"Tsong Lando, bakit ikaw? Nanginging ang boses niya. Buong akala niya ay si Mang Gardo ang sumundo sa kanya dahil iyon na man talaga ang naatasang maghahatid sundo sa kanya at kung bakit sa dami ba naman na pwedeng maging driver ay bakit si Lando pa.
"Sakay na, baka maabutan pa tayo ng malakas na ulan!" Ang malumanay na wika ni Lando. Kakaiba sa ipinakita nito noong unang beses silang magkita at pagtangkaan siya nitong muling halayin.
"Salamat na lang, magko-commute na lang ako!" tanggi ni John.
Naroon pa rin ang galit niya sa lalaki. Sariwa pa sa alaala niya ang kahayupang ginawa nito sa kanya noon at ang pagtangkaan siyang muli noong magpang-abot sila sa CR ng mansyon. Ang kapal lang ng pagmumukha nito na umastang parang wala lang nangyari. Tapos siya, heto, sumasabog sa matinding galit.
"May sakit kasi iyong driver na susundo sana sa'yo kaya ako ang napakiusapan ni sir Jonard na pumalit na muna"
"Siguro sinadya mong magpresenta para muling makalapit sa akin!" Sigaw niya.
Nasa labas pa rin siya ng sasakyan. Nakita niya ang paglamlam ng mga mata ni Lando at naging maamo ang pagmumukha nito tulad noong sinisimulan pa nitong kunin ang kanyang tiwala.
Dahil sa matinding galit ni John, mabilis ang mga hakbang niya patungo sa sakayan ng jeep. Mas titiisin niya ang makikipagsiksikan sa jeep kaysa ang sumakay sa kotseng si Lando ang magmamaneho at baka makalimot pa siya at mapatay niya ito o di naman kaya'y biglang masaniban ng masamang ispiritu ang hinayupak at maisipan pa nitong ibangga ang sasakyan.
"John, sumakay ka na oh, nakikiusap ako. Baka kung ano pang mangyari sa'yo at ako pa ang mapagalitan ni Sir..." Narinig niyang pakiusap ni Lando habang siya'y sinusundan.
"...Alam kong malaki ang galit mo sa akin dahil sa mga nagawa ko sa'yo noon pero gusto kong malaman mong pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon!"
Natigilan naman si John sa kanyang narinig. Tinitigan niya sa mata si Lando, sinusukat kung gaano ito katotoo sa sinasabi. Pero parang hindi siya naniniwala. Kung talagang bukal sa loob nito ang pagsisi, bakit nagawa pa siya nitong bastusin sa may CR ng mansion noong una sila nitong muling nagkitang?
"...Alam kong hirap kang paniwalaan ako at naiintindihan ko naman iyon, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa'yo!" Ang patuloy na pakiusap ni Lando.
"...Marami ang mga nangyari mula noong umalis ka ng bahay, isa na doon ay....!"
Hindi nito naituloy ang sasabihin. Nakita ni John ang pagbaybay ng mga luha ni Lando sa pisngi nito. Hindi niya alam pero parang malakas ang hatak nito upang ito'y pakinggan. Unang beses niyang makitang lumuha ang hinayupak niyang Tiyuhin kaya naging malaking talinghaga iyon sa kanya.
"May nangyari ba noong lumayas ako sa impiyernong pamamahay ninyo? Nasukol na rin ba ang kabaklaan mo?"
Si John nang sa wakas pumasok na rin siya sa loob ng kotse. Nasa tono pa rin nito ang matinding poot.
"Wala na si Lorna. Patay na ang Tiyahin mo!" Tuluyan ng humagulgol si Lando.
Hindi malaman ng binata kung ano ang maramdaman niya nang malamang pumanaw na ang Tiyahin. Matutuwa ba siya o maaawa? Ngunit sa kabila ng kasamaang pinapakita at pagmamaltrato nito sa kanya noon hindi niya maiwasang mahabag. Kahit paano'y kamag-anak niya pa rin iyon. Minsan din naman nila iyong nahingan ng tulong ng kanyang yumaong ina kahit na pinapabaunan sila nito ng masasakit na salita. Hindi rin naman kasing tigas ng bato ang puso niya upang ipagkait sa yumao ang kanyang pagpapatawad.
"A-ano pong ikinamatay niya?" Malumanay na tanong niya sa lalaki. Nakaramdam din siya ng awa dito sapagkat alam niya ang pakiramdam ng nawalan ng kaisa-isang mahal sa buhay.
"Na-stroke ang tiyahin mo sa kasagsagan ng bagyong Pablo. Unang beses na tinamaan ang lalawigan natin ng isang napalalakas na bagyo kaya hindi namin iyon napaghandaan. Sinira ng bagyong iyon ang lahat ng ari-arian namin at walang itinira. Nahirapan akong makabangon muli sapagkat hindi lang si Lorna ang nawala sa akin kundi pati na rin ang mga magulang ko at kapatid sa Bukidnon. Doon ko naisip na karma ko na iyon sa kahayupang ginawa ko sa iyo. Ipinagdasal ko sa Diyos na sana muli kitang makita para makahingi ako sa'yo ng tawad para na rin sa ikakatahimik ng budhi ko!"Ang humihikbing pagpapahayag ni Lando.
Para namang piniga ang puso ni John sa kanyang narinig. Totoo nga ang bagyong iyon na sumalanta sa buong rehiyon ng Davao at mga karatig na lalawigan. Hindi niya alam pero nang dahil sa mga narinig niya, parang lumambot muli ang puso niya sa kinamumuhian niyang tiyuhin.
Kung karma nga iyong maituturing, nakapaghihiganti na siya nang mas higit pa. Pero hindi rin naman niya hinangad na may ibang buhay na maibuwis para maisakatuparan iyon. Pero panahon na rin ang naningil niyon para sa kanya.
Sa nakita niyang pagluha ni Lando parang naaninag niya rito ang sinsiridad at deserve na makamit ang kanyang pagpapatawad. Tao lamang ito na kagaya niyang nagkakamali rin. Sino bang hindi? Hindi man niya agad maibigay ang kapatawarang hinihingi nito ngayon sapagkat naroon pa rin ang sakit na dulot nito sa kanya subalit nangangako siyang darating ang tamang panahon para doon. Sa ngayon, magsisimula silang muli ni Lando gaya noong dati bilang magtiyuhin.
Dahil sa nagsisimula na muli sa kanilang magandang samahan ang magtiyuhin ay pinakitunguhan na nang maayos ni John si Lando.
Si Lando nama'y ramdam ni John kung gaano ito ka pursigidong makuha nang lubusan ang kanyang pagpapatawad. Parang nakikita na niya rito ang dating Lando ng kanyang kabataan. Ang Lando na mabait, maunawain at mapagbigay noong hindi pa siya nito nagawang pagsamantalahan.
Ipinagtapat din sa kanya ng tiyuhin na may psychological disorder ito, s****l maniac . Kaya nagawa nito ang kahayupan nito sa kanya noon at iyong muling magkita sila nito sa may CR dahil hindi niya napipigilan ang sarili pag inaatake na ng sakit na iyon. Sa ngayon maayos na raw ang lahat dahil sa iniinom niyang gamot. Kunting panahon na lang at makakamit na nito ang tuluyang paggaling.
May sakit pa rin si Mang Gardo at kasalukuyan pa itong nagpapagaling kung kaya't si Lando muna ang tagasundo at hatid kay John. Hindi na rin nag-iinarte pa ang binata sapagkat maayos na silang muli ng tiyuhin nito.
"Nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain na muna?" Tanong ni Lando sa kanya habang nasa gitna ng biyahe pauwi ng mansyon.
"Hindi pa naman, Tsong medyo nauuhaw lang ako!" Ang tugon naman niya.
Natagpuan na lamang niyang inihimpil ni Lando ang sasakyan sa gilid ng daan saka lumabas ito. Pagkabalik niya ay hawak na nito ang dalawang can ng softdrinks.
"Pasensiya na, wala akong mahanap na nagtitinda ng tubig e, kaya softdrinks na lang"
"Ayos na yan Tsong" At kinuha niya ang isang nakabukas ng lata at agad iyong tinungga. Uhaw na uhaw na talaga siya.
"Baka gusto mong umidlip. Mahaba-haba pa itong biyahe. Di pa tayo nakakalabas ng Manila dahil sa matinding trapik at mukhang uulanin pa ata tayo!" Suhestiyon sa kanya ni Lando at iyon naman talaga ang nais niyang gawin. Sobrang napagod siya sa activity nila sa school kanina, dagdagan pa ng kulang siya sa tulog dahil sa burol kaya lanta ang katawan niya sa pagod.
Matapos niyang maubos ang lata ng softdrinks ay naramdaman niya ang biglaang pagbigat ng kanyang talukap. At dahil sa sobrang pagod, nakatulog siya. Nagising na lamang siya sa pagyugyog ng kanyang tiyuhin nang sila'y nasa garahe na ng mansion.
Nakaramdam siya ng p*******t ng ulo, iyon bang parang na hang-over pero hindi naman siya lasing. Nang akmang tatayo na siya ay napansin niyang bukas ang tatlong butones ng suot niyang polo. Nakaramdam din siya ng p*******t sa kanyang magkabilang u***g na para bang nilapirot. Naguguluhan man pero hindi na niya iyon pinansin. Mas natuon ang atensiyon niya sa sumasakit niyang ulo.
Sapo niya ang kanyang sintido nang makababa siya. Agad din naman siyang sinalubong ni Jonard. Napansin din naman nito na may iniinda siyang sakit kaya sinabi na niyang medyo masama ang kanyang pakiramdam. Agad din naman siyang inalalayan ng binata patungo sa sarili nitong silid at pinagpahinga.
Sa kabila ng pagdadalamhati ni Jonard dahil sa nangyari ay nagawa pa rin siya nitong alagaan. Bagay na mas lalo niyang minahal sa binata. Bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay ipinagdarasal niya na sana'y mananatiling ganoon kainit ang kanilang pagmamahal sa isa't isa.
Nagising siya ng hatinggabi. Hinanap ng paningin niya si Jonard sa kumpol ng mga taong nakikiramay ngunit hindi niya ito nakita. Ang sabi ni Manang Laura ng magtanong siya ay umidlip na muna ito sandali. Nakita naman niya sa may di kalayuan si Lando kausap ang kasamahan nitong security. Kanya niya iyong nilapitan at inalok ng kape. Nakangising namang tinanggap iyon ng Tiyuhin at nagsimula silang magkwentuhan para malibang.
Mag-aala-una na ng madaling araw nang magising si Jonard. Sa kwarto siya ng kanyang kapatid nakatulog. Agad niyang pinuntahan si John sa kanyang silid para ito'y gisingin para sabay na silang kumain ngunit wala roon ang binata. Agad siyang bumaba upang punatahan sa lawn, alam niyang nandoon lang ito at nakisalamuha sa ibang nakilamay.
"Si John ba ang hinahanap mo?"
Si Leslie nang makasalubong niya sa may sala. Mula noong unang gabi ng lamay ay doon na rin ito namalagi. Na-appreciate naman niya ang ginagawang pakikipagdalamhati ng babae ngunit ang ikinainis niya ay ang laging pagdikit nito sa kanya na para bang asawa niya.
"Nakita mo ba siya?" Patanong niyang sagot dito.
"Nandoon siya sa labas. Nakipagtsismisan sa machong security s***h bagong driver nyo. Alam mo Jonard from day one ng burol I smell something fishy na sa dalawang iyan e. Hindi sa pang-iintriga, pero try to observe naman diyan sa dalawang iyan"
"Naparadumi lang ng pag-iisip mo Lesly. Natural lang nag-uusap ang mga yan dahil si Lando na muna ang pumalit kay Mang Gardo. Alangan naman hindi niya iimakan iyong tao e sa iyon na muna ang hatid-sundo niya sa ngayon"
"Well, hope so. Sana lang mali ang kutob ko!"
"Na ano, Lesly?" Nainis ng tinuran ng binata sa dalaga
"Gays are not contended having one man in their life. Maaring may mahal nga sila but they can't refrain in cheating from their lover. Ika nga, nakakasawa din ang isang putaheng lagi mo ng natitikman. Somehow, gusto mo ring tumikim ng iba. Iyong bago. Ibang sarap. Ibang excitement. Babae ako pero alam ko ang kalakaran ng mga nasa gitna. Marami rin akong mga kaibigang lalaki na lalaki rin ang hanap. Walang matinong relasyon ang gaya nila. Maaring sa una oo, pero madaling magsawa ang mga iyan. Kung may iilan mang seryoso pero hindi iyan makakayanan ang tukso pag makakita ng panibagong lalaking magugustuhan lalo na kung ito ay may katawan at itsura ring masarap ikama!"
"What the hell you're talking about? Hindi ganyan si John at lalong di ako gaya ng mga kaibigan mo!"
"Of course you're not, dahil alam kong hindi ka talaga ganoon. May kutob akong naimpluwensiyahan ka lang. Diba uhaw ka sa atensiyon ng isang ama at pangarap mong magkaroon ng isang kapatid na lalaki ngunit hindi naman iyon naibigay? I think you are only awing for a father or a brother figure. Lumaki kang puro ate ang nakasalamuha mo. Your parents was'nt there to guide you. Hindi ka bakla Jonard at ako ang magpapatunay niyan sa'yo!"
Mabilis na kinabig ni Lesly ang kanyang balikat at siniil nito ng halik ang kanyang labi. Hindi iyon napaghandaan ng binata dahil wala rin naman sa hinagap niya na gagawin ng babae ang kapusukang iyon.
Matapos makipagkwentuhan ni John kay Lando at sa iba pang nandoon sa lamay ay naisipan na niyang puntahan si Jonard sa silid ng kapatid nito upang ito ay gisingan at nang sabay na silang kumain. Hindi pa kasi sila nito naghapunan.
Mula sa lawn ay dumiretso siya ng sala ngunit para yatang hindi niya maigalaw ang buong katawan niya sa nakita. Iyon bang parang nakakita ng multo. Ngunit hindi takot ang naramdaman niya sa mga oras na iyon kundi pagkagulat, sakit, at selos.
Kitang-kita ng dalawang mata niya ang laplapan ng mga ito na para bang wala ng bukas. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para masawata ang dalawa sa ginagawa dahil animo'y binarina na ang kanyang puso sa sobrang sakit ng kanyang nasasaksihan.
Gusto man niyang sumigaw at pagmumuharahin ang dalawa ngunit kanya ring naisip ang isang kaguluhang maaring mangyari at ang lalabas na kontrabida? Walang iba kundi siya.
Wala rin naman kasing alam ang mga taong naroon maliban kay Lesly sa tunay nilang relasyon ng binata. Tigib ang luha niyang bumalik sa kanyang nilalakaran. Alam niyang mahal siya ni Jonard at hindi nito magagawang siya ay pagtaksilan.
Naroon sa isip niya ang posibilidad na si Lesly ang unang nag-initiate sa halikan nilang iyon ngunit bakit hindi man lang nagawang itulak nito ni Jonard bagkus nagtagal pa ang sandaling magkahinang ang kanilang mga labi.
Hindi siya tuod upang hindi makaramdam ng sakit. Kaya kailangan na niyang makaalis kahit madaling araw pa. Saka na niya kakausapin si Jonard kapag humupa na ang sakit na kanyang nararamdam nangsagayun, maayos ang maging pag-uusap nila. Iyong payapa ang lahat. Mas madali niyang mauunawaan ang pagpapaliwanag nito kapag matiwasay ang kanyang isip.
"Pakihatid mo na ako Tsong!" Ang sabi niya kay Lando na nasipat bigla ang pambisig nitong orasan.
"Ala-una y medya pa lang ah?"
"Basta po gusto ko ng umalis!"
Wala ng nagawa ang lalaki kundi ang sumunod sa kanya.
Agad din namang kumalas mula sa matinding halikan nila ni Lesly si Jonard nang marinig ang mga yabag na patakbong umalis mula sa kanilang kinatatayuan. Batid niyang marahil nakita ng taong iyon ang isang laplapan na si Lesly lamang ang may kagustuhan.
Shit, paano kung si John iyon?
Hindi niya alam, pero kinutuban siya. Kaya ang ginawa niya, mabilis niyang inihakbang ang kanyang mga paa papuntang lawn upang hagilapin si John at kung tama ang kutob niya kailangan niyang magpaliwanag na mali ang nakita nito, na hindi ganoon iyon.
"Jonard, saan ka pupunta bumalik ka rito..." Si Lesly ngunit hindi niya iyon nilingon. "...Taandan mo , I'll help you to become a real man at sa bandang huli maisip mong ang tulad ko pala ang tunay mong gusto!" Narinig pa niyang pahabol ng babae.
May nakapagsabi sa kanya na nagmamadaling umalis si John kani-kanina lang. Nagpahatid ito kay Lando. Hindi na niya naitanong kung bakit dahil sigurado siyang ang katipan niya ang nakakita sa kanila ni Lesly kanina sa may sala na naghahalikan.
"Anak ng—" Nakuyom niya ang kanyang mga palad. "—Pahamak talagang babaeng iyon!" Kung nagkataong kagaya rin niya si Lesly, hindi siya magdadalwang isip na bigwasan ito at nang magtanda.
"May problema ba?" Ang narinig niyang tanong sa kanya ni Lando nang kanina pa ay wala siyang imik. Isang peking hikab ang kaniyang naging sagot. Wala sa plano niya na sabihin sa Tiyuhin niya ang mga nangyari. Bagamat sinimulan na niyang pagkatiwalaan itong muli, ngunit wala rin siyang balak na sabihin dito ang relasyon nila ni Jonard.
"Si Jonard ba?"
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Parang tinatanong niya kung paano nito nalaman. "Narinig ko kung paano ka niya tawagin noong hinahanap ka niya sa CR!"
Iyon naman pala. Tama naalala nga niya ang gabing iyon. Ang pagtawag sa kanya ng 'bhe' ni Jonard noong sinundan siya nito sa CR at kamuntingan pa sila nitong mahuli sa sana'y pinapagawa sa kanya ni Lando.
"May kunting hindi pagkakaunawaan lang, Tsong kaya para hindi na lumala ang sitwasyon, iiwas na muna ako"
Nasabi rin niya. Tumango lang ang lalaki. Natahimik. Mukhang hindi naman interesado sa nangyari bagay na gusto ni John dahil wala rin siyang interes na magkwento. Kung maari gusto niyang magtungo sa isang tahimik na lugar upang mapakalma niya ang sarili lalo pa ngayon na kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang isip. Nariyan iyong kung saan hahantong ang halikang iyon ng dalawa.
Baka sa kama? Shi!" Sigaw ng kanyang isip.
Hindi rin naman kasi impossible iyon sapagkat kahit isang alanganin si Jonard lalaki pa rin iyon.
"Ahhhh!"
Sana pala hindi na siya umalis doon nangsaganun, hindi matuloy ang pinaplano ni Lesly. Paano kung may mangyari sa kanila at mabuntis ito? Baka iyon pa ang gagamiting dahilan ng bruha para maagaw sa kanya si Jonard.
Sa kabilang banda, kanya ring naisip na hindi rin naman siguro magagawa iyon ng binata dahil malaki ang tiwala niya sa pagmamahal nito sa kanya. Isa pa, nasa kasagsagan pa ng burol, kahit papano may respeto pa rin sila sa mga namatay.
"Saan ka ba sa Manila para deretso na tayo"
"Pwedeng iparada n'yo na lamang po sa kung saan, dito na lang po ako sa loob ng sasakyan magpaumaga!" Ang mabilis niyang tugon.
Naisip niyang kapag ganoong uuwi siya nang biglaan sa ganitong oras ay uulanin siya ng mga nakakatakot na mga tanong ni Fred at Shawie. Ayaw niya ng ganoon. Ayaw din niyang malaman ng mga ito ang nangyari.
"Hindi maari iyon, John. Pagod ka at puyat kailangan mo ng may mapaghingaan ng maayos dahil may pasok ka pa mamaya!" Nag-aalalang si Lando at may punto rin naman ang sinabi nito.
"Ayos naman po ako dito, Tsong" Giit niya pa.
"Ah, hindi maari iyan!"
At mabilis nitong iniliko sa isang eskinita ang sasakyan. Hindi na nag-usisa pa si John dahil talagang antok na antok na siya. Ewan ba niya ay kung bakit sa tuwing umiinom siya ng softdrinks na bigay sa kanya ni Lando ay bigla na lamang siyang ginugupo ng antok at panghihina ngunit gaya ng nauna hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Hanggang sa natagpuan niyang huminto sila sa tapat ng isang motel. Nagulat siya. Gumuhit ang gitla sa kanyang noo na nakatitig sa kanyang tiyuhin tanda ng pagkadisgusto niya sa ideya nito.
"Naisip ko lang kasi na mas mabuting mag-motel ka na lang kaysa dumito sa loob ng sasakyan nangsaganun e, makapagpahinga ka nang mabuti. Huwag kang mag-alala ikaw lang naman ang papasok diyan, dito lang ako maghihintay hanggang sa mag-umaga na!"
Ang tila nahihiyang sambit ni Lando. Mukhang nabatid kasi nitong namumbalik sa isip niya ang mga hindi magandang nangyari sa kanila noon na pinagsisihan naman nito.
Dahil doon nakaramdam din naman ng hiya si John sa Tiyuhin niya, nagmamagandang loob lang namang iyong tao ay kung bakit pilit binanabalik ng isip niya ang mga pagkakamali nito noon sa kanya na pinagsisisihan at inihingi na ng tawad sa kanya.
Dapat ay kalimutan na niya iyon. Lahat ng tao ay nagkakamali. Nakagagawa ng hindi maganda sa kapwa. Sino bang hindi? Ang mahalaga ay kung paano bumawi at bumangon sa pagkakamaling iyon at makapagsimula ng panibago.
"Sige Tsong, magtsi-check-in na lang ako!"
Tumango lang ang lalaki at nagpatiuna na ito sa paglabas. Sabay sila nitong pumasok sa loob ng motel at nagpatala sa receptionist. Matapos ay inihatid na siya ni Lando sa dapat sana'y kanilang silid ngunit sa kanya na lamang iyon ngayon sapagkat pinaninindigan ni Lando na sa sasakyan na lamang ito magpa-umaga.
Sa may pinto pa lamang sila ay nararamdaman ni John ang panghihina ng kanyang mga tuhod at mga talukap. Hindi na niya nakayanan ang antok at bumigay na siya. Mabuti na lamang at naging maagap ang kanyang tiyuhin na saluhin siya. Kinarga siya nito at inihiga sa kama.
Pagkagising ni John kinaumagahan ay naramdamn niya ang sobrang pagod ng kanyang katawan. Para bang nanggaling siya sa isang marathon. Naramdaman niya ang panlalagkit ng kanyang mga hita.
Isang malagkit ang nahawakan niya nang sinalat niya iyon at ng kanyang inamoy, amoy dagta. Nagulat siya. Paanong nilabasan siya e natutulog siya at alam niyang wala naman siyang kasiping. Hindi rin naman siya nagsariling- sikap dahil agad siyang iginupo ng antok.
Sa gitna ng pagkatuliro ng kanyang isip, kanya ring naisip na baka nagwe-wet dreams lang siya. Napag-aralan na niya iyon sa hayskul na minsan talaga may ganoong pangyayari na hindi maiiwasan kaya nawala na rin ang pangamba niya.
Napansin niya ang kanyang uniporme na nakalatag sa tabi niya na. Tiyak niyang si Lando ang may gawa noon dahil naalala niyang naiwan nga pala sa loob ng sasakyan ni Jonard ang kanyang mga gamit. Tumayo na siya at nagtungo sa banyo upang maligo.
Pagkalabas niya ng motel ay nakita niyang may isang lalaking kinakausap si Lando na agad din namang umalis nang makitang paparating siya.
"Nagtatanong lang kung saan banda ang Salongga Street" Bungad sa kanya ng lalaki. Tumango lang siya. Di pa man kasi siya nagtatanong ay sinagot na agad nito ang dapat sana'y itatanong niya.
Sa klase nama'y hindi mapakali ang binata. Laging lumilipad ang isip niya patungo kay Jonard lalo pa't naka-dalawampung tawag na ito na di niya nasasagot dahil sa labis na tulog niya kanina. Naka-30 messages na rin ito na di niya narereplyan gawa nang wala siyang load. Puro NASAAN KA, SORRY at I LOVE YOU SO MUCH ang laman ng mga mensahe nito.
Nang magawi ang mga paningin niya sa labas ng bintana ng classroom ay nakita niya ang bulto ni Jonard na nakatayo sa labas, na para bang hinihintay ang kanyang paglabas. Bagamat nakasideview ito, kitang-kita niya ang napaka-Biyernes santo nitong mukha na para bang natalo ng isang milyon sa mahjong. Bakas din dito ang sobrang pagod at pagiging problemado dahil hanggang sa ngayon wala pa ring lead ang NBI at mga pulis sa kaso ng mga magulang nitong tinambangan. Dagdagan pa ang pagwo-walkout niya na walang paalam.
Walkout nga diba? Nagpapaalam pa ba iyon?
Nang magkasalubong ang kanilang paningin ay nakita niya ang pagsilay ng isang pilit na ngiti nito, iyong tipong nahihiya. May binigkas ito at kahit hindi niya narinig ang mga iyon ay nakuha niya ang ibig iparating nito. SORRY at I LOVE YOU.
Isang sandosenang kilig ang kanyang naramdaman sa oras na iyon kasabay ng mga munting luhang bumagsak mula sa kanyang mga mata. Nakokonsensiya tuloy siya na para bang siya ang nakagawa ng kasalanan. Kung bakit pa niya nagawang umalis ganoong pwede namang pag-usapan nila agad-agad ang nangyari at nang hindi na nag-alala pa ang binata sa kanya. Nakadagdag pa tuloy siya sa mga problema. Batid niya kasing sinuyod na yata nito ang buong kapuluan kanina mahanap lang siya.
Nasa ganoon siyang ayos nang marinig niyang tinawag ang atensiyon niya ng kanilang professor.
"Yes Sir, ano po iyon?"
"I said, you okey? Kanina pa kasi kitang nakikitang nakatanaw diyan sa labas ngunit para namang wala sa tinitignan mo ang iyong isip Mr. Crisostomo!"
At nakitang nagsitingan din ang lahat ng kaklase niya doon sa direksiyon ng tinitingnan niya. Mabuti na lamang at wala na roon si Jonard at baka masukol pa siya ng mga iyon na isang lalaki ang tinitingnan niya.
"Wala naman ho Sir, medyo masama lang ang pakiramdam ko!" Pag-aalibi niya
Tumango lang ang kanyang professor. Mukhang naniwala naman sa kanyang sinabi. Pagkatapos ng klase niya ay agad siyang lumabas upang puntahan si Jonard ngunit hindi niya iyon nakita pa roon. Tiningnan niya ang celphone niya at nabasa niya ang huling mensahe ng binata sa kanya.
"Here at botanical garden!"
Wala na siyang inaksayang panahon at agad na siyang nagtungo sa lugar na binanggit sa text ni Jonard.
"Sorry!" Halos sabay nilang nabigkas ng magkita sila nito.
"Sorry dahil bigla na lamang akong uma—!"
"—Shhh, you dont have to!" Pinutol nito ang kanyang pagsasalita sa pamamagitan ng pagtakip ni Jonard ng hintuturo nito sa kanyang bibig.
"Ako ang may nagawang kasalanan kaya ako ang dapat na humingi ng tawad. Alam kong nakita mo kami ni Lesly na naghalikan pero alam ng Diyos na hindi ko iyon kagustuhan, na bigla na lamang niyang ginawa iyon na hindi ko naiwasan. Patawad baby, I did'nt mean to hurt you!"Halos yakapin na siya nito kung hindi lang dahil sa ibang estudyanteng naroon.
"Alam ko na yan, bhe ngunit kailangan ko ring humingi sa'yo ng tawad dahil basta na lamang akong umalis na walang pasabi. Alam kong labis ang pag-aalala mo sa akin, nakadagdag pa tuloy ako sa iyong mga problema. Patawad kung naging immature ang asal ko, pwede naman kasing kakausapin kita agad sa mismong oras na iyon para ma-settle agad ang hindi magandang nangyari"
"Naiintindihan ko naman. Ayos lang sa akin naman iyon dahil karapatan mo iyon na mag-selos at mag-walk-out dahil hindi lang tayo basta magboyfriend kundi magpartner na tayo. Kaya kahit mapagod man ako sa paghahanap sa'yo at halos mamatay na sa kaiisip kung nasaan at napaano kana deserved ko iyon sapagkat kasalanan ko pa rin naman ang lahat!"
Natapos ang madamdaming pag-uusap ng dalawa sa isang ngitian at pagpapalitan ng mga I LOVE YOU sa isa't-isa.
Dinala ang mga labi ng mga magulang ni Jonard sa kapitolyo para sa public viewing. At kinabukasan idideritso na ito sa simbahan para sa gagawing misa bago ito dadalhin sa huling hantungan.
Sabay silang nagtungo sa kapitolyo upang dumalo sa misa. Pinamimisahan din kasi ng provincial government ang labi ng gobernador at mayor na mga magulang ni Jonard na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno, pribadong sektor at ng mg tiga-suporta ng mga yumao.
Hindi pa man natapos ang mesa ay nakaramdam ulit ng pagkahilo si John at parang nasusuka siya. Kaya nagpaalam na muna siya kay Jonard na magtungo sa Comport Room ng kapitlyo. Sinamahan naman siya nito. At iyon nga sumuka siya ng sumuka. Nanghina ang buo niyang katawan kaya dali-dali siyang hinatid ng binata sa kotse.
"A-ano pong nangyari, Sir?" Nag-aalalang tanong ni Lando.
"Bigla na lang siya nagsusuka at nanghihina!" Ang tugon naman ni Jonard habang iniayos ang lupaypay na katawan ng binata sa upuan ng kotse.
"A-ako na pong bahala sa kanya, Sir. Ihahatid ko na lamang siya sa mansion. May gamot din ako dito na binili ko kahapon para sa kanya dahil nagkakayanyan na siya simula pa kahapon"
Nais mang umuwi ni Jonard para siya na mismo ang titingin kay John ngunit hindi pa siya pwedeng umalis dahil nasa kasagsagan pa ng misa. Kailangan na kailangan kasi ang presensiya niya roon bilang isa sa mga anak ng mga yumao kaya wala na siyang ibang maaring gawin kundi ang ipaubaya ang mahal niya sa kanilang bagong driver. Tatawagan na lamang niya ang Manang Laura niya para matingnan ang kalagayan ni John at kung lumalala ay dapat madala agad ito sa ospital.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanyag maghatid sa kanya Lando. Tatawagan ko si Manang para maalagaan siya pagdating niyo ng bahay!" Ang habilin niya sa lalaki habang hinahagod nito ang likod ng binata.
"See you mamaya baby, tatapusin ko lang tong misa at puntahan agad kita!" Ang sabi niya sa nakapikit ng si John. Dinampian niya ng halik ito sa noo. Wala na siyang pakialam kung mahalata man ni Lando ang espesyal nilang pagtitinginan. Malalaman din naman ng mga iyon ang totoo nilang estado sa kalaunan.
Pilit niyang ininum ang dalawang tabletang gamot na ibinigay sa kanya ni Lando kahit pa halos hindi na niya maibuka ang kanyang bibig at mga mata sa labis na panghihina.
Hindi na rin niya naitanong kung anong klaseng gamot iyon basta ang alam niya safe iyon dahil guminhawa naman ang kanyang pakiramdam. Wala pang trenta minutos matapos niyang inumin iyon ay may inabot ulit si Lando sa kanya na isang bote ng energy drink, nakatutulong daw ito para manumbalik agad ang lakas niya. Ininom naman niya iyon. Pagdating nila ng mansion ay agad siyang inalalayan ni Lando na dalhin sa silid ni Jonard. Sinalubong naman sila ni Manang Laura ngunit sinabi ni Lando na siya na ang bahala sa binata. Tumango naman ang matanda.
Natapos ang misa. Habang nakikipag-usap si Jonard sa Bise-Gobernador patungkol sa kaso ng kanyang mga magulang ay nilapitan siya ng isa sa mga security personnel at may ibinulong na meroong naghahanap sa kanya sa labas. Saglit na muna siyang nagpaalam doon sa Bise na harapin na muna ang gustong kumausap sa kanya. Pagktapos lumabas na siya ng kapitolyo kasama ang security personel para masiguro ang kanyang seguridad.
"Magandang araw po, Mr. Mercado!" Bati sa kanya ng lalaking gustong kumausap sa kanya. Isang pagtango ang kanyang naging tugon.
"Isa po akong detective na inutusan ng mga magulang ninyo para manmanan ang isang taong malapit daw sa inyo!" Ang detective ulit.
"Detective? Para saan? At sino naman ang taong pinamanmanan nila?" Sunod-sunod na mga tanong ni Jonard doon sa lalaki. Naguguluhan siya.
Nakita niyang kinuha ng lalaki ang isang malaking envelope na kulay brown na isinukbit sa kanyang likuran at inabot nito sa kanya. Naguguluhan siya sapagkat wala siyang clue sa bagay na iyon kaya agad niya iyong tinanggap at binuksan para makita ang nilalaman nito.
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Napaawang ang kanyang bibig na napapailing habang nasa kamay na niya ang mga nilalaman ng envelope na iyon. Hindi siya makapaniwala. Gusto niyang makasigurado. Kailangan na muna niyang pakalmahin ang sarili para makapag-isip ng tamang gawin.