Chapter 66

1341 Words

CHAZZY Nagising ako nang tumunog ang alert tone ng phone ko. Pupungas-pungas ng mata, tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Kinurap-kurap ko ang mata ko para makita nang mas malinaw ang nakarehistrong pangalan sa phone ko, ngunit "unknown number" ang tumatawag. Hindi ako sumasagot ng unregistered number sa phone ko, pero parang may nag-uudyok sa akin na sagutin ko ang tumatawag. Kahit inaantok pa ay sinagot ko ito. “Hello?” namamaos ang boses na tanong ko. “Hi.” Bumalikwas ako nang bangon sa higaan nang marinig ang pamilyar na boses. Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ang boses niya. “Thomas?” Gusto kong kumpirmahin dahil baka guni-guni ko lang ang narinig ko. “Yes, it's me. Sorry for waking you up.” Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Ala una pa lang ng madaling araw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD