Chapter 15

4802 Words
Nanginginig ang mga kamay ni Jonard habang iniisa-isang tingnan ang mga litratong hawak-hawak niya. Napapailing, hindi makapaniwalang si John at si Lando ang nilalaman noon. May kuhang nakaakbay si Lando kay John. Meron ding niyayakap nito si Lando. May kuhang naghahalikan sila sa loob ng sasakyan. At ang pinakamasklap ay ang panlalamutak ni Lando sa buong katawan ni John na mukha namang nagustahan iyon ng binata sapagkat kitang-kita sa larawan ang pagkagat ng labi nito na para bang nasasarapan. At ang lalong ikinagimbal ni Jonard ay ang kuha ng dalawa na sabay na pumasok sa isang motel. Nahagip ng tingin niya ang petsang nakaprint sa larawan. Noong nagdaang gabi lang ito nangyari. Iyon 'yong nang mahuli sila nitong naghalikan ni Lesly. Hindi pa man niya natapos tingnan ang lahat ng larawan ay iniabot sa kanya ng detective ang isang SD card. "A-ano na naman 'to?" Pati boses niya nanginginig na para bang malalagutan na ng hininga. "Panoorin niyo na lamang po, Sir. Ang lahat ng nakita niyo at makikita pa ay totoo pong lahat. Hindi edited at fabricated. Hindi ko man alam kung ano ang totoong kwento sa likod ng pinapagawa sa akin ng mga magulang mo pero sa tingin ko ginagawa lamang nila ang sa tingin nila ay tama na magpapabukas sa iyong kamalayan. Ang iyong kapakanan pa rin ang kanilang iniisip bago sila malagutan ng hininga. Sa tingin ko nagawa ko na ang aking misyon, kaya mawalang-galang na po at ako ay tutuloy na!" Ang mahabang litanya ng lalaki saka ito nagmamadaling umalis. Agad niyang inilagay ang memory card sa kanyang celphone upang malaman ang nilalaman nito. Matapos niyang mailagay ay agad niyang binuksan ang video icon at pinindot ang play button at hayun tumambad sa kanyang paningin ang isang nakakabaliw na eksina. Si Lando at si John na hubo't hubad sa isang silid. Kitang-kita niya kung paano nagpakasasa si Lando sa katawan ng kanyang mahal at kung paano nito ginalingan ang paghimod sa kaselanan ng binata. Kung nagkataong ibang tao siya at hindi niya kilala iyong nasa video paniguradong malilibugan siya sa sobrang init ng eksena ng dalawa. Pero dahil sa kasintahan niya iyong nasa video at ang kinakalantari nitong bagong driver nila ay parang gusto niyang pumatay ng tao. Hindi man niya tiyak kung totoo man iyon o hindi pero hindi siya maaring magkamali, si John iyon at si Lando. Ibig sabihin matagal na pala siyang niloloko ni John at ang masakit ay sa mismong driver pa nila ito pumatol. Pakiramdam ni Jonard ay tinaga ng makailang ulit ang puso niya. Habol niya ang kanyang hininga na para bang mauubusan na ng hangin ang kanyang baga. Dahil sa hindi na niya nakayanan ang escandal na pinapanood, naibato niya ang hawak niyang celphone sa semento at nagkadurog-durog iyon. Nabitawan din niya ang mga larawan na tinitingnan niya kanina lang. "Honey, what's wrong?" Boses iyon ni Lesly mula sa kanyang likuran. Aba, nakaiskor lang ng halik sa binata kung maka-honey wagas. "Oh no!" Kagaya niya nagulat din ang babae sa mga nakita nitong mga larawan na nagkalat sa lupa at naitakip pa nito ang dalawang palad sa kanyang bunganga. Iyon bang kadalasang ginagawa ng mga kandidatang nagwawagi sa isang beauty pageant. "Si-sinasabi ko na nga ba, tama ang kutob ko e. Tingnan mo Honey, tingnan mo, diba tama ako?" Hindi niya pinansin si Lesly at mabilis niyang tinungo ang kotse upang puntahan ang motel na nakita niya sa larawan. Kahit nag-uumapaw na siya sa sobrang galit ay kailangan pa rin niyang i-confirm iyon. Alam niya ang motel na iyon. Nasa Antipolo lamang ito. Nang makarating siya sa nasabing motel ay agad siyang nagtanong sa receptionist kung meron bang nagngangalang Orlando Dimaculangan at John Crisostomo ang nagcheck-in noong nagdaang madaling-araw. Tumangging magbigay ng impormasyon ang babeng receptionist. Lahat ng mga kliyente nila ay confidential at hindi sila pwedeng magbigay ng kahit anong impormasyon bilang seguridad na rin. Napasuntok si Jonard sa isa niyang palad sa pagmamatigas ng babae. Wala naman siyang masamang balak doon sa dalawa ay kung bakit ipagkait pa nito ang katiting na impormasyong gusto niyang makuha. Hanggang sa may naisip siyang paraan. Sa tulad niyang desperadong malaman ang katotohanan, inabutan niya ng dalawang libo ang babae. Nakita niyang nagdadalawang isip itong tanggapin ang perang inabot niya. Ngunit makalipas ang ilang segundo tinanggap din nito ang bigay niya. "Meron po Sir, nagcheck-in po sila bandang ala-una y medya ng madaling-araw. Ang check-out nila is, 6:45am po!" "Sige salamat!" Tiim-bagang siyang bumalik sa kanyang sasakyan. At nang makapasok ay pinagsusuntok niya ang manibela at pinagtatapon ang lahat na mahawakan niya sa loob niyon. Ang sakit lang ng ginawang panloloko sa kanya ni John. Buong tiwala at pagmamahal niya ay ipingkaloob niya rito na pati mga magulang niya ay nagawa niyang suwayin para matupad ang pangako niyang ito ay kanyang paninindigan at ipaglaban anoman ang mangyari. Ngunit bakit ganito ang isinukli sa kanya? Ipinagpalit siya nito sa iba. Ano pa bang pagkukulang niya. Bagamat alam niyang mas malaki ang pangangatawan ni Lando pero di-hamak na mas may itsura siya at may katawan din naman at mas bata pa. "Bakit!" Sigaw niya habang kumawala ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Habang nasa ganoon siyang ayos ay naisip niyang puntahan ng bahay si John. Kahit nahuli na niya ang pagtataksil nito sa kanya ay kailangan niya pa rin itong kausapin upang sa binata din mismo manggaling ang lahat kung totoo ba ito o hindi. Galit na galit siya sa binata. Abot hanggang langit ang sama ng loob niya rito. Kahit pa bigwasan niya ito, paduguin ang nguso ay hindi pa sapat iyong maging kabayaran sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Sa kabilang banda, kanya ring naisip na kahit nga ang isang kriminal ay binibigyan pa rin ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili sa hukuman bago mahatulan ng verdict ng judge. Sa kabila ng mga nalaman niyang pagtataksil ni John sa kanya, kailangan niya pa rin iyong makausap ng harapan upang marinig ang panig nito at magkaalaman. Nang saganun, masakit mang tanggapin ngunit kailangan na nilang tuldukan ang relasyon nila. Nakahiga na si John sa kama sa loob ng silid ni Jonard nang maramdaman niyang bumubuti na ang kanyang pakiramdam ngunit maya-maya lang ay naramdaman niyang biglang lumakas ang pintig ng kanyang puso. Iyon bang parang nae-excite. Nang-iinit ang kanyang katawan na may halong panginginig. Alam niya ang pakiramdam na iyon. 'Yun bang parang sabik kang makipagniig sa partner mo. Ngunit bakit nagkaganon? Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang pumasok si Lando. "Kumustang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong sa kanya ng tiyuhin niya. "Ayos naman po pero, parang lalagnatin yata ako" Ang sabi niya lang dahil nahihiya siyang banggitin ang totoo niyang pakiramdam. Iyong pakiramdam na nalilibugan na ewan. "Kung ganoon, tumatalab na pala!" Si Lando na tuluyan ng tumawa habang nagsimulang tanggalin ang kanyang kasuotan. "Tsong, ano iyang ginagawa mo?" Ang gulat na tanong ni John sa lalaki ng tuluyan ng lumantad ang hubad na katawan nito. Nakaramdam siya ng takot sa maaring mangyari. Gusto sana niyang tumayo upang makalayo sa lugar na iyon dahil nakikita niya sa hitsura ng lalaki na may masama na naman itong pinaplano sa kanya ngunit bakit ayaw makiayon ng kanyang katawan sa gustong gawin ng kanyang isip. Hindi niya alam pero nalilibugan siya habang tinitignan ang kabubdan ng kanyang tiyuhin. Ang malaki nitong katawan at ang naghuhumindig nitong tarugo. Alam niyang mali at hindi dapat ngunit bakit pakiramdam niya ay gustong-gusto niya iyong matikman. Bakit parang gusto niyang ipagkaloob sa lalaki ang katawan niya? Ipinikit niya ang kanyang mga mata para malabanan ang tuksong iyon. Pagkatapos pilit siyang tumayo upang sana'y makalayo ngunit, "Sigurado ka bang ayaw mo?" Mapang-akit na tanong sa kanya ni Lando habang ang isang kamay nito ay simimulang lamasin ang kanyang dibdib at ang isa nama'y nilalaro ang sarili nitong tarugo. "Tsong ano ba tong ginagawa mo sa akin?" Ang tanong niya dahil may suspetsa siyang may ginawang mali sa kanya ang kanyang tiyuhin. "Ayaw mo ba?" Ang sagot lang nito habang iminuestra ang lumubo na niyang alaga na animoy isang sawa na gusto ng manuklaw. "Tsong pakiusap ho, huwag nyo po sanang gawin kung ano ang binabalak niyo, maawa po kayo. Diba nagkaayos na tayo. Pinatawad na kita Tsong sana naman irespeto po ninyo iyon!" "Patawad John, pero nagawa ko na. Hindi mo alam na ang pina-inom kong gamot sa iyo kanina ay isa iyong uri ng drugs na pampalibog na kadalasang ginagamit ng mga pornstar para mas lalo silang ganahang gawin ang isang hayok na eksena. Pero wag kang mag-alala hindi ka mao-overdose niyan dahil kunti lang naman ang pinainom ko s'yo!" "May ganoong uri pala talaga ng druga?" Sa isip niya. Akala niya kasi ay sa pelikulang NAKED WEAPON lamang iyon makikita na kung saan tinurukan ng drugs na pampagana iyong bidang babae at hayok itong nakipagtalik sa isang pulis na bida din sa pelikula sa dalampasigan. "Ang sama mo. Bakit ko ba nagawang magtiwala sa'yong muli? Bakit ba lagi mo akong ginaganito, Tsong? Ano bang naging kasalanan ko sa'yo?!" Ang panghihimutok ni John. Kasabay ng pagpakawala niya ng isang malakas na suntok ngunit hindi man lang niya nagawang madaplisan ang lalaki dahil nawala ang lakas niya. Nanginginig na ang buo niyang katawan. Sa kabila ng galit niya, nag-uumapaw naman ang libog niya sa katawan. "Pasensiya na pamangkin ko. Mahal ang bayad e, kaya sinunggaban ko na. Diba sabi ko, nawala lahat ng mga naipundar ko dahil sa putchang bagyong iyon? Pero wag kang mag-alala, matapos kung makuha ang kabuuang bayad sa akin, siyempre isasama na kita. Hindi naman ako ganoon kasama para iiwan na lang kita dito. Noon pa man, gusto na kita!" Sabay tawa ng malakas. "Ang sama-sama n'yo. Sana namatay na lang kayo ng mananalasa ang bagyo!" Tinangka niyang umbagin muli si Lando ngunit siya iyong bumagsak sa sahig. Agad naman siyang tinulungang makatayo ng lalaki at sinunggaban ng halik ang kanyang mga labi. Pinilit niyang makawala. Alam niyang mali iyon ay kung bakit ayaw makiayon ang buo niyang katawan bagkus ay nagustuhan pa niya ang ginagawang iyon sa kanya. Sa bawat pag-iwas niya, nanginginig ang buo niyang kalamnan. Ganoon siguro ang pakiramdam ng isang taong lulung na sa druga at desperadong makalanghap muli. Ayaw man ng kanyang utak ngunit gusto naman ng kanyang katawan at hinahanap-hanap na niya iyon. Tuluyan ng tinangay si John sa agos ng kamunduhan. Gumanti na rin siya ng halik sa lalaki. Naging wild na ang kanilang halikan hanggang inihiga siya ni Lando sa kama. Wala na silang damit pareho. Tuluyan nang naalipin ang binata sa sobrang libog dahil sa drugang nanulay sa kanyang mga ugat. Hayok na rin siyang nakipaglaplapan sa tiyuhin niya. Halos mapapasigaw na siya dahil sa nadadarang na siya sa sobrang init ng mga dila ni Lando na kinakalikot ang magkabilang u***g niya pababa sa kanyang pusod. Halos mabigti ang hininga niya ng isinubo na ni Lando ang kargada niya. Sobrang sarap lang noon dahil sa sobrang galing ni Lando na sumubo ng b***t. Pagkatapos noon ay itinaas ng lalaki ang dalawa niyang hita at idinantay iyon sa magkabilang balikat nito. Alam niyang papasukin siya ni Lando, tutol man ang kabilang parte ng utak niya pero wala na siyang sapat na kakayanan para pigilan ito. Tanging pagluha na lamang ang kaya niyang gawin. Nang akmang papasukin na siya ng lalaki ay siya namang pagbukas ng pinto ng silid. Sinadya iyong hindi i-lock ni Lando alinsunod sa ipinag-uutos sa kanya. Kapwa sila natigilan. Hindi makakakilos na para bang isang laruang robot na biglang nag-weak ang baterya. Halos humiwalay naman ang kaluluwa ni John sa kanyang katawang lupa nang makita ang lalaking nakatayo sa may pinto. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang lalamunin na lamang siya ng buo. Agad itong sumugod sa kanila. Una nitong pinuntirya si Lando at isang napakalakas na suntok sa muka ang natamo nito mula sa binata. Bumagsak ang katawan nito sa sahig ngunit bigla ding tumayo pero hindi naman nanlaban. Dahil sa bilis ng mga pangyayari, biglang nahimasmasan si John. Dinampot niya ang kanyang boxer at sa isang iglap lamang kanya iyong naisuot. Gulong-gulo ang isip niya. Paano ba niya ipapaliwanag ang lahat na hindi niya kagustuhan ang mga nangyari at siya ay biktima lang? Tigib ang mga luha ni Jonard nang dahan-dahang lumapit sa kanya. Ramdam niya ang paghihinagpis nito sapagkat kitang-kita niya ang pagyugyog ng mga balikat tanda ng labis na pag-iyak. "B-bakit mo nagawa sa akin to? Ano bang kasalanan ko? Ano pa bang pagkukulang ko?" Ni isa man sa mga tanong ni Jonard sa kanya ay nahihirapan syang makahagilap ng isasagot. Ano bang isasagot niya? Walang pagkukulang si Jonard at lalong wala itong nagawang kasalanan para gawin ang isang bagay na ikasasakit nito. Paano ba niya sisimulang magpaliwanag upang ipagtanggol ang sarili sa paraang maiintindhan ng binata. "S-sorry po Sir, matagal na po kaming may relasyon ni John. Nagsimula po ito noong nasa probinsya pa kami!" Si Lando ang sumalo sa pananhimik niya ngunit lalo lamang siyang nabigla sa kasinungaling pinagsasabi nito. "Sinunngaling! Hindi totoo yan, bhe. Siya ang may pakana ng lahat ng 'to!" Sigaw ni John habang pingsusuntok niya si Lando ngunit hindi man lang ito natinag. Pinigil naman siya ni Jonard na halatang gusto nitong mapakinggan ang mga susunod pang sasabihin ni Lando. "Tama ho ang narinig niyo, Sir, matagal na kaming may relasyon niyang si John nang palihim dahil may asawa ho ako at tiyahin niya pa. Ganumpaman, kahit alam naming mali iyon pero patuloy pa rin kami dahil talagang mahal namin ang isa't-isa!" "Tsong, utang na loob huwag naman po kayong mag-imbento ng mga kwentong kasinungalingan. Alam po ng Diyos kung gaano ang paghihirap ko sa panahong nasa puder ninyo ako. Totoo ngang pamangkin ninyo ako pero hindi ko iyon naramdaman. Trinato ako ni Tiyang Lorna na parang aso at ikaw? Inabuso niyo ang kabataan ko. Minolestiya at binugaw!" Hindi na siya nakapagpigil pa at isinawalat na niya ang sekretong matagal na niyang itinatago. Sana man lang makuha nitong paniwalaan ni Jonard at magawang pumanig sa kanya. "Siya ang tinutukoy kong Tiyuhin na nang molestiya sa akin noon, Jonard. Kung natatandaan mo noong sinundan mo ako sa Cr noong unang gabi ng lamay ay tinangka niya muling gawin sa akin ang kahayupang ginawa niya noon sa akin mabuti na lamang at dumating ka!" "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit taliwas iyon sa mga nakita kong ebidensiya sa inyong dalawa? Bakit mo nagawang makipagmabutihan sa taong iyan!" Sigaw ng nalilitong si Jonard. Hindi nito alam kung sino ang paniniwalaan niya. "Natatakot lang ako sa sinabi mo noon na sakali mang makita mo si Lando ay hindi ka magdadalwang isip na kitlin ang kanyang buhay. Ayokong madungisan ang mga kamay mo para lang sa taong walang kasing sama katulad niya!" "John, huwag mo ng pagtakpan pa ang isang kasinungalingan ng isa pang pagsisinungaling..!" Sumingit si Lando. "...Alam mong hindi totoo iyan. Hindi totoong pinilit kita dahil kagustuhan mo rin naman ang mga nangyari. Nahihirapan man akong ibigay sa'yo ang mga pangangailan mo pero alam mo kung paano ko iyon pinagsusumikapang kamtin para lang sa'yo. Pinag-aral kita at binihisan sana naman nakuntento kana roon. Huwag mo ng gamitin pa si Sir para mapadali ang pag-angat mo sa buhay. Umuwi na tayo sa atin. Magsimula tayong muli. Wala na ang tiyang mo kaya pwede na nating ipagpatuloy ang lihim nating relasyon!" Hayop sa akting si Lando. Kung sakaling naging artista ito nahakot na niya lahat ang BEST ACTOR AWARD sa lahat ng Award-giving Buddy. "Jonard huwag kang maniwala sa kanya please. Ako ang paniwalaan mo, baby. Mahal mo ako diba? Sana naman ako ang pakinggan mo. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kayang masira ang isang magandang samahan na nasimulan natin!" Humihikbi na si John na nakiusap kay Jonard. Niyakap pa niya ito nang mahigpit para madama nito ang kanyang sinseridad. Ngunit wala siyang naramdaman ni katiting na reaksiyon mula sa binata. Blangko ang ekspresyon nito na tanging ang mga luhang parang batis na dumadaloy sa kanyang pisngi ang kanyang nababanaag. "Umalis ka na. Umalis na kayo utang na loob sa pamamahay ko. Ayoko ng makita pa ang pagmunukha mo, John. Kaya bago pa may magawa akong hindi mo magugustuhan sana umalis ka na!" Ang pakiusap nito sa kanya na may kasamang pagbabanta ngunit ramdam niya kung gaaano ito nasasaktan sa mga kasinungalingang pinagtagpi-tagpi ni Lando. "Baby, please makinig ka—" "—Alis na utang na loob!" Sigaw ni Jonard. Kitang-kitang niya ang pagkuyom ng mga kamao nito at ang panlilisik ng kanyang mga mata. Unang beses niyang makita ang mahal niyang nagalit ng ganoon. Labag man sa kanyang loob ang lumisan ngunit kanya ring nagawa. Agad na isinara ni Jonard ang pinto ng makalabas na siya kasama ni Lando. Nanatili pa sa may pinto si John habang ang salbahing si Lando ay walang lingon-likod na umalis. Dinig niya mula sa labas ng pinto ng silid ang pagsisigaw ng binata. Pinagbabasag nito ang lahat ng mahawakan. Kung di man ay pinagbabato nito sa dingding. Damang-dama niya ang sakit na dinanas ngayon ng kanyang mahal. Gusto niya itong mayakap, ngunit paano? Kinamumuhian na siya ng taong dating nagmahal sa kanya. Gusto man niyang ipagtanggol ang sarili at sabihing nasa panig niya ang katotohanan ngunit tila bingi na si Jonard na makinig sa kanya. Nadumihan na ang isip nito sa mga kasinungalingang pinagtagpi-tagpi ni Lando. Hindi rin naman niya masisi si Jonard kung sakali mang tapusin na nito nang tuluyan ang relasyon nila. Kung meron mang masisi, iyon ay ang kanyang sarili. Matalino siya e, wala ni isang mahirap na pagsusulit ang hindi niya maipasa. Nangunguna siya sa lahat ng subjects niya sa university na pinapasukan niya,para ano pang naging scholar siya ay kung bakit nagpa-uto siyang muli kay Lando. Kaybilis niyang pinaikot nito sa sarili nitong palad. "Ambobo mo John. Ambobo mo!" Sigaw niya habang sinasabunutan ang sariling buhok. Nasa ganoon naman siyang ayos nang dumating si Lesly. Bitbit nito ang isang brown envelop at inihambalos nito sa kanyang mukha dahilan upang tumalipon sa sahig ang mga nilalaman nito. Litrato nilang dalawa ni Lando ang nakikita niya. Napakarami noon. Mayroong nilalamutak siya ng lalaki habang naksandal siya sa upuan ng kotse. Biglang nag-flashback sa kanyang isip ang sandaling iyon. Iyon yung pinainom siya nito ng softdrinks at sa hindi maipalawang na dahilan ay bigla siyang nanlupaypay at nakatulog at nang magising siya, bukas ang tatlong butones ng polo niya at nakaramdam siya ng p*******t ng kanyang dalawang u***g. Nariyan din iyong pagpasok nila sa isang motel. At ang magising siya ay may nasalat siyang t***d sa kanyang kandungan. Hindi pala totoong nagkawet dreams siya. Sinamantala ni Lando ang himbing ng tulog niya at nagparaos ito sa kanyang harapan habang may kumuha sa kanila ng larawan. Iyon siguro yung kausap ni Lando na biglang umalis ng biglang makita siya na papalapit sa kanila. Ibig sabihin, matagal na nila iyong pinagplanuhan. Ang kunwaring paghingi ni Lando sa kanya ng kapatawaran ay bahagi lamang iyon ng kanilang plano para masira siya sa harap ng mahal niya. "Sinasabi ko na nga bang hindi ka talaga mapagkakatiwalaan e!" Narinig niyang pagsisimula ni Lesly. "Hindi ka na naawa kay Jonard. Bakit mo ito nagawa sa kanya. Saan na iyong pinagsasabi mong mahal mo siya. Alam mo ba kung gaano iyon kasakit sa kanya?" "Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal at pawang kasinungalingan lamang ang lahat ng lumalason sa kanyang isip!" Ang tugon naman ni John habang pinipilit na magpakatatag dahil sa totoo lang kanina pa siya gustong bumigay sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. "Bakla ka na nga sinungaling ka pa. Pwede bang huwag mo ng idamay pa ang Diyos sa panloloko ninyo ng kalaguyo mong driver. Matakot naman kayo sa karma. May ebidensiya na oh. Its very obvious na pagmumukha ninyo iyang nasa litrato. And the worst, nahuli ka na ngang nakipagkantutan doon sa lalaki mo ay nagmamalinis ka parin!" "At paano mo nalamang may nangyari sa amin, diba nga kararating mo pa lang?" "Ha, kwan, nakasulubong ko si Lando. Wala siyang damit pang-itaas. Tsaka ayan, pakinggan mo kung paano nagwawala si Jonard sa loob, diba patunay lang na may nangyari nga!" Saad naman ng babe na hindi makatingin sa kanya ng deretso. Pinukulan naman iyon ng isang matulis na tingin ng binata. "B-bakit ka ganyan kung makatitig. Binibintangan mo ba ako?" "May sinasabi ba ako? Sa tanong mong iyan ay nagka-ideya tuloy akong baka isa ka sa may pakana ng lahat!" Inilapit niya ang mukha niya sa babae na halos mahalikan na niya. "Sa oras na malaman kong isa ka sa may pakana ng lahat ng to, tandaan mo mananagot ka sa akin!" Sabay talikod. "Hindi mo ako matatakot, bakla. Hindi mo ako kaya. Hahahaha!" Iyon ang huling narinig niya mula sa babae. Nagmamadali na siyang umalis bitbit ang kanyang bag. Naglalaro sa kanyang isipan kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Naniniwala siyang hindi lang si Lando ang nagplano para sa ikasisira niya kay Jonard. Biktima lamang silang pareho. Kinabukasan, hinatid na sa huling hantungan ang mga labi ng mag-asawang Mercado. Hindi na siya hinayaan pang makalapit ng binata. Kahit anong pilit niyang pakiusap ay hindi siya pinapayagan ng mga bodyguard nito. Kaya minabuti na lamang niyang makidalamhati sa malayo. Kitang-kita niya ang pagyugyog ng mga balikat ni Jonard habang iniisa-isa ng ibaba ang dalawang ataul sa hukay. Ramdam niya ang paghihinagpis nito sapagkat minsan na rin siyang nawalan ng mahal sa buhay. Sa bawat pagluha ni Jonard ay nakikisabay din siya. Parang gusto niyang lumapit dito upang siya mismo ang humagod sa likod nito at maipadama ang kanyang pagmamahal at hindi iyong si Lesly ang nasa tabi nito. Isa-isa nang nagsiuwian ang mga taong nakipaghatid hanggang si Jonard na lamang ang nakita niyang nakatayo sa libingan. Lumapit siya dito. Alam niyang hindi ito ang tamang oras na pag-usapan ang tungkol sa kanila ngunit kailangan niyang gawin baka kasi bukas at makalawa mahihirapan na siyang mahagilap ito. "Anong ginagawa mo rito? Diba sabi ko huwag ka ng makipagkita pa sa akin!?" Ang matigas nitong sabi na hindi man lang tumitig sa kanya. "Gusto ko lang sanang magpaliwanag sa aking panig, Onad!" Ang sagot niya habang pinagsaklob ang dalawang palad. "H-hindi ko na kailangan pang marinig ang paliwanag mo. Malinaw na sa akin ang lahat. Kaya tama na pwede ba. Mahal kita alam mo iyon. Pati mga magulang ko sinuway ko para lang mapapanindigan ko ang pagmamahal ko sa'yo. Noong gabing bago sila pinagbabaril, ikaw ang aming naging paksa. Iginigiit nilang hiwalayan kita dahil para sa kanila walang magandang maidudulot ang lalaki sa lalaking relasyon. Pero hindi ko sila pinakinggan dahil naniniwala akong walang tunay na kasarian ang pagmamahal. Umalis akong bigla na hindi alam na iyon na pala ang huling beses na sila'y makitang buhay. At dahil sa mga nakita kong mga patunay sa pagtataksil mo, doon ko napagtantong tama sila. Tama si Lesly. Walang nagtatagal sa relasyong lalaki sa lalaki. Kaya tinatapos ko na ang namamagitan sa atin!" "H-hindi ko kaya Onad. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Hirap man akong ipaliwanag ang lahat pero naniniwala akong lalabas at lalabas din ang katotohanan. Bigyan mo sana ako ng isa pang pagkakataon. Hindi ko kaya ang mabuhay kung mawala ka sa buhay ko, Baby!" Humahagulhol na siya na yumakap sa lalaki. Dinadalangin niya na sana'y makinig ito sa kanya at mabigyan pa ng isang pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili, na wala siyang kasalanan, na na-set-up lamang siya. Ngunit naramdaman niyang dahan-dahang kumalas si Jonard mula sa kanyang pagkakayakap. Parang naging bato na ang puso nito sa kanya. "Nagawa mong mabubay nang mag-isa noong hindi pa tayo nagkakilala, bakit hindi mo iyan magagawa ngayon?" Iyon lang at tumalikod na sa kanya si Jonard at mabilis itong nakapasok sa loob ng kotse. Hinabol naman niya ito at kinalampag pa niya ang binatana ng sasakyan, nakikiusap na hindi nito ituloy ang kanilang paghihiwalay ngunit tila bingi na ang binata. Mabilis nitong pinaharurot ang kotse at naiwang luhaan si John. Hindi pa rin tumitigil ang binata na kausapin si Jonard. Nagbabasakaling magbago pa ang isip nito. Naniniwala siyang nasaktan lang ito nang husto kung kaya't nakapgdesisyon ito nang ganoon kabilis na tuldukan ang kanilang relasyon. Naniniwala pa rin naman siyang mahal pa rin siya nito at kailangan niyang magtiyaga upang manumblik muli ang pagmamahal nito sa kanya. Matapos ang klase niya ay dumeretso siya sa pinagtatrabahuan ni Jonard. Desperado siyang makuha ang loob nito. Kung kinakailangan niyang lumuhod sa harapan nito ay gagawin niya mapatawad lamang siya sa isang kasalanang hindi naman niya talaga sinadyang gawin. Nakita niyang lumabas na ng gusali ang binata kasama si Leslie at ang iba pa nitong kasamahan sa trabaho. Agad naman siyang nakita ni Jonard at ito na mismo ang nagkusang lumapit sa kanya. Napangiti pa nga si John dahil naisip niyang hindi rin siya matitiis ng binata at nami-miss rin siya nito gaya ng pagka-miss niya dito ngunit, "Ilang beses ko bang sasabihin na wala na tayo. Akala ko ba matalino ka. Simpleng bagay lang naman ang ipinapakiusap ay kung bakit hindi mo maiintindihan!" "Hindi simpleng bagay ang mawala ka sa buhay ko, Onad. Hindi ko kaya e, please maawa ka naman o. Kung gusto mo, lumuhod ako sa harap mo para lang huwag mo akong iwan!" At talagang tinangka niyang lumuhod ngunit mabilis ang mga kamay ni Jonard na pigilan siya. "Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na wala na tayo John. Tapos na ang sa atin. Na-realised ko na hindi pala talaga kita—!" Parang may bumara sa lalamunan nito. "—Na ano Jonard?" Ang pagsingit naman ni John "—Na hindi pala talaga kita mahal, na iba ang hanap ko at hindi ang katulad mo!" Napailing si John dahil sa hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ni Jonard. "H-hindi ako naniniwala...!" Nagsimulang tumulo ang gabutil na luha mula sa kanyang mga mata patungo sa kanyang pisngi. "...Nasabi mo lang iyan dahil sa nasaktan ka nang husto sa mga maling paniwala mo!" "Ano bang ang sa tingin mo ay tama? Ang kunsintihin ang pagtataksil mo sa akin? Ang magbubulag-bulagan. John, hindi ko na kailangan pang uulit-ulitin pa, tapos na tayo. Tama ang mga magulang ko at si Lesly walang magtatagal sa ganitong klaseng relasyon. At kung sakaling mang muli akong umibig siguradong hindi na ikaw iyon. Hindi tayo ang nababagay. Ituon ma na lang ang atensyon mo sa pag-aaral para naman umangat ka sa buhay, diba iyan naman ang pangarap mo? Magsumikap ka. Hindi lahat ng bagay ay makukuha sa madaling paraan. Huwag mo akong gamitin. Hindi ako ang sagot sa maganda mong bukas!" Mistulang sinabugan ng bomba si John sa kanyang narinig. Alam niyang malaki ang galit at paghihinagpis sa kanya ni Jonard ngunit wala sa hinagap niyang pagsalitaan siya ng ganoon na para bang sinasabi nito na kayamanan lang nito ang habol niya. Kaybilis namang nagbago ng ugali ng binata na para bang hindi na niya kilala. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin, mukhang pera? Mahirap nga ako oo, pero kailanman hindi ko pinangarap na umangat sa pamamagitan ng paggamit ng iba. Alam mo iyon Jonard. Kaya kung umangat sa paraang alam kong tama. Mahal kita dahil iyon ang sinasabi ng puso ko hindi dahil sa kung magkano ang laman ng bulsa mo!" Humihikbi na siya. Kaysakit lang na marinig na ang dating nagmamahal sa kanya at minahal niya ay siya pa iyong nang-alipusta sa kanyang pagkatao ngayon. Kaya niyang sikmurain lahat ng masasakit na salitang ibabato sa kanya at pilit niya iyong intindihin sapagkat nalason na ang isip ng binata sa mga kasinungalingang hinabi ni Lando at ng taong may utak nito. Pero ang hamakin siya at alipustahin, mukhang hindi na niya kaya pang lunukin iyon. Magsalita pa sana siya nang biglang may lumapit sa kanila na kasamahan ni Jonard sa trabaho. "Sino ba yan pre? Seryoso ata pinag-usapan niyo. Lika na, Lesly is already waiting!" "Wala naman pre, dating trahabador lang namin, sinisingil ang huling sahod!" Ang tugon lang ni Jonard sabay baling nito sa kanya. "O pano siguro naman nagkakaintindihan na tayo. Kalimutan na natin ang lahat ng namagitan sa atin. You're the biggest mistake I've ever done!" Halos madurog ang buong pagkatao ni John sa lahat ng mga narinig niya mula kay Jonard. Iyong pakiramdam na itinulak ka na nga tinapakan pa. Wala na ngang silbi pa kahit anong pagmakaawa niya. Kahit pa siguro na lumuha pa siya ng dugo ay hindi nito mababago ang desisyon ni Jonard na siya'y balikan. Umalis siya sa gusaling iyon na bitbit ang wasak niyang puso. Hindi alam kung paano iyon mabubuong muli sapagkat ang taong inaasahan niyang makabubuo nito ay ito pa mismo ang nagwasak nito. Naglalakad siyang wala sa sariling huwisyo. Hindi alam kung saan tutungo at susukob. Kasabay ng pagkawala sa buhay niya ang lalaking tanging minahal niya ay para bang nawala na rin ang saysay ng lahat. Nawala na ang tanging kinakapitan niya. Ang taong naging inspirasyon niya. Paano na siya? Malayo-layo na rin ang nilakad ni John. Hindi niya napansing unti-unti ng dumilim ang paligid. Blangko ang kanyang isip habang binabagtas ang kahabaan ng lansangan hanggang sa makarating siya sa isang tulay. Alam niyang mali ang kanyang iniisip. Isang napakalaking kasalanan iyon sa Diyos. Anong magagawa niya? Naalipin na ng kademonyohan ang kanyang isip. Akmang tatalon na siya ng tulay para wakasan ang paghihirap niya nang may malalakas na bisig ang humila sa kanya para pigilan ang pagpapatiwakal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD