CHAZZY Hindi ako makapag-focus sa pinag-uusapan namin ni Mr. Delgado. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang nalaman ko kanina mula kay Tanjie. I didn't know he had a child. Wala ring binabanggit sa akin ang kapatid ko. O baka ayaw lang niyang sabihin dahil ayaw lang niya akong mag-isip. E, sino naman ang ina ng bata? Natapos ang meeting namin ni Mr. Delgado na wala akong naintindihan. Heto nga at tulala ako habang nakatayo sa labas ng restaurant. “Tita Chazzy!” Napalingon ako nang marinig ang maliit na boses. Tumatakbo palapit sa akin si Travis. Nakasunod sa kanya ang magkapatid na Tanjie at Thomas. Gusto ko sanang umalis na para hindi nila ako maabutan, pero naawa ako kay Travis dahil tinawag pa talaga niya ako. Alanganing ngumiti sa akin si Thomas nang nasa harap ko na sil

