Laman ng lahat ng mga balita ang nangyari sa mga magulang ni Jonard. At ang kadalasang sinasabing anggulo ng pananambang ay sa pulitika. Ngunit hindi pa matukoy ng mga otoridad kung sino ang may utak noon at kasalukuyan pa iyong iniimbestigahan.
Labis ang lungkot at pagkahabag naman ang nararamdaman ni John nang malaman ang karumaldumal na sinapit ng mga magulang ng mahal niya sapagkat nawalan na rin siya ng mga mahal sa buhay.
Matapos ang klase niya ay dumeretso na siya ng Antipolo upang makiramay kay Jonard. Hindi naman siya nahirapang tuntunin ang mansion ng mga Mercado na kung saan nakalagak ang burol sapagkat itinawag naman sa kanya ng binata ang address nito.
Eksaktong ala-sais ng gabi nang makarating siya. Nasa bungad na siya sa gate ng mansyon ay nakasabayan niya si Lesly. Minsan na niya iyong nakita nang mag-bar sila ni Jonard kaya namukhaan niya ito at ganoon din sa kanya ang babae na nang makita siya.
"Nandito ka rin pala, well it's not a big surprised. Ikaw nga pala iyong baklang nanlalandi kay Jonard!" Pang iinsulto nito sa kanya na binigyang diin pa talaga ang salitang bakla
Kung anong ganda ng babae sa panlabas nito ay siya namang kapangit ng pag-uugali. Kahit nagpantig ang tainga ni John sa sinabing iyon ni Lesly ay sinikap niyang magtimpi at huwag na lamang itong pansinin.
Ayaw niyang pumatol sa babae lalo na at nasa lamay sila bilang respeto sa mga nakaburol at sa mga kaanak nito. Tanging isang huwad na ngiti ang kanyang itinugon sa babae bago siya tumuloy sa pagpasok. Ngunit mukha yatang may pagka-Mike Enriquez ang Lesly na iyon dahil sa hindi siya nito tinantanan. Pinigilan siya nito sa braso.
"Iyan ba ang turo ng mga magulang mo, ang tumalikod habang may kumakausap pa?"
Tumigil siya. Hinarap niya si Lesly
"Sa tingin ko, kaya tayo nandito para makiramay sa namatayan at hindi ang magtsismisan"
Matigas ang pagkakasabi niyang iyon. Nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Lesly.
"Hindi naman kasi ito basta tsismis lang. This will be my first and last na kausapin ka. Layuan mo si Jonard!"
"Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Dahil hindi kayo ang nararapat sa isa't isa!"
"At kanino siya dapat, sa'yo?"
Nagpakawala ng isang malutong na tawa si Lesly na para lang nasa isang street party at mukhang nakalimutan yatang nasa lamay ito. "As you can see, babae ako at lalaki si Jonard diba dapat na kami ang mas nararapat?"
"Hindi naman basehan ang kasarian kung tunay kang nagmamahal. Mas mahalaga kung ano ang itinitibok ng puso at walang naaapakang iba!"
"Ganyan ba kayong mga bakla, kalandian ang pinaiiral at hindi ang isip? Paano kayo maging lubos na maligaya kung mananatiling palihim ang inyong pagmamahalan dahil hindi naman ito tanggap ng lipunan? Do you think your relationship will grow and foster if the society is against you?"
"Hinahamak man kami o kinukutya ay hindi na namin iyon alintana. Hindi naman na nagmahal ka ay kailangan mo iyong isangguni sa iba. Kayo ang nagmamahalan at hindi sila!"
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko dahil hindi mo alam kung sino ako at ano ang pwede kong gawin!"
"Binabantaan mo ba ako?"
"Higit pa sa inaakala mo. At sisiguraduhin kong ako ang pipiliin ni Jonard sa huli. Tandaan mo yan!"
Sasagot pa sana siya sa pagtatalak ni Lesly ngunit nakita niyang papalapit sa kanila si Jonard. Kinamayan siya nito saka tinapik sa balikat tanda ng pasasalamat nito sa kanyang pakikiramay.
Si Lesly naman ay mahigpit na niyakap ang binata at gumanti rin naman ito. Sindya man iyon o hindi ng babae ngunit nagdulot iyon ng kirot sa puso ni John.
Para bang ipinapabatid ng babae na sinisimulan na nitong patotohanan ang mga sinabi nitong sila ang mas nararapat ng binata. Malaya kasing nagagawa ni Lesly ang pagpapahayag ng damdamin kay Jonard kahit nasa harap pa ng publiko nang walang pag-aalinlangan. Samantalang si John, kahit na nagmamahalan sila ng lalaki ay limitado ang kanilang mga galaw at pagpapahayag ng kanilang mga damdamin sa isa't isa .
Hindi rin naman kasi normal sa dalawang makikisig na lalaki na magkahawak kamay o ang magyakapan sa gitna ng madla. Nagkasya na lamang sila sa mga sulyap at tango at minsanang pagdampi ng kanilang mga balat na kunwaring hindi sinasadya.
Kahit masakit man ay ganoon talaga. Kailangang maging bukas ang isipan ni John. Ang relasyong kagaya nilang nasa gitna ay hindi nalalayo sa bawal na relasyon ng mga normal na lalaki at babaeng may kanya-kanya ng pamilya. Hangga't maari kailangan iyong ilihim at dapat walang makaalam kahit na sino sapagkat isang napakalaking eskandalo kung ito ay mabibisto.
Magkatabing naupo si John at Jonard habang nasa harap ng dalawang ataul. Alam ng binata kung gaano kabigat ang dinadala ngayon ni Jonard. Mugto ang mga mata nito at mukhang wala pang tulog. Kung pwede lang sanang ipasa ang ibang bigat nito sa kanya para naman kahit paano maibsan ng kaunti ang dinadala nito. Palihim niyang hinawakan ang isa nitong kamay. Pinisil niya iyon. Pinagsaklob naman iyon ni Jonard, sa gaanoong paraan maipadama nila ang pagmamahal sa isa't- isa.
Ilang sandali pa'y nagpaalam si John na umihi na muna. Kaagad niyang tinahak ang daan patungong CR na nasa likurang bahagi ng mansion.
Kalalabas pa lamang niya sa comport room nang naramdaman niyang may matitigas na mga kamay ang humawak sa kanya at hinila siya nito sa gilid na kung saan di natatamaan ng liwanag ng mga bombilya.
"Bitiwan mo nga ako! Sino ka—"
Agad din siyang natigilan nang mapagsino ang lalaking humila sa kanya. Nanuyot ang kanyang lalamunan. Nagsimulang gapiin ng takot ang buo niyang katawan.
Namamalik mata lang ba siya? Pero totoo!
"—Tsong Lando?" Halos hindi makapaniwala niyang sambit habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng lalaki.
"O, bakit para kang nakakita ng multo riyan? Hindi ka ba masaya sa muli nating pagkikita?"
Ngumiti ito ng nakakaloko.
"A-anong ginagawa mo rito—!"
Imbes na sagutin ang tanong niya ay agad siya nitong siniil ng halik sa mga labi. Mapangahas iyon. Puno ng libog. Para itong batang uhaw na uhaw na sinisipsip ang kanyang laway.
"Tang-ina!" Ang naibulalas naman ni Lando nang kagatin ni John ang labi nito.
Mabilis naman siya nitong hinawakan sa leeg kagaya noong una siya nitong tangkaing pagsamantalahan.
"Tsong nasasaktan ako!" Pagmamakaawa niya.
"Putcha kang bakla ka. Porke mas lalong gumandang lalaki kana e, ang arte mo na. Alam mo bang matagal ka ng nami-miss nto!"
Mahigpit na hinawakan ni Lando ang isang kamay ni John at sapilitang ginagap iyon sa umbok ng p*********i nito. Ramdam niya ang pagsisimulang pagkabuhay noon na nakakubli sa manipis nitong slacks na pantalon.
"Hanggang ngayon pala'y napakahayop pa rin n'yo!" Pigil na sigaw ni John sa lalaking nakahawak sa kanya. Kahit papaano iniiwasan niyang magkaeskandalo.
"Nakakapanlibog ka naman kasi!"
Ang sagot lang ni Lando, pilit nitong pinapalaro sa binata ang naghuhumindig nitong tarugo. "Subo mo na, alam kong sabik na sabik ka na sa b***t ko. Marami ng nakaimbak diyan kaya tiyak mabubusog ka, pucha!"
Nagpupumiglas pa rin si John tanda ng kanyang pagtutol. Hindi na dapat maulit ang nangyari noon. Ngunit nang biglang tinutukan siya ng baril ni Lando ay naisip niyang mukha yatang hindi siya tinatantanan ng kanyang mapait na nakaraan.
Mukhang wala na siyang mapagpipilian pa. Sa tulad niyang may trauma, parang hirap na sa kanya ang tumutol pa.
Nanginginig siyang lumuhod upang tumalima sa kahayupang pinapagawa sa kanya ni Lando. Ngunit bago pa man niya nagawa iyon ay may narinig silang mga yabag patungo sa kanilang kinaroroonan. Daglian siyang napatayo at mukhang nahimasmasan naman si Lando at mabilis nitong isiniper muli ang kanyang pantalon.
"Bhe, nandito ka lang pala. Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Kakain na muna tayo sa labas"
Inosenteng wika ni Jonard na agad ding natigilan nang mapansing hindi lang siya ang naroon sa madilim na bahaging iyon. Bakas sa mukha ni Jonard ang pagkabahala na baka narinig ni Lando ang pagtawag nito sa kanya ng 'bhe' ngunit madali naman itong nakabawi at ang kaninay pagkabahala ay napalitan ng mapanuring tingin. Iyong parang nagseselos ba.
"Maganda gabi po sa inyo, Sir..." Bati ni Lando kay Jonard. "...Ako po iyong isa sa mga bagong security guard ng pamilya ninyong naatasang magbantay sa inyong seguridad habang nasa kasagsagan pa ng burol. Hindi ko po kasi natunton ang CR kaya napagtanungan ko itong kaibigan ninyo"
Kalmante lang si Lando at umaktong parang walang nangyari samantalang si John ay hindi mapakali at pinagpapawisan nang malapot. Naroon pa rin kasi iyong takot niya sa gusto sanang gawin sa kanya ni Lando.
Nakita niyang tumango si Jonard bilang tugon kay Lando. Mukha namang hindi nito nakita ang pagpupumilit ng lalaking ipasubo kay John ay p*********i nito.
Hindi pa rin mapakali si John habang kumakain sila sa isang fastfood. Daig pa niya ang namatayan dahil sa nawala ang gutom niya at hindi niya nalalasahan iyong pagkaing inorder ni Jonard para sa kanya.
Paano kung nahuli sila ng binatang may ginagawang kababuyan sa madilim na bahaging iyon ng mansiyon? Ano kaya ang maaaring susunod na mangyari ngayong nagkrus muli ang landas nila ng Tiyuhin niya?
Sobrang dami lang ng kanyang iniisip. Ipinagdarasal niya na sana wala ng iba pang masamang binabalak si Lando. Walan rin sa hinagap niyang sabihin kay Jonard na ang bagong nakuha nilang security ay ang Tsong Lando niyang nambaboy sa kanya noon.
Nabanggit kasi ni Jonard dati na kung sakali mang makaharap niya si Lando ay hindi siya magdadalawang isip na ito ay patayin bilang kabayaran sa kahayupang ginawa nito noon sa kanya. Labis na ikinatatakot iyon ni John. Ayaw niyang mabahiran ng dugo ang mga kamay ng mahal niya dahil lamang sa taong walang kwenta. Laking pasalamat na lamang niyang hindi sila naabutan ni Jonard sa ganoong ayos ngunit ang hindi niya alam ay may nakasaksi sa lahat ng mga nangyari sa may di kalayuan sa mga oras na iyon.
"Malalim yata iniisip mo bhe, may problema ba?" Untag sa kanya ni Jonard nang hindi pa rin niya ginalaw ang pagkain.
"W-wwala naman, bhe, nag-aalala lang ako sa'yo. Natatakot kasi ako na baka hindi tatantanan ng mga kriminal na iyon ang pamily ninyo at baka ikaw na naman ang isusunod nila!"
Nakahanap siya ng dahilan na totoo rin naman ngunit may isa pa na labis niyang ikinababahala, ang pagsulpot ni Lando.
"Huwag mo akong aalahanin, baby. Kung tama ang hinala naming kalaban sa pulitika ang anggulo ng pagkakapaslang nina Mommy at Daddy, siguro naman hindi nila kami idadamay, magulang lang namin ang gusto nilang patumbahin" Ang tugon ni Jonard, bakas sa boses nito ang matinding poot.
"Huwag ka pa ring pasisiguro. Kailangan mong mag-ingat. Ayokong may mangyaring masama sa'yo, bhe"
"Yes, I will. Para sa aking pamilya at sa'yo mag-iingat ako. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi mananagot sa batas ang mga gumawa noon sa mga magulang ko!"
Kinuyom nito ang mga palad. Nanginginig ang mga kamao nito habang may isang butil ng luhang nangilid sa magkabilang pisngi nito. Puno ng galit at pagkapoot ang mababanaag sa mga mata ni Jonard sa mga oras na iyon na para bang lalamunin na lamang ng buo ang mga taong tumapos sa buhay ng mga magulang niya kung sakali mang bigla itong lumitaw sa harapan nito.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong muli ni John. Sinimulan na niyang kainin ang pagkaing nasa harapan.
"Sa ngayon, magpo-focus muna kami sa burol. Matapos ang libing nina Mommy at Daddy saka palang kami kikilos. NBI at ang nabuo nilang Task force ang hahawak sa kaso"
"Wala ka bang planong ituloy ang nasimulan ng Daddy mo?"
"Wala. Ngayon pang nangyari na ang pinakaayaw ko sa pulitika, ang may handang pumatay para lang makuha ang kapangyarihan para sa sariling kapakanan? Hindi sa naduduwag ako, pero noon paman gusto ko ang tahimik at simpleng pamumuhay. Papalaguin ko ang negosyong naiwan ng aking yumaong mga magulang. Alam kong mahirap dahil nalulugi na pala ang kompanya namin at misyon ko ang ibangong muli iyon. Hindi ko man alam kung paano iyon sisimulan pero alam kong kakayin ko ang lahat ng iyon dahil andiyan ka, baby. Ikaw ang aking inspirasyon. Ikaw ang bago kong pamilya. Sa iyo ako ngayon humugot ng lakas"
Kung nagkataong sila lamang dalawa ang nasa lugar ng pinagkainan nila, paniguradong niyakap na ni John ang binata ng buong higpit at masuyong hinalikan sa mga labi. Sobrang nagdiwang ang kanyang damdamin sa mga sinabing iyon ni Jonard sa kanya. Walang dudang mahal siya nito ngunit higit iyon sa kanyang inaakala. Nagkasya na lamang siya sa paghawak at pagpisil s kamay ng binata.
"Wala man akong maitutulong pinansiyal at sapat na kaalaman sa ganyang mga nagay pero gusto kong malaman mong nandito lang ako sa tabi mo, bhe. Ipagdarasal ko na sana'y mahuli na ng mga otoridad ang may gawa noon sa mga magulang mo. Ipinapanga kong hindi kita iiwan kahit na anuman ang mangari. Mahal kita, Onad!"
"Salamat. Mahal din kita, Tisoy ko!"
Dahil sa kanilang mainit na pagpapadama ng pagmamahal sa isa't-isa ay parang gusto na muna nilang pumasok sa isang pribadong lugar upang paalpasin ang pananabik nilang iyon. Ngunit kanila ding naisip na tiisin na lang muna ang init na iyon bilang respeto sa mga nakaburol at bumalik na lamang sila ng mansiyon.
Unang bumaba ng sasakyan si John at kitang kita niya sa may di-kalayuan si Lando na kinakausap ni Lesly. Marahil may ipinag-uutos lamang ito o kaya'y nagbibigay ng instruction. Ngunit nang dumako ang tingin ng dalawa sa kinaroroonan niya ay hindi niya naiwasang hindi kutuban.
Hindi niya alam baka nagsimula ng magkwento ang lalaki tungkol sa nakaraan nila. Ngunit hindi iyon ang gusto niyang paniwalaan. Sana lang hindi ipagkakalat ni Lando ang tungkol sa kanilang nakaraan.
Bago natapos ang gabing iyon ay muling lumapit sa kanya si Lesly upang siya'y pagsabihan. Anang babae, huling beses na niya itong siya ay pakiusapan na layuan si Jonard. Dahil tiyak hindi niya umano magugustuhan ang susunod nitong mga gagawin.
Ngunit naging mas palaban naman si John. Hinding-hindi niya basta isusuko si Jonard. Ngayon pa kung gaano siya higit nitong kailangan? At sa sinabi ng binata sa kanyang siya ang pinaghuhuhutan ng lakas nito para makabangong muli ay mas lalong nag-uumigting ang damdamin niyang ito ay kanyang ipaglaban.
Hindi man niya lubusang kilala si Lesly, sa tulad nitong mayaman at pagiging maimpluwensiya sa lipunan, alam niyang marami itong pwedeng gawin sa kanya ngunit hindi siya natatakot. Tanging ang pag-ibig nila ni Jonard ang siyang pinanghahawakan niya at ipaglalaban.
Nakita niyang may kung anong dinukot si Lesly sa bag nito.
"Heto, tanggapin mo. Alam kong sa tulad mong mahirap pa sa daga at nag-aaral pa ay higit mo iyang kailangan!"
Inabot nito sa kanya ang isang pirmado ng tseke. Saglit niya iyong tinitigan. Ganoon na ba talaga kaliit ng tingin ng mayayaman sa tulad niyang mahirap, na kayang bilhin pati ang dangal na mayroon sila?
"Inaamin kong mahirap lang ako. Ngunit sa kabila ng aking pahihirap, mas gugustuhin ko pa ang manatiling nakalublob sa lusak kaysa ipagpalit sa pera mo ang dignidad na mayroon ako. Mayaman ka nga pero nakakalungkot na isiping hindi kayang bilhin ng pera mo ang pag-ibig. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko isusuko sa'yo si Jonard!" Matigas niyang wika. Sobrang nanghimutok siya sa ginawang panunuhol sa kanya ni Lesly upang layuan ang binata.
"Really, nag-isip ka bang mabuti? Sayang, medyo malaki rin ito. Sapat na para matustusan mo ang iyong pag-aaral at makabili ng mga gamit na kailangan mo. Hindi naman ako ganoon kasama. I just see your desperate needs. Pera lang naman ang habol mo kay Jonard diba? Kunsabagay, anong sinabi ng Five hundred thousand pesos na halaga nitong hawak ko ngayon kung maging iyo si Jonard. May prince charming ka na maging milyonaryo ka pa, right?"
Umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo sa sobrang galit niya sa panliliit sa kanya ni Lesly. Kinuyom niya ang kanyang mga palad. Kung naging lalaki lang itong si Lesly malamang pinadugo na niya ang nguso nito.
Ngunit hindi. Kailangan niyang magtimpi at habaan pa ang pasensya niya hangga't maari. Pilit niyang ikinintal sa kanyang isip na babae si Lesly.
Biglang tumulo ang luha niya dahil sa matinding galit na kanina pa niya pinipigilan. Nanginginig ang mga kamao niya at parang kaysarap na iyong ipanuntok.
"Pasalamat ka at kahit ganito ako hindi ko kayang pagbuhatan ng kamay ang babaeng kagaya mo. Alipustahin mo man ako nang husto. Ibigay mo man ang buong kayaman mo sa akin, hinding-hindi ko pa rin ipagpalit ang pag-ibig ko kay Jonard. Kaawa-awa man ako sa iyong paningin, pero alam mo bang mas kawawa ka. Bakit? Nasa sa'yo na ang lahat e, ganda,talino at yaman pero hindi mo maitatwa na namumulubi ka pa rin dahil sa panlilimos ng pag-ibig sa lalaking kailanman hindi magiging iyo!"
Mukhang tumalab naman ang huling sinabi niya sa babae. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito sa matinding galit. Lumalim ang hininga nito. Akmang sasampalin siya ngunit nahawakan niya iyon at napigil nito ang sana'y pagdapo sa kanyang pisngi.
"Ambisyosa ka talagang bakla ka. May araw ka rin sa akin. Hindi ako titigil hangga't hindi magiging akin si Jonard. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa larong ito. At tiyak may mapaglaglagyan ka. Damn you! Huwag mong pangaraping mag-pang-abot ang langit at lupa at baka ikaw ay maiipit sa gitna. Akin lang si Jonard!"
Narinig niyang sigaw ni Lesly nang ito ay kanyang tinalikuran. Baka kasi hindi na siya makapagtimpi at mapagbuhatan na niya ito ng kamay. Kahit sobrang sakit na ng kanyang mga narinig ay hindi iyon magiging dahilan upang isuko niya si Jonard. Si Lesly lang naman ang may sabi noon. Alam niyang mahal na mahal siya ng binata at tanggap siya nito kahit na magkaiba ang antas nila sa buhay.
Pumupunta gabi-gabi si John sa Antipolo upang damayan si Jonard. Nakakapagod nga iyon kung iisipin dahil may pasok pa siya kinabukasan ngunit ikinalulugod niya iyong gawin. Gusto niyang laging nasa tabi ng mahal niya at makiisa sa pagdadalamhati nito.
May isang beses na sinabi sa kanya ni Jonard na sa huling gabi na lamang siya ng lamay bumalik para kahit papano makapagpahinga siya ngunit ang kagustuhan pa rin niya ang nasunod.
Paraan din kasi niya iyon upang ipakita kay Lesly na hindi siya natatakot sa mga banta nito. Kung magkataon mang magkalapit sila ay hindi niya ito iimikan at umaktong hindi magkakilala para maiwasan ang tensyon sa kanilang pagitan.
Ngunit naroon pa rin iyong nararamdamn niyang inis rito lalo na at umaastang karelasyon ito ni Jonard sa harap ng mga taong nasa lamay. Lagi itong nasa tabi ni Jonard na humahagod sa likod sa tuwing napapaiyak ito sabay bulalas ng mga katagang,
"Don't worry, lilipas din ang lahat!"
"Mahuhuli din ang mga salarin!"
At ang pinakaiinisan niya sa lahat,
"Nandito lang lagi ako sa tabi mo, handang dumamay sa'yo!"
May ganoon pa talaga? Para bang pinapalabas nitong hindi na siya kailangan pa roon. Sarap lang kaladkarin nito palayo sa lamay. May paiyak-iyak pa itong nalalaman na halatang ubod ng kaplastikan. Kaya para hindi siya lamunin ng inis ay lumipat siya ng mauupuan na medyo malayo nang kaunti kina Jonard at Lesly at nagkunwaring nakikipagkwentuhan sa ibang naroon sa lamay bagay na napansin naman ni Jonard kaya nilapitan siya nito at pinapabalik sa dati niyang inuupan sa tabi ng binata.
"Bakit ka ba lumipat ng upuan?" Pasikreto nitong tanong sa kanya nang sila'y makabalik sa dating pwesto.
"Naroon kasi si Manang Laura, kahit papaano gusto ko rin siyang makakwentuhan!" Ang pagdadahilan niya. Hindi naman kasi niya kayang sabihing pinagseselosan niya si Lesly.
"Okey. Sabihin mo lang kung gusto mo ng magpahinga, sasamahan kita sa kwarto!" Tugon naman ng binata.
Nasa malayo ang tingin ni Hernan habang nasa kamay ang isang kwintas na natagpuan ng isa sa mga tiga-linis ng resort. Hindi siya maaring magkamali. Isa lang ang nasa isip niyang nagmamay-ari noon, si Hilda ang babaeng naanakan niya dala ng kanyang kapusukan at paniniwalang iyon ang maging dahilan upang siya ay matanggap ng kanyang mga magulang. Ngunit naging mas kumplikado lang pala ang lahat.
Biglang naputol ang kanyang pagbabalik tanaw nang biglang dumating si Benjie, anak ng pinsan niyang si Ramon na Hepe ng mga pulis.
"Tiningan ko na po ang record ng lahat ng mga naging guests natin noong Agosto pero wala talagang babaeng nagngangalang Hilda Crisostomo, Tito"
Ang malungkot na pagbabalita ni Benjie sa lalaki. Umaasa kasi itong isa si Hilda ang pumaroon sa resort nila may dalawang buwan na rin ang nakalipas at nakaiwan noong kwintas. Iyon lamang ang tanging susi para muling makita ng tiyuhin ang mag-ina nito.
"Kung ganoon, napakalaking palaisipan kung paano at kung sino ang nagdala niyan dito. Hindi ako maaring magkamali Ben, kay Hilda ang kwintas na iyan na ibinigay ko noon. Ang larawan namin na nasa loob ng hugis-pusong pendant nito ang siyang patunay na sa kanya nga ang kwintas!"
"Hindi kaya nakapag-asawa na siya Tito at iba na ang apelyido niya ngayon?"
Nagpakawala ng malalim na hininga ang lalaki. Posible nga ang sinabi ni Benjie, kung magkaganon mas lalo nga silang mahihirapang hanapin ito. Masakit din para sa kanya na ang babaeng mahal niya ay pag-aari na ng iba. Pero wala siyang magagawa. Hindi niya ito napaninindigan noon.
"May inabot pong listahan ang receptionist natin sa mga naging guest na ang apelyido ay Crisostomo...!" Si Benjie habang binuklat ang nakatuping papel.
"...Ayon po sa mga nakasulat, may limang nakalista rito ngunit mga lalaki naman lahat!"
Iniisa-isa niyang basahin ang nakasulat dito at biglang nanlaki ang mga mata niya nang mahagip ng tingin niya ang pangalang pamilyar sa kanya.
JOHN CRISOSTOMO.
At biglang nabumbalik sa isip ni Benjie ang kwentuhan nila ng binata ng minsang nagawi siya doon sa flowershop at bumili ng mga rosas.
"Taga-Mindanao po ako Sir, ulilang lubos na po kaya ko nagawang makipagsapalaran dito sa Manila!"
Ang naalala niyang sabi ni John.
Nagbabadya noon ang malakas na ulan kaya nagamadaling nagtungo si John sa waiting shed , doon kasi niya hinihintay si Mang Gardo na susundo sa kanya papunta kina Jonard. Dala ng binata ang isang bagpack na kung saan nakalagay ang mga ekstrang damit niya at uniporme upang dere-deretso na siya kinabukasan sa university na kanyang pinapasukan.
Ilang sandali pa'y tumayo si John sa kinauupuan niya dahil tanaw na niya ang papalapit na kotseng susundo sa kanya.
Pagbukas niya ng pinto ng kotse ay halos mapalundag siya sa sobrang pagkagulat nang malamang hindi si Mang Gardo ang sumundo sa kanya.
"Tsong Lando? Bakit ikaw?"