"Jonard?" Ang nabiglang sambit ni Harvey na para bang nakakita ng bangkay na muling nabuhay. Isasara na sana muli niya ang pinto pero naging maagap si Jonard para pigilan ito. "Mag-usap tayo Tisoy!" sigaw na sambit ni Jonard habang hinawakan siya nito sa braso, akmang tatalikod kasi si John para umiwas. "OH-M-OF-G malaking gulo 'to!" Ang pagsingit naman Fred. Tinakpan pa nito ang bunganga saka biglang umalis. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan Jonard!" Ang matigas na wika ni Harvey. "Anong wala? Marami tayong dapat pag-usapan. Iyan, iyang pagpapanggap mo bilang si Harvey at paniwalain mo kaming patay ka na sa tingin mo hindi malaking usapin yan?" "Tatanggalin mo ba ako sa kompanya because of dishonesty dahil gumamit ako ng ibang indentity?" "Hindi iyan ang pinupunto ko!" Nagcrac

