Chapter 16

5548 Words
"Uy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Are you, insane?" Ang narinig niyang sigaw ng lalaking pumigil sa kanya sa pagtangkang pagkitil sa kanyang sariling buhay. Ganoon na lamang ang takot niya nang makabalik sa matinong pag-iisip. "Diyos ko patawarin po ninyo ako. Inay sorry po!" Ang naiusal niya habang nakaupo sa gilid ng tulay. Hindi siya makapaniwalang dahil lamang sa isang tao ay nagawa niyang wakasan ang sarili niyang buhay at pangarap. Parang hindi na niya kilala ang sarili nang tinalikuran siya ng taong mahal niya. Marahil kung nabubuhay pa ang Inay niya at paniguradong hindi nito nagugustuhan ang kanyang tangka. "Ayos ka lang?" Muling untag sa kanya ng lalaking pumigil sa kanya. Saka lang din niya nabatid na may kumakausap sa kanya. "A-ayos lang ako!" Simpleng tugon niya. "Ano bang nangyari, may problema ba?" "Gusto ko ng umuwi!" Ang sagot niyang malayo sa tinatanong sa kanya ng lalaki. Biglang pumasok kasi sa isip niya sina Shawie at Fred. Bakit hindi niya naisip na kahit iniwan na sya ni Jonard ay may mga tao pang natitirang nagmamahal sa kanya kahit na hindi naman niya iyon kadugo. "Sige, hatid na kita. Saan bang sa inyo?" Ang mungkahi ng lalaki sa kanya. Agad naman siyang tumalima kahit hindi pa niya kilala iyong tao. Ang mahalaga ay makauwi na siya dahil alam niyang pinaghahanap na siya ng mga kasamahan niya sa bahay. "Dito na lang ako...!" Ang sabi niya sa lalaki nang makarating sila sa maliit na eskinita papasok sa looban. "...Salamat" Sabay talikod. "Wait, pwede bang malaman ang pangalan mo?" Ang narinig niyang wika ng lalaki ngunit hindi na niya iyon binalingan ng tingin. Tama na sa tingin niya na ito ay kanyang mapasalamatan sa kabutihang ginawa nito sa kanya. Napailing na lang iyong lalaki. Ngunit nasisiguro niyang hindi iyon ang una at huling pagkikita nila ni Tisoy. "Tisoy, saan ka na naman ba nanggaling? Huwag mong sabihing bumubuntot ka naman doon sa Jonard na iyon. Hay, naku friend, move-on. Hindi lang naman siya ang lalaki ah. Its raining men in the world!" Bungad sa kanya ni Fred nang makasalubong niya ito. Alam na kasi nito at ni Shawie ang nangyaring hiwalayan nila ni Jonard. "A-ayaw na talaga niya sa akin Fred. Talagang kinalimutan na niya ako!" Saglit siyang nagkwento sa mga nangyari kanina. Ang pangmamaliit sa kanya ni Jonard pati na ang tangkang pagpapatiwakal niya doon sa tulay. "Tanga! Paano kung natuluyan ka? Mamatay kang hindi man lang natikman ang virgin kong lagusan!" Hayun na naman si Fred. Hindi na siya sumakay sa mga banat nito. Alam niyang pinapagaan lamang nito ang sitwasyon, kung pwede lang sanang idaan sa biruan ang bigat na kanyang dinadala. Nakita niyang sumeryoso rin si Fred. "Hindi mo iyon dapat ginawa, Tisoy. Maaring Hindi ko pa naranasan ang ganyang katinding sakit na nararamdaman mo ngayon pero anong karaparatan mong kitlin ang sarili mong buhay? Kahit paano alam ko ang pakiramdam ng iniwan at nawalan pero nandito pa naman kami ni Shawie. Hindi si Jonard ang taong nakalaan sa'yo. Ipakita mong kaya mong mabuhay na wala siya sa tabi mo. Sa ngayon, wala kang ibang gawin kundi ayusin ang sarili mo. Magpakatatag ka, bata ka pa. Marami pang magagandang bagay ang maaring mangyari sa'yo!" Tama si Fred. Iyon nga ang dapat niyang gawin. Ang pang-aalipusta at panghahamak ni Jonard sa kanya ay siyang magsisilbing hamon niya upang makamit ang kanyang mga pangarap. Iyon na nga ang kanyang ginawa. Sinimulan na niyang limutin si Jonard kahit nahihirapan siya. Hindi naman kasi ganoon kadali ang lumimot. Kahit saan niya ipapaling ang kanyang mga paningin ay pagmumukha pa rin ng binata ang kanyang nakikita. Sa school, sa bahay, at maging sa flowershop. Minsan pa nga pumupunta siya sa kalsada malapit sa may simbahan na kung saan siya nabundol ni Jonard noon na naging dahilan ng pagtagpo ng kanilang landas. Tigib naman ang luha niya nang pagmasdan ang simbahan ng Quiapo. Tandang-tanda pa niyang sa loob ng simbahang iyon pinag-isa sila ng binata. Doon sila unang nagpalitan ng I LOVE YOU sa isa't-isa. Sinadya din niyang puntahan ang parke na kung saan nakahilera ang mga nagtitinda ng street foods. Para siyang baliw habang naluluha na natatawa nang maalalang una niyang dinala roon si Jonard. Detalyado pa sa kanyang isip ang itsura nito nang makitang ang ginamit na mantika sa nilantakan nilang isaw ay nangingitim na. Parang kailan lang nangyari iyon ngunit sa isang iglap tinangay lahat ng hangin ang magandang pag-iibigan na sabay nilang inukit. Kailangan niyang ikintal sa isipan na ang lahat ay may katapusan. Lumilisan ang hindi naman talaga laan. At sa pag-inog ng panahon, bukas makalawa, matatgpuan mo rin iyong nakatadhana sa iyo. Pagkatapos niyang sariwain ang magagandang alaala nilang naihabi ni Jonard ay bumalik na iya sa flowershop. Kapag ganoong araw ng Sabado ay dagsa ang mamimili. Kita niya mula sa kanyang nilalakaran ang isang kotseng kulay pula na nakaparada sa harap ng flowershop. Marahil may isang mayaman na naman silang kustomer na gustong pakyawin ang lahat ng bulaklak na paninda nila. Sana lang. Malaking tulong din kasi iyon sa kita nila. Nang nasa loob na siya ay bumungad sa kanyang mga paningin si Benjie kasama ang isang pamilyar na lalaki. Tantiya niya nasa mid 40's na ito pero halata pa rin ang angkin nitong kapogian. "Sir Benjie, kayo pala. Kumusta po?" Ang bati niya rito. Binati rin niya iyong lalaking kasama nito na pamilyar sa kanya. Inihayag kaagad ni Benjie ang pakay nila. Gusto siyang makausap ng kasama nitong si Hernan Morales. May ilang detalye at impormasyon lang sila na gustong malaman mula sa binata. Pumayag naman si John. Lumabas na muna sina Benjie, Shawie at Fred upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-usap. "Ako nga pala si Hernan Morales, iho"Ang pagpapakilala ng Ginoo. Naalala ni John na ang lalaking nasa harap niya ay Tiyuhin ni Benjie na nakabungguan niya isang gabi nang nasa resort sila para sa isang wedding event ng anak nito. "Naalala ko po kayo!" Ang tugon naman ni John. Ngumiti siya sa lalaki at deretsahang tinanong tungkol sa pakay nito sa kanya. Nakita niyang may kinuha ang lalaki sa loob ng bulsa nito sa pantalon. Nanlaki naman ang mga mata ni John nang makitang hawak ng kaharap niya ang kwintas na bigay sa kanya ng kanyang yumaong inang naiwala niya. "Kilala mo ba ang kwintas na 'to? Si Hernan habang ginuri-guri ang hawak nitong kwentas sa kanang mga daliri. "Opo, Sir. Akin po iyan. Hindi ko po alam na kayo pala ang nakakita niyan, naiwala ko kasi!" Ang inosente naman niyang tugon. "Saan mo nakuha ito?" "Bigay po ng Mama ko bago siya namatay. Sabi niya bigay daw yan ng ama ko sa kanya bago siya pumunta ng Amerika at nangakong babalikan niya kami pero hindi naman iyon nangyari. Iniwan niya ang mama ko habang nasa sinapupunan pa lang ako!" Hindi napigilan ni John ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata. Bigla naman kasing nanumbalik ang isang mapait na alaala na matagal din niyang ninais na makalimutan. "Kung ganoon, wala na pala si Hilda?" Ang tanong ni Hernan sa nag-cracked nitong boses. Sigurado na siyang ang binatang nasa harapan niya ay ang anak niyang iniwan niya noon kay Hilda. Pero mukhang ibang bersiyon yata ng kwento ang alam ng binata. "Kilala niyo po ang Mama ko?"Gulat ding tanong ni John kay Hernan. Sa halip na sagutin ay naramdaman na lamang ni John ang paglingkis ng mga malalaking bisig ng lalaki sa kanyang katawan. Nagtaka man ngunit kanya iyong hinayaan. "Ako ang Daddy mo, anak. Alam kong isang napakahabang kwento pero sana bukas ang iyong isip at puso na makinig sa mga sasabihin ko" Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa lalaki. Tinignan niya ito nang mariin. Sinusuri kung gaano ito katotoo sa mga sinasabi. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa lalaking kaharap niyang nagpakilalang ama niya. Dapat ba siyang magalak o kahumian ito nang tuluyan sapagkat nagawa nitong talikuran sila ng kanyang ina. Namatay ang mama niyang mag-isa siyang ginapang sa hirap. Nasaan siya sa mga panahong kailangan nila ang isang tulong ng isang padre de pamilya.? Anong silbi pa nang muling pagsulpot nito sa buhay niya gayung hindi na nito kayang ibalik ang buhay ng nasira niyang ina? Wala man ni isang salitang namutawi sa kanyang bibig pero sapat na ang mga luhang pinakawalan ni John upang ipadama sa ama kung gaano kahirap sa isang tulad niya ang lumaking walang kinilalang amang gagabay sana sa kanya. Magtatanggol sa pang-aabuso at pang-aalipusta ng mga taong walang ibang ginawa kundi ang pagsamantalahan ang kahinaan niya. Gusto sana niyang umalis na lamang doon ngunit parang may pumipigil sa kanyang ihakbang ang kanyang mga paa palayo. "Wala akong balak na talikuran kayo noon..!" Ang pagsisimula ni Hernan. "...Mahirap din para sa aking iwan kayo pero kailangan ko iyong gawin para sa kinabukasan ninyo ng mama mo!" "Pero anong ginawa n'yo? Pinaasa mo si Mama na ika'y babalik pero nasaan ka? Hindi mo tinupad ang iyong pangako. Hindi mo siya pinandigan. Hinayaan mo siyang mag-isang pasanin ang lahat ng hirap. Pinili mong mag-aral sa ibang bansa alinsunod sa kagustuhan ng iyong mga magulang. Ayos lang naman iyon e, pero sana binalikan mo kami. Hindi mo alam kung paano kami naghirap. Inalipusta at minaliit. Hindi ninyo alam kung gaano kahirap ang pumasok sa eskwela na lugaw lang ang laman ng tiyan buong maghapon. Walang baon kahit isang sentimo. Tanging pangarap lang namin ang aming kinakapitan na sa kabila ng paghihirap namin ni mama umaasa pa rin ako na balang-araw makakaahon din kami sa hirap. At kapag darating ang panahon na magkrus ang ating landas maipakita ko sa inyo na kinaya ko ang ang lahat kahit na walang ama ang nagtaguyod sa akin!" "Bagama't iniwan ko kayo pero binalikan ko kayo noon. Pero hindi ko na kayo natagpuan. Kaya nagpasya akong bumalik na lamang ng Amerika para ipagpatuloy ang aking nasimulan at kapag nagkaroon na ako ng sapat na ipon ay saka ko kayo hahanapin!" "Bakit kailangan n'yo pang makaipon diba nga mayaman kayo? Kung tutuusin barya lang sa inyo ang perang pamasahe papuntang Mindanao para hanapin kami!" "Mga magulang ko lang ang mayaman at hindi ako. Wala pa akong natapos nang mabuntis ko ag mama mo, anak. Ayaw ng mga magulang ko sa mama mo dahil katulong lang namin siya. Ngunit para sa akin hindi ang estado ng buhay ang magiging basehan sa pagpili ng iibigin ngunit tutol doon ang ama at ina ko. Sapilitan nila kaming pinaghihiwalay ngunit hindi ako bumitiw sa mama mo. Alam niya kung paano ko siya pinaglalaban. Binantaan ako ni Papa na wala akong makukuha ni isang kusing na mana kung patuloy ko silang susuwayin pero hindi ako nagpatinag. Kasabay ng pagpili ko kay Hilda ay siya ring pagtanggal sa akin ng karapatang maging bahagi ng pamilyang kinalakhan ko. Naranasan ko ang maging kargador,dispatser ng dyip at tindero ng balot para lang maitaguyod ko kayo. Ni isang kamag-anak ay wala akong nilapitan para mahingan ng tulong dahil alam kong galit silang lahat sa akin. Hindi ako sanay sa hirap sapagkat lumaki ako sa kasaganaan pero tiniis kong lahat ng iyon para lang maipakita sa mama mo kung gaano ko siya kamahal. Hanggang sa naging driver ako ng isang mayamang mag-asawa na walang anak at dahil sa naawa sila sa kalagayan ko inalok nila ako na mag-trabaho sa Amerika at pwede ko rin daw ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Siyempre natuwa ako dahil iyon na ang sagot sa mga dasal ko na maiahon ko kayo sa hirap. Napagkasunduan namin ng mama mo na makalipas ang dalawang taon ay babalik ako ng Pilipinas upang kunin kayo pero hindi nangyari iyon dahil naaksidente ako at na-coma. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko natupad ang pinangako sa mama mo na babalikan ko kayo. Hindi ko alam kong bakit medyo iba ang naikwento niya sa iyo pero naintindihan ko naman iyon. Marahil nasaktan siya nang husto sa pag-akalang tinalukaran ko na kayo nang tuluyan!" Natagpuan na lamang ng binata na magkayakap na sila ng kanyang ama. Kapwa sila luhaan ngunit bakas naman ang matinding saya dahil sa wakas nagkita na rin sila. Hindi man naidetalye nang maayos ng mama niya ang totoong kaganapan noon pero naintindihan naman niya iyon. Kung nasaan man ang Mama niya ngayon alam ni John na masaya ito dahil sa wakas nagtagpuan at nakilala na rin niya ang kanyang ama. Gusto ng ama ni John na sa Amerika na niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral ngunit tumanggi siya. Sayang naman daw ang scholarship niya at paniguradong mag-aadjust na naman siya roon kaya pinili na lamang niyang manatili sa Pilipinas. Pero ang talagang dahilan ng lahat ay si Jonard. Ewan ba niya, sobrang tigas lang ng kanyang puso na kahit makailang ulit na siyang pinagtabuyan ni Jonard ay patuloy pa ring umaasa ang kanyang puso na balang araw ay muli rin siyang matatanggap nito. Hanggang isang araw lumabas ang balitang engaged na si Jonard sa isang anak ng MMDA Chairman, walang iba kundi si Lesly. Hindi makapaniwala si John habang binabasa niya ang balitang iyon sa frontpage ng isang pahayagan. Parang dinig pa niya ang malalakas na tawa at halakhak ng babae at sinasabi nito na sa wakas siya rin ang nakaangkin sa lalaking mahal nilang pareho. Napasandal si John sa sementong dingding ng bago niyang kwarto. Dahan-dahan siyang dumausdus habang tigib sa luha ang mga mata at pinagpupunit ng dahan-dahan ang hawak nitong diyaryo. Tuluyan nang naglaho ang posibilidad na magkabalikan pa sila ng binata. Engaged na kasi ito at sa susunod na taon ang magiging kasal nila. Naisip niyang napaka-unfair naman ng buhay. Heto ngayon siya sa isang sulok halos mamamatay na sa sobrang kalungkutan samantalang ang isang iyon, balewala lang ang lahat. Kaya nabuo sa isip niya ang isang pasya. Hindi naging madali para kay Jonard ang naging desisyon niyang papatali kay Lesly. Pero iyon lamang ang tanging paraan niya upang maisalba ang pagkalugi ng kanilang kompanya. Alam niyang mahihirapan siyang ibangon iyon dahil halos wala ng natira pa sa kanila pero sa tulad niyang desperadong muling maibalik ang legacy ng kanilang pamilya gagawin niya ang lahat kahit anoman ang maging kapalit. Isa pa, iyon ang sa tingin niya ang dapat niyang gawin. Hindi man niya kayang sundin ang gusto ng mga yumao niyang mga magulang na maging pulitiko rin kagaya nila, pero sana man lang masunod niya ang mga nais ng mga iyon na maiwasto niya ang kanyang pagkatao. Tama sila, walang nagtatagal sa ganoong relasyon. Parang libog lang ang lahat na kapag lilipas ang kati ay wala na. Masakit man para sa kanya ang kinahihinatnan ng relasyon nila ni John ngunit wala na siyang ibang pwedeng gawin kundi ang tanggapin na hanggang doon na lamang sila. Isa si John na sa tingin niyang napapabilang sa mga nasa gitna na hindi nakukuntento sa iisa lang. Napakasakit noon para kay Jonard sapagkat inakala niya na ang taong minahal at pinaglalaban niya ay totoo sa kanya ngunit isa pa lang huwad. May pagkakataon pa rin namang nami-miss niya ang binata dahil hindi naman ganoon kadali ang paglimot pero kailangan niyang manindigan. Kailangan niyang isipin na sa kahuli-hulihang hininga ng kanyang mga magulang ay kapakanan pa rin niya ang iniisip nila. Kung hind nila nagawa ang pag-utos sa isang detective na manmanan si John sa mga kilos nito marahil nanatili pa rin siyang bulag sa katotohan. Iyon ang paniniwala niya. Tungkol naman sa mga sinabi niya kay John nang huli sila nitong magkita siyempre hindi iyon ang gusto niyang mangyaring alipustahin at hamakin ito. Pero ito lang ang sa tingin niyang paraan para tantanan na siya nito at upang ito ay makapag-move-on na. Ngayon kung tatanungin siyang may tiwala pa ba siya kay John? Wala na. Kung mahal pa niya ito? Hindi na siya sigurado. Umaasa siyang nakarating kay John ang balitang engage na sila ni Lesly nang saganun hindi na siya nito gagambalain. Lumipas ang anim na buwan ay wala na siyang narinig pa mula kay John. Maliban na lamang na nag-aaral pa rin ito sa pinapasukang university dahil minsan niya itong makita sa sakayan ng jeep nang siya'y napadaan doon at nakita niyang maaliwalas na ang itsura nito at mukhang nakapag-move-on na. Tungkol naman sa kanya, naging maayos naman ang samahan nila ni Lesly at sa tulong nito unti-unti na ring bumubuti ang lagay ng kanilang kompanya dahil napapayag niyang mag-invest ang ama nito sa kompanya nila. Marami na silang mga nahikayat na mga investors na mamuhunan sa kanila kaya nakikinita na niya ang muling paglago nito. Ngunit sa paglipas ng mga araw, habang nalalapit ang kanilang kasal ng dalaga ay napapansin niya na parang hindi ito mapakali. May kung anong bumabagabag dito na hindi niya alam dahil wala rin naman itong sinasabi sa kanya. Minsan nagigising na lamang siya nang madaling araw at naririnig niyang may kinakausap ito sa celphone. Pagkatapos ay nagpupuyos na lamang ito sa sobrang galit. Nang ito ay kanyang tanungin, mga taong walang magawa sa buhay na nambubulahaw ang lagi nitong isasagot. Nang una ay naniwala siya, pero nang naging madalas na ang pakikipag-usap niya sa misteryosong caller ay doon na siya kinutuban. Lalo na nang siya ang nakasagot sa tawag nito gamit ang kanilang landline sa bahay. Naging madalas na rin ang paglabas ni Leslie disoras ng gabi. Kung saan ito pumupunta, hindi niya alam. Hanggang isang araw habang nasa opisina sila ay naisipan niyang sundan si Lesly, mabilis kasi itong umalis matapos may kinausap sa celphone. Aniya, may isang kliyente lang daw na naghahanap sa kanya tungkol sa isa nitong projects na gagawin. Maingat si Jonard sa kanyang mga galaw habang sinusundan si Lesly. Ngayon na niya malalaman ang pinakatago-tago ng kanyang fiancé. Laking gulat niya nang makitang hindi ito pumasok sa kotse nito na nakapark sa parking lot, bagkus umikot ito sa likurang bahagi ng gusali. Mula sa mayayabong na halamang pinagtaguan ni Jonard ay tanaw niya si Lesly na sinalubong ng isang lalaki. Naka-shade ito kaya hindi niya iyon namumukhaan. Mukhang malayo namang kalaguyo iyon ng babae sapagkat halata sa itsura nito ang pandidiri sa kinakatagpo. Dagdagan pa ang pagtatalak nito na hindi niya mawari kung ano iyon kaya ang ginawa niya, dahan-dahan siyang lumapit para marinig ang pag-uusap nila. "Mabuti naman at madali naman pala kayong pakiusapan, Ma'am. Kung hindi sana ninyo ginawang hulugan ang bayad n'yo e di, sana hindi na tayo umabot pa sa ganito!" Ang nakangising wika ng lalaki habang pinitik-pitik pa nito ang hawak na tseke na bigay ni Lesly. "Sinabi ko naman sayong busy lang ako kaya medyo na delay ang bayad!" Ang nayayamot namang tugon ng babae. "Anong medyo delay? Talagang masyado nang delay. Mag-iisang taon na yata bago n'yo na-paid ang bayad n-yo sa amin. Ssabagay ayos na rin dahil binayaran n'yo na rin pati ang interes. Basta siguraduhin niyo lang na hindi ito tatalbog dahil kapagka talbog ang tsekeng ito tiyak malalaman ng mapapangasawa niyo ang lihim mo. Pasensyahan na lang tayo!" "Anong lihim iyon na hindi ko dapat malaman? May itinatago ka ba sa akin, Lesly?" Ang wika ni Jonard kasabay ng paglabas niya mula sa tinataguang halaman. Kita niya ang pamumutla ni Lesly na parang naagnas na bangkay. "W-wha are you doing here, Honey?" Ang pautal-utal nitong tanong sa kanya. "Sa tingin ko, ako ang dapat na magtanong niyan sa'yo. Anong ginagawa ninyo dito? May may mga bagay ba na kailangan kong malaman?" "Siyempre wala. Its all about business Honey, tara sa loob. Sige na, you can go now!" Si Lesly sabay baling doon sa lalaking nagulat din. "Talking about business should be done inside the office, coffeshop or in the restaurant, not in a place like this!" Ang sarkastikong wika Jonard. Alam niyang may mali lalo pa't kita niya ang pag-abot ni Lesly ng tseke doon sa lalaki. "Sige subukan mong umalis tingnan lang natin kung hindi sasabog iyang bungo mo!" Baling niya sa lalaki nang makita niyang papaalis na sana ito. Talagang tinutukan niya ito ng baril. Mula noong mamatay ang mga magulang niya ay lagi na siyang may dala-dalang baril para sa kanyang seguridad. Tumigil din naman ang lalaki. Nilapitan niya ito at doon niya ito namukhaan. "Honey, lets go, ano ba. Nagugutom na ako!" Si Leslie habang hinihila sa braso si Jonard. Sobrang nanginginig na ito sa maaring pagkaungkat sa isang lihim na pinakatago-tago niya. Ngunit hindi siya pinansin ni Jonard. "Namumukhaan kita ah. Ikaw 'yong nagpakilalang detective na inarkila ng mga magulang ko para manmanan ang dati kong kaibigan. Ikaw 'yong nag-abot sa akin ng mga pictures. "Honey, tara na. Huwag mo na siyang pansinin. May meeting pa tayo with the investors!" Ang pagsingit ulit ni Lesly. Binalingan siya ng binata. "Will you please shut up. Umalis kang mag-isa mo!" "Aba at sinisigaw-sigawan mo na ako!" Pabebeng pagtatampo nito ngunit deadma lang si Jonard kaya wala ng nagawa pa ang babae kundi ang manahimik sa isang sulok "Sir, relaks lang baka puputok ho iyang hawak nyo. May pamilya ho ako, Sir!" Ang pakiusap ng lalaki na halata ang pagkabahala sa hitsura nito "Talagang hindi ako magdadalawang isip na iputok ito kung hindi ka magsabi ng toto sa akin?" "Ano bang gusto nyong malaman?!" "Lahat ng pwede kong malaman, tang-ina!" Humugot ng malalim na hininga ang lalaki. Sumulyap sa napapailing na si Lesly saka tumingin ng deretso sa binata. "Hindi po totoong ang mga magulang ninyo ang nag-utos sa akin!"Panimula ng lalaki. "Kung hindi ang mga magulang ko, sino?" Napalunok ang lalaki saka bumaling ng tingin kay Lesly na noo'y nabura na ang make-up sa mukha sa pamamawis. Balisang-balisa na ito na para bang isang kriminal na naghihintay ng verdict sa judge. "Siya ba ang nag-utos sa'yo?" Itinuro niya si Lesly. "Hindi po kundi si Lando!" Para namang nakalagan si Leslie mula sa pagkakagapos ng hindi siya ang itinuro noong lalaki na may pakana ng lahat. Pakiramdam niya biglang nabunot ang lahat ng tinik na nakatusok sa kanyang dibdib. Iyong feeling na nakaligtas sa hatol na bitay. "Sabi ko naman sa'yo Honey eh!" Ang sigaw nito. "Pwede ba patapusin mo muna kami. Ano kung hindi ikaw 'yon, e sa kailangana ko pa ring malaman kung ano ang katotohanan!" Nagpatuloy ang lalaki. "Pinsan ko po si Lando. Alam ko po ang pagkatao niya. Mahal po niya si John at dahil sa matinding pagmamahal niya rito, sa tingin ko iyon ang nagtulak sa kanyang gawin ang mga bagay na ikasisira ng pamangkin niya sa iyo. Gaya ng sinabi ko, hindi po edited at fabricated iyong mga litrato at video. Totoong kuha po iyon kaso lingid iyon sa kaalaman ni John at hindi niya iyon kagustuhan. Nilalagyan po niya ng pampatulog ang ibinibigay niyang inumin kay John at kapag nakatulog na 'yong bata saka naman namin ginagawa ang plano. Ako po ang kumukuha ng mga litrato habang sinasamantala ni Lando ang pagkakataong tulog si John. At iyong nahuli n'yo po sila sa akto na may ginagawa sila sa mismong silid nyo, kagustuhan ho lahat iyon ni Lando. Wala pong kasalanan si John doon, Sir. Pinainom siya ni Lando ng isang uri ng drugs na pampaalsa ng gana, pampalibog at—" "—Tama na!" Sigaw ng nanginginig na si Jonard Mukhang hindi na niya makayanan ang mga rebelasyong kanyang narinig. Bigla siyang tumakbo nang mabilis palayo sa lugar na iyon. Wala siyang pakialam kung saan man siya dadalhin ng kanyang mga paa. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Lesly ngunit wala siyang balak na bumalik. Nagtuloy-tuloy siya hanggang sa makarating siya sa isang park. Biglang nanumbalik sa kanyang isip ang mga panahong halos lumuhod na sa harapan niya si John at nagkandapaos na humingi ng pagkakataon upang magkapagpaliwanag pero hindi niya ito pinagbigyan. Naging bingi siya sa mga naging paliwanag nito. Ahhhhhhh!! Napasigaw siya nang maalala niya ang kanyang sinabi na, "You're the biggest mistake I've ever done!" Tang-ina lang, ang pagluha niya ay sinasabayan na ng paghikbi. Parang hindi niya mapapatawad ang sarili sa ginawang p*******t niya sa kanyang mahal na naging biktima lang pala ng ibang taong walang ibang inisip kundi ang kanilang mga sarili. Oo, nasaktan man siya noon dahil hindi naman niya alam ang lahat pero alam niyang mas nasaktan nang husto si John dahil ang taong sana'y inaasahan nito na makinig sa kanya, na dapat sana'y papanig sa kanya at pinaniniwalaang nagmamahal sa kanya ay siya pa iyong kumutya, nang-alipusta at humusga sa pagkatao nito. Pakiramdam ni Jonard ay ang sama-sama niya Bakit hindi niya nagawang alamin na muna ang totoo bago siya magpasyang hiwalayan ang binata. Bakit naging maksaraili siya? Bakit? Bakit? Bakit? Anong mukha ang maihaharap niya ngayon kay John? Paano niya sa sasabihin sa binata na kahit anong pilit niyang paglimot at pagkamuhi rito, hindi niya maitatwang naroon at naroon pa rin ang binata sa puso niya, na siya pa rin ang mahal nito at wala ng iba. Ngunit paano? Paano niya magagawang papaniwalain si John na siya pa rin ang mahal niya gayung engaged na siya kay Lesly? Paano rin kong nagsimula ng mahulog sa iba si Tisoy niya? Ahh, parang hindi niya kaya!" Hindi na niya kayang ipagpabukas pa ang lahat. Kailangan niyang makita si John para makausap ito ora mismo. Kung kailangan niyang lumuhod ay gagawin niya mapatawad lang siya nito. Hindi man ganoon kadali ang pagpapatawad dahil alam niya kung gaano niya nasaktan ito pero handa siyang maghintay kung kelan niya iyon ibibigay. Sa ngayon iyon na muna ang dapat niyang gawin, ang humingi ng kapatawaran. Sa tulad nitong nasaktan, iniwan, hinamak, inalipusta at minaliit alam niyang malabong siya'y tanggapin nito muli lalo pa't malapit na siyang ikasal. Tahimik ang bahay nina John nang siya ay makarating ngunit nagbabasakali pa rin siyang nandoon lang ito dahil sarado ang flowershop nang kanyang pinuntahan. Nakatatlong katok din siya bago niya narinig ang mga yabag palapit sa pintuan. Hindi pa man niya nakaharap ang binata ay parang nauutal na siya. Hindi niya alam kung paano simulan ang sasabihin. "J-Jonard?" Medyo nadismaya siya nang si Fred ang nakita niyang nagbukas ng pintuan. Pumasok din naman siya agad kahit pa hindi siya pinapapasok ni Fred. "Andito ba si Tisoy?" "At bakit mo siya hinahanap. Anong kailangan mo sa kaibigan ko? Matapos mo siyang hamakin, maliitin at pagsalitaan ng hindi maganda ay may gana ka pa ngayong hanapin siya?" Galit na naiusal ni Fred sa kanya ngunit naiintindihan naman niya iyon. "Iyon nga ang sadya ko e, gusto ko siyang makita at makausap para humingi ng patawad. Alam ko na ang lahat Fred. Alam kong wala siyang kasalanan at na set-up lamang siya!" "Hay naku, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Kung sana pinagbigyan mo muna noon ng pagkakataon ang kaibigan kong mag-explain bago ka nagtatatalak at inalam mo muna kung ano ang totoo e di sana'y hindi na humantong pa sa ganito!" "Alam kong malaki ang pagkakamali ko sa biglaan kong panghuhusga sa kanya noon kay pumarito ako para humingi ng tawad. Nasaan ba siya, Fred?" "At pagkatapos ano? Makipagbalikan ka sa kanya? No way Jonard, alam kong engaged ka na sa bruhang babaeng iyon. Kaya please lang huwag mo ng guluhin pa ang pananahimik ni Tisoy!" "Ang gusto ko lang naman Fred ay makausap siya at nang makahingi ng patawad. Iyon lang muna ang sa tingin kong dapat kong gawin kaya nakikiusap ako!" Lumuluha na si Jonard. Desperado na siyang muling makita ang binata. "Gusto mo ba talaga siyang makita?" Si Fred. Nagsisimula na naman ang kapilyohan sa kanyang isip. Tumango lang si Jonard. "Lahat ng ipagawa ko gagawin mo ba kapalit ng impormasyon kung nasaan si Tisoy?" "Kahit ano Fred!" Natunugan niya ang binabalak na kapilyohan ni Fred ngunit nakahanda siyang sakyan iyon para lang malaman kung nasaan si John. "Hmm, ang gusto ko e, angkinin mo ako, tikman, pagsawaan hanggang sa mapunit ang puri ko na matagal ko na ring pinakakaingatan!" "Ano? May puri ka pa ba sa lagay na 'yan?" Hindi niya alam kung siya ba ay matatawa o mainis sa gustong mangyari ni Fred. Napakaseryoso ng kanilang usapan ay kung bakit bigla na lamang itong inilihis. Baka naman may sayad na ito o ganoon lang talaga ang kadalasang nangyayari sa mga beking tigang. "Ay, huwag. Joke lang po!" Ang sigaw naman ni Fred nang kunawaring kanya na itong gagahasain pero siyempre joke lang din iyon. Hindi pa siya nasisiraan para patulan si Fred. "Kahit sobrang tigang ko na, mas gugustuhin ko pang magpakangkang sa isang magtataho kaysa sa taluhin ang kaibigan ko kaya no way!" At talagang tinakpan pa nito ang kanyang katawan gamit ang kanyang braso na para bang nagsusumamo na huwag galawin. "Fred, please, seryoso ako, nasaan ba talaga si Tisoy!" Si Jonard na pinipigilang hindi matawa sa itsura ni Fred para lang maipakita na talagang seryoso siya. "Okey sasabihin ko na. Pasalamat ka at gwapo ka!"Aba at talagang naglalandi pa itong si Fred. "Nasa airport siya Jonard!" "Airport? Bakit? Anong gagawin niya roon?" "Tange, e di sasakay ng eroplano. Hindi naman siguro pagpapaparlor ang ipinunta niya roon no, kaloka ka!" "Alam ko pero saan siya pupunta?" "Basta puntahan mo na siya at baka hindi mo na siya maabutan pa, gorabels na!" At iyon nga ang ginawa ng binata. Halos paliparin na niya ang kotse papuntang airport, umaasang maabutan pa niya si Tisoy. Kailangan niya makita ito para makahingi ng tawad, Iyon na muna ang sa tingin niyang dapat gawin. Dinadalangin niya na sana maging positibo ang lahat. Sana lang din maabutan pa niya ang binata. Nang makarating na siya ay lakad takbo siyang pumasok sa loob. Mabilis ang mga mata niyang nagpalinga-linga sa buong paligid. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat pasaherong nakakasalubong niya baka isa si John sa mga iyon. Halos masuyod na niya ang buong departure area ay hindi pa rin niya natagpuan ang binata kahit na anino nito. "Tisoy nasaan ka ba, magpakita ka na please!"Ang laging usal niya sa garalgal nitong boses habang walang tigil sa paghanap sa binata. Kagat pa niya ang kanyang labi habang lihim na nagdadasal na makita niya si John ngunit tila naging bingi na ang langit para dinggin ang kanyang munting panalangin. "Anak ayos ka lang ba?" Ang tanong ng Daddy ni John nang mapansin ang pananahimik niy. Hindi kasi maitatwa ng binata na nami-mimiss niya ang kanyang ina at mga kaibigan lalo na sina Fred at Shawie sa kanyang pag-alis papuntang Amerika upang doon na mag-aral. Natanggal kasi siya sa scholarship sa kadahilanang hindi niya alam kaya napapayag na siya ng kanyang ama sa gusto nito. Ngunit mas mabuti na rin na magpakalayo-layo na muna siya para mahanap niya ang kanyang sarili. Mabuo niya ulit ang nagkadurug-durog niyang puso at pagkatao nang saganun isisilang muli ang isang bagong siya. Isang John na pwede ng ipagmalaki ng lahat. Hindi na iyong basta na lamang tatapak-tapakan at maliitin. "Nami-miss ko lang si Mama. Kung sana buhay pa siya ngayon tiyak na maging masaya na ulit ang pamilya natin!" "Ako man ay nanghihinayang rin na wala na ang mama mo nang ika'y matagpuan ko pero alam kong masaya na rin siya kung saan man siya ngayon na buo na ulit tayo, anak!" Tinapik nito ang balikat niya at tumayo na sila nang marinig na tinatawag na ang mga pasahero para sa flight na iyon. Nang sinimulan na nilang maglakad ay siya namang pagdating ni Jonard sa kanilang kinaroroonan kanina lang ngunit hindi rin sila nagkita nito sapagkat nakaharap sa kanan si Jonard at si John nama'y deretso lang ng tingin. Hay! Halos magdalawang oras nang paikot-ikot si Jonard sa buong paliparan ngunit bigo pa rin siyang makita si John. Laglag ang balikat niya nang bumalik sa loob ng kanyang kotse. Luhaan niyang pinatakbo iyon na hindi alam kung saan magtungo. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili sa isang parke kung saan una siyang dinala ng binata upang ipatikim ang iba't-ibang uri ng street foods. Napangiti siya nang maalala ang sandaling iyon. Sana naging ganoon na lang lagi. Puro kasiyahan at pagmamahalan ang kanilang naihahabi. Nagawa man niyang kamuhian nang husto ang binata dahil sa isang maling pag-aakusa ngunit hindi niya kailanman nabura ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi kailanman natunaw ng poot ang pag-ibig niya rito. Natabunan lamang iyon ng sama ng loob at labis na paghihinagpis. Tao lang din kasi siya, sino ba ang matutuwa pag nakita mong may kinakalantaring iba ang taong pinagkakatiwalaan at minahal mo sa kasagsagan pa man din ng pagdadalamhati sa pagkasawi ng iyong mga magulang? Nagpasya siyang magbar para kahit papaano maibsan nang kaunti ang bigat na dinadala niya sa pamamagitan ng alak. Madaling araw na nang siya'y nakauwi ng bahay. Agad siyang humiga sa kama at nakatulog na hindi man lang nakapagpalit ng damit. Ginising siya ng p*******t ng kanyang ulo bandang alas diyes ng umaga. Pilit siyang bumangon at nagtungo sa kusina para uminom ng malamig na tubig. "Mabuti naman at nagising ka na, anak. Maagang nagpunta rito kanina si Lesly, nagtatanong kung bakit bigla ka na lamang daw umalis ng opisina kahapon at hindi na nakabalik!" Bungad sa kanya ni Manang Laura habang nagluluto ito sa kusina. "Yaan nyo siya!"Ang malamlam naman niyang sagot sabay upo sa mesa at tinungga ang isang basong malamig na tubig. "May tampuhan ba kayo?" Umiling siya. Dumako ang tingin niya sa newspaper na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Ugali niya kasi ang magbasa ng diyaryo tuwing umaga kaya araw-araw itong nakahain sa mesa kasama ng nga pagkaing ipinaghahanda sa kanya. Ayaw niya sanang damputin iyon dahil sa wala siya sa tamang huwisyong magbasa. Lumilipad kasi ang isip niya sa kawalan ngunit nang mahagip ng tingin niya ang headline, PLANE EXPLODED BEFORE IT LANDS LA AIRPORT TODAY story on page 3, ay biglang napukaw ang interes niya na basahin iyon. Hindi niya alam pero biglang lumakas ang t***k ng kanyang dibdib habang binabasa ang balitang iyon. Habang nagpatuloy siya sa pagbabasa, umuusal naman ng isang dalangin ang kanyang utak na sana lang mali ang kutob niya. Iniisa-isa niyang basahin ang mga nakalista ng mga namatay lulan ng naturang eroplano. Xian Anderson.. Peter Paul Smith.. Leila Pangapat... Tambol na sa lakas ang pintig ng puso niya na para bang ikabibingi na niya. Marian Defensor-Rivera Harry Mckinzie Hernan Morales ... ... John Crisostomo "God! Hindi!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD