Matapos ang kanilang usapan ay nauna ng nagpaalam si Lesly. Magsisimula na raw kasi ang photoshoot nila para sa isang lifestyle magazine na kung saan siya ang magiging cover.
Nang sila na lamang dalawa sa loob ng room na iyon ay hindi inaasan ni Jonard ang paghila sa kanya ni Lance at akmang hahalikan siya nito sa labi. Ngunit naging maagap siya para makaiwas.
"What the hell are you doing?" Singhal niya habang iginigiya ang mga mata sa paligid.
"Tainted ang mga salamin na iyan kaya paniguradong walang ibang tao ang makakakita sa atin dito sa loob...!" Ang sabi ni Lance. "...I'm quite surprise na ikakasal ka na pala. Pwede rin pala na ang isang...... well anyway congratulation. Sinusubok lang kita, and i prove na talagang nagbago ka na. Im sorry!"
"Marami na ang mga nangyari at nabago matapos ang lahat sa atin noon, Lance. Nagmahal din ako ng kagaya sa atin nang makauwi ako noon ng Pilipinas...!" Tumigil siya sa pagsasalita. Ayaw na sana niyang sariwain pa ang mapait na alala na iyon. Nakamove-on na siya kasi siya.
"And then what happened?"
"I lose him!" Lumungkot ang mga mata ni Jonard. Nahalata naman iyon ni Lance kaya,
"Im sorry!"
Tumango lang si Jonard. Tiningnan niya ang lalaking kaharap niya. Pitong taon na din ang nakalipas noong huli sila nitong magkita. Kay laki na rin ng ipinagbago nito hindi lang sa pisikal pati na rin sa estado nito.
Sabay silang lumabas at nagtungo ng Comport room.
"May asawa ka na ba?" Si Jonard habang naglalagay ng liquid sa soap sa kanyang kamay.
"Haha, what do you mean babae?" Ang wika naman ni Lance habang naghuhugas na ng mga kamay.
"Probably"
"You know my s****l preferrence, Jonard. After noong may hindi magandang mangyari sa atin, sinubok ko rin iyon pero talagang sa lalaki ang bagsak ko but then I always into failed relationship. But then I never lose hope. I still believe that like us, could still find true love!" Tumabi ito upang siya naman ang makagamit ng faucet.
"So, Do you already find it?"
"Yes, but we are not yet official. We are exclusively dating and I can feel that he feel the same way!"
"Pakipot lang!?" Medyo natawa siya. Naalala niya tuloy si John noon. Pakipot din kasi iyon na kailangan pa niyang sumali sa The voice para lang mapasagot ito.
"Medyo, but I understand kung bakit siya ganoon. Hindi naman kasi biro ang mga pinagdaanan niya!" Biglang tumunog ang celphone nito.
"Okey babe, lalabas na ako in a while!" Ibinalik na nito ang celphone sa bulsa niya saka nagbaling sa kanya ng tingin.
"Actually he's outside. Sabay na tayo para magkakilala kayo!"
"Di bale next time na lang. Babalikan ko pa 'yong bag ko sa room natin kanina"
Tumango si Lance at nauna na itong lumabas. Siya nama'y bumalik sa room nila kanina. Di rin naman siya nagtagal at nang nasa kanya na ang bag ay lumabas na rin siya ng restaurant.
Nakita pa nga niya ang pagpasok ni Lance sa may driver seat ng sasakyan. Nahagip din ng kanyang tingin ang kasama niyang lalaki, iyon siguro yung tinawag nitong babe kanina sa celphone.
Bagama't naka-sideview ito ay tila pamilyar sa kanya iyong lalaki. Lumapit pa siya nang kaunti, at doon niya tuluyang napansin na may kahawig nga ito pero hindi lang siya talaga sigurado dahil nga sa naka-sideview iyong lalaki.
Tinangka niyang lumapit pa nang malapitan para mas makita niya ang mukha nito ngunit mabilis nang lumarga ang sasakyan.
Habang nasa kotse siya pauwi sa kanyang condo ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang lalaking kasama ni Lance. May hawig kasi ang itsura nito sa yumaong si John.
Ngunit kanya ring napagtanto na may mga tao talagang ganoon na magkakamukha kahit hindi naman magkadugo.
Unang araw niya sa kanyang trabaho bilang bagong CEO ng kanilang kompanya. Bumungad agad sa kanya ang isang problema. May isang investor kasi na nag-pull-out ng kaniyang share dahil may doubt ito na hindi na ganoon kalakas ang banana industry lalo pa't madalas ng binabagyo ang Mindanao.
Sinubukan niyang pakiusapan iyong nagpull-out. Sayang din kasi dahil 20% ang investment na nailagak nito sa kanilang kompanya. Sinlaki nung sa pamilya ni Lesly.
Kung tuluyan itong mawala. May malaking porsyento ng lupain na makatiwangwang at maantala ang pagpapatanim. Hindi na rin sila kasi pwedeng umutang sa bangko dahil may malaki pa silang utang na hindi pa nila nababayaran. Iyon nga ang isa sa mga dahilan kung bakit nagawa niyang ibenta ang flower farm nila.
Agad siyang nakipag-meeting sa board tungkol dito. Isa lamang ang nakikita nilang solusyun, ang makahikayat ng bagong investor. Hindi naman sila nabigo sapagkat nakahanap din naman sila ng panibago na handang mamumuhunan sa kanila. Sa susunod na araw ang nakatakdang araw ng kanilang meeting sa naturang investor.
"It's you again?" Ang naibulalas niya nang makita sa loob ng conference room si Lance kasama ang isang may edad ng lalaking may-ari ng JT Realty na gustong mag-invest sa kanila.
"What a small world Mr. Mercado!" Si Lance.
Matapos magpakilala sa bagong investor ay sinimulan na nila ang talakayan ukol sa mga agreement.
"Since, JT realty is one that holds a bigger shares in MFC Phils., binibigyan kayo ng karapatan na mag-appoint ng isang tao na uupo sa isang bakanteng posisyon ng kumpanya which the chief operation manager. Any person whose capable on the said job!" pahayag ni Jonard.
"We already knew that, infact we are planning to fill in that position is Mr Harvey Morales, my son!" Ang saad naman ng bagong investor na si Hernan na kanina pa napapansin ni Jonard ang malagkit na titig nito sa kanya. "Actually, sasama sana siya ngayon but because of an important affairs he wasn't able to come!"Dagdag pa nito.
"It's okey, Mr Morales, the'res still a lot of time to meet him. Sana nandito siya sa welcome party next week para ma-meet siya ng buong team!"
"Sure, he will!"
Marami pa silang napag-usapan at nagtapos iyon sa pakikipagkamay. Hayan, natapos din ang problema ng kanilang kompanya. Sana magtuloy-tuloy ng maging maayos ang lahat nang ang planong pagpapakasal naman nila ni Lesly ang kanilang aatupagin.
Three years monthsary nila ni Lesly. Bago niya sunduin ang babae sa bahay nito ay dadaanan na muna niya ang cake na pina-reserved niya sa kilalang bakeshope sa isang mall. Mahilig kasi sa cake si Lesly kaya tuwing monthsary o anniversarry ay hindi pwedeng mawala ang cake na ibibigay niya sa babae.
Pababa siya noon sa lower ground floor ng mall na kung saan naroon ang bakeshop na sadya niya nang mahagip ng kanyang tingin ang lalaking kasalukuyang paakyat sa kabilang escalator.
Para siyang kandilang itinirik na tanging pagkurap-kurap ng kanyang mga mata ang tangi niyang nagawa, baka kasi nagkamali lang siya ng tingin. Ipinikit pa niya ang kaniyang mga mata para makasigurado ngunit nang siya'y dumilat nasa upper ground level na iyong lalaki at tanging likuran na lamang nito ang kanyang natatanaw.
Nagdadamali naman siyang humakbang paakyat kahit pa pababa iyong escalator na tinutuntungan niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya ng mga tao basta ang mahalaga mahabol niya iyong lalaki na kamukhang-kamukha ni John.
Halos mabunggo na niya ang lahat ng taong nakakasalubong dahil nakasentro ang tingin niya sa papalayong lalaki. Gusto niya itong makita nang malapitan upang makasigurong hindi siya pinaglalaruan ng kanyang imahinasyon. At kung maari gusto niya itong makilala. Ngunit sa kasamaang palad hindi rin niya iyon natagpuan sapagkat bigla na lamang itong nawala sa kumpol ng mga tao. Lumabas pa siya sa may exit, nagbabasakaling makita niya iyong lalaki ngunit wala na talaga maski anino nito.
Nakamove-on na siya. Matagal na niyang tanggap ang pagpanaw ni John. Nagawa na niyang ibaling kay Lesly ang pagtingin niya. Hindi man kasintindi ang pag-ibig na naramdaman niya dito kumpara kay John noon ngunit alam niya sa puso niyang unti-unti nang nagkaroon ng puwag ang babae sa kanyang puso.
Ngunit sa nakita niyang lalaking kamukha ng yumao, nagsimula na namang gumulo ang kanyang isip. Alam naman niyang marami talaga ang magkakamukha. May pakontest pa nga sa Showtime na KALOKALIKE ay kung bakit ganoon na lamang ang naging hatid nito sa kanya. May kung anong pakiramdam siya na hindi niya mawari. Iyon bang parang heto minumulto ulit siya ng nakaraan. Iyon ang takbo ng kanyang isip nang biglang,
"Hon are you okey?" Untag sa kanya ni Lesly nang mapansin ang paglipad ng isip niya sa kung saan. Kasalukuyan silang kumakain sa isang restaurant. "You don't even eat a little!"
"Medyo stress lang, Hon. There's so much things to do with the company!" Ang pagdadahilan niya. At sinimulan na niyang tikman ang inorder na pagkain.
"Honey, we're celebrating our third year anninversary. Pwede naman sigurong isantabi na muna iyang mga iyan at ang isipin na lang muna natin ay ang moment nating dalawa. Lets enjoy the night!"
Nilagyan ni Lesly ng redwine ang kopita niya. Kunsabagay tama si Lesly. Dapat ang pagtuunan niya ng pansin ay iyong silang dalawa. I-enjoy lang nila ang gabi. Ano ngayon kung kamukha ng lalaking iyon si John. Wala na siyang dapat na pakialam pa doon.
Tinungga niya ang alak na bigay sa kanya ni Lesly. Sinaid niya ang laman nito. Isang pilyong ngiti ang iginawad niya sa babae. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. Nakuha naman ng babae ang ibig.
"Your place or may place!" Palanding tinuran ni Lesly sabay kagat sa pang-ibaba nitong labi, iyon bang parang nang-aakit.
"Ano nga kaya ang ibig sabihin noong hula, Honey?" Si Jonard matapos ang pakikipagniig sa babae.
"At kailan ka pa nagkakainteres sa mga hula, diba ikaw na rin ang nagsabi na walang katuturan ang mga hula. It's just a mere folks!"
"Hindi naman sa nagkainteres, naku-curious lang ako!"
"Curious? O baka naman nag-iisip ka ng may himala. Umaasa ka pa ring buhay ang hinayupak na baklang iyon at siya iyong tinutukoy sa hula!"
Nagsimula na namang nagtataray si Lesly. Tumagilid ito patalikod sa kanya. Pag ganoon, kailangan niya itong suyuin na naman.
"Hindi naman 'yan ang iniisip ko eh!" Ang sabi niya habang yakap ang babae. "Ikaw ba hindi nahihiwagaan sa mga sinabi ng babaeng manghuhula!"
"At first wala. Pero ngayon parang Oo na. Kung sakali mang himalang nakaligtas ang binabaeng 'yon, talagang magkakatotoo ang hula at tiyak na may dugo ang dadanak dahil ilalaban kita sa kanya ng p*****n. Hindi ako makakapayag na basta ka na lamang niya aagawin sa akin!" Palabang tinuran ni Lesly.
Natigilan naman si Jonard. Biglang sumagi sa isip niya kung paanong buhay nga si John at siya ang tinutukoy nito sa hula? Paano kung ang nakita niyang lalaki na kamukha ni John ay hindi niya lang ito basta kamukha kundi si John na ito mismo? Kalokohan. Hindi na dapat siya nag-iisip ng ganoon. Kailanman walang patay na muling nabuhay.
"Ito naman oh. Wala ka namang dapat na ilaban dahil iyong-iyo na ako. Ikakasal na nga tayo diba?" Pang-aalo niya sa babae sabay halik sa tenga nito na may kasamang pagkagat.
"Ay, ano ba, nakikiliti ako!" Kunway siniko siya nito sa tagilrinan.
"Ayaw mo ba?" Pabulong iyon na may halong pang-aakit. Humarap sa kanya ang babae.
"Basta simula ngayon, ayaw kong marinig pa ang tungkol sa mga bagay na iyan. We must focus on our life now. We will make a brand new love story on our own. Kaya forget about him, Honey!" Ang sabi nito sabay hawi sa kumot na bumabalot sa hubad na katawan ng binata. Pumaibabaw doon ang babae. Hayun, pasok sa banga. Para itong hinete na umaiindayog habang inuupan ang malaking bagay na iyon sa pagitan ng mga hita ng lalaki.
Sumapit ang gabi ng party ng kumpanya. Halos wala pang gaanong tao ang naroon sa hotel na pagdadausan ng mahalagang pagtitipon . Masyado yatang napaaga ang punta nila. Excited lang?
Ilang sandali pa'y isa-isa ng nagsidatingan ang mga may katungkulan ng kompanya at ilang mga bisita. Nakita niya si Hernan, sinalubong niya ito at binati. Inilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap naman iyon ng lalaki at ramdam niya ang mahigpit na pagkakahawak nito na para bang may ipinapahiwatig. Nginitian niya lamang ito, ganoon din naman ito sa kanya.
"Kayo lang po ba?"Ang tanong nito sa lalaki habang iginiya niya ito sa VIP table.
"I'm with Lance and my Son!" Ang tugon naman ni Hernan nang makaupo na.
Dahil hindi pa naman nagsisimula ang programa ay marami pa silang napag-usapan na kadalasan tungkol sa mga negosyo. Hanggang sa nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan at nagpaalam na muna siya sa lalaki na magtungo ng comport room. Sandali niyang dinaanan si Lesly na naroon sa grupo ng mga kababaihan upang makapagpaalam rin.
Katatapos lang niyang umihi at kasalukuyan siyang naghuhugas ng kanyang mga kamay nang marinig niyang, "Excuse me, are you finished with that?" Ang liquid soap ang tinutukoy nito.
Agad siyang nag-angat ng tingin at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita ang mukha ng lalaki sa salamin na naroon lang nakatayo sa kanyang likuran.
"Imposible!"
Parang gusto niyang maghilamos nang paulit-ulit para matiyak na hindi siya nililinlang ng kanyang paningin. Hinarap niya iyong lalaki at lalo pa siyang nagulat nang makita sa malapitan ang itsura nito.
"Tisoy?"
Ang gusto niyang isigaw ngunit hindi niya nagawa dahil pakiwari niyang binusalan ang kanyang bibig. Nanatiling napako ang tingin niya sa lalaki.
"You okey, bro?" Untag nito sa kanya na halatang nagtaka rin sa kanyang inasta na para bang nakakita ng multo. Saka lang din siya natauhan
"A-ayos lang ako. Amm, yeah, I'm fi-finish using the so-soap!"
Sa wakas nakapagsalita rin siya, nauutal nga lang. Tumabi siya para bigyan ng daan ang lalaki para makapaghugas na rin ng kamay.
Sa itsura nito at boses na bagamat medyo naging buo at matured , masasabi niyang wala silang pinagkaiba ni John. Hinagod niya ito ng tingin na para bang isang specimen at talagang walang pinag-iba ito kay John maliban na rin sa medyo malaki nitong pangangatawan. Napakagwapo nitong tingnan sa suot nitong itim na coat at tie.
"May kailangan ka ba, bro? Kanina ko pa napapansin na panay ang titig mo sa akin?"Ang malumanay na tanong sa kanya ng lalaki.
Bigla siyang pinagpawisan nang malapot kahit malamig naman sa loob. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya o ang isasagot. Hanggang sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, bigla na lamang niyang mahigpit na niyakap iyong lalaki. Hindi ito nakagalaw dahil sa gulat na gulat ng kanyang ginawa.
"Tisoy, ikaw nga. Salamat sa Diyos at buhay ka. Akala ko, akala ko—!"
"—Hey wait...!" Pigil ng lalaki sa kanya. Kumawala ito mula sa kanyang pagkakayakap. "...Are you out of your mind? Im not Tisoy that you're talking at lalong hindi ako namatay para sabihan mong buhay ako!" Kunot-noong wika sa kanya ng lalaki.
Medyo nahimasmasan naman si Jonard at nakaramdam ng hiya sa kanyang ginawa. Masyado siyang nagpadala sa kanyang damdamin at sa kagalakang si John ang nasa harap niya.
"I am sorry, Bro. I thought you were my friend who lost long time ago!" Ang paghingi niya ng paumanhin. Pinamulahan siya sa labis na pagkapahiya.
"Next time siguraduhin mo na muna bago ka yumakap sa hindi mo naman pala kilala!" May pagkasupladong tinuran nito. Halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya. Hindi rin naman niya ito masisisi, yakapin ka ba naman bigla ng isang taong hindi mo kakilala at isang lalaki pa.
Nakasimangot ang lalaki na umalis. Naiwan naman siya sa loob na pinapakalmang sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lalaking nakabanggaan niya. Halos walang pinag-iba kay John.
Ano bang nangyayari, pinaglalaruan ba siya ng tadhana?
Masyadong weird lang sa kanya ang mga nangyari nitong mga nagdaang araw. Una, ang makita ang boyfriend ni Lance na bagamat naka-sideview, kita niya ang pagkakahawig nito kay John. Pangalawa iyong nakita niya sa mall na kahawig din ng yumaong binata at itong ngayon na hindi lang basta kahawig ngunit ka-boses pa. Parang mababaliw yata siya. Hindi niya alam ngunit, parang biglang napukaw ang damdamin niya para sa binata. Ngunit paano. Wala na si John. Ipagpalagay niyang si John nga iyong nakaharap niya ngunit bakit hindi siya nito nakikilala? May amnesia kaya ito?
"Hon, what's happen? The program is about to start. They are waiting for you to be there!"
"W-wala Honey. Pupunta na ako!" At nagmamadali na nga itong bumalik sa malawak na hardin ng hotel kung saan ginanap ang pagtitipon.
Naratnan niyang kasalukuyang nagbibigay ng talumpati si Mr. Hernan Morales. Ngunit hindi nakatuon ang isip niya sa nagsasalita kundi sa lalaking kanina lang nakita niya sa CR. Hindi niya namalayan na patapos na pala ang speech ng Ginoo.
"Thank you for that message, Sir" Ang narinig niyang wika ng host. Nag-angat siya ng tingin. "And now let's welcome, our new Chief Operation Officer, Mr. Harvey Morales!"
Isang masigabong palakpakan ang pumailanlang sa buong paligid. Ngunit hindi nagawang sumabay ni Jonard sa palakpakang iyon sapagkat sa ikalawang pagkakataon labis na naman ang pagkagulat niya na ang lalaking napagkamalan niyang si John kanina at ang anak ng isa sa may malaking share ng kanilang kumpanya at kasalukuyang bagong COO ay iisa.
Nagkatitigan sila ni Lesly na naroon lang sa katabing mesa nila naupo. Tulad niya labis din ang pagkabigla nito. Napaawang pa nga ang bibig. Nakatuon ang atensiyon nito sa kabuuan ng binata hindi sa mensaheng lumalabas sa bibig nito.
"We build a highly energized, high-performance organization with a strong commitment to teamwork and to embracing better ways of doing things. Bawat isa sa atin ay may ginagampanang papel para umunlad ang kumpanyang inaasahan natin para magkaroon tayo ng kabuhayan. We all know that MFC Phils has not fully recovered yet on the big lose due to devastation of the two typhoons that passed...!"
Shit. Boses pa lang ulam na. Lalaking-lalaki. Pati ang mga hand gestures nito. Hindi maiwasang hindi panuyuan ng lalamunan si Jonard lalo nang tiningnan ang katawan ng binata. Nakasuot na lamang ito ng itim na long sleeve na hapit sa katawan na nakapagpalutang sa magandang hubog nito at lalong nagpalutang sa maputi at makinis nitong balat. Malayong-malayo sa John na minahal niya noon.
Si Harvey ay larawan ng isang matalino malakas ang kumpiyansa sa sarili at may matatag na paninindigan. Higit sa lahat may panlabas na kaanyuan na titingalain ng lahat. Mapababae man o lalaki.
"...But if we join hands together. I know we can achieve and reach our goals, to be among of the top exporter of good quality bananas across the globe. And who is the key of making that dream come into reality?"
Huminto ito sandali, iginiya ang mga mata sa buong paligid.
"...Of course that is YOU. Regardless of the position you are holding in the company. Wether you are the chairman or a secretary or even a housekeeping personnel, your passion in working and dedication has a great contribution in making us grow. We should value MFC's people and commit to provide oppurtunities for learning, professional growth and a better quality of life. Thank you for the warm welcome and good evening!"
Palakpakan ulit. Napahanga ang lahat sa napakagandang mensahing binigay ni Harvey. Napaka-articulate nitong magsalita. Lahat ng mga salitang binitiwan nito ay kusang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi iyon isang scripted na mensahe. Talagang magmumula sa puso.
Inayos niyang muli ang sarili. Hindi niya alam ngunit parang na-challenge siya na magpakitang gilas doon kay Harvey. Kabuuan lang ni John ang meron sa kanya at hindi ang pagkatao nito.
Ngunit may parte ng kanyang utak at ng kanyang damdamin na waring bumubulong na si Harvey at John ay iisa. Hindi man niya alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Pero nasisiguro niyang kailanman hindi nagkakamali ang puso sa kung ano ang pinaniniwalaaan nito.
Nalilito man sa kanyang nararamdaman ngunit kailangan na niyang ibaon sa limot ang pagmamahal niya kay Jonard. Kasabay ng bagong silang na siya bilang si Harvey Morales. Si John Crisostomo, na galing probinsiya na makailang ulit na inalupasta, minaliit at imabuso na napadpad sa isang malaking siyudad, naging tindero ng mga bulaklak para maigapang ang sarili. Umibig at pinaasa. Hinusgahan sa isang pagkakamali na kailanman hindi naman niya nagawa ay matagal ng patay. Tama, matagal ng patay si John. Siya na ang makabagong bersiyon ni Tisoy. Matapang. Matibay ang paninindigan at higit sa lahat palaban.
Maswerte siya kasama ng ama niya na hindi sila tumuloy sa kanilang biyahe sa oras na iyon. Masyado kasi niyang na-miss ang Mama niya at hindi niya maaatim na basta na lamang tumulak sa ibang bansa na hindi man lang nadadalaw ang puntod nito sa Mindanao. Kaya naisipan nilang mag-iba ng flight.
At iyon na nga ang nangyari, nalaman na lamang nila ang isang malagim na balitang bumagsak ang eroplanong dapat sana ay sasakyan nila. At dahil napabilang ang pangalan nilang mag-ama sa mga naiulat na nasawi, nabuo ang isang plano niya na magpalit ng katauhan para tuluyan ng makalimot sa kanyang mapait na karanasan. Hindi man naging malinaw sa ama niya ang kanyang mga naging dahilan ngunit sumang-ayon na rin ito dahil siya naman talaga si Harvey Morales ang anak nito kay Hilda na pinalitan lamang ng yumao dahil sa galit nito sa ama niya.
"Kasabay ng pagkasawi ng aking mga magulang sa isang karumaldumal na paraan, ay siya ring muntikan ng pagbagsak ng kumpanyang ito..!"
Nasa kalagitnaan na ng mensahe si Jonard nang bumalik ang isip ni Harvey sa kasalukuyan. Hindi maiwasan ng kanyang mga matang huwag tumitig sa kabuuan ng binata. Halos wala itong pinagbago, bagkus lalo pa itong naging lalaki sa paningin niya. Mas lalong naging gwapo at matipuno ang katawan nito.
Naalala pa niya ang nangyari sa kanila noong bigla na lamang siya nitong niyakap sa CR dahil sa pag-aakalang siya si Tisoy. Kung hindi lang siya naging matatag, marahil napayakap na siya dito.
Hindi naman kasi maikakailang meroon pa rin itong puwang sa kanyang puso. Kay tagal din na panahon ang hinintay niya upang magkrus muli ang kanilang landas hindi para sila'y muling magkaisa kundi para ipakita kung anong uri ng basura ang itinapon niya na ngayo'y inaaangkin na ng iba.
Gusto niyang maiparamdam sa binata kung gaano kasakit ang itakwil ng taong mahal at kinakapitan. Iyong gusto mong magpaliwanag ngunit hindi ka pinagbigyan at basta ka na lamang inakusahan. Iyon lang ang saklaw ng kanyang paghihigante, ang paglaruan ang damdamin nito. Hindi naman niya hinangad na bumagsak ang kumpanyang tanging kinakapitan nito sapagkat alam niyang may ibang mga tao rin na sa kompanya nila iniasa ang ikinabubuhay.
"...at kasabay rin noon ang pagkawala ng isang taong tanging minahal ko. Ang isa sa mga inspirasyon ko sa sanay muli kong pagbangon..."
Hindi niya inaasahang dumako ang tingin ni Jonard sa kinaroroonan niya habang patuloy sa pagsasalita. Nakipagtitigan din siya. Hindi siya dapat yumuko. Hindi siya ang nagkasala. Hindi siya ang nang-iwan.
"...ngunit talagang totoo nga ang kasabihan na kapag may lumisan, may darating. At laking pasalamat ko sa Diyos na dumating siya sa buhay ko na tumulong sa akin para makabangon mula sa aking pagkakalugmok, my beloved finacé, Lesly Buenaventura!"
Parang hinataw ng isang matigas na bagay si Harvey nang marinig ang bahagi ng speech na iyon ni Jonard. Ayos na siya e, limot na niya ang kahapon ay kung bakit sa mga narinig niya ay parang apektado pa rin siya. Parang nagseselos pa rin ba.
"Anong klaseng speech iyon? Para lang isang artista na nanalong Best Actor sa MMFF awards night. Kulang na lang pasalamatan pati make-up artist niya!"
Ang mahinang pang-ookray n'ya. Kung tutuusin wala namang masama sa mensahe ni Jonard. Hindi lang niya maamin sa sarili niyang nagseselos pa rin siya kay Lesly hanggang ngayon.
"...Furthermore MFC Phils aims to serve the growing global demand for safe, tasty and nutritious banana that we produce. And to adhere strictly to international quality standards guided with our core values that something our company to be proud of. Maraming salamat po. And let the party begin!"
Umani ng isang masigabong palakpakan si Jonard na sinabayan pa ng standing ovation ng iilan na napaluha sa emosyonal na talumpati nito.
Isa-isa ng nilalapitan ng mga investors at ng mga boards si Jonard upang batiin bilang bagong CEO at maging ganoon rin siya. At para ipakita ang pakikiisa, siya na ang nagkusang lumapit sa binata upang batiin ito na para bang ayos lang ang lahat ng sa kanila.
"Congratulations, Mr. Mercado for a job will done!!" Ang sabi niya. At para naman siyang makuryente nang maglapat ang kanilang mga palad.
"You to, Mr. Morales. It's good to see that the two if us have the same idea on bringing this company on top again!"
"Absolutely, Mr. Mercado. But I guess we came here for a party so let's enjoy first the night!" Ang sabi niya sabay bitiw sa pagkakahawak ng kamay niya. Sabay sabing "CHEERS!" at pinag-umpog nila ang hawak nilang goblet na may lamang alak.
Maayos na sana ang kanilang pag-uusap nang biglang sumingit si Lesly. Nakipag-beso pa sa kanya ngunit halatang balot sa kaplastikan. Kaya wala ng nagawa pa si Harvey kundi ang makipag-plastikan na rin.
"Nice meeting you Mr. Morales. You know what you remind me of someone!" Ang sabi ni Lesly na mukhang alam na niya ang sasabihin ngunit kailangan niyang magpanggap na wala siyang alam.
"Oh really? And who is that someone Ms. Buenaventura?" Gusto niyang makatiyak.
"A poor student 5 years ago...!"
"Honey will you stop that nonsense topic!" Ang narinig niyang pabulong na sawata ni Jonard sa babae.
"No its Okey, Sir, sounds interesting!" Panghihiyakat niya pa para ipakitang interesado siya sa mga sasabihin ng dalaga. At nagpatuloy si Lesly.
"...na gustong makahanap ng magandang oppurtunity through my fiancee!"
"I'm sorry, I don't really get it!"
Nagsimula na siyang mang-init sa kanyang narinig. Hanggang ngayon pa rin pala ay naroon ang panglalait ng babaeng ito sa dati niyang katauhan na matagal na niyang tinalikuran.
"Isang baklang naghahabol sa boyfriend ko para lamang malimusan ng kaunting yaman. You know what, kamukhang-kamukha mo siya e, nagulat nga ako nang makita kita kanina but then as you gave your speech, doon ko na-realised na its just so happened na kamukha mo siya. Patay na siya in the first place, kaya malabong kayo ay iisa. Mas gwapo ka, mayaman at edukado at malabo naman sigurong pumapatol ka rin sa lalaki!"
"Lesly ano ba!"
Nagtaas na ng boses si Jonard para maawat ang babae sa kadadakdak. Ngunit hindi parin nagpatigil si Lesly. Sarap lang sabuyan ng alak nito sa mukha dahil ramdam niyang siya na ang pinapatutsadahan nito. Nakita kasi niya kung paano siya tinititigan ni Jonard kanina sa kasagsagan ng pagtatalumpati nito. At siguro dahil sa magkamukha sila ni John naisip nitong mababaling na naman ang atensiyon ng lalaki sa kanya. Well, ito na nga ang isa sa mga plano niya, ang magkasiraan ang dalawa.
"At isa pa kung sakaling buhay man siya, paniguradong malabong maabot niya ang narating mo ngayon dahil pinatanggal ko siya sa pagiging scholar sa university na pinapasukan niya!"
"Talaga, nagawa mo iyon?"
Kalmado pa rin si Harvey kahit na nagpupuyos na siya sa sobrang galit. Kaya pala natanggal siya ng bigla-bigla sa pagiging scholar noon sa walang sapat na kadahilanan dahil sa kagagawan ng hinayupak na babaeng nasa kanyang harapan.
"Well, as far as I know ang lahat ng mga scholars ay masisipag at talaga namang matatalino. Kaya kung sakali mang buhay pa iyong sinasabi mong kamukha ko, I am pretty sure na he still succeed dahil gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan kung paano niya maiahon ang sarili sa kahirapan. Matalino siya e, kaya alam kong makakahanap pa rin siya ng ibang scholarship na makakatulong sa kanya na maipagpatuloy ang pag-aaral...!" Ang sabi ni Harvey sa mahinahon nitong boses.
"...Anyway, bakit nga ba ganoon na lang katindi ang galit mo sa kanya at bakit mo sa akin sinasabi sa akin 'to?"
"Well, unang-una, mang-aagaw siya. Isa siyang baklang haliparot. Talipandas!"
"Im sorry Miss Buenaventura, but it looks like you're so insecure with that guy na pati ako ay parang binabalaan mong hindi ko dapat lapitan iyang boyfriend mo!"
Hindi na niya napigilan pa ang huwag magtaas ng boses dahil talagang napupuno na siya kay Lesly. Sarap lang balatan nito ng buhay at ipalapa sa buwaya.
"You've got my point Mr. Morales. Alam kong masyado pang maaga para ipakita kung sino ako but i think I have to. Frankly speaking, I smell something on you. I am not born yesterday para hindi maamoy ang ganyang pagkatao. Kaya beware!"
"You look so beautiful, Lesly and I could hardly imagine where your insecurities came from. Siguro nga talagang magkamukha kami ng taong sinasabi mo kaya hindi ko masisi iyang boyfriend mo na bigla na lamang akong niyakap kanina sa CR nang mahigpit, kulang na nga lang halikan ako sa labi sa habang sinasambit ang pangalang Tisoy. Well, that's your problem anyway. I have to go. And yes tama ka sa sinabi mo, ganoon nga ako at hinihintay na ako ng BOYFRIEND KO!"
Ang huling litanya ni Harvey na sinadyang diinan ang salitang BOYFRIEND para marinig iyon ni Jonard. At tumalikod na siya at napapangiti sa hindi maipintang mukha ni Lesly nang sinabi niyang niyakap siya kanina ni Jonard.
"We've only just began!" Ang usal niya habang tinutungo ang kinaroroonan ni Lance.
Ano ang mangyayari ngayong nasa iisang kumpanya na nagtatrabho ang dalawa? Ano ang kahihinatnan ng paghihiganti ni John?