THOMAS Paglabas pa lang ng sasakyan ni Chazzy ay bumalik ako sa loob para magpaalam kay Travis. “Dito ka muna, okay? Lalabas lang ako sandali.” Sinulyapan ko si Auntie Sabel. “Susundan ko lang siya, hanggang sa safe siyang makauwi.” “Sige. Ako na ang bahala kay Travis.” “Papa, isasama mo po pabalik si Tita Chazzy?” inosenteng tanong ng anak ko. “Soon, buddy. Soon,” nakangiting sabi ko, sabay ginulo ang buhok niya. Mabilis akong lumabas ng bahay para sundan si Chazzy. She was emotional when she left the house, so I was afraid something might happen to her on the road. Halos paliparin ko ang sasakyan para lang maabutan siya. Mayamaya lang ay bumagal ang pagpapatakbo ko nang makita ang nakahintong sasakyan sa gilid ng daan. That was her car. Bahagya akong dumistansya at humint

