Chapter 19

3520 Words
Isang bouquet of white roses ang bumungad kay Harvey na nakapatong sa ibabaw ng office table niya nang unang araw ng pagpasok niya sa opisina ng Mercado Fruit Corporation (MFCI). Dinampot niya iyon saka inamoy. Ang bango lang, nanariwa sa kanya ang isang bahagi ng kanyang nakaraan na kung saan nagtitinda siya ng mga bulaklak para maigapang ang pag-aaral. Ngayon, sa kanyang pagsusumikap at sa tulong ng kanyang amang si Hernan naabot niya ang kanyang kinaroroonan. Sayang nga lang at wala na ang Mama niya. Hindi na nito makikita ang bunga ng kanyang pagsisikap. At hindi na rin nito maranasan ang isang masaganang buhay na minsan ay pinangarap nito. Tiningnan niya ang kapirasong papel na nakasabit sa bouquet, "Have a nice day ahead, Onad!" Napalis ang ngiti sa kanyang labi ng malamang kay Jonard nanggaling iyon. Gusto sana niya iyong itapon ngunit pinanghihinayangan siya. Wal namang kasalanan iyong bukaklak para pagdiskitahan niya kaya nagtungo siya sa silid ng kanyang secretary para ibigay ang mga bulaklak. Kinilig pa nga ang babae ng inabot na iyon. Hindi na siya ang dating si John. Siya na ngayon si Harvey. Kasabay ng pagbabagong iyon ay ang pagbabago na rin ng pintig ng kanyang puso. Hindi si Jonard ang laan sa kanya. Hindi pa man siya lubusang handang muling umibig pero nakatuon ang buong atensiyon niya at pagpapahalaga kay Lance. Kung hindi dahil sa huli marahil matagal ng sumaimpyerno ang kaluluwa niya. Tatalon na dapat siya noon sa tulay para magpatiwakal dahil sa hindi na niya nakayanan ang sobrang sakit ng ginawa sa kanya ni Jonard, mabuti na lamang at tiyempong napadaan sa tulay noon si Lance at napigil siya nito sa tangka niya. Bigo man silang magkakilala nang una, ngunit muli rin silang pinagtagpo nito sa Amerika na kung saan siya nag-aral sa kanyang kurso at si Lance ay ipinagpatuloy ang abugasya. Nagkataong pinsan si Lance ng asawa ng step-sister niya kaya mas lalo pa sila nitong nagkalapit sa binata. At nang makagraduate ng law, kinuha si Lance ng ama niya na maging Legal Council ng JT realty, isang real estate company na pag-aari at pinamumunuan ng ama niya kasama ng pinsan niyang si Benjie at partner nitong si Melvin. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa mga dokumentong nakatambak sa kanyang mesa nang biglang bumukas ang pinto. Inakala niyang ang janitor nila iyon na mangongolekta ng mga basura kaya hindi na niya iyon tinapunan ng tingin. "Aba ang sipag!" Ang narinig niyang papuri ng isang lalaki, nang mag-angat siya ng tingin, si Jonard iyon, may bitbit na starbucks. "It's time to have a break!" Sinipat niya ang kanyang pambisig na relo. Coffee break na pala, sobrang subsob lang niya sa trabaho kaya hindi na niya napansin ang paglikwad ng oras. "Coffee!" Si Jonard ulit at ipinatong nito ang hawak na starbucks sa mesa niya. "Salamat, pero hindi ka na lang sana nag-abala. May office boy naman tayo na pwede kong utusan. Masyadong nakakahiya lang na ang isang CEO ay ipinagbili ng kape ang COO niya!" Malumanay ngunit may lamang pahayag ni Harvey. Gusto sana niyang mag-inarte na hindi tanggapin iyon pero naisip niyang baka mahalata siya ng binata. Dapat kaswal lang ang pakikitungo niya rito. Walang halong emosyon kahit pa may kinikimkim siyang galit. Ngumiti si Jonard. "It's okey, wala namang batas na nagsasaad na bawal dalhan ng isang CEO ng kape ang COO niya!" Natahimik si Harvey. Hayan talo na naman siya sa pambabara ng binata. "Actually, gusto ko lang humingi ng paumanhin sa inasal ni Lesly kagabi. Hindi siya dapat nagsalita ng ganoon sa'yo!" Hinawakan nito ang isang kamay niya.Tinitigan siya nito sa mata na para bang may inaaninag doon na hindi niya alam. Ngunit siya itong hindi makatingin ng deretso. Tinutupok ng titig na iyon ni Jonard ang pagbabalat-kayo niya. Putcha, hanggang ngayon ganoon pa rin kalakas ng dating ng mga titig nito sa kanya. Nakakatunaw. Nakakapanikluhod. "Hindi ko na inisip iyon!" Tinanggal niya ang kanyang isang kamay mula sa pagkakahawak ng binata. Inaamin niya, nadadarang na siya sa init ng palad nito na hindi niya alam kung bakit. Humigop siya ng kape na bigay nito para hindi mahalatang umiiwas siya sa kanyang mga titig. s**t, hindi dapat siya ang nai-intimidate at hindi dapat siya iyong parang nababalisa. Hindi iyon ang nasa plano niya pero bakit ngayon parang naging baliktad yata? "Saan ba siya, alam ba niyang nandito ka? Baka mamaya e, susugod na lang iyon dito at magtatalak. May pagkapalengkera pa naman iyong fianceé mo. "She had an appointment with some client!" Tumango lang siya. Sinimulan na niya ulit sa pagbuklat ang mga dokumento. Naroon lang ang binata. Tinitigan siya sa kanyang ginagawa. "Parang hindi ka yata busy?" Tanong niya kay Jonard. "Paano ba ako makapagtrabaho nang maayos kung alam kong nasa gusali lang na ito nagtatrabaho ang taong mahal ko!" Ang pasaring ni Jonard sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Hindi siya dapat magpadala. "Sa tagal ninyong magkasama, ngayon ka pa hindi makapagtrabaho nang maayos?" Si Lesly ang pinatutukuyan niya. "Hindi naman siya ang tinutukoy ko!" "Sino, don't tell me, may iba ka pang kinababaliwan maliban sa kanya?" "Exactly, at ikaw iyon!" Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay ang kanyang ulo sa kanyang narinig. Parang wow, ganoon na ba talaga siya ka-gwapo, na sa unang tingin pa lang, napapaibig na niya agad iyong tao? "Joker ka pala, Mr. CEO?" Ang biglaan din niyang usal."Parang ambilis naman ata. O baka namam nasabi mo lang iyan dahil kamuk—!" "—Mahal na kita noon pa man, Tisoy!" "Teka lang ha. Paulit-paulit na lang ba tayo nito? How many times do I need to tell you na hindi ako si Tisoy o si John. Maybe magkamukha kami but please stop insisting na iisang tao lang kami. Walang patay ang kailanman nabuhay. Kung anoman ang nangyari o namagitan sa inyo noon, just leaved it there!" Ang sigaw niya kay Jonard. "H-hindi ako naniniwalang hindi ikaw 'yan. Siguro may amnesia ka lang kaya hindi mo ako maaalala. Pero hindi ako titigil hanggat hindi mo uli ako mahagilap sa puso mo!" "Anong mahagilap sa puso mo? I never expected na mahilig ka pala sa mga soap opera Mr. Mercado. I am much pretty sure of myself na wala akong amnesia at lalong wala akong hagilapin. Huwag mong buhayin si John sa katauhan ko!" Sinisimulan na niyang ayusin ang kanyang mga gamit. "You are only wasting your time" Tumayo na siya at mabilis na tinumbok ang pinto. Nanatili pa ring nakatayo si Jonard. Tinitignan ang papaalis na binata. "Paglumingon ka, ibig sabihin ikaw nga si Tisoy, pero paghindi gagawin ko lahat mapalambot iyang pagmamatigas mo!" Nasa ganoon ang kanyang isip nang biglang lumingon nga sa kanya si Harvey. "It's already 3:30 Sir, I would like to remind you na may meeting pa tayo!" Sabay bagsak ng pinto. Bagamat magsisimula na ang kanilang meeting para mapag-usapan ang mga strategy na gagawin kung paano makumbinse ang isang Korean Banana Ketchup Manufacturer na sa kanila kukuha ng supply ng cavendish banana na siyang pinakasangkap sa paggawa ng ketchup, ay hindi pa rin kumikilos ang binata. Parang naging blangko yata ang kanyang pag-iisip. Nasa kay Harvey lang nakatuon ang kanyang buong atensiyon. Nakakatawa man ang kanyang ginawang paghingi ng sign, pero para siyang timang na nagpapaniwala sa kanyang sapantaha na si Harvey at John ay iisa. Lalo na ng maalala niya ang hula sa kanya na may wagas na pag-ibig ang magbabalik. Hindi naman si Lance iyon, dahil kahit nasimulan na niyang maturuan ang huli ma mahalin nito noon ay siya namang pagkahuli niyang may kinakalanatari itong iba. "We are advocating in corporate social responsibility and the preservation of the environment by using an eco-friendly materials in growing our bananas to produce high-quality fruits that meet the internationl demand. Sa tingin ko, that's the company's edge na maipanlalaban natin sa mga kalabang gusto ring mapili ng SoKor na maging supplier nila!" Ang pagbibida ni Lesly. Napatango ang mga Board ng kompanya. Mukhang napabilib niya ang mga ito, may iilan pa nga na pumalakpak. Abot tenga naman ang ngiti ni Lesly. Kulang na lang iwagayway nito ang isang kamay para mag-mistulang kandidatang nanalo sa Miss Universe. Nahagip pa ng tingin ni Harvey na lumingon sa kanyang kinaroroonan at tinaasan siya ng kilay. Parang sinasabi nitong, "Ano ka ngayon?" "How about you Mr. Morales, any plan?!" Boses iyon ni Jonard. Ngunit hindi agad siya nakapagsalita. Ewan, nako-conscious yata siya sa binatang nakatingin nang malagkit sa kanya, kulang na lang hubaran siya nito at ikama. Lahat ng mga mata ng board ay nakatuon na sa kanya, hinihintay ang kanyang sasabihin. "Next time, dapat ang ilalagay nating tao in a certain position ay iyong may utak talaga para naman mabigyang ng oppurtunity 'yong mga taong talagang deserved!" Ang patutsada ni Lesly at alam niyang siya ang pinatatamaan noon. Sa totoo lang, gustung-gusto na niya iyong patulan ngunit nagpigil siya. Hindi ito ang tamang oras na patulan ang babaeng reyna ng palengke. "Ehem!" Panimula ni Harvey na parang may kung anong sumabit sa kanyang lalamunan. "Simply, we must lower our price up to 3% to attract SoKor to signed with us!" Buong kumpiyansang wika ni Harvey na ikinagulat ng lahat. "What? Nagbibiro ka ba, Mr. Morales, you're risking the profit machinery of the company!" Napatayo si Lesly, napapailing. Halatang hindi nagustuhan ang ideya niya. "Miss Buenaventura kindly take your set please. Patapusin muna natin si Mr Morales!" Pigil ni Jonard sa babae at bumaling ulit sa kanya at mukhang pati ang binatang CEO ay parang hindi kumbinsido sa kanyang sinabi sapagkat gumuhit ang gitla nito sa kanyang noo. Ganunpaman, binigyan siya nito ng pagkakataong ipagpatuloy ang pagpapahayag ng ideya niya. "It was not a joke. Totoo ang sinabi ko Sir. Maybe I'm puting the company at risk pero ito lang ang sa tingin ko ang option na pwede nating gawin. Nagsisimula pa lang na bumalik ang MFC sa kung saan ito dati. Ngunit sa pagbabalik natin marami na tayong mga competitor which also applying the same method that we are using right now. Yes, we are in support in the advocay of protecting the environment, ganoon din naman ang ibang kumpanya. We are using organic materials in our plants that other companies to the same. What I am trying to say is that, imposibleng makuha tayo ng SoKor kung iyan lang ipanlalaban natin. 3% discount is too risky indeed, pero sa tulad nating nagsisimula pa lang muli sa industriyang ito at magpapakilala pa lamang ulit, kailangan nating sumugal. We should look the positive outcome for these. SoKor is our getway to back on top!" Ang mahabang pahayag ng binata na naglikha ng mga bulong-bulungan. "Granting na we are cutting down our price, pero napakalaki lang ng 3%. Ano sila sinuswerte? Mr. Mercado, it looks like that our new COO is planing to make MFC into a charity institution!" Ang mariing pagtutol ni Lesly ngunit mistulang walang narinig si Jonard. Nakatuon lang ang mga mata nito kay John. Hindi lang siya basta humanga kundi bilib na bilib siya sa ideya ni Harvey. Malakas ang kumpiyansa nito at halatang siguradong-sigurado sa kanyang mga sinasabi. At hindi lang iyon, pakiramdam niya ay mas lalo na siyang muling nahuhulog dito. Napakagwapo lang nito habang nagsasalita. Lalaking-lalaki ang mga kilos nito, pati boses ay buong-buo "Jonard, are you still there?!" Untag sa kanya ng babaeng nagngit-ngit na sa sobrang inis dahilan upang mahimasmasan siya. "Ha? Ah, yes go ahead, Miss Buenaventura!" "I Said 10% is too much. Malaking mawawala sa atin pag ganyan. Baka maraming mga investor ang magpo-pull-out ng kanilang mga shares. At ano na ang mangyayari sa atin if we follow that stupid idea?!" "Kung ang iisipin natin ay ang mawawala agad tiyak wala tayong patutunguhan pag ganyan. Remember we are in the business world, there's no playing safe here. Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?" Nakita niya ang pag-irap sa kanya ni Lesly. Ginantihan lang niya ito ng isang ngiting nakakaloko na lalong nagpainis sa babae. "Thank you for your brilliant ideas guys. For now, the meeting is adjourn. We have further discussion with the boards on that matters!" Si Jonard at kinamayan sila isa't-isa. Nauna na siyang lumabas ng conference room. Narinig pa niya ang pagtatalak ni Lesly sa mariing pagtutol sa kanyang proposal kanina. Nakabalik na siya sa kanyang opisina. Inaayos niya ang mga folder na nakalatag sa kanyang mesa dahil ilang minuto na lang, uuwi na siya. Narinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan. "Bukas yan!" Ang sabi niya lang at nabigla siyang si Jonard ulit. Napapadalas na yata ang pagpapansin nito sa kanya. "Baka gusto mo, magpalit na lang kaya tayo ng opisina. Dito ka, tapos ako na roon sa office mo!" "Aba, ansungit lang. I just want to congratulate you. Napabilib mo ang mga boards. We will follow the strategyy that you proposed!" Ang nakangising wika ni Jonard. Hindi magkamayaw sa labis na tuwa si Harvey. Nasabi niyang wow, ito na nga amg simula ng mga plano niya, ang ipakitang hindi siya basta-basta. Na kaya na niyang makipagsabayan sa mundong ginagalawan ni Jonard at Lesly. "Thank you. But it's too early pa para mag-celebrate. Hindi pa naman sa atin nag-sign ng kontrata ang SoKor" "I do believe na mapapasaatin sila. Malaki ang tiwala ko sa'yo" Tumango lang si Harvey at naghanda na ito sa pag-uwi. Hahakbang palang sana siya ng, "Care for a dinner tonight?" "Thanks, pero naghihintay na sa akin ang boyfriend ko sa labas!" Lumamlam ang mga mata ni Jonard. Napabuntong-hininga. Para bang nagseselos na lihim niyang ikinatuwa. "Akala ko ba nanliligaw pa lang siya?" "Sasagutin ko na siya ngayon, bakit?" "W-wala!" Ang mahina nitong tugon "Okey, paano, mauna na ako sa'yo" Ang sabi niya lang sabay pihit sa doorknob ng pinto. "Sandali!" Pigil sa kanya ng binata at hinawakan nito ang isang kamay niya na magbubukas sana ng pinto. Napakislot si Harvey. Pansin naman iyon ni Jonard. Pangalawang beses na niyang napapansing napapakislot si Harvey sa tuwing hinahawakan nito ang kamay niya. Inilapit pa ni Jonard ang katawan niya sa katawan ng binata. Magkadikit na ang kanilang mga katawan. Amoy na nila ang pabango ng isa't isa. "Ano ba sa tingin mong ginagawa mo?" Mabilis na itinulak ni Harvey si Jonard. Hindi iyon dahil sa pagkabigla ngunit sa nakakadarang na hatid nitong init sa kanya. "Tisoy, pwede bang tigilan mo na ang larong ito. Alam kong ikaw iyan, kahit anong gawin mong pagkukunwari hindi mo ako mapapaniwala. "Excuse me, pero hindi ko na ulit-ulitin pang sabihin na hindi ako si John, nagmumukhang sirang dvd lang ako niyan!" "At kahit paulit-ulit mong itatanggi na hindi ikaw iyan. Hinding-hindi ako maniniwala dahil hindi iyan ang ibinubulong ng puso ko!" "At ano bang gusto mo? Ang pagsabayin kami ni Lesly? Ikakasal na kayo Jonard. Kaya pwede bang magpakalalaki ka na!" "Pwede ko pang hindi ituloy ang kasal namin. Paano ako patatali sa taong hindi ko naman talaga lubos na minahal?" "You can't do that!" "Yes I can!" "Whatever! I have to go!" At hindi na siya nagpapigil pa sa lalaki. Naiwang luhaan si Jonard. Masakit para sa kanya ang binalewala ng taong mahalaga sa buhay niya. Ganitong-ganito rin siguro ang nararamdaman ni John nang kanya itong tinalikuran noon. Parang ibinabalik lang ni Harvey ang sakit na naramdaman ni John noon na ginawa niya. Isinubsob naman ni Harvey ang mukha sa manibela ng kotse niya. Ano ba ang nangyari? Nandito siya para maghigante.Ang ipalalasap kay Jonard ang pakiramdam ng binalewala. Ang saktan ang damdamin nito katulad na katulad ng ginawa sa kanya noon. Pero bakit sa bawat p*******t niya sa binata, pakiramdam niya tinutusok din ang puso niya. Inakala niya handa na siya. Inakala niya nakalimot na siya. Akala niya hindi na siya apektado kung sakali mang makita niyang magkasama sina Jonard at Lesly. Ngunit puro maling akala lang pala ang lahat. Hanggang ngayon nasa puso pa rin niya ang lalaki. Hindi man sintindi ng kagaya noon, ngunit hindi na dapat pang manumbalik ang pagtatanging iyon. Matapos na silang mag-dinner nang magyaya si Lance na mag-bar na muna. Nagpaunlak naman siya. Wala namang pasok sa opisina kinabukasan kaya ayos lang na magpuyat. "Kumusta ang trabaho mo sa MFC?" Tanong sa kanya ni Lance habang nagsimula na silang uminom ng alak. "Ayos lang. Hindi naman ako masyadong nahirapang mag-adjust!" Ang sagot naman niya. "Mabuti naman!" Sabay lagok ng alak. Nasa ganoon silang pag-uusap ng biglang, "Pwede bang maki-join sa inyo?" Nanlaki ang mga mata ni Harvey sa biglang pagsulpot ni Jonard. Si Lance naman ay ganoon din. Pinukulan niya ng isang makahulugang tingin ito. Iyon bang pinaparating niyang hindi niya nagustuhan ang presensiya ng binata at panira lang ito sa moment nila ni Lance. "Excuse me sandali, iihi lang ako!"Paalam niya sa dalawa. Hindi naman talaga siya naiihi, kinakailangan na muna niyang i-compose ang sarili sa biglaang pagdating ni Jonard. Talagang sinasaid nito ang pasensiya niya. "Talaga bang seryoso ka sa kanya?" Ang tanong ni Jonard kay Lance nang sila na lamang dalawa sa mesa. "Kailan ba ako hindi nag-seryoso?" Ang sagot din naman ng lalaki. "Sana nga lang totoo iyang sinasabi mo!" "Ano ba ang ibig mong palabasin? Bagamat nagkasala ako noon sa'yo pero alam mo kung gaano kita sinamba at minahal, Jonard. Ikaw lang itong ayaw maniwala dahil gusto mong mananatiling trip lang sa atin ang lahat. Tao lang din ako, napapagod. Hindi naman na mahal kita ay kaya kong maghintay kung kailan mo gustong mahalin ako. Hindi mo alam kong gaano ako nahihirapan habang nakikita kang nagsasaya sa piling ng iba. At ako nanatiling nasa isang sulok, naghihintay na malimusan ng pagmamahal mo. At noong napagod ka ng magpakasasa sa iba, saka ko naman namulat ang mga mata ko na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo. Kaya iyon na nga, nahuli mo akong nakikipaglaro ng apoy kasama ang iba!" "Tapos na iyon. Nonsense kung pag-uusapan pa natin ang nakaraan. Its all about you and Tisoy. "Praning ka nga..!" Napailing si Lance. "..Hindi si Harvey si Tisoy. Mukha lang ng sinasabi mong Tisoy meroon si Harvey. "Hindi ako naniniwala. Malakas ang kutob kong siya si Tisoy at hindi ako makakapayag na mapupunta siya sa'yo!" "At kanino siya dapat, sa'yo? Mag-isip ka nga Jonard, anong buhay ang naghihintay sa kanya sa piling mo na may sabit na. Ikakasal ka na. Huwag mong guluhin ang tahimik na buhay ni Harvey. "Ikakasal pa lang ako. May sapat pang panahon para umatras. Si Tisoy lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda!" "Granting na si Tisoy nga si Harvey at kung sakali ngang nagka-amnesia lang siya. Bakit hindi ka man lang niya naramdaman. Ala-ala lang niya ang nawala ngunit hindi ang kanyang damdamin. O baka naman may nagawa ka sa kanya na ikinagagalit niya kaya kasabay ng pagkawala ng ala-ala niya iwinaglit na rin niya ang anumang namagitan sa inyo!" Doon na hindi nakasagot si Jonard. Totoo nga namang may kasalanan siya kay Tisoy bago pa man ito pumanaw. Gustong maniwala ng kanyang isip na hindi nga si Tisoy si Harvey, na magkaiba ang pagkataong meron sila, ngunit bakit patuloy na ibinubulong ng kanyang puso na iisang tao lamang sila? At sa tuwing nakikita niya itong unti-unting inaangkin ng iba, parang tinataga ang kanyang puso nang makailang ulit. Nakabalik na si Harvey mula sa comport room. Agad itong niyaya ni Lance na sumayaw. Naiwan nag-iisa si Jonard sa mesa. Tanaw niya kung paano lumambitin si Lance sa mga balikat ng binata. Parang ginawang sweet dance nito ang disco music na pumailanlang. Mukhang enjoy na enjoy naman si Harvey sa paglalandi sa kanya ni Lance. Putcha, parang wala man lang pakialam ang mga ito na tinitignan sila ng ibang nandoon. Ngunit kanya ring napagtanto na ang kadalasang parokyano ng bar na iyon ay iyong katulad nilang nasa gitna. Mas lalong nainis si Jonard. Kung pwede nga lang bugbugin niya si Lance para matigil na ito. Alam ni Harvey na nagsisimula ng makaramdam ng pagseselos si Jonard dahil sa hindi na maipinta ang itsura nito habang nakatitig sa kanila. Iyon bang parang tingin ng isang tigreng gutom at handang lumapa anumang oras. "Bagay nga sa kanya!" Sigaw ng kanyang utak kaya itinudo na niya ang pagpapaselos sa pamamagitan ng paglapit ng mukha niya sa mukha ni Lance, na kung tingnan sa malayo ay para talaga silang naghahalikan. Nang tingnan niya ulit si Jonard sa kanilang mesa, wala na doon ang binata. At laking gulat naman niya nang makita niya ito sa dancefloor na may kasayaw na isang paminta. May itsura rin at may sinabi ang katawan. "s**t, ambilis naman, hindi na siya nagbago. May Lesly na siya ay kung bakit pumapatol pa rin ito sa kauri nito" Nainis na tinuran ng kanyang utak. Hindi niya maipaliwanag kung bakit naging ganoon ang epekto sa kanya nang makitang may isinasayaw na iba ang lalaki. Titig na titig siya sa mga ito na nasa tapat lang nila, napaka-wild na sumayaw. At iyong kasama niya, kaysarap ibalik sa Manila Zoo, mistula kasi iyong nakawalang sawa kung lumingkis sa mga balikat ng binata. Hindi niya inaasahan ang biglang pagtitig sa kanya ni Jonard. Nabigla pa nga ito nang una ngunit kaagad ding nakabawi at nagbitiw ng isang nakakalokong ngiti. Iyon bang parang sinasabi nitong, "O, kala ko ba wala kang pakialam, bakit nakatitig ka? Affected lang?" Kaya upang hindi siya mahalata nito, agad niyang ibinalik ang tingin niya kay Lance na noo'y naging wild na ang pagsasayaw. Nakipagsabayan na siya kahit na hindi naman siya ganoon ka sanay. Nasa kasagsagan naman sila ng kanilang pagsasayaw nang makuha ang atensiyon niya sa grupo ng mga beki na rumampa sa gitna ng dancefloor. Napako ang tingin niya sa pinakamaingay sa grupong iyon, si Fred! Naloko na! Mabubuking na ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD