Chapter 20

3427 Words
Kabanata 20 Bago pa magtagpo ang kanilang mga mata ay agad na inihilig ni Harvey ang ulo niya sa balikat ng kasayaw niyang si Lance. Sa ngayon, iyon muna ang pwede niyang gawin dahil kapag bigla siyang umalis doon upang makaiwas kay Fred, paniguradong mas lalo siyang mapansin nito. Kilala niya si Fred, parang armalite kung rumatrat ang bunganga nito. Andoon pa naman din si Jonard. "Wait lang mga besh ha!" Ang narinig niyang wika ni Fred sa mga kasamahan nito. "Parang kilala ko ang fafa na ito eh!" Pakiramdam niya, sabay na nakatutok ang grupo ni Fred sa kanyang kinaroroonan. Iyon bang parang nakakita ng isang artista. Hindi alam kung sisigaw ba o maglulupasay o iyong hindi na lang muna magsasalita dahil nasa state of shock pa. "Are you okey?" Ang tanong sa kanya ni Lance nang isubsob pa niya lalo ang mukha niya sa balikat nito. "Medyo nahihilo lang ako Lance but I can still handle it!" Napapikit na siya nang maramdaman ang paghakbang ni Fred patungo sa kanilang kinaroroonan. Palakas nang palakas ang kaba sa kanyang dibdib. Parang nasa isang senaryo siya na kung saan siya ay parang isang kriminal na napapaligiran na ng mga pulis. "Jonard, long time no see, mas lalo kang naging masarap ah!" Nakahinga nang maluwang si Harvey. Parang nabunot lahat ng tinik na nakatusok sa kanyang dibdib. Mabuti na lamang at si Jonard ang unang napansin nito kaya sinamantala niya ang pagkakataon na umalis sa lugar na iyon at nag tungo ulit ng CR. Iniwan niyang mag-isa si Lance na kasalukuyan ng nakabalik sa kanilang mesa. "Bakit bigla kang nawala?" Boses iyon ni Jonard na hindi niya namalayang nakasunod sa kanya. "Naduduwal ako!" Ang simple niyang tugon. "Talaga lang ha. O baka naman may iniiwasan ka lang na siyang magpapabuking sa iyo!" "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" "Si Fred. Kaibigan mo siya diba? Akala mo ba hindi kita napansin kaninang namutla na para bang nakakita ng multo nang makita siya." "Wala akong kilalang Fred. At bakit ko naman siya katatakutan, nangangagat ba siya? Kung talagang magkakilala kami, bakit ikaw ang nilapitan niya at hindi ako?" Hindi nakasagot si Jonard. Naisip niyang may punto ang mga sinabi ni Harvey. Mukhang hirap siyang masukol ang isang ito. "Bakit hindi mo na lang ituon ang buong atensiyon mo kay Lesly. Walang kang mapapala sa pagpupumilit mong mapaamin ako. Magpakatino kana Jonard. Mahal ka ni Lesly. Kayo ang bagay. Huwag mo na akong gambalain pa!" May kirot na hatid sa puso niya ang huli niyang sinabi. Pero kailangan niyang panindigan ang pagiging si Harvey niya. Nandito siya para maghiganti. Hindi ang mahulog muli. Nasa ganoon silang pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto. Si Fred ulit. Gulat na gulat siya. Wala na siyang ibang dadaanan para makaiwas. Kung totoo lang sana ang teleportation ay ginawa na niya. Wala na, masusukol na siya. Wala na siyang kawala. "Bigla ka na lang nawala sa dance floor, bet ka pa naman ng mga friends ko" Palanding tinuran ni Fred kay Jonard. Hinaplos pa kunwari nito ang dibdib ng binata. "Wait!" Baling nito kay Harvey. " Tisoy? Is that you? OMG!" Ang laki lang ng bunganga ni Fred. Over na over kung maka-react. "Hindi ako si Tisoy. Pwede bang isama mo na 'tong kaibigan mo pag-uwi. Lango na yata e, iginigiit ba namang ako daw iyong...!" Hirap siyang bigkasin ang salitang BOYFRIEND kaya, "...kaibigan niyang namatay!" Iyon ang nasabi niya. "Infairness, kamukhang-kamukha mo talaga siya pogi e, ang pinagkakaiba lang mas masarap kang tingnan dahil sa ganda ng iyong katawan. E yung si Tisoy, napaka-sexy ng katawan, teh. Diet na diet na para bang may sasalihang beauty pageant!" Parang gusto niyang batukan si Fred sa sinabi nito. Sa dami ba namang pwedeng ihambing ay sa beauty pageant pa talaga. "Then, isa pa...!" Binalingan nito si Jonard inayos-ayos pa nito ang kwelyo sa suot nitong long sleeve. "...malabo naman yatang may makaligtas sa plane crash no? Sa pelikula lang iyan nangyayari. Kaya Onad, forget about Tisoy dahil nandito pa naman ako. Never been touch never been kiss. Sayo ko lang ibibigay ang virginity ko!" Palihim siyang kinindatan ni Fred at sinenyasan na umalis na habang kunyaring niyayakap niya pa ang binata. Kaya nagmamadali na siyang lumisan sa lugar na iyon. Narinig pa niya ang kanta ni Fred kay Jonard na, "IKAW NA BA SI MR RIGHT, IKAW NA BA ANG LOVE OF MY LIFE!" Parang gusto niyang matawa sa ginagawang iyon ni Fred dahil alam niyang tsina-tsansingan lamang nito si Jonard na noo'y hindi mo malaman ang ekspresyon ng mukha nito. Iyon bang parang nandidiri na natatakot. ———————— "Bakit hindi mo na lang kasi aminin Tisoy ang totoo, na buhay ka, na hindi natuloy ang flight n'yo noon para hindi ka magmukhang kriminal na tago nang tago. Buti na lang napansin kong nandoon din si Jonard kanina kaya imbes sa iyo ako lalapit sa kanya na lang para hindi ka mabuking!" Ang paglilitanya ni Fred nang makauwi na sila ng bahay. "Wala akong planong umamin Fred. Wala, na si Tisoy. Wala na ang taong sinaktan niya at minaliit. Ako na ngayon si Harvey. Palaban at matapang. Hindi iyong basta na lamang umiiyak sa isang sulok. Pinagtatawanan at winalang-hiya!" Ang matigas din niyang tugon. "Ang sabi mo, gusto mong ipadama sa kanya iyong sakit na pinadama niya sa iyo noon. Iyong pagtalikod niya sa iyo na hindi man lang nagawang pakinggan ang side mo, diba mas effective pag nalaman niyang ikaw talaga iyan. Alam kong mas masasaktan siya kapag ganoong ang basurang itinapon niya noon, beauty queen na ngayon!" Pinandilatan niya si Fred. "..este diyamante na ngayon!" "Para sa akin mas magandang ipamukha sa kanyang hindi lahat ng bagay na gusto niya, makukuha niya. Gusto kong maisip niya na nakahanap din siya ng katapat sa katauhan ni Harvey at hindi kay John!" "Well, hands-off na ako sa'yo friend. Ikaw na. Matanong ko lang, wala ka na ba talagang naramdaman ni katiting kay Onad?" Bumuntong-hininga siya. "Ayan na nga bang sinasabi ko e. Alam na alam ko na ang buntong-hininga na iyan, kalorke!" "Matagal na kaming wala. Matagal na panahon na ang nakalipas nang nilibing ko sa limot ang namagitan sa amin" "Anlayo naman yata ng sagot mo. I'll repeat, wala ka na ba talagang naramdaman sa kanya?" "Matutulog na ako Fred, mag-uumaga na" Ang tanging nasabi ni Harvey sabay tungo sa kanyang silid. Naiwang napakamot ng ulo si Fred. Habang nakahiga sa kanyang kama ay hindi maalis sa isip ni Harvey ang mga sinabi ni Fred. Tama nga kaya ang pasya niyang magpalit ng katauhan para makapaghigante kay Jonard? Ang ipadama sa binata ang sakit na dinanas niya noon ang siyang pinakamithiin niya ngunit sa tingin niya nawawala na ng direksiyon ang kanyang mga plano. Hirap man niyang aminin sa sarili niya pero hindi niya maitatangging nagiging malambot ang puso niya sa tuwing makikita niya si Jonard. Ang mga titig at ngiti nito sa kanya ay unti-unting tinutunaw ang galit sa kanyang dibdib na matagal ding panahon na nakahimlay rito. Kaya nabuo sa isip niyang iwasan na lamang si Jonard hangga't maaari. Hindi siya dapat mahulog muli. Ayaw niyang masaktan si Lance na hanggang ngayon umaasa pa ring makamtan nito ang kanyang pagmamahal. Isang malakas na palakpakan ang sumalubong sa kanya nang makapasok siya sa loob ng conference room. Isa-isa siyang kinamayan ng mga kasamahan niya pati na ang mga board of directors ng kompanya. Si Jonard nama'y halos yakapin na lang siya sa sobrang tuwa nito habang inihayag na nakuha nila ang SoKor dahil sa ideya niya. Tuwang-tuwa naman si Harvey sa isang napakagandang balitang sumalubong sa kanya. Maski siya ay hindi makapaniwala na nagawa niyang mahikayat ang SoKor na makipagkontrata sa kanila. Bilang isang fresh graduate na kagaya niya isa iyong napakalaking accomplishment sa kanya. Papasok na siya noon sa loob ng elevator nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Jonard. Saglit niya iyong nilingon ngunit hindi siya kumibo sa halip nagpatuloy siya sa pagpasok. Nakapasok na din si Jonard ng, "Congratulations and Thank you!" "You don't have to, It is one of my duty anyway!" Ang simpleng tugon ni Harvey. "Care for a dinner? Sana naman this time, paunlakan mo na ako gaya ng pinangako mo noong nakaraang linggo!" Naalala nga iyon ni Harvey skaya wala ng dahilan para tumanggi siya. Isa pa expected na rin niya iyon kanina pa nang malamang siya ang dahilang pagkakakuha nila sa SoKor. "Ok!" "Yes!" Napasuntok si Jonard sa hangin sa labis nitong tuwa dahil sa pagpayag niyang kumain sa labas. Iyon bang parang isang binata na sa wakas sinagot na rin ng babaeng nililiwagan. "Saan mo gusto?" Ang tanong sa kanya ni Jonard nang nasa loob na sila ng kotse nito. "Ikaw ang bahala, ikaw naman ang nagyaya diba?" May himig pagsusuplado niyang tugon. Iyon ang isa sa mga plano niyang gawin, ang pagaspangin ang pakikitungo niya sa binata. Sa ngayon hindi na niya gaanong naiisip pa ang paghihigante niya. Mas nakatuon ang buong atensiyon niya sa pagsupil sa isinisigaw ng kanyang damdamin. Pinapangako niyang ito na ang huling beses na makikipaglapit siya sa binata. Didistansiya na siya nito pagkatapos. Huminto ang sasakyan. Unang lumabas si Jonard. Umikot ito sa gilid niya upang siya ay pagbuksan. Nang makalabas, iginiya niya ang mga mata sa paligid. Nasa gilid sila ng isang park na kung saan nakahilera ang mga nagtitinda ng iba't ibang uri ng streetfoods. "Akala ko ba magdi-dinner tayo. Kung alam ko lang na mamasyal lang pala tayo sana hindi na ako sumama pa sa'yo!" Ang pagtataray ni Harvey. "Suplado naman nito. Sumunod ka na nga lang sa akin at nang makakain na tayo!" At nagpatiuna na sa paglakad si Jonard patungo sa mga nakahilerang tindahan ng mga streetfoods. Nahinuha naman ni Harvey kung saan sila kakain kaya, "Don't tell me, diyan mo ako pakakainin?" Sabay turo sa tindahan ng isaw. Napalingon pa nga ang matandang lalaki sa kanila habang inilublob ang isaw sa kumukulong mantikang nagkulay itim na. Hindi naman sa nag-iinarte siya, sa totoo lang matagal na rin niyang namiss ang kumain ng mga street foods. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang panunumbalik sa kanyang isip ng isang alaalang matagal na niyang nilimot. Naala-ala niyang sa lugar ding iyon una niyang dinala si Jonard upang masubukang kumain ng mga streetfoods. Kaysaya lang nila noon na para bang wala nang katapusan. Hindi niya inakala na mauulit ang mga sandaling iyon sa kasalukuyan kasama ng taong kailanman hindi nawala sa kanyang puso at isipan, tabunan man ng mga hinanakit at pagkapoot. "Laking states ka diba? Kaya para magiging isang ganap kang Pinoy kailangan mong tumikim nito, diba Manong?" Baling nito sa may edad ng lalaking tindero ng isaw. "Naku, totoo yan Sir. Masarap ho ang mga iyan. Paniguradaong walang ganyan sa states!" Sabad naman ng lalaki sabay abot sa kanya ng dalawang tuhog ng isaw. Hindi na lang kumibo si Harvey. Tinanggap niya ang iniabot sa kanya saka isinubsob sa ketchup at sinimulang kumain. Sa tulad niyang matagal ng hindi nakatikim ng ganoong pagkain hindi maikakailang sarap na sarap siya. Ang dalawang lalaki nama'y nag-aabang sa kanyang sasabihin. Iyon bang parang sumali sa isang cooking contest at siya naman iyong hurado na magbibigay ng verdict sa kanilang niluto kung ito ba ay pasado o hindi. "Isa pa nga Manong!" "Sabi ko na Sir e, magugustuhan ng katipan n'yo ang isaw, sarap kaya!" Sabay na nailuwa ng dalawa ang kinakain nila dahil sa sinabi ng lalaki na magkatipan. Kapwa sila napatitig dito. Halatang umalma sa salitang KATIPAN. Tumawa naman iyong tindero sabay sabing, "Ku, wag n'yo ng itanggi pa. Alam na alam ko na ang mga nangyayaring ganyan. Marami din naman akong mga parokyano na kagaya ng sa inyo!" May pagkatsismoso din pala itong si Manong, sarap lang batukan. Natahimik lang itong si Harvey samantalang si Jonard ay abot langit ang ngiti, mukhang nasiyahan sa sinabi ng tindero. "Ah, haha, ganun po ba? Hindi ko pa naman boyfriend iyang pakipot na 'yan Manong, nililigawan ko pa lang!" Bulalas ni Jonard habang nginunguya iyong isaw. Mistula namang hinataw ng isang matigas na bagay si Harvey. Gusto niyang pumalag sa sinabi nito ngunit bakit parang nagustuhan din niya iyong sinabi ng binata. Binalingan siya ng tindero. "Ay, Sir 'wag n'yo ng patagalin pa ang paghihirap nitong si Sir, mahirap ng makulembat pa ito ng iba. Bagay na bagay pa naman kayo, ang guguwapo ninyong pareho. Para siyang si Paulo Avelino at ikaw naman ay si...si...iyon bang bida sa Destiny Rose? Hindi ko na maalala!" "...Ken Chan ho!" Ang sabad naman ni Harvey. Hindi niya alam kung siya ba'y matutuwa o maiinis sa kadaldalan ng lalaki. Hindi kasi bagay. Napakalaki lang ng katawan nito na parang bouncer, sinong mag-aakalang mahilig ito sa ganoong palabas. "Ayun, tama Ken Chan nga. Hehe, hirap talagang magkaedad na...," Napakamot sa ulo. "Pero mas yummy kayo roon, Sir di-hamak na mas may katawan kayo sa kanya!" "Tigilan nyo nga ako Manong. Ke-lalaki ninyong tao, ang daldal nyo!" Ang pagsusuplado niya pa. Natahimik naman iyong lalaki. "Ayaw mo pa noon may kamukha kang artista?" Si Jonard. "Isa ka pa. Tutusukin na kita nitong hawak kong stick e!" At talagang sinugod niya si Jonard upang tusukin ito ngunit mabilis na umilag ang binata dahilan upan natapunan ang suot nitong long-sleeve ng isaw na may sauce. Agad din naman hinubad ni Jonard ang may mantsa nitong suot. Dahan-dahan na sinabayan pa ng pagkagat-labi. Iyon bang parang nang-aakit. Hindi naman naiwasan ni Harvey ang hindi mapatitig sa ayos na iyon ng lalaki. Naiinis man pero hindi niya maiwasang mag-init. Bagama't may sando pang nakatakip sa katawan ng lalaki, bakat na bakat naman ang mauumbok na masel nito sa katawan. Napalunok siya. Mas gumanda pa lalo ang katawan nito. "Mas gumanda ba. Model na model ang dating e 'no!?" Ang sabi ni Jonard. At nag-flex pa talaga ito ng muscles. "Oo model na model. Model ng isaw!" Ang pabalang na tugon ni Harvey. "Kaya pala kung makatitig ka sa katawan ko, halos papakin mo na!" Si Jonard sabay tawa na ikinainis naman ni Harvey. "Yak! Umayos ka nga. Para sabihin ko sa'yo mas maganda pa katawan ko diyan kaya never ko iyang pagnanasaan!" "Patingin nga!" Hinawakan ni Jonard ang suot niya at tinangka iyong hubarin. "Tang-ina, ano bang ginagawa mo!" Sawata niya rito. "Gusto ko lang ng proof!" "Nek-nek mo!" Ang sabi niya sabay hakbang papalayo sa binata. Oo, naiinis siya kay Jonard. Pero habang nagtatagal tinutupok siya ng kamandag na meroon ang binata. Mukhang bumibigay na nga ang pinatigas na niyang puso. Kasabay ng pag-alis niya ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit wala siyang balak na tumigil o sumilong. Ang tanging nasa isip niya ay ang makalayo sa binata. "Harvey, saan ka pupunta? Sumilong ka muna, baka magkasakit ka!" Ang narinig niyang sigaw ni Jonard na nakasunod sa kanya. "Pakialam mo! May pera naman akong panggamot. Philhealth, SSS, Pag-ibig at—" "—Memorial plan!" Ang pagsingit naman ni Jonard. Napatawa. "Whatever!" Si Harvey na hindi man lang lumilingon sa nakasunod na binata. Ngunit bigla din siyang tumigil nang may maisip na kapilyohan. Sinimulan niyang hubarin ang suot niyang long-sleeve. Pati na rin ang sando niya. "Bakit ka naghubad, baka malamigan ka!" Saway ni Jonard sa kanya ngunit hindi siya tumigil. Nang mahubad na niya ang kanyang suot, humarap siya sa lalaki. Kitang-kita niya ang paglunok ng laway ni Jonard habang titig na titig sa napaka-hunk niyang katawan. Katawang wala noon si John. "Diba sabi mo kanina, gusto mo ng proof? Heto ang proof!" "Kanina iyon na hindi pa umulan. Magdamit ka nga ang sagwa mong tingnan!" "Tange, basa na yang damit ko, baka mamaya pulmonya pa ang labas ko!" Agad siyang hinila ni Jonard papasok sa loob ng sasakyan. "Hatid na kita, baka mamaya maging bold show pa ang lugar na 'to!" "E, bakit ikaw?" "Atleast may sando pa ako" "Ano bang problema mo? May boobs ba ako na hindi dapat makita ng iba. E kung maghubad ka rin kaya at nang pantay ang laban?" "Gusto mo talaga ng hubaran ha...!" Bigla na lamang hinubad ni Jonard ang sando. Pati na ang suot nitong pantalon na siyang labis niyang ikinagulat. Tanging puting brief na lamang ang suot ni Jonard. Bakat na bakat dito ang nakahimlay nitong alaga na bigla na lamang nagkabuhay ng kanya itong titigan. Ipokrito siya kung hindi niya amining nag-iinit siya sa isang Adonis na nasa kanyang harapan. Matagal na rin na panahong naging tigang siya na sa kabila ng naramdamang poot niya sa binata ay ito pa rin ang pinagpantasyahan niya sa tuwing siya ay magsasarili. Iniwas niya ang tingin kay Jonard. Katahimikan. Hanggang sa namalayan na lamang niya ang mainit na palad ng binata na hinimas-himas ang kanyang gitna pataas sa kanyang dibdib at marahan nitong nilalapirot ang magkabila niyang u***g. Napaigtad siya. Para siyang sinilaban sa labis na init na naramdaman. Gusto man niyang umiwas ngunit hindi sumsang-ayon ang kanyang isip at katawan. Hindi niya mapigilang umungol. Kaya mas lalo pang diniinan ni Jonard ang panghihimas nito sa kanya. Napapikit siya sa sobrang sarap ng sensasyong kanyang nadarama na para bang magpi-precum na siya. Limang taon din siya sa Amerika ngunit wala ni isang lalaki ang nakahawak sa kanyang katawan nang ganoon. Lumapat ang maiinit na labi ni Jonard sa kanyang mapupulang labi, tinanggap niya iyon. Tuluyan nang nahawi ang tabing na pang-harang niya sa nakatagong damdamin niya para sa binata. Kaytagal din niyang inasam na muling matikaman ang mga halik nito. Hinawakan ni Jonard ang kamay niya habang bumaba ang halik nito sa kanyang dibdib. Napaungol siya. Iginiya ng binata ang kanyang palad patungo sa naghuhumindig nitong pagkakalaki na nakatago pa sa ilalim ng brief nito. Ramdam niya na mas dumoble pa ang laki noon. "Miss na miss ka na ni manoy!" "Onad!" Ang nasambit niya nang naging mapangahas na ang mga halik ng binata. Dahilan naman para napahinto ang binata sa pambobrotcha sa u***g niya. Ewan niya kung narinig iyon ng binata ngunit naging susi iyon na makabalik siya sa kasalukuyan. Na mali ang kanyang ginawang pagpatol niya kay Jonard. Narito siya para maghiganti hindi ang makipagmabutihan kaya, "Stop Jonard please!" Bulalas niya sabay tulak sa binata. Hindi niya alam pero parang nahihiya siya sa kanyang sarili. Nasaan na ang pagmamatigas niya na sa isang halik lang nito ay agad siyang lumambot. Baklang-bakla siya sa kanyang sarili. Ipinagdasal niyang sana lang hindi narinig ni Jonard ang mahinang pagtawag niya ditong "ONAD" na tanging si John lang ang tumtawag dito ng ganoon. "Saan ba ang sa inyo?" Ang mahinang tanong ni Jonard. Halata sa boses nito ang pagkadismaya. "Ibalik mo na lang ako sa office. Nandoon ang kotse ko uuwi akong mag-isa!" Ang tugon lang niya. Katahimiman. Pagdating nila sa opisina ay agad niyang tinungo ang kotse niya sa parking lot. "Thanks!" Ang sabi niya bago pinaharurot ang sasakyang. Thumbs up lang ang itinugon sa kanya ng binata. Ang isang kamay niya ay abala sa pagmamaneho habang ang isa nama'y abala sa pagpapahid sa mga luhang bumagtas sa kanyang pisngi. Akala niya hindi na muli siyang luluha ngunit ngayon, heto. Buong akala niya ay si Jonard ang kalaban niya ngunit isang pagkakamali ang isipin iyon. Dahil ang tunay na mahigpit niyang kalaban ay walang iba kundi ang kanyang sarili. Para siyang isang boxer na ang ginawang punching bag ay ang sarili niyang katawan. Sa bawat suntok niya dama niya ang sakit nito. Iyon ang sa tingin niya ang nangyayari sa kanya ngayon. Pilit siyang umiiwas sa binata. Pinaniwala niya ang sarili na hindi na niya ito mahal sa pamamagitan ng pagpuno niya ng poot at galit sa kanyang dibdib. Iyon ang siste ng paghihiganti niya, ang saktan ang damdamin ng binata ngunit pakiramdam niya doble ang sakit na balik nito sa kanya. Nang muli niyang maramdaman ang maiinit nitong halik kanina, napagtanto niyang mahal pa nga niya si Jonard. Nakatatlong busina siya bago bumukas ang gate. Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay ang bunganga ni Fred ang sumalubong sa kanya. "O my, Tisoy napano ka? Bakit ka nakahubad? Nahold-up ka ba at ang basa mo pa?" Naalala ni Harvey na naiwan pala niya ang kanyang damit sa loob ng kotse ni Jonard. Hindi niya iyon muling isinuot dahil basam-basa na ito. "Tange! Kung nakahubad ba, nahold-up na agad? Sa tingin mo ba makakauwi akong dala ang kotse ko kung nahold-up nga ako?" "Malay ko ba kung katawan mo lang ang habol ng mga hold-apir. Naku hindi ako makakapayag niyan Tisoy, mauuna muna ako sa'yo bago sila!" "Ummm!" Binatukan niya si Fred. Saka biglang may kumatok sa pinto. "Aray ko! Tisoy naman hindi na mabiro. May regla ata!" "Bukasan mo na nga lang 'yong pinto!" Padabog na tumalima si Fred sa utos niya, himas ang ulo nitong binatukan niya. "Ayyyyyyyy!" Ang sigaw ni Fred sabay sara muli ng pinto. Nilapitan niya si Fred. "O, may multo ba?!" Hinawakan niya ang doorknob at ng akmang pihitin na niya iyon, "Tisoy huwag!" "Anong huwag!?" Naguguluhan niyang tanong kay Fred na para bang nakakita ng isang maligno. "B-basta hu-huwag mong buksan!" Hindi niya pinakinggan si Fred sa pag-aakalang umaandar na naman ang katarantaduhan nito. Pinihit niya ang doorknob. Hinila niya ang dahon ng pinto at biglang nagulat siya to the highest level..... "Jonard?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD