Chapter 17

3856 Words
JOHN CRISOSTOMO, iyon ang nabasa niya sa pinakadulong listahan ng mga nasawing sakay ng eroplanong iyon. Binasa pa niya iyon ng makailang ulit baka kasi namamalik-mata lang siya ngunit talagang iyon ang nakasulat doon. Totoo, wala na nga si John, patay na ang mahal niya. "God. Hindi!" Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mesa at ang dalawang kamay niya ay ipinansuntok niya sa ibabaw noon. Parang nahihirapan siyang i-absorb ang lahat. Hindi siya makapaniwalang wala na si Tisoy niya na hindi man lang niya ito nakita sa huling pagkakataon upang sanay makahingi ng tawad at masabing mahal na mahal pa niya ito. "Diyos ko ano bang nangyari sa'yo bata ka!" Natarantang lumapit sa kanya si Manang Laura. Pansamantala nitong iniwan ang niluluto para malaman kung anong nangyari sa kanya at basta na lamang itong nagwawala. Hindi niya pinansin ang matanda. Agad siyang pumasok sa kanyang silid at ini-lock iyon. Gusto niyang doon ibuhos ang lahat ng bigat na kanyang dinadala. Ayaw niyang pagambala kaya kahit makailang ulit ng kinakatok siya ni Manang Laura. Pakiramdam niya'y gusto na rin niyang mamatay. Para ano pa ang manatili sa mundo kung ang kaisa-isang taong mahal niya ay kinuha na nang tuluyan sa kanya? Para ano pa ang mabuhay kung puno naman ng sakit, panghihinayang at pagsisisi ang nalalabing sandali niya sa mundo? Kung hindi sana siya agad nagpaniwala sa mga maling ebidensiyang nakita niya. Kung hindi lang sana siya nagiging bobo at tanga. Kung nagawa lang sana niyang pakinggan ang mga paliwanag ni John. Kung mas pinakinggan lang sana niya ang bulong ng kanyang puso, hindi iyong kung ano ang nakita ng kanyang mga mata. Malayong mangyaring aalis si John at tiyak niyang hanggang ngayon ay makikita pa rin niya ito, mahahawakan at makakausap. Ganoon ang takbo ng isip niya habang paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ng binata kasabay ng mga luhang nagbagsakan mula sa kanyang mga mata. Sandali niyang nakatulugan ang pag-iyak. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, ganoon pa rin ang ayos niya. Hindi na niya alam kung ilang oras siyang nakatulog at gaano na siya katagal na nakahalukipkip sa isang sulok habang pinagmamasdan ang nag-iisang litrato nila ni John na kuha noong unang monthsary nila. Alam niyang matagal na rin siyang umiiyak ay kung bakit sa oras na iyon ay tigib pa rin sa luha ang kanyang mga mata. Narinig niyang may kumatok muli ngunit gaya ng mga nauna, wala siyang balak na pagbuksan iyon. "Honey, kindly open the door please!" Boses ni Lesly ang kanyang naulinagan. Halos gibain na lang nito ang pinto para lang makapasok. "Kahapon ka pa raw nagkakaganyan, what's the problem, Honey?" Tila blangko na ang pag-iisip niya. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pagbukas ng pinto kasabay ng pagbukas ng ilaw. Nanatili pa rin siya sa isang sulok. Nakapatong ang ulo niya sa kanyang dalawang pinagdikit na mga tuhod. Kung paano nabuksan ang pinto, hindi na niya alam. Naramdaman niya ang malalambot na mga bisig ng babaeng yumakap sa kanya. Inulan siya nito ng mga katanungan kung ano ang nangyayari sa kanya ngunit wala siyang sagot kahit ni isa. Parang hindi niya kayang banggitin ang naging dahilan ng pagiging ganoon niya. Iyon bang parang takot siya o hindi lang niya matanggap na wala na ang taong tanging itinitibok ng kanyang puso. Napagod din si Lesly sa kasasalita dahil hindi niya iyon nagawang pansinin. Nakita niyang tumayo ito at inayos ang kanyang kama. Doon na rin niya napansin ang magulong kwarto niyang daig pa ang dinaanan ng bagyo. Nagkalat ang lahat ng kanyang mga gamit. "Siguro naman nagugutom ka na kaya tara na sa kusina, Honey!" Kahapon pa nga siyang hindi kumakain ngunit parang hindi naman siya nagugutom at hindi rin siya nauuhaw. Hinila siya ni Lesly ngunit nagmatigas siya kaya hindi na siya nito napilit at lumabas ito ng silid nang mag-isa. Ngunit bumalik rin ito ng ilang sandali na may dalang tray ng pagkain. "Open your mouth, Honey!" Si Lisley habang sinusubuan siya nito na parang bata ngunit hindi niya binubuka ang kanyang bibig. Halatang sinusubok na ang pasensiya ng babae sa pagmamatigas niya ngunit naging matiyaga pa rin ito sa pagsubo sa kanya ngunit gaya ng nauna hindi pa rin niya binubuka ang kanyang bibig. Hanggang sa napikon na rin siya. "Hindi ba obvious na wala akong ganang kumain. Bakit ka ba namimilit? Kakain ako sa gusto ko at wala kang pakialam kung mamatay man ako sa gutom!" Ang sigaw niya sabay balibag ng tray ng pagkain sa kanyang harap. Kumalat sa sahig ang kanin at ulam pati na ang nabasag na plato. "Ano bang dahilan ng pagiging ganyan mo? Kahapon ka pa raw ganyan. Nag-aalala na kami sa iyo, Jonard. Fiancé mo ako kaya may karapatan akong pakialaman ka!" Ang palaban ding tinuran ni Leslie. "Gusto mo bang malaman kung bakit? Ayan, basahin mo. Tingnan mo!" Dinampot niya ang diyaryo at inihagis nito sa harap ni Lesly. Kunot-noo lang na tinitigan iyon ng babae. "W-wala na ang taong hinusgahan, minaliit, at aking inalipusta. Wala na ang taong halos lumuhod na sa harap ko para lang mapakinggan ang pagpapaliwanag niya ngunit hindi ko man lang nagawang pagbigyan. Wala na siya. Wala na siya, ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng dalisay at tapat. Wala na si John. Tuluyan na siyang nawala sa akin. O ano masaya ka na? Masaya na kayong lahat?" Dahan-dahan siyang napaupo muli at naisandal niya ang kanyang katawan sa gilid ng kama. Sobrang sakit lang na sabihing wala na ang taong minahal niya. Nagsimulang nagsipabagsakan muli ang kanyang mga luha. "Wala na si John Lesly. Isa siya sa mga namatay sa plane crush!" Ang usal niya habang walang tigil sa paghikbi habang kagat-kagat niya ang kanyang hintuturo. Sa ayos na iyon ng binata, para siyang isang batang paslit na hindi isinama ng Nanay sa isang lakad. "Im sorry, Honey. Hindi ko alam. I admit, galit ako sa John na iyon dahil karibal ko siya pero sa nalaman ko ngayon, I felt mercy on him. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya!" Ang sabi lang nito sabay yakap sa kanya. "Ano bang pwede kong gawin para kahit papano maibsan ang dinadala mo? Masakit rin sa akin na makitang nagkakaganyan ka. It only proves that you still love him eventhough we are about to get married. But its okey, Honey, I understand!" Naiiyak na rin si Lesly. Nasasaktan din kasi siya. Ang lalaking magiging asawa na niya ay hanggang ngayon may mahal pa ring iba at ang masakit ay doon pa sa dating lalaki niya. "Just leave me alone, you can help me in that way!" Simpleng saad ni Jonard. Kumalas si Lesly sa pagkakayakap nito sa kanya. Tumayo ito at pinahid ang mga butil ng luha sa mga mata. "Okey I"ll do it for you. Sa ngayon hahayaan na muna kitang mag-isa. Masakit man sa akin ang makita kang ganyan dahil sa mahal kita but I will respect your privacy. Tandaan mo Jonard nandito lang ako parati sa tabi mo. Hindi man naging maganda ang simula natin pero gusto kong patunayan sa'yong deserving ako na ako ang pinili mo!" Narinig na lamang niya ang pagsara ng pinto. Nag-iisa na muli siya sa apat ng sulok ng kanyang kwarto. Hindi niya alam, pero parang inuusig siya ng kanyang konsensya. Iniisip niyang siya ang dahilang ng pagkamatay ni John. Ganito marahil ang naramdaman ni John noong tinalikuran niya ito at mas masakit ang naging balik nito sa kanya ngayon dahil hindi na niya kailanman makikita pa ang binatang minahal niya. Parang nawala na ang lahat sa kanya. Heto siya buhay pero daig pa niya ang isang patay. Sa bawat paglikwad ng mga araw, laging ganoon na ang ayos ng binata. Madalas na ang pagkukulong niya sa kwarto. Kung gaano kasakit sa kanya ang pagpanaw ng kanyang mga magulang ay triple ngayong ang naramdaman niyang sakit sa pagkawala ni John. Sobrang sakit lang talaga sapagkat kalakip noon pang-uusig ng kanyang konsensiya. Pati sarili ay napabayaan na niya. Hindi na rin siya pumapasok sa trabaho. Nawala na sa isip niya ang tagilid na status ng kompanya nila. Sa pagkasawi ni Tisoy, tumigil na sa pag-ikot ang mundo niya. Kahit anong pakiusap ng mga taong malapit sa kanya, nina Manang Laura na yaya niya, ng dalawang kapatid niyang mga babae at ni Lesly ay hindi niya iyon naipapasok sa kanyang isip. May mga gabing nagigising na lamang si Jonard na parang paranoid at isinisigaw ang pangalan ni Tisoy. "Tisoy!" "Tisoy, huwag mo akong iwan. M-mahal na m-mahal kita!" "Tisoy!" "P-patawarin mo ako!" "Tisooyyyyyyy, baby ko!" Nagising siya bigla. Hinihingal at pawisan ang buo niyang katawan. May ilang gabi na ring ganitong nagigising siya sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog. Bumangon siya. Tinungo niya ang mini ref. Sa halip na tubig, pinili niyang beer ang inumin. Hinawi niya ang kurtina sa bintana at binuksan iyon. Natanaw niya ang bilugang buwan at mga bituing nagkikislapan sa kalangitan. Kung gaano man iyon kaliwanag, taliwas iyon sa kanyang buhay. Sobrang dilim lang na para bang nasa loob siya ng bartolina. Dilat man ang kanyang mga mata ngunit tanging madilim na paligid ang kanyang naaaninag. Naubos na niya ang isang can ng beer. Kumuha pa siya ng isa pa, hanggang sa naging dalawa na umabot pa ng lima. Nakaramdam na siya ng pagkahilo. Umupo siya sa kanyang kama. Dinampot niya ang remote ng kanyang component, ini-on niya iyon. Pumailanlang ang isang kanta. Wala siyang balak na makinig sa kantang iyon ay kung bakit hindi niya magawang ito'y i-off. EVERYTIME I TRY TO FLY I FALL WITHOUT MY WINGS I FEEL SO SMALL I GUESS I NEED YOU BABY Natuon ang isip niya sa lyrics ng kanta. Kung siya man ang pinatatamaan noon, sapol na sapol siya. Sinubukan din naman niyang bumangon para maipagpatuloy ang buhay niya ngunit parang may mga tanikalang nakagapos sa kanyang mga paa na tanging si John lamang ang pwedeng makakapagpalaya nito. AND EVERYTIME I SEE YOU IN MY DREAM I SEE YOUR FACE, IT'S HAUNTING ME I GUESS I NEED YOU BABY. Sa bawat paglikwad ng panahon, walang oras na hindi sumasagi sa isip niya ang mga matatamis na ngiti at malulutong na tawa ng binata noong kapaling pa niya ito. Pati sa mga panaginip niya ay laging naroon pa rin ang binata. I MAKE BELIEVE THAT YOU ARE HERE IT'S THE ONLY WAY I SEE CLEAR WHAT HAVE I DONE YOU SEEM TO MOVE UNEASY Isang kahibangan mang maituturing ang paniwalain ang kanyang sariling naroon lang ang binata, totoo at buhay na buhay ngunit iyon lang ang sa tingin niya ang nakapagpapagaan ng kalooban niya. I MAY HAVE MADE IT RAIN PLEASE FORGIVE ME MY WEAKNESS CAUSED YOU PAIN AND THIS SONG'S MY SORRY Inaamin niyang kasalanan niya ang lahat. Hindi na kinakailangang pang isa-isahin ang mga iyon. Dinadalangin niya na sana'y maihatid ng hangin ang paghingi niya ng kapatawaran sa kung saan man nakahimlay ng mapayapa ang mahal niya At night I pray That soon your face Will fade away Yumuko siya. Nakatutok ang mga paningin niya sa hawak niyang lata ng beer. Dahan-dahan niyang pinilipit iyon. Kasabay ng pagtilamsik ng natirang laman ay siya ring pagbulwak ng kanyang mga luha. Alam niyang nagsisimula ng masira ang buhay niya at nawalan ng tamang direksyon. Ayaw niyang ganoon sapagkat alam niyang may mga tao ring umaasa sa kanya. Mga kapatid niya, kaibigan at lalo na si Lesly na bagama't hindi naman talaga niya ito mahal ngunitn naa-appreciate naman niya kung paano pinagsusumikan nitong makatamtan ang pag-ibig niya. Kaya naman dinadalangin niyang sana'y tuluyan na siyang makalalaya sa pagkakagapos kay John. Ngunit paano? Gusto ng kanyang katawan ngunit hindi ng kanyang puso at isip. Si John, lagi na lang si John. "Ahhhhhh!" Naibato niya ang ang hawak na lata ng beer sa labas ng bintana. Tumayo siya sabay hubad ng kanyang puting sando. Pumasok siya ng banyo. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Kay laki na nga ng ipinagbago ng kanyang itsura. Kailan nga ba ang huling nakita niya ang sarili sa salamin? Ah, hindi na niya maalala kung kailan pa iyon. Biglang rumehistro ang mukha ni John sa salamin. "Mahal na mahal kita Tisoy!" Usal niya na kasabay ng paghagulgol. Akmang hahaplusin niya ang mukha nito sa salamin ay siya namang paglaho nito bago bago pa man dumantay ang kanyang palad. "Huwag mo akong iwan, bhe. Kung maaari kunin mo na lang rin ako. Sasama ako sa'yo kahit saan man tayo magtungo. Bhe , baby kooo!" Pinagsusuntok niya ang salamin habang paulit-ulit na binibigkas ang salitang "Baby ko" sa ayos niyang iyon, para na siyang isang adik na isang buwan ng hindi naka-hithit ng droga. Basag ang salamin. Nagkalat ang maliliit at malalaking bubog sa lababo. Duguan ang mga kamao niya. Nahagip ng tingin niya ang isang malaking tipak ng salamin na may matulis na dulo. Pinulot niya iyon. Pinuno naman niya ng tubig ang bathtub. Inilublob niya ang katawan doon habang hawak ang isang tipak ng salamin. "Hintayin mo ako baby ko. Susunod na ako sa'yo!" Kasabay niyon ay ang pag-agos ng masaganang dugo sa kanyang pupulsuhan habang unti-unting nilalamon ng tubig na noo'y nagkukulay dugo na. Katahimikan. Kadiliman. Sobrang bigat lang ng kanyang katawan na hirap siyang igalaw iyon. Nakapikit siya ngunit gising ang kanyang diwa. May nauulinagan siyang mahinang paghikbi. Isa lang ang ibig sabihin nito, siya ay buhay pa, buhay na buhay. Nailigtas siya sa kapahamakan. Nagawa na rin niyang imulat ang ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang umiiyak na si Lesly katabi nito sa Manang Laura at ang mga ate niya. Hindi naman magkandaugaga sa labis na kasiyahan ang mga iyon nang makita siyang gumising na. Niyakap siya ng mahigpit ni Lesly. Ramdam niya ang buong pagmamahal nito sa kanya at na-apreciate niya iyon. "God ano ba tong nagawa ko?" Usal ng kanyang naisip nang maalalang tinangka niyang wakasan ang sariling buhay dahil sa matinding depresyon. Ngayon lang niya naisip na kung marahil natatanaw siya ni John at ng mga magulang niya sa kabilang buhay, alam niyang kinagalitan na siya ng mga iyon dagil paniguradong hindi nila nagustuhan ang kanyang ginawa. Lalo na ng kanyang ama at ina. Paano pag nawala pa siya? Paano na ang legacy ng kanilang pamilya? At si John, kahit na malaki ang pagkakasala niya roon ay alam niyang hindi rin nito magugustuhan ang ginawa niya. Ganoon ang takbo ng kanyang isip. Nahimasmasan rin siya mula sa pagiging tuliro hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling mahigpit na nakayap kay Lesly. Masuyo niya iyong hinalikan sa noo. Ngayon, kailangan na niyang ibangon ang sarili. Simulang ayusin ito at harapin ang bukas kasama ng mga taong nagmamahal sa kanya. Masyado ng nakakabakla ang kadramahan niya. Si John na bagama't naroon pa rin sa puso niya ngunit bahagi na lamang iyon ng isang masaya at malungkot niyang ala-ala. Limang taon ang nakalipas. Masayang sinalubong si Jonard ng kanyang financeé sa airport. Matapos ng mga nangyari noon ay hindi na muna itinuloy ng dalawa ang kanilang pagpapakasal dahil sa hindi pa tuluyang naghilom ang sugat na iniwan ng yumao niyang mahal. Kailangan niyang makalimot at buuin muli ang kanyang sarili. Pumunta siya ng Amerika para doon ipagpatuloy ang kanyang graduate studies. At doon nga ay tuluyan na niyanng tinalikuran ang nakaraan at nakahanda ng harapin ang kasalukuyan at ang bukas kasama ng babaeng napipintong maging katuwang niya sa buhay. Bumalik na ang dati niyang sigla. Mas lalo na siyang naging guwapo at mas gumanda pa lalo ang katawan niya na talaga namang inalagaan nang husto. Napakakisig lang tingnan. Lalaking-lalaki. Sinong mag-aakala na minsan rin siyang umibig sa kapwa niya Adan. Dahil hindi na rin lang si John ang nakatuluyan niya, isinumpa niyang hindi na muli siya iibig sa kapareho niya ng kasarian. Mas pipiliin niyang si Lesly ang makasama niya habang siya ay nabubuhay pa sa mundo. Alam niyang mahal na mahal siya ng babae. Kita niya kung ano ang mga ginawa nitong sakripisyo maiayos lang niya muli ang kanyang buhay. Sa tangin niya pwede naman sigurong pag-aralan ang pagmamahal at iyon nga ang ginawa niya. At ngayon, sa muling pagbabalik niya isa sa mga plano niya ang pagpapakasal nito. "Miss you so much, Honey!" Si Lesly sabay dampi ng halik sa kanyang mga labi. "Miss you too, Honey!"Tugon naman niya at sumakay na sila sa kotse nito. Dumeretso sila sa condo niya sa Makati upang doon mananghalian. Si Lesly mismo ang naghanda noon. Ibinibida kasi ng babae ang galing nito sa pagluluto na natutunan niya sa isang culinary school. Sinadya daw niyang mag-enroll para mapaghandaan ang pagiging maybahay niya. "Tuloy na ba talaga ang plano mong pagbenta sa flower farm ninyo sa Tagaytay?" Ang tanong sa kanya ni Lesly habang sila ay kumakain. "Napag-usapan na namin 'yan ng mga kapatid ko noong nasa States kami at pumayag na sila. Malaki rin ang maitutulong nito sa pagbili ng bagong expansion ng banana plantation sa Davao. Lumalakas na naman kasi ang demand ng banana industry abroad. So, I have to give up Tagaytay and have to focus on Davao which will eventually give us a higher earns!" Ang tugon naman niya. "Well, nice idea and my full support is yours Honey. Napaka-optimistic mo na ngayon ah!" "Thanks a lot, Honey. Gusto ko lang ibangon ang kompanyang pinaghirapan ng mga magulang ko" Muling naalala niya ang kanyang mga magulang. Hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang kaso ng pagkamatay ng mga ito. Ganito na talaga ang justice system ng Pilipinas, usad pagong. "How about politics?" "No honey, never in my dream. Sa sinabi ko na noon pa, mas pagtutuunan ko ng pansin ang kompanya" Iyon ang naging takbo ng kanilang usapan. Hanggang sa namahinga na si Jonard sa kanyang kwarto. Nagsimba na muna sina Jonard at Lesly bago makipagtagpo sa nasabing buyer ng flowerfarm. Matapos ang misa ay agad na nilang tinumbok ang daan tungo sa pinaghimpilan nila ng sasakyan. Ngunit biglang tumigil sa Lesly nang makita nito ang isang babeng manghuhula sa gilid ng daanan papasok ng simbahan. "Bakit Honey?" Tanong ni Jonard sa babae. "Parang gusto kong sumubok niyan" "Ang magpahula?" Kunot ang noo ni Jonard. "Nako-curious lang kasi ako. W-wala naman sigurong mawawala kung subukan!" Ang nakatawang si Lesly. At hinila siya ng katipan patungo sa kinaroroonan ng manghuhula. Napapailing na lamang na sumunod ang binata. Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa kukuti ng babae at naisipan nitong magpahula. Totoo ba talaga yun? "Boyfriend po ninyo, ma'am?" Bungad ng manghuhula kay Lesly. Nasa may gilid lang si Jonard, parang hindi interesado sa gagawing pagpapahula ng babae. Alam kasi niyang hindi naman makatotohanan ang mga hula-hula na iyan. "My husband sooner!" Ang sagot naman ni Lesly at kumapit pa talaga ito sa bisig ng binata. Pinasadan ng tingin ng manghuhula si Jonard. "Gwapo, swerte n'yo..." Kumento ng babae. Isa-isa nitong inilatag ang mga barahang hawak nito nang nakataob sa ibabaw ng maliit na mesa. "...Pili ho kayo ng isa!" Utos nito kay Lesly. Pagkapili ng dalaga ay iniabot niya ito sa manghuhula. "Hmm, isa kang palabang babae...." Simula nito. "...nakahanda kang gawin ang lahat masama man o mabuti para lang manatiling pag-aari mo ang isang bagay na hindi naman talaga nakalaan para sa iyo!"  "What?" Bulalas ni Lesly na napatingin kay Jonard saka sa babaeng nagbigay ng hula. "Iyon lang po ang nakikita ko, wala na pong sinasabi ang baraha!" "Yun lang? Wala na bang iba? I don't get it!" Nagsimula ng magtalak si Lesly. Hindi kasi siya nakuntento doon sa hula sa kanya. O hindi lang niya matanggap na may katotohanan din ang sinabi ng babae. Pinigil naman siya ng binata. "Diba sabi ko naman sa'yong walang katuturan ang mga hula-hula na yan?" "Bakit hindi mo subukan, Sir?" Baling ng manghuhula kay Jonard habang muling binabalasa ang mga baraha. "Pili ka ng isa!" "Salamat na lang, ho!" "Sige na pili na, walang mawawala kung iyong susubukan. Malay mo makakatulong pa ito sa'yo!" Hindi niya alam ngunit parang may bumubulong sa kanyang paunlakan ang sabi ng babae kaya pumili siya ng isa. "Hmmm, nakikita kong may magbabalik" "Magbabalik? Sino?" Ang tanong naman ni Jonard. Mukhang magkainteres siya bigla sa hula. "Ang wagas na pag-ibig kahit na ito ay limutin, pilit pa rin itong maghahari. Ngunit may hahadlang dito at dahil doon may dugo ang dadanak!" "Ano ho? Parang hindi naman iyon ang sagot sa tanong ko ah?" "Iyon lang ang pwede kong sabihin!" Nayayamot ang binata habang dindukot ang pitaka niya. Binigyan niya ng isang daan ang babae. At umalis na sila. Alam niyang hindi nama totoo ang mga hula. Pero hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng manghuhula kanina. Lalo nang sinabi nitong may magbabalik. Naguluhan tuloy siya. Ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pansin, para sa kanya tayo ang gumagawa sa sarili nating tadhana. Tayo ang may kontrol at magdedesisyon sa kung ano ang pwede nating gawin. Hindi natin ito pwedeng iasa sa mga bituin o sa mga baraha. Eksaktong alas-onse ng umaga nang makarating sila sa restaurant para katagpuin ang buyer ng flower farm. Doon na rin niya pipirmahan ang mga dokumentong nagsasalin sa bago nitong may-ari. "Kami yong nagpa-reserved ng exclusive room for 4!" Ang pahayag niya sa isang waiter. "Ah opo. Sumunod po kayo sa akin!" Ang tugon naman ng waiter at inihatid sila nito sa nasabing room na kanilang ipina-reserved. "Hon, talaga bang mahal mo na ako?" Isang hindi inaasahang tanong ni Lesly sa kanya habang hinihintay nila ang pagdating ng buyer at ng abogado nito. "Magpapakasal ba ako sa'yo kung hindi?" "Tha't not the answer that I am wanted to hear" Bumuntong-hininga si Jonard bago sumagot. "Siyempre, oo mahal na kita. Bakit ba bigla mong naitanong ang bagay na 'yan?" "Yung hula kasi kanina" "Yan nga bang sinasabi ko, e. Huwag mo ng intindihin 'yon. Hula lang naman kasi ang lahat. No one can predict of what will happen in the future. Kung ang bumabagabag sa'yo ay tungkol sa sinabi nitong may magbabalik. Then sino naman 'yon? John had passed away long time ago and I move-on. Ikaw na ang present and future ko kaya huwag na natin iyong pansinin. Wala namang nagbabalik na patay diba?" Ang sabi lang niya pero sa totoo lang kanina pa niya hindi maalis sa isip ang hula sa kanya. Iyon ang kanilang usapan nang dumating ang dalawang taong hinihintay niya. "Nandito na po ang hinihintay n'yo, Sir!" Ang sabi ng waiter habang nagbigay daan sa papasok na lalaki. Kapwa sila natigilan nang magtama ang kanilang mga paningin. Kilala niya ang taong iyon at alam niyang kilala rin siya nito. Pero bilang propesyunal, nagawa rin nilang i-compose ang sarili. "I'm Jonard Mercado, the heir of the late German and Amanda Mercado, owner of the Flower Boy Garden and Landscapes. And this is Lesly my financeé!" Nakangiting pagpapakilala ni Jonard sa lalaking kaharap kahit na magkakilala na sila nito noon. Inilahad niya ang isa niyang palad. Nakita niyang medyo nagulat ang lalaki nang sinabi niyang fianceé niya ang babaeng kasama niya. Hindi na niya ipinagtataka iyon, hindi naman kasi lingid sa kaalaman nito ang kanyang dating pagkatao. "I'm Attorney Lance Eldrienne Salongga. Hindi kasi makakarating ang may-ari ng JT Realty which is eventually the buyer of FBL kaya I'm here on his behalf!" Ang nakangiting tugon ng lalaki at tinanggap nito ang pakikipag-kamay niya saka nakipag-beso ito kay Lesly. Habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa bintahan, hindi maalis sa isip ni Jonard ang hula sa kanya kanina na may magbabalik. Kung totoo man iyon, kay bilis naman yata. Ngunit si Lance ba talaga ang tinutukoy nitong magbabalik sa hula? Naging sila nga nito noon bago pa man dumating sa buhay niya si John pero alam niya sa puso niyang hindi ang lalaki ang wagas niyang pag-ibig. Anong magiging papel ni Lance sa buhay ni Jonard sa muling pagkrus ng kanilang landas. Siya nga kaya ang tinutukoy sa hula?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD