Bulalas ng Daddy niya na kalmado pa rin ang boses. Halatang pinipigilan nito ang tensiyon sa takbo ng kanilang pag-uusap. "Alalahanin mo, anak tatanda ka rin tulad namin. Kailangan mo ng bumuo ng sariling pamilya, magkaroon ng asawa at anak na magiging katuwang mo sa iyong pagtanda!" Dagdag naman ng Mommy niya. "Sa pagkakaroon ng asawa at anak lang ba pwede natin iasa na magkaroon tayo ng katuwang? Hindi ba pwede naman nating matagpuan iyon sa taong mahal natin na malaki ang tiwala at respeto sa isa't-isa? Naniniwala pa rin naman ako sa kahalagahan ng magkaroon ng isang pamilya ngunit sa tulad kong nasa gitna sapat na sa akin na mayroong nagmamahal na isang tao na alam kong hindi ako iiwan kahit na ano man ang mangyari!" "Anak hindi mo naiintindihan!" Ang Mommy niya ulit. "Ano pa ba ang dapat kong intindihin? Kung tungkol sa pagkatao ko, hindi ko lang ito basta naiintindihan, bagkus tanggap ko na ito nang buo na ganito na talaga ako!" Aalis na sana siya dahil alam niyang wala ng patutungyhan ang kanilang usapan pero pinigil siya ng kanyang ina. "Gusto lang namin na malagay ka sa tahimik dahil matanda na kami ng Daddy mo. Hindi natin hawak ang sarili nating mga buhay. Pero bago mangyari iyon nais namin na sana makita kang makabuo ng isang pamilya. Hindi namin kakayanin na mananatili kang ganyan!" Nagpantig ang tainga niya nang marinig ang huling pangungusap ng ina niya. Para lang itong sirang DVD na paulit-ulit sa mga sinasabi. Nakaririndi na. Anong bang mali sa kanya? Bakit ba laging may label ang pagmamahal? Bakit hindi matanggap ng lipunan na ang pag-ibig ay para sa kanino man at walang pinipiling kasarian? Nagmamadali na siyang umalis dahil hindi na siya makakatagal pa roon. Ayos na sana e, ay kung bakit pa kinakailangang maging isyu sa kanila ang pagkatao niya. Isa pa iyong ideyang gagamitin si Lesly para diumano'y manumbalik ang dating siya. Hindi iyon maari. Mawala na sa kanya ang lahat. Hindi lang ang taong kaisa-isang mahal niya. "Anak, bumalik ka rito, huwag ka munang umalis. Kailangan ka namin ng Daddy mo!" Ang narinig niyang pakiusap sa kanya ng kanyang Mommy ngunit tila bingi siyang nagpatuloy sa paglakad hanggang sa marating na niya ang kanyang kotse at mabilis iyong pinatakbo. Hindi pa man siya tuluyang nakalayo ay may narinig siyang mga putok. Hindi lang isa kundi marami na para bang may nirapido. At ang lubhang ikinatakot niya ay parang nanggaling ang mga putok na iyon sa kanilang mansyon. Dinig pa nga niya ang sigawan ng mga nagkakagulong mga bisita nila sa party. Mabilis niyang pinaharorot pabalik sa mansyon ang sasakyan. Dinadalangin niya na sana'y mali ang kutob niya. Sana ayos lang ang kanyang mga magulang. Patakbo siyang nagtungo sa lawn ng mansion kung saan ginanap ang party. Kitang-kitang niya ang mga taong nagkagulo at hindi malaman ang gagawin, dadapa ba o tatakbo. Ang iba sa kanila'y napapasigaw na lamang ng saklolo habang nakataas ang mga kamay tanda ng pagsuko. Amoy na amoy pa niya ang pulbora sa buong paligid. Wakwak ang lahat ng mesang tinamaan ng mga bala. Sa mga oras na iyon ay dalawang tao ang gusto niyang makitang nasa maayos na kalagayan, ang kanyang mga magulang. Ilang sandali pa'y narinig niya ang sigaw ng dalawang ate niya. Agad siyang lumapit doon at tumambad sa kanyang harapan ang duguang katawan ng kanyang mga magulang na mistulang wala ng mga buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD